"Sinisipag ka yatang magdala ng makakain dito sa ospital? Ganon mo na ba kamiss si Doc?" Pang-aasar ni Doc Edward kay Dreams na abalang inilalabas ang mga dalang tupperware ng pagkain sa loob ng bag. Ngiting aso pa niya itong nginitian kaya kinantyawan siya nina Oheb at Marco na nakatingin na rin kay Dreams. "Ano ba kayo! Pinapaamo ko lang naman siya, masyado kasing mailap e." Sagot nito pagkatapos ay naupo na siya sa tabi ni Marco. "Ano bang pinagdaanan non sa buhay at ganon 'yon kasungit? Ni hindi ko siya nakitang ngumiti ng matamis. Maski pagtawa niya hindi ko pa narinig." Pinunasan ni Oheb ang gilid ng kanyang labi gamit ang tissue saka sinagot ang tanong ni Dreams. "Naku! Malala ang nangyari don, sa sobrang lala, ayon natrauma na yata. Dinaig niya pa 'yong mga napapanood na teleser