Chapter 03
"SEE"
"Masakit?" Tanong ko habang ginagamot ang sugat niya sa kamay. Mabuti na lang talaga at umalis na kami agad. Hinahanap na nga si Noah ng mga pulis noong dumating pero mabuti na lang ay natawagan agad ni Levi ang daddy ni Callia. Her parents are lawyers. But to be precise, she actually came from a family of lawyers.
Umiling naman siya at nakanguso pa rin itong nakatingin saakin. Kahit kailan para talaga siyang bata pag nasa harap ko pero ang tigas ng mukha pag iba kaharap.
"Para ka kasing tanga, bakit mo kasi sinuntok si Jake?" Suwestyon ko at nilagyan ko ng band aid ang parte na may sugat dahil ang sabi niya, tumama daw yung kamay niya sa ngipin n'on.
"Eh tarantado pala siya eh! Ikaw nga kahit anong inis ko sa 'yo hindi naman kita sinasaktan," Suwestyon niya at napasandal siya sa car seat. Huminga naman ako ng malalim at binitawan ang kamay niya para ligpitin ang pinagkalatan. Kanina kaya lumabas agad ako ay dahil kinailangan kong maghanap ng pharmacy para magamot ko agad ang sugat niya.
"Kahit na! Hindi ang pananakit ng tao ang solusyon sa mga bagay-bagay. Paano na lang pag nagsampa sa'yo ng kaso 'yun, aber?"Inis kong sabi ngunit ngumisi lang ito na parang nagmamalaki.
"Edi gawin niya. Samahan ko pa siya." Parang bata nito sabi pero napasinghal na lang ako dahil kahit kailan hindi na siya lumaki. Isip bata parin talaga kahit kailan.
"Clau.."pagtawag niya saakin kaya napabaling naman ako sa kaniya na may blangkong ekspresyon.
"Hm?" Tanong ko. Seryoso ang mukha nito at tila may gustong-gusto siyang sabihin. Pero napailing na lamang ito at ngumiti ng napakaaliwalas.
"Wala. Salamat." Mahina niyang sabi at napaayos ng upo. Nasa kotse na kasi kami ngayon. Mabuti na lang at dala niya kotse niya, kung 'di ay maglalakad pa kami sa initan.
"Kumain ka na ba?" Tanong ko at umiling ito. Tinignan ko ang relo ko at napagtanto ko na mag aalas-tres na rin pala. Mas mabuti sigurong kumain kami kahit kaunti dahil maging ako ay nagutom sa nangyare. Mamaya nga tatawagan ko si Ayumi. Hindi na tama ang trato sa kaniya ni Jake.
Hangga't maari gusto naming protektahan ang isa't isa pero mayroon kaming sinet na boundary na sa huli, yung desisyon pa rin namin sa sarili ang magma-matter. Respecting ones' choices is what matters to our relationship romantic 'man o hindi.
Our role is just to remind everyone to re-evaluate their decisions. Lalo na kung alam naming patuloy silang masasaktan.
Pero syempre, ibang usapan na pag isa saamin ay nasaktan na gaya ng pangyayari kanina. Wala pa yung ginawa ni Callia kanina. Handa kaming isugal ang kalahati ng sarili namin para sa pag kakaibigan dahil ganoon namin kamahal ang isa't isa. At maging ako, I'm willing to go an extra mile for them.
"Saan tayo?" Tanong ni Noah at umabante upang makaalis sa parking lot. Kinuha ko naman ang phone ko upang maghanap ng restaurant.
"Ano gusto mong kainin?" Tanong ko habang busy na naghahanap ng makakainan. Abala itong umabante at nang magawa niya 'yon ay ipinark niya ito sa tabi.
"Pwedeng ikaw?" Ngisi nitong tanong at napatigil naman ako. Sana pala hindi ko siya pinigilang makipag suntukan at inantay si Jake na ambahan siya.
"Tarantado." Sagot ko at narinig ko malakas itong napatawa. Malalim ang boses nito at..nakakapangakit. kaya maraming nagkakagusto dito eh. Alam niya ang kiliti ng isang tao.
"Hindi pero seryoso ikaw na bahala." Sagot niya. Tumitig ito saakin, inaantay ang sagot ko. Napatikhim naman ako at napaayos ng upo dahil parang nakaramdam ako ng pagkailang.
Don't get me wrong, iba kasi siya tumitig. Feeling mo kinakabisado niya bawa't galaw mo. Parang matutunaw ka dahil maganda ang mga mata nito. Matalim at mapangakit.
"Starbucks or Macao?" I asked. Umiling ito at napahimas sa tiyan niya.
"Unhealthy." Kumento niya at napairap naman ako. Oo nga pala, healthy boy 'tong kasama ko. Noon pa lang ay ayaw nang kumain ng unhealthy sweets and fast food. Palibhasa, athlete.
"Eh ano gusto mo?" Tanong ko pero napakibit-balikat lang siya. Tignan mo 'to, ako pagde-desisyunin pero a-ayaw rin.
"Ay alam ko na!" Namiss ko yung puto bungbong at bibingka ni ate Wendy sa may Roxas.
"Namiss ko yung bibingka! Nakatikim ka na ba n'on?' tanong ko at umiling siya. Oo nga pala anak mayaman 'to. Hindi masyadong nag-eexplore sa buhay at laging ako dapat magpapamulat sa kaniya ng mga bagay-bagay.
"Masarap yun. Sa may bandang Roxas ituturo ko. Tara na."sabi ko at tumango lang siya. Siguro ay tumango na lamang siya kahit hindi niya alam dahil halata naman sa pagkasabi ko na gusto kong kumain n'on.
"Malinis ba 'yun?' tanong niya.
"Sakto lang. Pero masarap talaga yung dessert nila na 'yun. Tuwing gabi inaaya ako ni Jules doon. Pati si Tin dumadayo pa doon." Kwento ko at tumango naman siya. Ako na ang nag-set ng GPS at nagsimula na siyang magmaneho.
"Pahiram phone, papatugtog ako." Sabi ko at tumango lang siya at prenteng inabot ang personal phone niya. Yung isang phone kasi pang GPS at pang-text niya lang pero yung phone na inabot niya saakin, yun ang madalas niyang gamit at pangtawag sa parents niya, pat na rin sa mga ka-close niyang kaibigan.
Nagpatugtog ako ng classic OPM songs. Kung tutuusin, pangarap ko talaga maging singer since bata palang ako gandang-ganda na pamilya ko sa boses ko pero ako mismo may gusto na huwag i-pursue yung music since gusto ko maging personal na lang ang musika.
Pinatugtog ko ang "Patunayan" by Silent Sanctuary. Sinabayan ko ang beat habang gumagalaw naman ang ulo ko.
"Pinanggalingan ma'y magkaiba...Tadhana natin ay iisa...Ito ang sarili nating yugto...Bakit pa ako lalayo." Kanta ko habang tinatapik ang hita ko at nakatingin sa kawalan. Napatigil ako nang mapansin kong lihim itong nakangiti habang nagda-drive.
"Bakit?" Tanong ko at umiling ito. Dinapuan ako ng tingin at ngumisi.
"Wala. Paabot nga ng tubig ko diyan," Pasuyo niya at tumango ako at tumalikod. Pero bigla akong nagulat at muntik nang mauntog nang pumreno ito ng malakas.
"Susmar----Noah!" Pagulat ko at sinandal ang kamay ko sa headboard.
"Tsk. Wait nga patingin nga ng nasa likod mo!" Inis niyang sabi at nagulat ako nang inikot niya katawan ko. Napakunot naman ang noo ko dahil sa ginawa niya.
"Ano bang ginagawa mo? Anong tinitignan mo,? Huy!" Pagtataka ko at narinig ko itong napahinga ng malalim.
"Gago talaga yung lalaking yun. Tignan mo ginawa niya sa likod mo. Ang laki ng pasa." Pagalit niya. Nandidilim ang mata nito at kulang na lang ay bumalik siya doon para bangasan muli si Jake. Agad naman akong humarap sa kaniya at tinapik ang kamay nito.
"Wag ka ngang O.A okay lang ako." Sabi ko at nagulat ako ng marahan nang hawakan niya yung parte na kanina pa masakit saakin.
"Tignan mo nga yan anong okay diyan? Tsk. Saglit nga dito ka lang." Paalam niya at hinila ang handbreak para lumabas ng kotse. Napanganga naman ako sa ginawa niya at tila hindi nag proseso sa utak ko ang nangyayari. Bakit lumabas 'yun?
Bigla naman akong naiwan kaya pinwesto sa itaas ang headboard ang cellphone ko pagkatapos ay tumalikod upang mapicturan 'to at tignan kung ano ba ang tinutukoy niya. Nang makuhanan ko ito ng litrato ay muli kong kinuha ang phone ko upang tignan. Napalaki ang mata ko nang makita ang malaking pasa sa likod.
"Lagot talaga.." Pag-aalala ko. Hindi ko rin maitatanggi kung bakit galit na galit si Noah. Putcha lagot ako kila kuya! Baka pagalitan ako!
Ilang oras lang din ay nakita ko siyang pabalik dito. Tumawid pa ito at tila may hawak na plastic. Napakunot naman ang aking noo. Ano na naman kaya binili niya.
Nang makarating ito sa harap ko ay binuksan niya ang pinto ng kotse at pumasok. Agad ko namang inusisa ang kaniyang binili at mas lalong napakunot nang makita ko ang nandito.
"Ano yan? Sho-shot ka ba? Bakit ang dami mong yelo?" Takang tanong ko at tinitigan lang ako nito na tila parang sigurado ba ako sa tinatanong ko.
"Wag kang sumandal." Utos niya at ginawa ko naman ang sinabi niya. Biglang tumaas ang balahibo ko nang maramdaman ang lamig sa likod ko. Seryoso niya pa itong inayos maging ang inclination ng upuan ko.
"Okay ka na?" Tanong niya at napatango naman ako. Medyo napatulala pa ako dahil seryoso ito at halatang concern ito saakin. Napalunok naman ako at umiwas ng tingin.
Pag kasi nagiging seryoso siya kasi siya ay minsan nakakalimutan kong kababata ko 'to. Kung 'di ko siya kilala malamang ay iisipin ko na may gusto siya saakin. Kaso hindi eh. Kilala ko si Noah. Malabo na magkagusto siya saakin at lalong magseryoso dahil hindi ganoon ang ugali niya sa mga babae.
Nang makita niyang maayos na ako ay pinaharurot na niya ang kotse. Walang nagsasalita saamin dahil parehas kaming nakikinig lang sa kanta. Ngunit, bigla kong naalala sila Julia kaya nilabas ko ang phone ko at nagtext sa kanila.
Me:
Mga bakla okay lang kayo?
Text ko. Mga ilang minuto rin ay sumagot naman si Kristine. Nagchat kasi ako sa group chat namin.
Kristine:
We're fine, sis. How about you and Noah?
Me:
Okay naman kami. Nagpasa lang yung suntok saakin. Kumag talaga! Eh si Callia, mhie nasaan? Kumusta?
Jules:
Sinundo ni Kuya Theron at ng lawyer nila. Pogi.
Agad naman akong napangisi. Gwapo talaga si Theron. Kahit ako crush ko 'yun eh.
Me:
Nasaan kayo ngayon? Sila Kels?
Kelsey:
Sinamahan namin si Yums. Baka mangulit na na naman yung ex niya.
Sagot naman ni Kelsey Lahat naman sila nagsi-seen pwera lang kay Ayumi. Kasama naman kasi nila.
Julia:
Hinay lang kamo si bakla. Baka jumiyak yarn.
Kristine:
She is. Plano nga naming mag inom later. Sama kayo?
Sasama na sana ako kaso naalala ko may dinner kami mamaya sa bahay. Naka-oo na ako kila mom kaya hindi pwede baka matalakan. Nandoon pa naman parents ni Noah.
Me:
Pass ako sis may dinner kami sa house.
Sagot ko at nag okay lang 'to. Um-oo naman silang tatlo. I guess ako at si Callia lang talaga ang wala. Panigurado ay riot na naman sa bahay nila.
Nang matapos ko sila kamustahin ay agad kong binaba ang telepono ko at muling tinugon ang tingin sa daan.
"Nakumusta mo na sila?" Tanong ni Noah at tumango naman ako.
"Mamaya nga tatawagan ko si Callia. Baka nalagot na naman yun. Sinundo daw ni Theron eh." Sabi ko. Theron lang tawag ko dun kasi crush ko talaga yun. Malay mo naman crush din ako. Wala namang masama sa crush diba?
"Wow. First name basis." Pangaasar niya at tinaasan ko naman ito ng kilay.
"Crush ko yun eh." Batid ko at napatigil naman 'to sa sinabi ko. Dinapuan lang ako nito ng tingin ngumiti lang ito ng simple.
"Iba type n'on. Hindi mahilig sa uhuging bata 'yun," Sagot niya at agad ko naman siya pinukulan ng nakamamatay na tingin. Yung bibig nito kailangan ng linisin, makapal na ang kalyo.
"Ay nagsalita ang napakalinis at maayos. Sa ganda kong 'to? Antayin mo 'ko magka-jowa." Hamon ko at inayos ang buhok ko. Agad naman itong napailing sa sinabi ko at tila hindi naniniwala.
"Malabo sa'yo." Pangaasar niya at napairap na lang ako. Kahit kailan hater talaga 'to pag magkaka-lovelife ako. Ako nga wala pang ka-first base siya home run na.
Hindi ko nga alam kung ilang beses na siya nakipag s*x sa iba. Pero wala naman akong pakielam doon dahil buhay niya 'yon. Ang akin lang wag muna siya makabuntis dahil mahahadlangan talaga mga plano niya sa buhay.
Ilang oras lang din ay nakarating na kami sa destinasyon namin. Sa tapat ng simbahan ay maraming nagbebenta ng kung ano-ano. Bigla naman nagningning ang mata ko nang makita ang pwesto ng puto-bungbong ni Ate Wendy.
"Safe ba diyan?" Tanong niya habang nakakunot ang mukha. Napangisi naman ako dahil sa reaksyon niya. Kahit kailan ang arte talaga nito, Akala mo ang linis-linis, hilig naman magkalat.
"Ay 'te kung ikukumpara naman sa'yo mas malinis naman 'yan," Pangaasar ko at lumingon ito saakin na tila gulat dahil saaking sinabi. Madalas talaga akong mang-asar dahil pikunin 'tong lalaking 'to.
Namumula na leeg niya pag nagpipigil siya ng emosyon kaya bilang may tama sa ulo ay madalas, inaasar ko siya lalo.
" 'te? Ate tawag mo saakin? Baka gusto mong buntisin kita diyan." Paghahamon niya na agad naman napaawang ang bibig ko at nag-init ang tenga ko. Balagbag talaga 'to magsalita kahit kailan. Pasmado.
Napalunok naman ako at napaiwas ng tingin dahil nakatitig ito na tila inaantay ang sunod na sasabihin ko. Gusto ko talaga pilipitin leeg niya kahit kailan. Na-awkward tuloy ako.
"Tanga bago mo pa magawa 'yun pinutol ko na yang daga mo." Sambit ko at bigla naman itong tumawa ng malakas. Halatang alam niya na wala na akong masabi dahil namamawis na kili-kili ko at nanunuyot na ang lalamunan ko. Iba rin kasi trip nito pag biruan eh. May halong kalandian.
"Tara na nga! Bago ko pa ipalunok sayo 'tong yelo." Dagdag ko at napailing na lamang ito at pinatay ang makina ng kotse. Tinanggal ko naman ang yelo sa likod ko at lumabas upang itapon ito. Napansin ko namang sinundan niya ako at nang maitapon ko ito ay tumungo ako sa pwesto ni Ate Wendy.
"Ate Wendy nagbabaga ang ka-freshan!" Bungad ko. Kasalukuyang may iilang siyang customer na ngayo'y napatingin sa gawi naamin or should I say kay Noah. Hindi ko naman maitatanggi dahil agaw pansin talaga kagwapuhan nito.
Napagawi naman saamin si Ate Wendy at sinilayan ako nang magandang bagang---este ng ngiti. Sa Christmas nga regaluhan ko ng pagpapagawa ng ngipin 'to. 40 years old ni si Ate Wendy at mukhang tagsibol na din.
"Mabuti naman at bumisita ka! Nasaan si Jules? At sino ang kasama mong saksakan ng pogi?" Bungad niya. Kaya love namin 'to si Ate Wendy eh. Kalog din katulad namin.
Napadako naman ako ng tingin kay Noah na ngayo'y tahimik at nasa likuran ko lang. Nagpupunas ito ng pawis at simpleng ngumiti nang nginitian siya ni Ate Wendy. Tinitignan naman siya ng iilang kababaihan kaya napangisi ako at napailing.
"Kaibigan ko Ate Wendy! Gwapo ba? Pwede namang sa'yo na lang--Aray!" Pangloloko ko at naramdaman kong kinurot nito bewang ko. Lagot na ako nito mamaya. Galit na 'to.
"Hi pogi! Nakatikim ka na ba ng bibingka at puto bungbong ko?" Tanong niya at ngumiti naman ito at umiling. Bigla naman akong natawa sa maduming kadahilanan. Lagot talaga ako dito pag inasar ko 'to.
Napansin ko namang tumutulo na ang pawis nito kaya kahit labag sa loob ko ay naglabas na ako ng tissue na pagkatago-tago ko. Charing 'di naman ako ganoon kasama.
Agad kong pinukol sa ulo niya yung tissue na agad naman niyang hinawakan. Nagpunas ito ng pawis at muli kong binalik sa bag ko ang tissue. Napatigil naman ako nang ngumiti nang nakakatakot--I mean nang makahulugan si Ate Wendy. Ay ang lakas mangasar.
"Ang sweet naman 'yan ba ang kaibigan." Pang-aasar niya at agad naman ako tinusok ni Noah sa tagiliran gamit ang hintuturo niya. Para itong bata na nagmamaktol at pinipilit na akong umalis. Mahiyain kasi ito lalo na pag 'di niya kilala ang tao. Hindi siya ganoon nakikipagusap. Isang malaking damulag nga.
"Ang teluk mo rin Ate Wendy eh 'no? Bigay mo na nga saakin yung order ko. Dagdagan mo lang ng isang order pa ng puto bungbong." Sabi ko at tumango naman ito at ginawa ang order ko. Once kasi na bumili ako s akaniya, may kasama 'man ako o wala, tig-dalawang order ang binibili ko.
"Oh ito na. Sabihin mo kay Jules dumaan din dito." Paalala niya. Tumango naman ako at nagpaalam. Nang pumasok kami sa kotse ay agad binuksan ni Noah ang makina ng kotse. Halatang wala na ito sa mood at iritado na 'to.
"Ang tagal tagal mo namang umorder." Pagrereklamo niya at halatang bad trip na. Napakagat naman ako sa labi ko at medyo natataranta sa loob-looban ko.
Nilabas ko na lang yung puto bungbong at hiniwa ito gamit ang tinidor at binigay sakaniya.
"Wag ka ng magalit diyan tikman mo na lang 'to."Utos ko at tinitigan lang ako nito na parang nagdadalawang isip kung kakainin niya ba. Nilapit ko ulit ng kaunti ang tinidor at nginitan ito.
Napahinga lang ito ng malalim at pagkatapos ay hinawakan ang kamay ko at sinubo ang pagkain. Ngumiti ako ng malawak at nag-thumbs up mang makita kong napatigil ito sa pagnguya.
"Sarap 'no? Favorite ko yan." Sabi ko at binigay sakaniya ang isang order na 'yun maging ang bibingka at agad naman niya itong tinanggap. Tahimik kaming kumakain nang bigla itong nagsalita.
"How did you know this place?" Tanong niya at napainom naman ako ng tubig at nagpaliwanag.
"Kay Jules. Mahilig kasi gumala sa mga ganitong lugar 'yun. Hinahabol nga ng driver nya 'yun dahil mahilig mag computer shop." Paliwanag ko at nanlaki naman ang mata nito at hindi makapaniwala.
"Gago weh? Naglalaro 'yun?" Gulat niyang tanong habang ngumunguya. Tumaas naman ang mga kilay ko at sumubo ng bibingka. Naubos ko na. Ang sarap talaga ng food ni Ate Wendy. Super the best!
"Oo. Kaya kabahan ka kasi magaling talaga 'yun pati sa mga software. Hindi lang halata kasi very girly pa magdamit." Pahayag ko at napatango naman ito.
"Ayain ko nga minsan maglaro 'yun." Bulong niya at tinapik ko siya. Magandang ideya yun kasi magaling talaga maglaro si Noah. Hindi lang sa puso ng mga babae pati narin sa gaming. Lalo na kamo si Levine.
"Sama mo si Levi. Crush niya 'yun." Dagdag ko at tumawa siya. Kababata niya kasi si Levine.
Small world kasi hindi ko inaasahan na magiging kaibigan ko 'yung matagal na nagkakagusto sa kaibigan ni Noah. Small world lang talaga.
Nang matapos kami kumain ay napagdesisyunan na naming umalis. Nagpatugtog lang kami sa kotse habang nagda-drive siya. Pupunta kami sa mansyon para mag dinner then baka bumalik rin kami dito at sa condo ko siya matulog. Minsan din kasi once na umalis kaming dalawa, tinatamad na 'tong pumasok at gusto na lang gumala. Hindi naman pwede saakin 'yun dahil next year graduating na kami.
"Grabe talaga traffic sa Pilipinas." Reklamo niya at napasandal. Na-stuck kami sa traffic pero mabuti na lang ay maaga kaming umalis. Mga alas-singko na nang makarating kami. Mamaya pa naman yung dinner so makakapagpahinga pa ang kumag dahil inaantok daw siya.
Napaunat ako ng katawan nang makasampa kami sa mansyon. Pag talaga nandito ako at sa bahay nila Noah parang gusto ko na lang magpahinga at matulog. Mediterranean style ang concept ng mansyon. Bahay kasi 'to nila Dad. Halos provincial vibe paligid nito kasi mapuno at matagal na silang nandito.
"Hi Maam at Sir!" Bati ni Ate Bebe. Napaunat ako ng leeg at ngumiti ng malawak.
"Hi Ate Bebe! Nandiyan na sila Kuya?" Tanong ko. Binaba niya naman ang walis at nagisip kung nasaan pa ang mga ito.
"Alam ko ang Kuya Carl mo nandiyan na kaso si Sir Earl pauwi pa lang. Kasama niya ang papa at mama mo." Sagot niya naman kaya napatango ako.
"Handa na yung pagkain?" Tanong ko at umiling ito.
"May kaunti pang 'di naluluto. Aakyat ba kayo sa kwarto? Kung gusto niyo tawagin ko na lang kayo." Pag-aaya niya at tumango naman ako. Hinila ni Noah ang braso ko para makaakyat sa kwarto namin. Hindi na ito nagsalita dahil inaantok na talaga siya.
"Sige Ate Bebe. Eto kasing damulag 'ko inaantok pa." Pagbibiro ko at agad naman itong tumawa. Napangisi lang si Noah at napakamot sa batok dahil hindi na siya makatawa. Wala na talaga siya sa mood.
"Sige bye 'te bebe!" Paalam ko at hinatak si Noah paakyat sa kwarto ko.
Kung tutuusin ay napakalawak talaga ng bahay namin. Kaya nga hindi na rin ako nagbubukas ng aircon dahil masarap ang simoy ng labas. Binubuksan ko na lang yung sliding door sa kwarto ko para pumasok ang lamig.
Nang makarating ako sa kwarto ay agad namang sumalampak ng higa sa kama ko si Noah at yumakap sa unan ko. Napailing naman ako at napaismid. Pag talaga nandito kami mas ginugusto niyang matulog sa kama ko kaysa sa kanila. Ako na mismo nagmamakaawa na umuwi na siya.
"Hoy wag ka muna diyan. Magpalit ka nga ng pambahay...Oh," Pagsaway ko at binato sa kaniya ang damit na mayroon siya sa cabinet ko. Lalapitan ko na sana ito para kurutin nang bigla itong bumangon na parang bata at dumeretso sa banyo. Weird talaga 'to minsan.
Nang makapasok siya dito ay agad naman akong naghubad ng mabilis sa pants at nagsuot ng black knitted shorts at white shirt. Bahala na kung pagalitan ni Mama eh sa dito lang naman kakain tapos casual lang din naman magsuot ang parents ni Noah.
Nang makahubad ako ng bra ay napaunat pa ako. Makapal na shirt ang kinuha ko dahil balak kong wag na mag bra. Ang sakit sa dibdib lalo na kung medyo nabiyayaan.
Biglang nanigas ang katawan ko at napatigil sa ginagawa nang biglang bumukas ang pinto habang wala pa akong saplot pang itaas.
"f**k! I'm really sorry." Rekasyon niya at napalunok habang namumula ang buong leeg nito.
____________________________________________________________________________