CHAPTER 04
"OOPS"
"f**k! s**t I'm sorry."
Bigla akong nanigas at tila nabigla sa nangyari. Mariin siyang napalunok at kalaunan ay mabilis itong tumalikod habang mariing nakapikit. Kaya mabilis ako nagsuot ng damit at natataranta.
Nakakahiya! Ang bobo ko! malay ko namang mabilis siyang magbihis! Ang pagkakaalam ko ay laging matagal yan sa banyo. Lalo na pantalon pa suot niya kaya alam ko na matatagalan pa siya.
"T-tapos na ako." Mahina ko na lamang sabi at inilagay sa basket ang marumi kong damit. Parang gusto ko na magpakain sa lupa. Feeling ko parang okay nang mawala muna ako ng saglit sa mundo. Gusto ko lang makalimutan ang pangyayaring 'to!
"Claudia Isabelle!" Pagtawag niya sa pangalan ko. Halatang puno ito ng inis at gulat kaya hindi na ako nakasagot at kinuha ang cellphone ko para ma-distract ako. Ito na 'ata ang pinaka nakakahiyang pangyayari sa buhay ko.
"Why didn't you wait me to change? Paano na lang kung may ibang tao?!" Pagalit niya at hinilot ang sintido niya. Hindi ito makatingin saakin dahil sa gulat. Suminghap lang ako at nagpalipat-lipat ng application sa cellphone.
"Malay ko bang lalabas ka agad..." Bulong ko. Huminga lang ito ng malalim at umiwas. Mukhang wala na siyang lakas para makipagtalo saakin kaya napahinga na lamang ito sa kama at napapikit ng mata. Exception naman siya sabi ni Lord! Hindi naman daw included sa score yung aksidente kaya wag niya na sanang dibdibin.
"Ewan ko sa'yo, Claudia. Next time, give yourself some privacy and never let your guards down. Paano na lang kung 'di mo kakilala yung pumasok?" Pagalit niya at napanguso naman ako. Wala na akong masabi dahil tama naman siya. Hindi naman kasi ako makapagantay.
"You're driving me crazy." Bulong niya at tumalikod nang pagkakahiga na tila ay hindi parin niya maproseso sa utak niya. Hindi ko na lang siya pinansin dahil inaantok na rin ito pero biglang nag-init mukha ko sa sunod niyang sinabi.
"But nice t**s by the way." Kumento niya at ipinikit ang mata. Bigla namang napaawang ang labi ko sa sinabi niya. Nabitawan ko pa ang cellphone dahil sa plot twist na sinabi niya. Kahit kailan talaga ang balahurang 'to! Akala ko naman ay seryoso siya kanina.
"Anong sabi mo?! Ikaw napaka-gago mo talaga!" Inis kong sabi at kinuha ko ang unan at hinampas ng malakas sa mukha niya. Narinig ko naman ang malakas niyang pagtawa dahil akala mo kung sino makapagseryoso at makapagsalita pero isa ring kalahating matino at tarantado!
"Oo maganda talaga dede ko! And I just want to say Mr. Noah Greg Rodriguez that this will be the best thing you'll never had!" Sigaw ko sa kaniya at dinaganan siya.
"Ang daming sinabi! Pinuri ko na nga---ay gusto mo ng ganito ah sige pagbibigyan kita." Nagulat ako nang bigla niya akong buhatin nang parang isang sakong bigas at binagsak sa kama.
Napatili ako at hinampas ko siya ng malakas.
"Gago ka! Masisira kama ko sa'yo!" Sigaw ko pero nagulat ako nang daganan niya ako at pagitnaan ng braso niya. Nakapatong na siya saakin ngayon habang malapit na ang mukha namin.
"Ano? Mangungulit ka pa? Pinagsasabihan ka na ayaw mo makinig ah." Suwestyon niya. Halos naduduling na ako dahil ang lapit ng mukha namin sa isa't isa.
Hindi ako nakapagsalita at nakatitig lang sa mukha niya. Maganda at mapangakit ang mata at ilong nito. Talagang mahuhuli ka sa pagtitig palang nito. Kung hindi lang siya isip bata ay noon palang ay baka na-inlove ako sa kaniya.
Napadapo ang tingin nito sa labi ko at napalunok habang nakatitig. Namula ang tenga niya kaya napataas ang kilay ko.
"Ang ganda pala talaga ng labi mo 'no?" Mahinang sabi niya. Napatitig ito sa mata ko na tila ay may sasabihin pa siya nang makapa ko ang unan. Nang mahawakan ko ito ay agad kong hinampas sa ulo niya.
"Oo maganda labi ko! Kaya bawal mapasayo!" Tulak ko sa kaniya at nang bumagsak ito sa tabi ko ay agad akong tumayo. Pero bigla nitong dinakip ang bewang ko at pinulupot ang mabigat niyang binti saakin.
" E'di wag, damot." Pagsusumamo niya at niyakap ako ng mahigpit na para bang ayaw niya ako pakawalan.
"Pakawalan mo nga ako. Akala ko ba matutulog ka ha?!" Tanong ko habang pilit na kumakawala pero binaon lang nito ang mukha niya sa balikat ko at mahigpit na niyakap ang maliit kong bewang.
"Inistorbo mo ko eh. Kaya dito ka na lang. Patulugin mo 'ko."
Kalaunan ay naramdaman ko ang mainit niyang paghinga kaya napairap na lamang ako at napahinga ng malalim.
"Ano ka sanggol para patulugin ko?' inis kong sabi pero hindi na ito umimik. Hindi na ako pumiglas at nakatingin lang sa kawalan. Mga ilang oras lang din ay naramdaman ko ang pagluwag ng kamay niya. Mabagal na ang paghinga nito kaya alam ko na nakatulog na siya.
Napaangat ang ulo ko at dahan-dahang humarap sa kaniya. Napansin kong mahimbing na ito natutulong at nakaawang pa ang labi. Napangisi naman ako dahil hindi pa rin talaga nagbabago ang way of sleeping niya. Basta talaga madikit 'to sa kama ay tulog agad.
Inipit ko naman ang mga kamay ko sa ulo at tinitigan lang siya. Hindi na ako makapagantay na matagpuan niya ang babae para sa kaniya. I mean, alam ko sa sarili ko na kahit anong gustuhin ko na dito lang siya sa tabi ko, alam ko na makakahanap siya ng iba at alam ko rin sa sarili ko na hindi kami pwede sa isa't isa.
We're not compatible and I don't think he'll be good for me. I may love his presence but I'm not sure if I want to keep him forever. Besides, I know that he'll surely going to break my heart. Kaya wag na lang.
Kalaunan ay napapikit na ako at dinapuan na ng antok. Mga ilang oras ako natulog nang mahimbing nang bigla akong may narinig na bulungan.
"Alam mo kumare tama lang talaga na pinagkasundo natin 'tong dalawang 'to..."
"I know..they look great together. I just can't wait to have my first ever apo after their college.." I heard kaya napaunat ako nang maalimpungatan at napadilat ng mata. Bigla naman napatigil ito sa bulungan nang gumalaw ako.
Nanlaki ang mata ko nang makita ko sila mom kaya napatigil ako sa paguunat.
Kumunot naman ang noo ko nang makita silang nakangiti ng malawak. Mukhang kinikilig pa ito sa nasasaksihan nila.
"Mom why are you here?" Tanong ko habang kinukusot ang mata ko.
Naramdaman ko namang may mabigat na kamay sa bewang ko kaya agad akong napadako kay Noah at tulog na tulog parin ito.
"Ay anak kasi dapat gigisingin namin kayo kaso mukhang masarap ang tulog niyo. Mabuti na lang at nagising ka." Sabi ni Mom at napailing naman ako sa sinabi niya. Alam ko namang kanina pa sila dito at tinitignan kami.
Masyado kasing mga supportive ito saamin ni Noah. I mean, sila naman talaga ang dahilan bakit naging close kami ng kumag. Simula baby pa lang kami pinagkasundo na kami.
Napadako naman ako kay Noah at inalog ito. Napapadaing pa ito dahil halatang inaantok pa kaya nagsalita na ako.
"Noah gising na...'andito sila tita Tina." Paggising ko. Naalimpungatan naman ito at napatingin sa gawi nila Mom. Napaungol ito sa inis dahil kumaway pa sa kaniya si Tita Tina. He hates when they do this. Ang laki na daw namin para silipin pa. But well, we're still a child for them.
"You could've wake us up immediately.." mahina niyang reklamo. Namumula pa mata nito dahil nabitin siya sa tulog kaya napakamot naman sa ulo si Tita Tina at ngumiti muli.
"Sorry anak! Namiss lang kasi namin pagkabata ninyo. Oh siya mauna na kami. Kakain na tayo kaya bumaba na kayo. Andyan nadin ang ate Dorothy mo at mga kuya ni Claudy." Paalam niya at hinatak ang mommy ko. Bigla naman akong mahinang napatawa at napailing. Promoter talaga kahit kailan.
"Si Mama talaga kahit kailan.." reklamo niya at tatayo na sana ako nang bigla ako hatakin nito at yakapin.
"Matulog na lang tayo." Parang bata niyang sabi kaya pinalo ko naman ang braso niya at tinanggal ito.
"Nawili ka diyan. Tumayo ka na at baka inaantay tayo ng mga 'yun." Pag-aaya ko at tumayo. Napakamot naman ito sa ulo niya at napahinga ng malalim.
Sa wakas ay sumunod rin ito saakin kaya agad kong inayos ang aming higaan na kaniya naman akong tinulungan. May kusa naman siya, pero makalat parin siya--pero hindi rin naman dugyot.
Ilang saglit lang ay bumaba na kami. Sumalubong naman saamin ang mga kasambahay na nagka-karaoke sa labas habang abala ang iba na maglagay ng pagkain sa hardin. Open area naman kasi ang bahay namin kaya presko talaga. And also, we treat our helpers just like how they treat us. May respeto at pagmamahal.
"Ate Dedeng!" Pagtawag at inakbayan siya. Nagulat naman ito at nanlaki ang mata nang makita ako.
"Anak ng---umuwi ka na pala ginulat mo ko buang." Bungad niya dahil bigla ko na lang siyang inakbayan. Natawa naman ako at prenteng lumabas sa hardin upang tignan ang set up.
Napakaganda ng paligid dahil nakabukas ang mga ilaw na nakasabit na string light habang may mga bulaklak naman sa pool namin at ilaw. Maraming accent din ang paligid at puno ng Peonies flowers. Ang taray lakas makabagong kasal.
"Anak! Bakit hindi ka man lang nagbihis!" Nagulat ako nang maramdaman ko ang hablot ni Mom. Napakamot naman ako sa ulo ko at napangiwi.
"Masyado na akong haggard, mom. Pagod kami ni Noah sa biyahe at school." Batid ko at huminga lang ito ng malalalim. Napaawang ako nang bigla ako paluin sa pwet.
"Pasaway talaga. Oh siya at tawagin ko na ang mga balae at dad mo para makakain na tayo." Paalam niya at agad itong pumasok sa loob ng bahay.
Sa totoo lang, kahit na 'di hamak na mayaman kami ay kapansin-pansin parin saamin na namumuhay kami ng normal. Dagdag na lang siguro yung maganda ang bahay at buhay namin. Hindi naman kasi lumaki sila Mom na mayaman. Dahil lang sa pangarap at matinding pagsisikap kaya nabiyayaan kami ng sobra.
"Kumusta, tol?"
Napabaling ako kung sino ang nagsalita at nakita ko si Kuya Earl na nag pound hug kay Noah. Tinanguan niya ito at malawak na ngumiti.
"Okay naman. Balita ko nagtayo ka ng casino mo ah?" Tanong niya at nag-usap sila about sa business. Sa totoo lang, wala talaga akong interest sa business pero gusto ko siya matutunan. Kung ako lang papipiliin gusto ko mag theater acting.
Pero sa laki ng business namin, mukhang malabo na magawa ko ang gusto ko dahil hindi naman kakayanin nila Kuya Carl na sila lang. Hindi pa nga ako natatapos sa pag-aaral may nagaantay nang branch ng hotel saakin.
Napabaling naman ako kay Ate Bebe na ngayo'y naglilipat ng paso kaya agad ko siyang nilapitan at tinulungan.
"Ay jusko kang bata ka. H'wag mo na akong tulungan ay---pasaway ka talaga," Pagsasaway niya saakin kaya napatawa naman ako at nagpagpag ng kamay.
"Ano ka ba Ate Bebe minsan lang." Giit ko. Minsan lang naman kasi ako umuwi dito. Tsaka maliit na bagay lang naman ginagawa ko.
"Kung wala ka magawa kumanta ka doon. Nagkakantahan na sila Jen doon." Sabi niya at agad naman akong tumungo sa pwesto nila.
Nang makarating ako sa pwesto nila ay napangisi ako dahil may projector pa talagang nakahanda at sound sytem. Bigay na bigay naman pala ang pa-dinner nila mom.
"Ay shuta biritera!" Kumento ko pagkapasok. Nagpamewang pa ako habang nakaawang ang labi ko.
Kinakanta lang naman nila yung kay Jaya na "Wala na bang Pagibig." Kakatapos lang ng chorus kaya tama lang ang dating ko dahil gusto ko talaga sila pinapanood. At nang mag bridge ang kanta ay ibinigay nila saakin ang mic.
"Ikaw na ate kanta ka!" Pag-unlak ni Jen kaya nagulat naman ako. Pero wala akong magawa kundi kumanta dahil ayoko naman maging kill joy.
"Wala na bang pag-ibig sa puso mo at di mo na kailangan..." Panimula ko at nagpalakpakan sila. Mana kasi ako kay Mom kumanta. Mabuti na lang at marunong ako bumirit.
I sing more R&B kasi yun ang compatible sa boses ko pero I can sing ballads rin naman.
"Ang pag-ibig na dati'y walang hanggan pa'no kaya ang bawa't magdaan.." pagkanta ko habang ginagalaw ang bewang at sinasabay sa pagkanta.
At nang mag-chorus ay tinaas ko ang boses ko. Biglang pumalpak at nawala si Jen at Ate Dedeng.
"Grabe naman nakakainlove!" Narinig kong sigaw ni Noah at nang mapatingin ako dito ay nasa kabilang dulo ito at pumapalakpak. Natawa naman ako bigla dahil sila Mom naman ay kinukuhaan ako ng video.
Halos lahat sila nandoon. Pati si dad nakadungaw at mukhang proud na proud siya. Dapat lang 'no! Ako lang babae niyang anak.
Nang matapos ang kanta ay lahat naman sila nagpalakpakan at naghiyawan. Natawa naman ako at napailing. Grabe! Standing ovation ba 'to? Kulang na lang ng tao pwede na ako mag concert.
Ibinalik ko na sakanila ang mic at tumungo sa pwesto nila Mom. Niyakap ko si Tita Tina at Tito Mario. Sila kasi ang parents ni Noah.
"Hello po tita and Tito!" Pagbati ko at pinisil naman ako ni Tita Tina.
"Jusko anak sobrang dalaga mo na!" Masayang sabi niya. Mahina naman akong napatawa. Parang hindi naman ako nakita kanina.
"Pasensya na tita kung kanina hindi ko kayo nabati, kakagising ko lang po kasi." Nahihiyang kong sabi at niyakap lang nito ang bewang ko.
"Okay lang anak! Alam mo ba Mario ang sweet talaga nito nitong dalawa. Tama lang talaga na ipakasal natin." Sambit ni Tita at natawa naman si Tito Mario.
"Hayaan mo sila, mahal..magpapakasal naman yan kung gugustuhin nila," Batid ni Tito Mario kaya napaapir naman ako sa kanila. Bandang mid 50s pa lang naman kasi silang lahat kaya hindi daw nagkakalayo sa edad.
"Galing naman ng anak ko kumanta!" Bungad ni Papa kaya agad naman akong napatingin sa kaniya. Tumakbo ako dito at yumakap ng mahigpit.
"Dada I miss you!"Paglambing ko. Isang buwan na kasi ako hindi rin nakakauwi. Sa totoo lang, noon pa man ay natuturingan na akong daddy's girl dahil grabe talaga pagmamahal saakin ni Dad. Ganoon daw siguro pag bunso tapos babae pa. Nakakapag-palabas daw ng vulnerability ng tatay.
"Ay ang laki-laki mo na tumatalon ka parin saakin. Kumusta ang baby girl ko hm?" Tanong niya at napangisi naman ako. Kahit kailan talaga si Dad grabe gusto kong umiyak dahil sobrang namiss ko talaga siya.
"I miss you dada.." bulong ko at niyakap siya lalo. Grabe! Minsan nagu-guilty talaga ako pag 'di ko sila nabibisita kahit 'man lang every weekends.
"Aysus! nagpapalambing na naman." Tawang batid ni Dad at napatawa naman sila Tita Tina at si Mom.
"Ay jusko eh siyempre kunstidor ang tatay kaya favorite." Pangaasar niya at napanguso naman ako at napasingkit ang mata ko.
"Minsan kasi Dada punta kayo sa condo ko..3rd year na kasi ako kaya I don't have time to visit you." Pagrereklamo ko at inayos naman ni Mom ang buhok ko. Napaayos ako ng tayo at inakbayan si Dad. Tinapik lang nito ang bewang ko at tumawa.
"Eh alam mo naman patanda na kami ni mama mo. Ayaw na namin sa syudad." Sagot niya at tumango naman si Tito Mario.
"Tama si kumpare. Depende na lang pag bibigyan niyo na kami ng apo. Kahit isang taon pa kami manatili sa inyo ay okay lang." Pangaasar ni Tito Mario. Agad naman ako napabaling kay Noah at tinitigan siya na tulungan ako sa mga mashoshonda na naghahanap na ng bata.
"Grabe naman 'Pa. Patapusin niyo muna kami." Pahayag naman ni Noah at agad akong napatango. Mabuti na lang at madilim na lang at puro ilaw. Hindi ganoon kahalata ang pamumula ng pinsgi ko. Hindi pa nga ako nakakapag-trabaho bata na agad hanap. Ganoon ba talaga pag stable na financially? Bata agad hinahanap?
"Oo naman anak! Basta wag niyong tagalan." Pang-aasar ni tita Tina at napakamot naman ito sa ulo.
Sa huli ay nagkaayaan na sa long table at gumayak na kami dito. Sumunod na rin si Kuya Carl at Earl. Napalingat naman ako upang hanapin si Ate Dorothy.
"Nasaan si Ate Dorothy? Akala ko nandito na?" Tanong ko. Katabi ko ngayon si Noah at nagce-cellphone nang bigla namang sumagot si Tita.
"May sinagot lang na tawag galing sa trabaho---oh ayan na pala siya!" Saad niya at napadako naman ang tingin ko kay Ate Dorothy. Grabe! Unang kita ko palang sa kaniya nagmumura na ang kagandahan niya.
"I'm really sorry it took me so long. I have an urgent call." Mahinahon niyang paumanhin. Grabe! Bukod pa sa maganda at business minded 'to ay napakahinhin pa. Lahat na 'ata ng santo sumanib dito.
"It's fine Hija. You may take your seat." Pag-unlak ni Mom. Agad naman itong napangiti at tumabi kay Earl. Nagkatinginan sila ni Kuya Carl ngunit umiwas nang tingin si Ate Dorothy at napasinghap.
"Happiest anniversary to both of you Tita! I have left my present on my car." Mahihiya niyang sabi at nagulat naman ako.
"Hala may exchange gift?" Blangkong tanong ko at napatawa naman sila.
"Grabe tinalo ka pa ni Ate." Sabi ni Noah at agad naman siyang pinandilatan ni ate Dorothy dahil baka nahihiya ito or ayaw niya makaramdam ako ng guilt. Kung sa barkada ay si Theron ang boy crush ng lahat, sa babae naman ay ang ate ni Noah.
"Dagdagan kamo ako ng baon para makapagregalo ako," Parinig ko at tumango naman si Noah at sumulsol din.
"Oo nga. Minsan tumataas kuryente ko sa condo," Malalim nitong parinig.
"Ay jusko Noah tigilan mo ang kaka-party." Pagalit ni Tita at natawa naman ako ng malakas.
Nagsimula na kaming kumain at nagkwentuhan. Marami akong nakain dahil namiss ko bigla ang luto dito sa bahay. Kahit na marunong ako magluto ay iba parin ang lutong bahay. Kahit 'ata kanin feeling ko iba rin ang luto.
"Noah," Pagtawag ni Ate Dorothy na agad namang napatingin si Noah. Napalunok ito at simpleng ngumiti.
"Tell them what happened earlier." Sabi niya na agad naman akong napatigil. Napadako naman tingin nila Mom at Dad saakin maging ang parents ni Noah.
"What happened?" Tanong ni Tita Tina at nagpunas ng labi. Hinatak naman ng kaunti ni Noah ang damit ko na tila nanghihingi ng tulong.
"Bahala ka diyan," bulong ko at humigop ng soup. Pinanlisikan naman ako nito ng tingin at huminga ng malalim.
"I got into a fight earlier." Pag-amin niya at napatigil si Tita Tina. Lagot talaga siya, tsinelas abot niya. Kahit ba malaki na siya, pasaway kasi eh.
"But please hear me out! I punch that prick because he punched her," Turo ng thumb niya saakin. Napadapo naman ang tingin nila saakin na may buong pagalala.
"No I'm really fine. There's nothing to be worried about." Mahina kong tanggi habang umiiling. Sinipa ko naman ng mahina ang paa ni Noah dahil baka magdagdag pa ito ng detalye para maabswelto siya.
"Grabe 'ma! Nagkapasa pa yung likod niya. I got really worried since she got a bruise! What if he fractured her bones, huh? What if she got comatose because of that?" Tanong niya at napanguso naman si Mom habang halata kay Dad na hindi niya gusto ang nangyari dahil seryoso ito. Anak ng tokwa nakinig nga!
"How can I marry her ang give you our mini-me? Sige nga." Pada-drama niya and this time inapakan ko na talaga ang paa niya ng mariin sanhi na mapadaing siya. Ang dami nang sinabi kulang na lang talaga karayom at sinulid para tahiin ang bibig nito.
"Tama na OA ka na. Tatahiin ko na yang bibig mo pag 'di ka pa tumigil." Pagbabanta ko at agad naman itong napatahimik at binigyan lang ako ng side eye. Aba!
"That man! I want you to call our family lawyer, Carl! No one has the right to lay fingers on my daughter." Galit na sabi ni Papa at ito namang si kuya ay sunod naman kay dad kaya napatayo na ako upang pigilan siya.
"Kuya stop! I'm okay! Callia's dad took care of it. I got involved lang since I'm trying to stop the rumble. But I'm okay na." Pagpipigil ko at sinenyasan ko naman si kuyang umupo at nginitian si dad para makumbinsi ito.
"My poor baby. Stop including yourself to a fight. "Pag-aalala ni mom. Tumango naman ako at ngumiti.
"I'm really okay. Noah is just..overacting and yeah..he was there naman so he got me." I said and smiled to him.
"'di ba?" I added and he nodded.
"Next time mag-ingat kayo. And you Noah, papalagpasin namin 'to since you protected her. But next time na laman-laman ko na nakipagaway ka, you know what will be the consequence." Sabi ni Tita at agad naman itong tumango at patuloy na kumain.
Ilang oras din ay nawala ang tensyon sa sa mesa at patuloy kaming nakukwentuhan. Nag-uusap naman si Kuya Earl at Ate Dorothy habang si Kuya Carl ay tahimik lang at nakatingin kay Ate Dorothy. Halata namang iniiwasan ni Ate ang mata nito at chumichika na lang din siya kay mom.
"Dorothy is already in the right age. I told her to get a husband hindi yung lagi siyang nakasubsob sa trabaho." Kumento ni Tito at napangisi naman ito at nagpatuloy kumain.
"Yeah she should, right Dorothy?" Makahulugangsabi ni kuya Carl na agad naman kaming napatigil. Napalunok siya at pinukulan siya ng tingin at patagong inirapan si Kuya.
"I don't need another headache.." Sagot niya at tumawa naman sila Mom at napagkwentuhan kung gaano kailap sa pagde-date si ate Dorothy.
Well I can't blame her, she's a very respectable woman. Dare to speak ill about her, she'll put you in your right place. She's also a perfectionist. Kaya rin siguro hindi siya basta pumapatol sa mga lalaki dahil alam niya ang worth niya.
Natapos ang dinner at nagkantahan at nagsayawan na ang mga parents namin. Habang si Dorothy naman ay kausap Carl habang nakasimangot.
Kuya Earl is more carefree and charming. Malakas ang sense of humor nito at masiyahing tao kaya hindi na ako nagtataka na magkasundo sila ni Ate Dorothy. Unlike Kuya Carl na laging seryoso at trabaho inaatupag.
Let's just say that he's too sexy and playful for her.
"Sayaw tayo." Pag-aya ni Noah na biglang sumulpot sa likuran ko. Nagulat naman ako at napatingin dito.
"Wag na..moment ng mga thunders." Pagtanggi ko habang umiinom ng wine. Suminghap naman ito at ibinaba ang hawak kong inumin at hinatak ako sa gitna.
"Hindi naman ako nagtatanong." Dagdag niya pa at hinila ako para hapitin ang bewang ko.
"Kailan ka ba nakinig?" Tawa kong tanong at inirapan lang ako nito. Dahan-dahan ang naging pagsayaw namin dahil napakaganda ng kanta.
Nang sumasayaw kami ay biglang tumugtog naman ang "When I met you" by APO Hiking Society. Napangiti naman ako nang maalala ang kanta.
"Hala favorite old song natin." Masaya kong sabi at napatango naman siya. He may not have the talent in singing but he knows how to play instruments at isa 'to sa mga gusto naming tinutugtog. Old soul kasi kami ni kumag.
Nang mag chorus ay napayakap ako sa kaniya. Dala na siguro ng emosyon at ng kanta, Kahit na hindi ako in-love ay makakaramdam ka talaga pagdating sa musika.
"Baka mafall ka. I don't mind it." Pangaasar niya at mahina ko namang pinalo ang dibdib niya.
"Ang lakas mo ah. As if naman." Depensa ko at napatingala naman ito. Nakita ko namang gumalaw ang Adam's apple nito. Nakangiti lang ito at muling tumuon ang atensyon saakin.
Tila parang kumikislap ang mata nito dahil na rin siguro sa mga ilaw at hinawakan ang mukha nang ikinainit ng mukha ko.
"But seriously, Claudy. I won't mind if both of us fell into this arrangement.." Sambit niya na may punong sinseridad sa boses niya.
________________________________________________________________________________