CHAPTER 02
"THE GIRLS"
"Why are you blushing?' Takang tanong ni Kelsey nang makapasok kami sa room. Umiling lang ako at umupo sa tabi nila. Inclined ang setup ng room namin para mas makita namin ang professor.
"Inabutan ng tubig ni boy best friend baka daw mauhaw." Pang-iinis naman ni Julia kaya agad ko naman ito hinampas ng tumbler. Kahit kailan talaga walang araw na hindi ito nang-aasar.
"Nakalimutan ko lang sa bahay. Issue ka na naman diyan DOTA girl." Balik ko sa kaniya at pinasok sa bag ko ng maayos ang tubigan ko. Napaikot mata ni Kelsey at makahulugang ngumisi.
Agad naman akong napailing dahil binibigyan na naman nila ng kahulugan ang saamin ni Noah.
Bilang kilala nga si Noah ay walang araw na walang umamin na babae sa kaniya tungkol sa nararamdaman nila para sa kaniya. Wala ring araw na walang nagd-DM saakin sa i********: na nagpapanggap na girlfriend sila ni Noah.
Kaya nga sinabi ko sakaniya na pag nasa school kami ay lubayan niya ako dahil gusto ko matahimik buhay ko. Alam ko na nasa college na kami at maging ako, gusto ko ipamukha sa mga nagkakagusto niya 'yun dahil parang mga bata parin mag-isip. Kasalanan ko bang kakilala ko yang si Noah. Kahit ako gusto ko ng kumawala.
"Ewan ko sainyo. Parang kapatid ko na si Noah kaya wag n’yong bigyan ng malisya." Pagsaway ko at umupo sa gitna nila. Dahil alam ko hindi mataas ang resistance ni Kelsey sa kadaldalan ni Julia.
"Linyahan ng mga scammer 'yan, right?" Kelsey asked at bigla namang tumawa ng malakas si Juls. Mabuti na lang at wala pang masyadong tao at professor kun 'di kanina pa kami napagalitan.
"Wag kang nagsasasama kay Juls, Kelsey, bad for your health." Pangaasar ko at agad naman itong tumawa ng pagkaganda at napailing.
"Hininga mo bad." Pagbawi niya at agad akong napailing. Kung nandito lang si Levi malamang kanina pa tumikom ang bibig nito.
"Kung hininga ko bad bakit 'di ka parin crush ng crush mo?" Sagot ko at napaawang naman ang bibig nito dahil sa pambabara ko. Magsasalita pa sana nang magsalita si Kelsey.
"Stop roasting each other." Saway saamin ni Kelsey. Napaismid naman ako dahil siya ang pinakabata saamin pero kami ang inaawat.
"Porket may lawyer boyfriend." Balik ni Julia at agad naman akong napabaling kay Kelsey.
"By the way, how are you and Dom?" Tanong ko kay Kelsey. Kelse is in a long-term relationship. Matagal na rin sila at pagkakaalam ko since High school pa sila. Kilala ni Julia 'yun dahil schoolmates sila. Naging kaibigan ko lang sila Kelsey and the rest through Julia.
"We're good naman. He's a bit busy since they have exam this upcoming week." Mahinahong sagot ni Kelsey. Sana ako din may jowa. Nakakainggit kaya yung may nag ce-care sa'yo.
Although, sawa naman ako sa alaga pero kasi iba pag talaga may boyfriend ka. Parang may emotional support ka at feeling mo kaya mo lahat. Ewan ko ba, never naman akong nagkajowa pero parang ganoon ang nakikita ko sa iba.
“Nag-text pala saakin si Callia. Wala na daw silang klase sa hapon dahil wala silang professor." Sambit ni Julia. Sakto at hanggang ala-una lang pasok namin dahil quiz lang naman namin mamaya.
"Let's meet 'em. My sister also doesn't have any class for today. I'll text her." Sabi naman ni Kelsey at agad naman akong napatango. Malapit din saamin ang kapatid niya. Kasalukuyang nagaaral sa University of Saint Dominic ang kapatid niya. AB Communication naman ang kinukuha noon.
"Saan natin sila kitain? Wala naman akong dalang kotse ngayon." Dagdag ko. Hangga’t maari ayoko nag da-drive dahil masyadong hassle. Malapit lang naman ang condo ko dito at sa mga commercial establishments. Tsaka nandyan naman si Noah para sunduin ako kung kailagan ko.
"Sa bilyaran, tara g? Malamang doon deretso nito ni Callia." Sambit ni Jules at agad naman ako napaisip. Pwede naman siguro.
"Kayo bahala, text mo din si Ayumi." Sabi ko. Pinsan niya kasi yun na nag-aaral din sa Saint Dominic.
Pagkatapos n’on ay dumating na ang professor namin at nagsimula na rin ang klase namin. Mabuti na lang talaga at may kaunting briefing bago kami mag long quiz nang makundisyon ko utak ko. Mahirap na lalo't katabi ko 'tong dalawa.
Halos turingan naming magkakaibigan ay parang magkakapatid na. Simula nang makatungtong kami ng kolehiyo ay kami na ang tandem. Si Julia kasi at Kelsey ay block mate ko eversince nag college ako. Nakilala ko na lang si Kristine dahil magkapatid sila ni Kelsey tapos si Ayumi naman ay pinsan nila. Natatawa nga kami minsan dahil parang United Nation pamilya nila habang si Callia naman ay schoolmate nila Julia noong highschool.
Napakaswerte talaga namin dahil sa kabila ng yaman ng pamilya namin at marangyang buhay na mayroon kami, nagagawa parin naming maging normal.
Yung iba naming kakilala ay college palang nakatali na sa responsibilidad sa mga negosyo na tinayo ng mga magulang nila habang kami, sinusulit na namin ang kabataan namin dahil pag natapos kami sa kolehiyo ay tiyak, magkakaroon na kami ng kaniya-kaniyang buhay.
"Psst..ano sagot sa 27.." rinig kong bulong sakin ni Jules. Napakamot naman ako at umiwas ng tingin dahil umiikot ang professor namin. Sinipa pa nito ang paa ko para lang makuha ang atensyon ko.
Lumingon-lingon ako upang tignan kung may nakatingin. Napansin kong seryoso si Kelsey na nagsasagot ng kaniyang papel kaya napabaling muli ako kay Jules at sinulat ko ng pa-simple sa palad ko at ipinakita sa kaniya.
"Thanks kaya love kita eh.." bulong niya at muling tumugon sa papel. Kahit kailan talaga 'to, sabi ko sa kaniyang mag shift na siya dahil hindi naman 'to ang gusto niya.
Hindi naman ‘to ang gusto niyang degree dahil malayo ‘to sa linya ng gusto niya. Baliw lang talaga ‘to dahil mas gustong sundin ang iba kaysa sundin ang pangarap niya.
Ilang oras lang din ang dumaan at natapos na kami mag exam. Ala-una na nang ma-dismiss kami sa pangalawa naming klase.
Nang makalabas kami sa room para ay naglakad kami sa hallway papalabas ng school. Habang naglalakad kami ay biglang tumunog ang phone ko at nang tignan ko ito ay nakita kong nag-text si mom.
( Hi anak, can you come home later? I'll prepare a feast. Anniversary namin ng papa mo. Don't forget to bring Noah with you.)
Napahinga ako ng malalim at agad na tinext si Noah. Pero kalaunan ay bigla nagring ang cellphone ko na agad ko naman sinagot.
“May gagawin ka later?”
(None. I'll fetch you in your condo.)
“Okie. Uuwi ka ba sa condo mo?”
(Ayoko. I'll sleep in your place tonight.)
“Sige bahala ka. Bye na.”
Pagkababa ko ay pinulupot ko ang braso ko kay Kelsey at Julia. Nakatuon sa phone rin si Kelsey habang si Julia naman ay kumakain ng ice cream dahil dumaan kami sa canteen pagkatapos ng klase.
Nang makalabas kami ay agad kaming tumawid at naghanap ng masasakyan. Sa huli ay nag E-trike lang kami dahil malapit lang naman dito ang bilyaran. Medyo high-end ang bilyaran na 'yun dahil puro mayayamang estudyante ang nandoon. May inuman din doon kaya laging nakatambay doon si Callia.
Ilang saglit lang din ay nakarating na kami sa destinasyon namin at nagbayad kami ng pamasahe. Nang makapasok kami sa loob ay hindi na kami nagulat sa mga estudyanteng dumadayo dito, maganda kasi tumambay dito dahil sa ganda ng ambiance. Hindi lang naman kasi bilyaran ang nandito kun 'di pati na rin mga kainan at smoking area.
Pag akyat namin sa taas ay sumalubong saamin ang magandang babae na seryosong nagtuturo ng bilyar. Maigsi ang maitim nitong palda habang bukas ang dalawa nitong butones sa dibdib at maluwag ang neck tie nito sa leeg. Nakataas rin ang manggas ng polo niya habang may sigarilyo ito sa bibig.
Maputi ito at hindi alintana nakakamangha ang pangangatawan nito. Maging ang mukha ay kapuri-puri dahil sa pagiging mukhang manika nito.
Maraming lalaking nakamasid sa kaniya pero halatang namang wala siyang pakielam at patuloy nagtuturo sa dalawa kung paano ang tamang pag sargo.
"Kakaibabe!" Sigaw ni Julia at tumungo kami sa pwesto nila. Bigla naman sila napatingin samin at ngumiti. Bumeso kami dito at pinisil ko naman ang pwet ni Callia.
"Grabe ang sarap mo naman!" Pahayag ko at bigla namang ngumisi ito. Tinapon niya sa lapag ang sigarilyo at tinapakan upang mamatay ang sindi.
"Sorry amoy usok ako." Paumanhin niya at bumeso ako kay Ayumi at Kristine.
"Ang taray sumasargo na kayong dalawa ah!" Turo ni Julia at pinulupot ang kaniyang braso sa maliit na bewang ni Callia. Kahit kailan ay hindi ko maiwasang mamangha sa katawan ni Callia. Maliit ang bewang nito habang malusog ang pangharap at pwetan nito. Maging ang mukha niya ay maliit.
Kahit sino 'ata ayain nito lahat mapapasama.
"Nahihirapan na nga ako eh!" Inis na batid ni Ayumi at napanguso habang sinusubukang makapuntos. Si Kristine naman ay nakahawak lang sa stick habang nakagawi saamin.
Feeling ko tuloy ako pinakapangit sa magkakaibigan. Paano ba naman, pati ang magkapatid na sina Kelsey at Kristine ay nabiyayaan sa magandang mukha. Lalo naman si Julia na kutis porselana at maaliwalas angmukha. Dahil narin siguro sa dutch blood nito na nagmula sa mommy niya.
Pero syempre hindi rin naman magpapatalo ang ganda ng kayumanggi. Ako at si Kristine ang pinaka morena. Sabi kasi nila mas strong ang features ng mukha ko gawa ng pure spanish si Dad.
Pero sa aming lahat, si Ayumi at Kelsey talaga ang gandang-ganda ako dahil kahit simple lang ito ay malakas ang karisma. May lahi kasing hapones si Ayumi habang si Kelsey naman ay may pinaka-maamong mukha. Si Callia naman ay malakas ang dating dahil na rin sa magandang pangangatawan at mapang-akit na awra.
"Wait nga papalista ako,” Paalam ko at lumapit sa reception para magbayad para makapaglaro. Saaming lahat, Ako, si Julia at Callia ang magaling sa pagbibilyar. Minsan nga ay sumasali pa kami sa tournament. Sampung libo din 'yun.
Nang mabigyan kami ng isang lamesa ay kumuha ako ng stick at tinasahan ito. Binudburan ko ang kamay ko ng pulbo at pumwesto na sa table namin. Kalaro ko ngayon si Julia dahil tinuturuan pa ni Callia sina Ayumi at Kristine.
"Ayoko na ang hirap talaga!" Paghihimutok ni Ayumi at nakanguso na itong napahiga sa table. Naka oversized sweatshirt ito at naka Nike-pro shorts habang naka bun naman ang buhok niya. Para talaga siyang manika at stuff toy dahil bukod sa maganda siya ay natural sa kaniya ang pagiging cute.
"Kaya mo yan tanga! Akala ko ba gusto mo makalaro boyfie mong dirty?" Pangaasar ni Callia na agad naman siyang tinusok ng stick ni Ayumi at napanguso.
"Bakit may halong lait?" Tawang tanong ni Kelsey at agad namang dumepensa si Ayumi.
"Ang sama mo..mabait naman si Jake ah." Mahina niyang giit habang nakanguso at nag ni-ningning ang mata. Napailing na lang ako at sumargo.
“Mabait daw..ang dumi niya kamo." Panglalait naman ni Julia at tumawa naman kami ng malakas nina Kelsey at Kristine. Magkapatid nga 'tong dalawa.
"Girls don't bully her. Let her be in love." Pag-awat naman ni Kristine at tumira. In all fairness, gumagaling siya sa paglalaro.
"Ikaw na, Juls."
Naramdaman kong nag-vibrate ang phone ko at nakitang tumatawag si Noah kaya sinenyasan ko si Jules na may sasagutin ako na tawag at ibinigay ko ang stick ko kay Kelsey.
‘Why?”
(Saan ka?)
Malambing ang pagbungad ng boses ni Noah saakin. Agad naman akong napangisi at napapigil ng tawa. Parang bata talaga 'to.
“Nasa bilyaran. Bakit?”
(Pwede pumunta?)
“Bakit? Wala ka bang kaibigan?”
(Tsk. Masama ba? Gusto ko maglaro.)
“My girls are here...but whatever bahala ka.”
(Papunta ako, bye.)
Napaawang ako nang babaan niya ako ng call. Kahit kailan kung nasaan ako dapat siya rin nandoon. Kulang na lang lagyan ko siya ng dog collar.
Pagkatapos ng tawag ay tumungo ulit ako sa table namin at sinandal ang kamay ko para manood sa game ni Kelsey at Juls.
"Gago matatalo ka ni Kelsey." Batid ko. Infairness ah, gumagaling na ang batang 'to. Siya ang pangalawa sa huli na bata dahil ang pinakabata saaming lahat ay si Callia.
"Ikaw ah sino nagtuturo sa'yo?" Pangaasar ni Juls at napairap naman siya at ngumiti ng makahulugan.
“My boyfriend,” Proud niyang sabi. Bilib talaga ako sakanila ni Dominic. Ilang taon na rin silang dalawa. Hindi na ako magtataka kung sila magkatuluyan. Mas naiinggit ako pag magkasama sila. Makikita mo talagang mahal na mahal siya ni Dominic.
“Respeto sa may wala,” Inggit kong sabi at naglagay ng alcohol sa kamay ko.
"Coming from someone who already has the man." Makahulugang sabi ni Kristine at nakipag apiran pa ito kay Callia. Napairap naman ako at napailing dahil sa sinabi nila.
"Malabo. Iba type n’on tsaka mahilig lang maglaro ‘yun." Depensa ko at sumandal sa pader upang maglaro ng Call of Duty. Nahahawa na ako sa pagiging mahilig ni Julia sa mga ganitong laro.
Napatigil kami nang mapansin namin ang imahe ng isang lalaki. Napatingin naman ako at napataas ng kilay nang mapansing nandito ang boyfriend ni Ayumi.
"Bakit ganyan shorts mo? Nagpapaakit ka ba?" Bungad niya kay Ayumi habang nakakunot ang noo nito. Biglang napaayos ng tayo si Callia at tinaliman niya ng tingin kay Jake. Hindi niya nagustuhan ang pananalita nito.
"Ano bang pake mo?" Maanghang na sabat ni Callia. Sinitsitan na siya ni Kristine upang pigilan ito na patulan si Jake dahil baka magsimula pa ng malaking gulo.
Kasintahan kasi siya ni Ayumi at halos magiisang taon narin sila. Maganda naman siya at maraming nagkakagusto pero hindi ko alam bakit itong balahura na 'to sinagot niya. Masyado siyang kino-kontrol sa lahat ng bagay pati na rin sa pananamit. Kung ako jowa nito wala pang isang linggo goodbye na agad.
"Ang sabi ko, bakit ganyan suot niya. Para siyang pokpok." Agresibong sabi ni Jake. Napangiwi naman ako sa sinabi niya at sumingkit ang mata ko. Tarantadong 'to, ano karapatan niya sabihan kaibigan namin ng ganun?
Nakita ko namang nanlumo mukha ni Ayumi at napahatak sa shorts niya ng kaunti upang humaba dahil sa hiya. Bigla naman ako nakaramdam ng awa kay Ayumi. Mabuti na lang katabi niya si Kristine para paalalahanan siya na wala siyang ginagawang masama.
"Anong sabi mo?" Mapagbantang tanong ni Callia habang mahigpit na itong nakahawak sa stick niya. Lumapit na ako dahil mukhang magkakainitan pa sila.
Marami naring nakatingin sa gawi namin habang ang iba'y pinagkukumpulan na kami. Hinatak na namin si Callia pero iniwas niya itovat binigyan ng nakamamatay na tingin si Jake.
"Callia.." Nagaalalang tawag ni Ayumi. Para itong batang humawak sa balikat ni Callia.
Kaunti na lang ay parang iiyak na siya. Hindi ko naman siya masisisi dahil siya ang may pinakasensitibong damdamin.
"Ang sabi ko para---------"
Nagulat ako nang ibinalibag ng malakas ni Callia ang stick sa mesa at sinamaan ng tingin si Jake. Napaawang naman ang bibig ni Julia na para bang natutuwa siya sa nasasaksihan niya.
"Isa pang salita at isasaksak ko na sa baga mo 'tong stick!" Pagbabanta ni Callia. Napalunok naman ako nang makita kong nandilim rin ang mata ni Jake kaya agad akong humarang.
"Tama na 'yan." Pangaawat ko pero hindi parin siya nagpapaawat.
"Eh tarantado ‘to hindi naman hinihingi opinyon niya! Mukha mo nga kahit pangit 'di naman kami nagrereklamo tapos papakielaman mo kaibigan namin ngayon?!" Sigaw niya. Kitang-kita ko na hindi talaga nagustuhan ni Callia ang kaninang sinabi ni Jake. Kahit din naman ako hindi ko nagustuhan dahil wala siyang karapatang pagsalitaan ng masama ang kaibigan namin.
"Oh burn!" Kantyaw ni Julia pagkatapos ay tumawa. Agad naman siyang pinalo ni Kelsey at sinenyasan ni Kristine na wag ng sumali. Gusto kong tumawa pero hindi ito ang tamang oras dahil kaunti na lang ay sasakmalin na ni Callia si Jake.
And knowing Callia? She won't spare his life lalo na kung kami ang usapan. Siya talaga yung handang makipagbasagan ng bungo para saamin. Hindi niya naman kailangan makipagpatayan para saamin dahil maski kami ay ayaw namin siya mapahamak.
Pero hindi naman ito nakikinig saamin at laging hinaharap ang mga nakalipas na karelasyon ni Ayumi. Si Ayumi kasi ang pinakamalas sa nagiging kasintahan. Ganito na lang lagi ang eksena namin sa mga nakalipas na boyfriend ni Ayumi.
Bigla namang lumapit si Jake para sindakin si Callia pero hindi pa rin nagpatinag ang kaibigan namin at pinantayan niya ito ng tingin.
"Ano lalaban ka?" Maangas na tanong ni Jake.
"Stop it. Let's go Callia!" Pag-aaya ni Kristine at pilit siyang hinahatak pero parang wala itong naririnig.
"Bakit kaya mo ‘ko? Sige, sapakin mo ‘ko,” Pag-uudyok nito. Bigla namang nagbulungan ang nasa paligid. Bigla naman ako nabahala dahil baka masaktan pa siya ni Jake.
"Callia para kang tanga tumigil ka na,” Pig-awat ko pero parang wala itong naririnig.
"Jake stop it. Umalis ka na." Pag-aaya sa kaniya ni Ayumi. Nagmamakaawa na ito pero parang hindi siya nito naririnig at matalim pa rin ang tingin saamin.
Napakamot naman sa ulo si Ayumi at parang batang nagmamaktol kay Callia.
"Wag kang sasama diyan Ayumi kung ayaw mong magsisi sa buhay mo." Pagalit ni Callia kaya agad namang iginilid ni Kristine si Ayumi.
"Bakit? Hindi ba totoo? Palibhasa ikaw nagtuturo ng kapokpokan sa kaibigan mo." Maanghang niyang sabi na ikinalaki ng mga mata namin. Napaawang ang bibig ko dahil sa sinabi niya. May sasabihin dapat ako nang biglang sumigaw si Callia.
"Gago ka ah!" Sigaw niya at nagulat kaming lahat nang biglang sunggaban ng malakas na suntok sa mukha si Jake. Napaurong ito at tila namula ang mukha nito.
"Callia tama na!" Sigaw ko. Nang ambahan siya nito ay bigla akong humarang. Nagulat ako nang maramdaman ko ang malakas na kamao nito sa likod ko. Maging mukha ni Callia na kaninang seryoso ang ekspresyon ay napalitan ng gulat dahil ako sumalo ng kamao.
Sa sobrang pagkagulat ko dahil sa nangyari ay hindi ako nakagalaw.
“Masakit,” I reacted.
Kalaunan ay napangiwi rin ako nang maramdaman bigla ang sakit. Parang humiwalay ang baga at buto ko sa likod. Feeling ko parang kakalas na buong katawan ko.
"Walang'ya ka bakit mo sinuntok ka--------"
"Who the f**k are you?!' malakas na boses ang bumungad saamin at nagulat ako sa sumunod na nangyari dahil bigla na lang tumalsik sa mesa si Jake.
Napaawang ang bibig ko sa gulat nang makitang nakapatong na sakaniya si Noah at pinauulanan siya ng sapak.
"I'm going to kill you, you son of a b***h!" Gigil na sigaw sa kaniya ni Noah. Napasigaw naman ilang tao dahil sa malakas na hampas ng mukha nito sa mesa.
Namumula na ang leeg ni Noah habang tila madilim ang ekspresyon nito. Pag hindi pa siya tumigil ay mapupuruhan talaga si Jake. Baka makapatay pa siya ng 'di oras.
"Noah!' sigaw ko at pinilit ko siyang hatakin pero mahigpit ang pagkakapatong nito kay jake. Napakalaking tao kasi nito at kung 'di ko pa siya maawat ay malilintikan siya kay Tita Tina.
"Noah tama na!" Sigaw ko at nang mahatak ko siya palayo ay tumayo na ito. Naging halata ang ugat niya sa braso dahil sa pwersa ng suntok niya. Napakagat ako sa labi ko at hinapit ang braso niya
"Tama na yan.”
Napalingon kaming lahat nang sumulpot si Levi sa likod namin. Agad naman siyang hinatak nito at inilayo kay Jake na ngayo’y dumudugo na ang ilong at puno ng pasa sa mukha.
Humarang na ang bantay ng billiards at mga guard na naka-duty ngayon.
Tinignan naman ako ni Noah na buong pagaalala pero sinamaan ko siya ng tingin. Kinuha ko ang bag ko at hinila siya palabas ng bilyaran.
Kahit kailan talaga 'tong lalaking 'to! Hindi naman niyang kailangang puruhan ng ganoon yung tao. Tamang isang suntok lang ibinigay niya, pero yung paulanan niya pa na kaunti na lang ay basagin niya ang ulo ay ibang usapan na 'yun.
Malilintikan talaga 'to saakin paguwi. Sasabihin ko talaga 'to kila Tita.
"Claudia galit ka ba sakin? Okay ka lang ba? May masakit ba sa ‘yo?” Sunod-sunod nitong tanong. Hindi ako sumagot dahil mabigat ang paghinga ko.
Kung kanina ay para itong nasaniban ng sampung demonyo, ngayon naman mukha siyang tutang naligaw. Ngumuso naman ito at huminga ng malalim na tila nangingiyak na.
"Claudia sorry na, sinuntok ka kasi niya. Alangan namang titigan ko lang ang nangyari." Suwestyon niya na may buong pag-aalala kaya binitawan ko siya. Nauna akong naglakad sa kaniya pero naramdaman kong binilisan niya ang kaniyang lakad at hinatak ang braso ko pero iniiwas ko 'to.
"Claudia please I'm sorry.." Buong sinseridad niyang sabi pero hindi ko siya pinansin.
"Tumahimik ka na." Pagpapatahimik ko at nilibot ang mata sa paligid bago lumiko ng daan. Nakalabas na kami at naghahanap ako ng pinakamalapit na drug store.
"I'm really sorry-------"
"Sabing tumahimik ka na eh!" Napsigaw na ako sa inis nang agad niyang ikinatigil.