CHAPTER 05 "APPROACH" Ilang linggo na ang lumipas simula nang umuwi ako sa mansyon. Pagkatapos ng kainan ay umuwi din kami nang bandang ala-una dahil may klase pa ako kinabukasan noon. Hingal na hingal at may buong kaba sa aking dibdib, kasalukuyan akong tumatakbo papunta sa room dahil late na ako. Masyado akong maraming tinapos kagabi kaya na-late ako ng bangon. Hindi na rin kami masyado nagkikita ni Noah dahil busy siya sa football. Mag NCAA na kasi kaya puspusan ang training niya ngayon. Madalas naman niya ako kumustahin at i-message, pero other than that, hindi ko na 'to ini-istorbo dahil puspusan ang training niya. I almost forgot that he's also a football player. I mean, it's his passion. Simula bata pa lang ay mahilig na talaga maglaro ng football 'yun. Manlalaro na siya noon p