bc

Destined By Force

book_age18+
3.2K
FOLLOW
14.8K
READ
second chance
heir/heiress
like
intro-logo
Blurb

Claudia Isabelle Asuncion, an easy-going and responsible college student who got engaged with a well-known heartthrob football player who tends to affiliate himself with a lot of women. She\'s hopeless romantic while he\'s a player. Everything is on both ends when she tamed him and extricate his possessiveness.

"I gave everything and didn\'t ask for any return. But why did you put my heart in vain?”

chap-preview
Free preview
Prologue
Prologue Napasalampak ako sa aking upuan at napahinga nang malalim. Kakatapos lang ng meeting ko at masasabi ko na hindi ako natutuwa sa mga nangyari at kınalabasan nito. Walang gustong pumirma ng kontrata saamin dahil nakukulangan pa sila sa offer na  inihanda namin. Pero kung titignan mo naman ang offer sa ibang kumpanya ay higit na mas malaki ang binibigay namin. Hindi ko tuloy alam kung may sumasabotahe sa kumpanya namin o talagang bulag lang ako para hindi ko makita ang problema sa proposal namin. Napasabunot ako sa ulo ko at napakagat sa labi habang chine-check ko muli ang proposal namin. Gusto ko nang itapon ang utak ko dahil kahit ilang ulit ko ito basahin ay wala akong makitang problema. Kita naman na kaya naming tapatan ang offer ng ibang kumpanya at higitan pa ‘yon, pero bakit gusto pa rin nilang ipagpilitan ang ‘sang bagay na malabong ‘kong gawin? Napatulala na lang ako sa proposal ko nang marinig kong bumukas ang pintuan ng opisina ko. Mas napabusangot ako nang makita ko ang pagmumukha ng kapatid ko.  "Ano na naman Kuya Earl? Ipamumukha mo rin ba na mali ang desisyon ko?” Inis kong tanong ko habang matalim ang aking mata sa kaniya. Bukod pa kasi sa hindi ko na-close ang deal, nasermonan pa ako ni Kuya Carl na kesyo ito na lang pinapagawa niya saakin ay hindi ko pa nagawa ng tama. "Kalma mo yang bunbunan mo.” Sambit niya saakin nang mas ikinainis ko. Kahit kailan wala talaga akong matatanggap na makabuluhang salita mula sa bibig niya. "Eh kung iuntog ko 'yang ulo mo sa pader tutal wala namang laman.” Singhal ko nang ikinatawa niya ng malakas. Kaunti na lang at gagawin ko talaga ang sinabi ko pag 'di pa siya tumigil sa pang-iinis saakin. "Harsh mo naman saakin, kapatid.” Saad niya at umakto pa na kunwari’y nasaktan sa sinabi ko, hawak niya pa ang dibdib niya habang umiiling.  "Bakit ka ba ‘andito? 'di pa ba sapat yung sermon saakin ni Kuya Carl, ha?" Tanong ko dito habang nilalaro ang pindutan ng ballpen. Narinig ko naman ‘tong napabuntong hininga at umupo sa harap ko habang may hawak siyang folder. Bakas sa mukha niya na may gusto rin siyang sabihin pero parang ayaw niya nang tangkain dahil wala ako sa mood ngayon. "Paano hindi manggagalaiti sa'yo si Carl eh halos hawak mo ang sampung boto ng Board of Directors. Hindi tuloy makausad yung kontrata na nakahanda para sa Rodriguez." Giit niya. Napatayo ako at napahampas sa lamesa nang banggitin niya ang kumpanya na 'yun.  Nag-iinit ang ulo ko sa tuwing maririnig ko ang apilyedo na ‘yon. Ilang araw ko nang naririnig ‘yon at rinding-rindi na ako. “Paulit-ulit na lang kasi tayo Kuya Earl! Mamamatay muna ako bago niyo ‘ko  mapapayag!” Sigaw ko at napagawi ang tingin ko sa tanawin mula sa aking kinatatayuan.   Kahit anong mangyari hinding-hindi ko na papayagang magkaroon pa ako o ang pamilya ko ng koneksyon sa mga 'yun. Lalo na at kung siya na ang nagpapatakbo! Tahimik na ang buhay ko kaya hindi ko na kailangan ng problema!  "Can you set aside your personal affair with him and prioritize this company first? Ang tanda mo na Claudia para hindi matutong mag move on." Pasmadong sabi ni kuya Earl kaya sinamaan ko siya ng tingin. Seryoso ba siya sa sinasabi niya?  "Baka nakakalimutan mo ano ginawa nila sa kumpanya natin." Pagpapa-alala ko. Napahinga naman ito nang malalim at napatingin saakin. "Alam mo namang hindi nila kasalanan 'yun diba?" Balik niyang tanong at napaiwas naman ako ng tingin dahil sa sinabi niya. Kahit kailan, hinding-hindi ko sila mapapatawad sa ginawa nila sa pamilya ko at sa kumpanya namin. Wala ‘kong pakielam kung araw-araw akong pagalitan, sigawan at sermonan ni Kuya Carl. Hinding-hindi ko sisirain ang pangako ko kay Dad at sa sarili ko.  "Sabihin mo kung ano gusto mong sabihin, Kuya Earl. Pero hindi magbabago ang desisyon ko." Pagmamatigas ko at napahawi sa buhok ko.  Napahinga naman ng malalim si Kuya Earl at nilapag ang kanina pa niyang hawak na folder. Kaya napakunot ako dahil sa kuryosidad kaya napaupo muli ako sa upuan ko.  "Baka magbago desisyon mo pag nakita mo 'to." Pag-iba niya. Nang makita at mabasa ko ang laman ng dokumento ay nanlaki ang mata ko at marahang napatayo. "Nasaan si Kuya Carl?"Galit kong bulas. Tumayo naman Ito at nilagay ang kaniyang dalawang kamay sa kaniyang bulsa.     “They're now in the board room. Tayo na lang iniintay.” Seryosong sagot ni kuya Earl kaya agad namang napaawang ang bibig ko. Wala akong ideya sa sinasabi ni kapatid ko!    "Hindi pwede 'to. You can't do this to our Dad!” Sigaw ko at nang buksan ko ang pinto ay narinig kong napahinga ng malalim si Kuya Earl at nagsalita.    "Mom is also present in the meeting." Dagdag niya pa nang ikinatigil ko. Lumingon ako sa kaniya na may nakamamatay na tingin bago ko isinara nang padabog ang pintuan.     Dali-dali ko namang tinakbo ang boardroom. Hindi nila pwedeng gawin 'to kay Dad. Matagal ng tapos ang koneksyon ng pamilya namin at lalo na kaming dalawa. Wala na dapat pagusapan. At kung tama ang hinala ko..     f**k! I knew it! Alam ko na hindi talaga ang proposal ko o ako ang mali. Matagal na nilang sinasabutahe ang plano ko para sa kumpanya.      Bigla ako nakaramdam ng galit sa sistema ko. My brother must be really serious about this deal. He even convinced mom to attend the meeting he didn’t even budge to consult me.       Napaawang ang bibig ko nang bigla akong masubsob sa hagdanan at natapilok dahil sa pagtakbo. Napakagat ako saaking labi dahil sa pagkirot ng paa ko kaya madali kong tinanggal ang heels na suot ko.      Kahit nakararamdam na ako nang sakit sa aking paa ay inininda ko ito at pinilit makarating sa boardroom. Ilang saglit lang ay nakarating na ako at paika-ikang naglakad.      Maraming bumati saakin at nakatingin sa gawi ko. Siguro’y sa kadahilanang lubos ang pawis sa ulo ko habang hinihingal at walang suot na sapatos. Naka-kagat parin ako sa labi ko at pilit tinitiis ang sakit ng aking paa. Kaunti na lang mawawalan na ako ng balanse.      Nang makarating ako sa tapat ng boardroom ay agad kong tinulak ang pinto at bumungad saakin sila kuya at mom. Bukod pa dito, ay iilang major shareholders ng kumpanya namin and dumalo.  Pero tumigil ang mundo ko nang mapansin ang isang lalaki na humarap sa dereksyon ko at napangisi. Tumaas naman ang kilay ko dahil halatang nangiinis ‘to. Sino ba namang hindi maiinis kung ang nasa harap mo ay isang taong lubos mong kinamumuhian    "Stop this joke right now." Bungad ko.  Agad namang napadapo ang tingin nilang lahat saakin habang pilit ko namang hinahabol ang hininga ko.    “Don’t make a scene here, Claudia." Pagbabala saakin ni Kuya Carl. Napalunok naman ako at tumigas ang aking kamao.     Kahit paika-ika at nakayapak ay nagawa ko pa ring lumapit sakanila at ilapag ng marahan sa lamesa ang folder na ibinigay saakin ni Kuya Earl kanina.      "End this thing." Utos ko ulit at napahinga na lamang si Kuya Carl ng malalim bago tumingin saakin.        Sinenyasan naman ni Mom ang ibang directors na lumabas muna kaya agad naman itong sumunod at naiwan kaming tatlo kasama ang pamilyang kinamumuhian ko. Napagawi ang tingin ko sa lalaking matagal ko ng kinalimutan at binaon sa lupa. Puyos ang kabog ng dibdib ko dahil sa galit, sa mga oras na 'to ay sasabog na ang galit ko.    " What a lucky day to meet my fiancè again after years." Sambit niya gamit ang kaniyang malalim na boses. Gumapang ang mata nito sa buong pagkatao ko at napako ang tingin sa paa ko ngunit kaniya ring iniwas. Ilang taonn na ang lumipas at ngayon ko na lang rin siya nakita. Pero kailanman, hindi ako masaya sa prisensya niya. Bakit ba kasi nagpakita pa siya sa buhay ko? Kung kailan tahimik na ako? Hinampas ko ng malakas ang lamesa dahil sa galit at binigyan siya ng matapang na tingin. "Oh you mean, ex-fiance?" Buong sarkastiko 'kong sabi.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
141.3K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
185.7K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
22.4K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
82.3K
bc

My SEDUCTIVE Innocent LOVER 'James Monteverde' (JAMES & JENNIEL)

read
51.7K
bc

His Obsession

read
92.5K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook