Chapter 01

3337 Words
ONE "CLAUDIA" "Hoy gumising ka na diyan! Anong oras ka na naman ba umuwi ha? Alam mo namang may exam ka pero nakipag-inuman ka parin!” Bungad ko pagkapasok ko palang sa kwarto ni Noah. Marahan naman itong napapikit at tinakpan ang kaniyang tenga gamit ang unan. Aba at talagang magmamatigas pa ang loko! Anong oras na! Terror pa naman professor niya doon. "Bahala ka diyan iiwan na kita pag 'di ka pa tumayo diyan sige,” Pagbabanta ko habang nililigpit ang mga pinagkalatan niyang mga damit. Kahit kailan talaga 'to makalat! Kung 'di pupuntahan ng mga taga-linis o ako ay talagang hindi magliligpit. Paano na lang aber kung wala ako? Paano na lang siya mabubuhay? Mabuti na lang at maaga ako pumunta dito dahil alam ko na pahihirapan Niya akong gisingin siya. Mabuti na lang talaga at nilutuan ko na siya ng agahan sa condo ko kun'di ay hindi lang test paper niya walang laman kun'di pati tiyan niya. "Eto na gigising na,” Daing niya at kinalampag pa ang binti na akala mo naghihimutok na bata. Aba kahit kailan talaga 'to tulog mantika. Napahinga ako ng malalim at napababa ng bag na kanina pa nakasukbit saakin. Lumapit ako sakaniya at hinugot ng buong pwersa ang kumot. Pero nagulat ako nang makita ko siyang boxer lang suot. Biglang uminit ang pisngi ko nang mapansin ko ang matipuno nitong katawan. Kahit na sabay kaming lumaki at madalas ko na nakikita itong walang saplot ay naiilang pa rin ako dahil hindi malaki na kami. Napansin ko naman na mas lalong nagiging matikas ang pangangatawan nito. Masipag kasi sya mag workout gawa nang mahilig siya sa sports kaya napaka athletic ng katawan niya. Dumagdag pa sa karisma niya ang tattoo sa dibdib nito kaya hindi na nakakagulat na talagang maraming umiiyak sa kaniyang babae dahil lehitimo ang pagkagwapo at ganda ng pangangatawan nito. "Pagkabilang kong tatlo pag hindi ka pa gumising diyan talagang iiwan na kita,” Pagbabanta ko. Pinag-krus ko ang aking kamay at pinagtaasan na siya ng kilay. Pati ako male-late sakaniya. "Isa...dalawa...talagang iiwan kita...tat--------" Nagulat ako nang mabilis itong tumayo at nilahad ang mga braso na tila yayakapin ako. Mula sa seryoso nitong mukha at mga matang nakapikit ay napalitan ito ng malawak na ngiti. Magulo pa ang buhok nito habang mariing nakapikit dahil nasisilaw pa ang mata nito. Hindi ko mapigilang mapahanga sa kagwapuhan niya. Hindi ko rin naman matatanggi dahil maganda ang lahi nila. Jusko! Pag nakikita ko pa nga lang ate niya ay nanlalambot na ako. Bigla akong nalula dahil bukod sa pagiging makisig nito ay halos hanggang dibdib lang ako nito kaya talagang kitang-kita mo ang agwat ng tangkad namin. Hindi ko naman akalaing tatangkad 'to ng ganito. Dati lang kasabay ko 'tong maligo. "Good Morning!" Masaya niyang bati at mahigpit akong niyakap. Bigla namang kumunot ang mukha ko dahil naiipit ako nito. Amoy alak parin siya. Tama nga text saakin ng kaibigan niya, lasing na lasing 'to kagabi. "Putcha, Noah amoy alak ka parin maligo ka na nga!" Reklamo ko at pinisil ko ang ilong ko dahil amoy beer pa siya. Kaya pala wala 'tong saplot dahil lumaklak ng sobra. Sa susunod pag uminom pa 'to ng alanganin ay sasabihan ko na talaga mga kaibigan niya na painumin siya ng lubusan, yung wala nang gisingan. “Lakas ah, porket nakaligo na." Balik niya. May sasabihin pa sana ako nang binitawan niya na ako at umalis na siya sa harap ko. Paano ako magkakaroon ng jowa kung sakaniya palang ay ubos na ubos na ang oras ko. Nang marinig ko 'tong pumasok sa banyo ay agad kong inayos ang higaan niya at niligpit ang mga nakakalat na libro at iba pang nitong gamit. Dali-dali ko 'tong nilagay sa laundry basket niya at inayos sa mesa ang mga libro nito. Tama na lang talaga na hindi ako tumira kasama siya dahil mababaliw ako sa kunsumisyon. Pagkatapos ay agad akong lumabas ng kwarto niya at pumunta sa kusina upang ilabas na ang agahang niluto ko. Nagluto ako ng tocino, sopas, itlog at dinamihan ko na rin ang kanin. Napakalakas kasi niya kumain kaya marami akong niluluto. Napasinghap ako nang maalala ko ang sarili ko. Kung sa kaniya lagi ang atensyon ko ay malamang, hindi ako magkakaroon ng lovelife. Goal ko pa naman ngayong year magkajowa 'man lang. Kahit buwan lang. Pa-experience lang. Urat na urat na ako dito kay Noah at laging pinapasakit ulo ko. Kung 'di lang binilin saakin 'to ng mommy niya ay nako! dededmahin ko talaga 'to. Ilang saglit lang rin ay narinig ko ang yabag ng paa niya. Kaya napalingon ako at napagtanto na katatapos niya lang maligo dahil nagpupunas pa ito ng buhok. Nakasuot na siya ngayon ng black pants habang naka tucked-in naman ang white shirt niya. Nang mapansin niyang nakatingin ako ay malawak itong ngumiti saakin at lumapit. "Ano dala mo saakin?" Tanong niya. Umiwas ako ng tingin at tinuro ang dala ko. "Ayan dinalhan kita ng sopas, tocino at itlog dahil mukhang naparami ang inom mo. Alam mo minsan, ipapalunok ko na lang sa'yo yung buong bote ng alak nang matigil ka."Singhal ko. Nang matapos ako magtimpla ng kape para sa sarili ko ay umupo ako sa harap niya. Nakaugalian na namin kasing kumain sa kitchen island dahil masyadong malaki ang dining area niya kaya pag nag-usap kami masyado kaming malayo sa isa’t isa. "Grabe ka naman. Birthday kasi ng ka-org namin ni Levi." Giit niya. Mabuti na lang at anong oras pa lang. May quiz rin kasi ako sa Quantitative Economics. "Wala namang problema doon kaso sabi saakin ni Levi may quiz kayong mamayang 8 am. Kun 'di kita pinuntahan ay baka magka-tres ka pa. Running for c*m-laude ka pa. Paan—————" "Ingay. Kumain ka na nga lang rin." Nanlaki ang mata ko nang bigla niya akong sinubuan ng tocino. Aba kahit kailan talaga ‘to! Ngumisi ito at nagpatuloy kumain nang may buong gana. Kawawa talaga magiging girlfriend nito. Uubusin niya energy ng ka-partner niya. Mukhang dapat magpaalam na ako sa kagustuhan kong magkajowa. Paano ba naman kasi, simula bata palang kami hanggang sa nagkawisyo ay madalas kaming magkasama. Yung mommy kasi naming dalawa ay magkaibigan since highschool kaya sobrang dikit. Kaya noong nagkaasawa ay talagang binalak nila kami i-arrange dahil gusto nilang manatili habang buhay ang relasyon na mayroon ang pamilya namin.Hindi naman ‘to bago para sa pamilya na marangya ang pamumuhay dahil makakatulong din naman ‘to sa mga businesses na mayroon ang parents namin. Simula bata pa lang ay tinatak na nila saamin na kami ang magkakatuluyan. Kaya nga nabuo na sa isip namin na mag fiance kami dahil doon. May engagement ring pa nga kami na lagi naming suot-suot. Ayoko naman hubarin dahil makakalimutin ako. Baka mamaya kung saan ko malagay. Malilintikan ako kay Noah dahil pinagipunan niya yung singsing ko. Halos buong summer din siyang nag work sa company nila. "Kumain ka na?" Tanong niya at agad naman ako tumango. "Oo kanina pa. Anong oras ka na ba nakauwi?" Pabalik na tanong ko. Uminom naman ito ng tubig at napatingin pa sa ceiling para isipin kung anong oras siya nakauwi. "2am? I can't remember, I was already passed out." He said at agad ko namang pinitik ng malakas ang noo niya. Bigla siyang napadaing at napahimas sa noo niya. "Aray! Masakit 'yun ah." Daing niya habang nakanguso. Laki-laking tao pero parang bata umasta sa harap ko. Ganito kaya siya sa mga babaeng dine-date niya? "Matigas kasi ulo mo. Babagsak ka sa ginagawa mo." Pagalit ko at sumimsim ng kape. "Look who's talking." He murmured at tinaasan ko naman siya ng kilay. Nang mapansin niyang matalim ang tingin ko sakaniya ay nag-peace sign na lang siya. Jusko panginoon wag nyo naman pong sabihin saakin na hindi na tatanda ang lalaking 'to? Sa dami-daming nagkakagusto sakaniya at babaeng nagkakandarapa hindi ko alam bakit hindi pa siya magseryoso sa buhay at magkaroon ng girlfriend nang magkabakante naman ang oras ko. Alam ko naman na engaged kami sa isa't isa pero feeling ko naman ay makakalimutan rin naman ng mga magulang namin ang engagement lalo na pag nakita nila na may mahal kaming iba. Baka kami pa talaga magkatuluyan niyan. Parang awa na nila! Sa sobrang daming babae na naghahabol dito ay sasakit lang ang ulo ko. Ayoko ng maraming kaagaw. Marunong ako lumaban pero pagnakikita kong madali matangay ang lalaki ay mas gugustuhin ko na lang lumayo dahil mas masasaktan lang ako. "Alam mo bakit hindi ka na lang kaya magjowa? Kaysa ako yung kinukunsume mo." Saad ko at sumimsim muli ng kape at napasalumbaba. Bigla naman siyang napatigil at tinignan muna ako ng maigi upang basahin ang ekspresyon ko pero napailing siya bago magsalita. "Girlfriend? Why would I need to find someone when I already have you?" He asked casually at agad naman ako napahingang malalim May banda saaking masarap pakinggan na kuntento na siya na 'andyan ako pero hindi naman kasi namin mahal ang isa't isa. Siguro mahal namin pero hindi sa puntong nakikita ko ang future ko sa kanya. We're good as close childhood friends. But being in "that" relationship? I don't think it will work. We're not on the same radar. "Noah, hindi naman habang buhay ‘andiyan ako sa tabi mo." Seryosong sabi ko. Napansin kong napalunok ito at umiwas ng tingin. Maybe he's not ready for this kind of conversation. As expected, he still thinks a kid. "Why? You're going to leave me?" He asked. Nakapako ang tingin nito saakin na para bang binabasa niya ang ekspresyon ko. Napangiwi naman ako at umiling. "Hindi naman kita iiwan ang akin---------" "Edi tapos ang usapan,” Pagtapos niya at tumayo para kunin ang mga hugasin. Kinuha niya rin ang tasa ko at marahang pumunta sa lababo upang maghugas ng pinggan. Hindi ko na lamang siya pinansin at pumunta sa sala niya upang maglinis. Nagpagpag ako ng iilang unan nang bigla akong napatigil at nanlaki ang mata ko sa nakita ko. "Noah Greg Rodriguez! Kaninong panty 'to?!" Sigaw ko sakaniya habang nakangiwing nakatitig sa pulang panty. Lacy at halatang Victoria Secret pa ang tatak nito. Narinig kong halos mabasag niya ang pinggan at mabigat ang yabag ng paa nitong pumunta sa gawi ko. Nagulat ako nang bigla niya 'tong hablutin at mabilis na tinapon sa basura. Agad naman akong napatayo at napatingin sakaniya ng blangko at buong pagtataka. Para itong batang napakamot sa ulo at napaiwas ng tingin. I didn't even dare to talk or say something because I was waiting for his answer. "Uhm..I met her in a club...it's just a base 2 okay? Don't get mad at me, I stopped when you called me to help you with your grocery then I ghosted her." Paliwanag niya na tila ingat na ingat siya sa mga salitang ginagamit niya. My body was stiff when I walked to the sink and washed my hands. Grabe! Hanggang sa pakikipagsex ang kalat niya pa rin. "Alam mo kung makikipagsex ka siguraduhin mong nakatago ng maiigi ang remembrance mo dahil pag pumunta sila mom dito baka magisip 'yun ng kung ano ano eh 'di mas napaaga pa ang pagpapakasal ko sa'yo." Suwestyon ko at hinampas ang braso niya bago kumuha ng tissue at punasan ang kamay ko. "Eh bakit ba kasi ayaw mo na lang tanggapin na tayo talaga? Gwapo naman ako, marunong rin naman magluto, sayo lang magpapatalo at higit sa lahat...masarap." Paliwanag niya at napatigil pa siya sa pinakahuli niyang sinabi. Napangiwi naman ako at napaawang ang bibig ko. "Hindi ka kinikilabutan?"Tanong ko at nagpamewang. Napakagat siya sa kaniyang labi at umiling na para bang seryoso siya sa sinasabi niya. Kaya napahinga na lamang ako ng malalim. Kahit kailan walang talaga 'tong sinabing matino. Napailing na lang ulit ako at kinuha sa kwarto niya ang shoulder bag ko at pumunta sa full length mirror ng dining area niya para maglagay ng lip tint. Nagkulot pa naman ako ng buhok ko pero mukhang dederetso ulit sa kunsumisyon ko sakaniya. I just can't wait to be in a relationship. Hindi katulad nito na para ba akong may tuta na kailangan turuan ng turuan. Tinignan ko ang sarili ko sa salamin upang ayusin ang damit ko. I'm currently wearing high-waist denim pants and white backless tie top paired with white shoes. "Pahinging pabango." Rinig kong sabi niya. Napansin ko na kasusuot niya lang ng sapatos at gaya 'ko, naka-white shoes rin siya. Binigay ko naman agad ang pabango ko sa kaniya at inabala ko ang sarili kong ayusin ang bag ko. Agad naman niya itong binalik saakin at inayos ang damit niya. Ganyan 'yan lagi eh. Kahit gaano kaamoy pambabae ng pabango basta nakita niyang akin ay gusto niyang i-spray din sa buong katawan niya. Nang makapag gayak na kami ay sinukbit ko na ang shoulder bag ko at hinawi ang buhok ko. "Did you bring your car?" He asked. Umiling naman ako at inayos ang sintas ng sapatos ko. "Hindi. Nag LRT lang ako." Sagot ko habang nakatingin ako sa kaniya. Nakita ko namang namula ang leeg niya at napaiwas ng tingin. Kaya nang makatayo ako ng maayos ay pinagmasdan ko lang ang galaw niya. May kinuha siya sa drawer ng lamesa niya sa living area niya at kinuha niya ang tape. Lumapit ito saakin at inabot. "Kitang-kita ko.."buong hiya niyang sabi at tinuro ang dibdib ko ng labi niya at napaiwas ng tingin. "May cloth tape ka?" Takang tanong ko at napalunok naman ito. Napakamot ito sa batok niya at inunat ang leeg niya. "Yeah I bought it. I know you're into a backless thing---I don't know how you call it but I notice...minsan humihiwalay yung fitting sayo ng damit mo so just in case..." He said and I get what he meant. I know that he doesn't want to offend me. He has been really supportive about my clothes ever since naman but well...dress malfunction is inevitable. nagulat lang ako na may ganito siyang tape. Well, that's also one of the perks on having him in my life. He cares a lot. Kung maalaga ako sakaniya, mas lalo naman ang pagaalaga niya saakin. Kaya rin siguro kahit anong sakit ng ulo ko sakaniya ay naglalaho. Naglagay ako ng kaunti sa bandang chest part ko at idinikit ko ang damit ko dito. Nang mapansin kong maayos na ay nilagay ko sa loob ng drawer niya ang tape na ibinigay niya saakin. Tumingin ako sakaniya na ngayo'y nakasabit na sa isang balikat niya ang backpack niya. "Let's go." I said at lumabas na kami ng condo niya upang gumayak. Ilang oras lang din ay nakarating na kami sa school. We're actually in the same school, which is Dale University na kung saan, puro mga mayayaman ang nag-aaral dito. Well of course may mga scholars naman dito pero mostly talaga ay anak ng mga mayayaman ang nag-aaral dito. Prestige kasi ang school na 'to at hindi ka basta bastang makakapasok. Kailangan financially capable ka kung gusto mo maging regular student. "Bakla!" Nagulat ako kung sino tumawag sakin kaya napalingon-lingon ako. Maraming tao sa hallway ng building namin kaya mahirap hagilapin kung sino ang tumawag saakin. Pero nang mapansin ko ang ulong lumulutang sa madla ay natawa ako nang makita si Julia. Napasapo ako ng noo nang tumakbo ito ng mabilis papunta saakin. May hawak pa 'tong libro at para itong bata kung tumakbo. Nang makarating ito sa kinaroroonan ko ay bigla ako inambahan ng akbay. "Anong mas gusto mo?!" Pagbungad nito saakin kaya agad naman akong napatakip sa tenga ko dahil ang aga aga ang hyper ni tanga. "Huh?' tanong ko at bigla itong sumeryoso at tinignan ako sa mata. "Dota o ako?" Tanong niya at agad naman akong napakamot. "Dota kasi 20 pesos lang masaya na pero kay GF 200 pesos ‘di pa masaya ey!" Dugtong ko at tumawa ng malakas. Kabisado ko rin kasi yung kanta na 'yun dahil naririnig ko minsan sa kaniya. Lahat ‘ata ng uso sa masa ay alam namin ni Julia. Kami lang talaga ang half-breed na jologs sa magkakaibigan. "Anong pipiliin mo dota o ako anong mas gusto mo kapag kasama yan ang nasa isip....." Kanta niya habang nakapikit at feel na feel ang kanta. Agad naman akong napatitig sakaniya. Don't tell me... "Tumakas ka kay Kuya Bobot 'no?!" Panghuhuli ko dito. Napatigil naman ito sa pagkanta at biglang napatikom ang bibig. "H-hindi ah! Bakit ako tatakas 'dun." Depensa niya at agad naman akong napailing. Kahit kailan talaga 'to! May computer naman sa bahay nila pero ewan ko bakit tumatakas pa sa mga nagbabantay sa kaniya. "Gago ka saang computer shop ka dumadayo para mag DOTA?" Tanong ko habang papalakad sa room namin. Bigla naman nito tinakpan ang bibig ko. "Walang'ya ka marinig ka pa ng crush ko baka maturn-off saakin 'yun." Reklamo niya. Bigla namang umikot ang mata ko dahil sa sinabi niya. Hindi ko talaga alam kung anong engkanto ang bumati dito pero simula nang turuan siya ng IT department maglaro ng DOTA gawa nang kavibes niya 'yun ay na-addict na 'tong babaeng ‘to salarong ‘yon. Biruin mo ba naman, sinong hindi magtataka, partida naka cropped tee at fitted mini skirt pa ang mga suotan niyan. Hindi mo a-akalaing tambay siya sa mga ganoong lugar. Mahilig kasi talaga siya sa games noon pa lang. Pero grabe din kasi higpit nila tita dito kaya nagkulang ulo niya ng turnilyo. "Sabi ko sa'yo, Juls...anak ka ng milyonaryo baka gusto mo lang namang pukpukin sarili mo. Pag na-kidnap ka, first blood ka."Pagpapaalala ko at napakagat naman 'to sa kuko niya at ngumiti lang ng bahagya. "Tsk! Eh kasi naman 'te! Hindi naman ako yung pang mahilig sa mga ganitong bagay. Masaya kaya sa kalye. Nako! May bagong tapsilugan akong nakita bandang Roxas. Mabait pa may-ari." Kwento niya at agad namang napaawang bibig ko. Putragis nakarating siya doon? "Walang'ya ka nakarating ka doon?! Sino naman kasama mo?!" Mahinang pasigaw na tanong ko. Napangisi naman siya at niyakap ang libro. "Si Ayumi at Kelsey." Buong pagmamalaki niya nang ikinaawang ng bibig ko. Nademonyo niya mga 'yun?! "Napakain mo ng tapsilog yun?" Gulat kong tanong at tumango siya "Oo naman 'no! Nag extra rice pa nga si Ayumi!" Pagmamayabang niya pa. Bigla akong napaismid dahil hindi ako makapaniwala. "Anak ng tokwa! Buti pinatulan nila trip mo?!" Gulat kong sabi at tumawa siya na parang may naalala siyang nakakatawa. “Tangeks! pina-try ko nga sakanila yung pisonet eh. Nakilaro nga sila sa mga bata doon." Kwento niya at tumawa naman ako ng malakas. Hindi ko ma-imagine 'yun. Kami lang kasi ni Julia ganoon. Saaming mga magkakaibigan, si Ayumi at Kelsey ang hindi makabasag pinggan. "Huy saglit samahan mo ‘ko." Pag-aaya niya at nagulat ako nang hatakin niya ako. Natagpuan ko na lamang sarili ko na nasa Engineering College. Mabilis itong tumakbo at sumilip sa isang room. "Psst. Hi crush!" Sigaw niya. Bukod naman sa isa pa naming kaibigan sa ibang school, lubos din ang kapal ng mukha nito ni Jules. Siya lang naman ang nakita kong napaka loyal sa crush niya. At yung crush na 'yun ay walang iba kung 'di kaibigan ni Noah. Dumapo ang tingin sakaniya ni Levi pero hindi siya nito pinansin at bumalik sa pagbabasa. Bigla naman siyang napasimangot pero kalaunan ay ngumiti. "Sana matagal kang mabuhay, crush!" Sigaw niya pa ulit. Narinig kong tumawa ang mga kaklase nito kaya agad niya akong hinatak at tumakbo pabalik sa building namin. Habang tumatakbo kami ay bigla 'kong nakasalubong si Noah kasama ang mga kaibigan niya. Katulad niya, mukhang nakakatakot at maangas ang mga ito. Lalagpasan na sana namin siya dahil marami ng babaeng nakatingin sa direksyon niya ngunit nagulat ako nang bigla nitong hatakin ang braso ko. Hinawakan niya ang kamay ko at nag abot ng tubigan. “Bakit?”Buong hiya kong sabi. Kating-kati na paa ko umalis dahil ramdam ko ang mga matatalim na tingin saakin. Binasa niya ang kaniyang labi at tinitigan ako sa mata. "You forgot to bring this, baka mauhaw ka." Sambit niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD