"Daddy Doc, kailan naman 'yong birthday mo para mabilhan naman kita ng magandang regalo?" Pagtatanong ni Dreams habang nakasunod siya kay Kaiden na abalang nagmamasid ng damit na ipangreregalo nito kay Oheb. Napangiti si Dreams nang batiin sila ng saleslady na nakabantay roon sa shirt section. Siya na ang nag-abalang bumati pabalik dahil hindi nag-abalang magsalita ang kasama niyang lalaki na noon ay nakapamulsa ang dalawa nitong kamay sa bulsa niya. Inalalayan kami ng bumati sa aming saleslady. Tahimik pa rin si Kaiden kaya muling humirit si Dreams. "Uy! Magsalita ka naman. Sige ka, mamamaho 'yang laway mo kapag 'di ka nagsalita dyan." Pananakot nito pero hindi pa rin nagsalita si Kaiden at sinimulan na niyang pumili ng damit. "Nakakaawa naman 'yong nanay mo, nagkaroon siya ng anak na