"Daddy Doc, sino ang nanay mo?" Napatigil si Kaiden sa kanyang ginagawang pagluluto sa tanong na 'yon ni Dreams. Nakapwesto si Dreams malapit sa dining table, nakasandal ang siko nito sa upuan habang nakatingin niya diretso sa picture frame na naroon. Bumalikwas ng takbo si Kaiden upang kunin iyon dahil ayaw niyang mapakialama iyon ni Dreams. Hindi niya alam pero labag iyon sa kanyang kalooban. "Don't you dare touch this one." Singhal ni Kaiden at tinutukoy nito ang pictura frame na noon ay hawak na niya sa magkabila nitong kamay saka ipinagpatuloy ang pagtutuloy. "Luh? Hindi ko naman hahawakan e, nagtatanong lang ako." Sagot nito at humarap sa gawi ng doktor kung saan abala ito sa pagluluto ng kanyang hapunan. "Siya 'yong nanay mo, di ba? Nasan na siya ngayon? Bakit hindi mo siya kas