"Sobrang sarap talaga ng luto mo, Dreams. Hindi nakakasawang kainin," Pamumuri ni Oheb habang punong-puno ang bunganga niya ng pagkain. Muntik pang tumalsik sa laway ni Edward na kaharap nito ang ilang kanin sa mukha niya. Walang magawa si Dreams sa unit dahil nabuhuryo siyang manood ng tv kaya naisipan niyang dalhan ng makakain si Kaiden sa ospital. Magandang pagkakataon rin iyon para matanong kina Oheb kung kilala ba nila 'yong babaeng tinutukoy ni Kaiden. Nagdala siya ng chicken currh na specialty niya para may pang-uto siya sa tatlo. Sakto rin na nahuling nagtimeout si Kaiden dahil may inuperahan siya ng bandang tanghalian. "Tutal naman nasarapan kayo sa luto ko ay sobrang natutuwa ako, maniningil ako." Sa sinabing 'yon ni Dreams at sabay ba nabulunan sina Oheb at Edward sa gulat.