Chapter 19: Sa Isang Patak ng Dugo

2017 Words
Apartamento Luma Isang linggo ang nakalipas, sa Apartamento Luma ay labis ang pagtataka ni Mang Erning. Isang linggo na rin ang nakararaan buhat nang makabalik at makauwi sa kaniyang apartment sa 20th floor ng building si Emmanuel. Hindi man lamang niya ito nakitang lumabas o nagpaalam sa kaniya. Kaya ganoon na lamang ang kaniyang labis na pagtataka. Sinubukan niyang puntahan ang room nito sa 20th floor pero walang sumasagot. Kaya pabalik-balik na rin si Mang Erning mula 20th floor pababa ng lobby. Ang hindi alam ni Mang Erning, natagpuan pala ni Emmanuel ang isang secret door sa loob ng kaniyang apartment. Ang pintuang iyon ay isang elevator na nakatago ang button sa mismong loob ng kaniyang kuwarto. Simula noong gabing umuwi siya at binuo ang planong gumawa ng barahang itatapat niya sa proyekto nina Luzio Batumbakal at Severo Ilusyunado, ay nalaman niya ang pintuang iyon. Aksidente niyang nailagay ang mga kamay sa uluhan ng kaniyang higaan matapos humikab at may napindot na isang bagay. Bumukas kasi agad iyon at nang tingnan niya, isa pala itong elevator patungo sa basement na tanging siya lamang ang nakaaalam. At sa basement na walang pintuan kung sa labas manggagaling, doon sinimulan ni Emmanuel ang kaniyang nabuong planong gawin ang Card Number 65: Ring of Love. Pero magpahanggang ngayon ay hindi pa rin niya ito matapos-tapos. May kung anong kulang na hindi niya mawari. Nagawa na niya nang mas maaga ang website na Ringoflove65@cardnumber.com, ngunit hindi pa rin niya alam kung paano gagana ang card na iyon. "Isang linggo na pero hindi pa rin ako nagtatagumpay. Buo na rin ang dalawampung baraha. May mga kondisyones at restrictions na rin ito. Kaya lang hindi ko alam kung paano ko ito gagawin mas makatotohanan." Ang tinutukoy niyang baraha at restrictions ay ang nagawa niya, na kasalukuyang nakakalat sa kaniyang harapan. Nilagyan na nga niya ito ng restrictions na tanging ang tunay na tao lamang ang may karapatan at may kakayahang paganahin ito. Pero ang hindi niya alam na gagana ay kung paano gamitin ito matapos bigkasin ang mga katagang nakalagay sa ibaba nito, sa patulang paraan. Card number: 65 Card name: Ring of Love English Name: Ring Local Name: Singsing Category: Special Senses: Pronounce Ability: Katapatan (Loyalty) Power: To find the right one, the loyal true love. Rarity Level: 3 Rarity Reserve: 20 Paano gamitin: Ang taong may hawak nito ay kailangang bigkasin ang mga katagang nakasulat sa baba, sa harapan ng kard: Tunay na pag-ibig, Pag-ibig na makapangyarihan, Ako ay tulungan, Dalhin sa taong tunay na magmamahal sa akin! Pagkatapos sambitin ang mga katagang iyon ng tatlong beses ay magliliwanag ito at magiging isang singsing na kailangang suotin ng may-ari ng kard na iyon. Expiration: Kapag nagkita na ang may-ari ng kard at ang itinakdang magiging katuwang nitong totoong tao ay maglalaho ang singsing at babalik ito sa dating anyo bilang isang kard patungo sa nag-imbento nito. Restriction: Tanging ang mga lalaki at babaeng nasa edad dalawampu at lima pataas lamang ang may karapatang magkaroon ng kard na ito. Sa tatlong pulo ng bansang Perlas, dalawampung cards na lamang ang matitira, at ang mga ito ay matatagpuan lamang sa mga rehiyon ng Luzia, Yasavi, at Danamin. Limang tao lamang sa Luzia ang nakatakdang magkakaroon ng kard, sampu naman sa Yasavi, at lima ulit sa Danamin. Ang dalawampung ito lamang ang mabibigyan ng pagkakataong magkaroon ng kard sa tatlong rehiyon ng Perlas. Ang mga restrictions, at kung paano ito gamitin ang siyang kulang sa nabuong plano ni Emmanuel. Hawak-hawak niya nang mga sandaling iyon sa basement ng Apartamento Luma ang isang maliit at matalas ng kutsilyo habang nakaupo at nakaharap sa mesang kanina pa niya tinititigan. May hinihiwa itong mansanas nang aksidente niyang masugatan ang kaniyang hintuturo sa kaliwang kamay, dahilan upang magsipatakan agad ang dugo mula rito at tumulo sa pinakasentrong kard na kaniyang ginawa. Agad niyang binitiwan ang kutsilyo at sinipsip ang hintuturong dumugo. Pansamantala niyang iniwan ang ginagawa upang bumalik muna sa kaniyang silid sa 20th floor at gamutin muna ang kaniyang sugat. Pagkapasok at pagkasara ng elevator ay hindi namalayan ni Emmanuel na ang dugong pumatak ay siya palang magiging sagot sa kaniyang mga tanong. Unti-unti itong naglaho sa kard na iyon at ilang saglit pa ay lumiwanag ito at nilamon ng liwanag na iyon ang dalawampung kard sa mesang iniwan ni Emmanuel. Wala itong kaalam-alam na ang natutulog sa kaniyang kamalayan ay nakalabas mula sa katawan nito at dumaloy sa dugong pumatak sa kaniyang hintuturo. At ngayong nakalabas na ay lumipat naman ito sa mga kard na siyang magiging hudyat ng kaniyang paggising bilang isang bagay na nakatakdang tumulong sa huli kay Emmanuel at sa mga taong naghahanap ng tunay na pag-ibig. Ang liwanag na naroon sa basement na iyon ay lumikha ng isang malaking tipak ng liwanag na lumabas sa Apartamento Luma na hindi kailanman mapapansin ng normal na tao, ngunit naramdaman ng magkakapatid na sina Juno, Charlemagne, at Lancelot. ... Shaowman Talent Management Building Sa bawat sulok ng building ni Mr. Preston Shaow ay sunod-sunod ang mga photoshoots ng magkakapatid na sina June, Charlie, at Lancelot na parehong ina-dopt ni Mr. Shaow bilang kaniyang mga anak. Nasa Greenhouse Effect area si Lancelot na panay ang pagpapa-cute sa camera habang si Juno naman ay nasa swimming pool area na naka-topless bikini model. Si Charlie naman ay nasa gym area nagpo-photo shoot habang nagbubuhat ng mga equipments doon. Lahat ng magkakakapatid ay abala nang mga oras na iyon nang pareho at sabay-sabay pang tumigil ang mga ito sa kanilang ginagawa at napatingin sa kalangitan. Doon ay napansin nila sa hindi kalayuan mula sa building ni Mr. Shaow ang isang liwanag na isang minuto lamang ang itinagal at naglaho. Dahil sa magkakaibang parte sila ng building ay naisipan ng magkakapatid na mag-usap sa isipan na lamang. Maabot at maririnig naman ng mga ito ang kanilang mga boses sa isipan, kahit malayo sila sa isa't isa. Iyon ang kakayahang mayroon sila. "Nagising na ang prinsesa. Alam kong nakita ninyo ang kakaibang liwanag na iyon, Juno, Lancelot," aniya Charlemagne habang nagpapatuloy sa pagngiti sa harapan ng camera sa gym area. "Oo, kuya. Senyales na rin ito na kailangan na nating hatiin ang ating mga oras upang hanapin ang lalaking iyon. Ramdam kong sa kaniya nagmula ang paggising ng ating mahal na prinsesa," sagot naman ni Juno na nakangiti rin sa harap ng photographer habang kaliwa at kanang naglalakad at nagpo-project ng kaniyang katawan sa swimming pool area. "Schedule na natin iyan, mga kapatid para sama-sama tayong maghanap sa mahal na prinsesa nang hindi iniiwan ang ating responsibilidad kay Daddy Shaow," nagpapatawa namang sagot ni Lancelot na kanina pa palipat-lipat sa mga halaman at bulaklak sa Greenhouse Effect area, sa labas ng building. "Bakit kasi dito ako sa mga halaman at bulaklak napadpad. Hindi ba ikaw, ate Juno ang may hilig sa mga ito? Bakit ako ang nilagay dito?" Lihim namang napangiti at humagikgik sina Juno at Charlemagne nang marinig ang pagreklamo ng bunsong kapatid. Wala nga itong hilig sa mga halaman at bulaklak. Tanging si Juno lamang ang may malaking interes sa mga bagay na iyon at hindi si Lancelot. Ngayong alam na nilang nagising na ang mahal na prinsesa Maharlika, kailangan naman nilang hanapin ang lalaking nakita nila sa LED TV, isang linggo ang nakararaan. Subalit, ang malaking tanong na iyon ay kung paano sila makakapasok sa Robotics For Life building. "Naiisip ba ninyo ang naiisip ko, Juno, Lancelot?" tanong ni Charlemagne nang sumagi sa kaniyang isipan ang isang plano. "Malay ko sa iyo, kuya. Hindi ako sa B1 at hindi rin si B2 sa Bananas N Pajamas na mga karakter sa cartoons," muli na namang binigyan ng isang malaking tandang pananong ni Lancelot ang kaniyang mga kapatid pero binawi niya rin agad ito dahil alam niyang magtatanong at magtatanong lang sila. "Biro lang. Ano ba ang naiisip mo kuya na hindi ko maisip?" "Gagamitin natin ang invisible powers natin para makapasok sa Robotics For Life building. Tama ba ako, kuya Charlemagne?" natumbok din ni Juno ang ibig sabihin ng nakatatandang kapatid na si Charlemagne. "Tumpak. Pero kung hindi puwede ay hihingi tayo ng tulong kay Daddy Shaow upang makapasok sa loob ng Robotics For Life building," masayang turan naman ni Charlemagne. "Bakit kailangan nating gamiting ang invisible powers natin kung kaya naman nating gamitin ang mga charms natin at hihingi tayo ng tulong kay Daddy Shaow. Sigurado akong pagkakaguluhan ang mga larawan natin online at doon ay puwede tayo humingi ng permiso mula sa may-ari na bisitahin ang kanilang building para isang photoshoot. Ganoon!" Bigla namang natigilan at malalim na pinag-isipan nina Juno at Charlemagne ang sagot ng bunso nilang kapatid nang mga oras na iyon. Patapos na rin ang kani-kanilang mga photoshoot at oras na upang magtipon-tipon sila sa dining hall area kasama ang kanilang daddy Shaow. Doon ay puwede silang magtanong at humingi ng tulong sa kaniya, kung ano ang pinakamabilis na paraan para makapasok sa Robotics For Life building. "Oras na ng pagkain. Tapos na ang shooting. Tayo na sa dining hall, ate Juno, kuya Charlemagne!" sigaw ni Lancelot sa kaniyang isipan at napangiti naman ang magkakapatid at napailing na lamang. Mahigit isang linggo pa lamang nang sila ay mamalagi sa mundo ng mga tao pero sadyang nakagiliwan at nakasanayan na ni Lancelot ang mamuhay na parang isang normal na tao. Mahilig itong magbasa at mag-explore ng kung anu-ano sa online world. Kaya sa kanilang bunso sila nagtatanong kapag may mga bagay silang hindi maintindihan. Si Lancelot kasi ang mas madaldal at showy sa kanilang magkakapatid. Tinapos na rin nina Juno at Charlemagne ang kani-kanilang photoshoot bago tinungo ang shower rooms sa swimming pool at gym area ng building. Simula nang ipakilala sila ni Mr. Shaow bilang kaniyang mga adopted children sa ibang mga talents at empleyado ng Shaowman Talent Management ay bihirang may napapadpad sa gym area, sa swimming pool, at garden upang mag-shoot. Kapag wala silang tatlo sa mga area na iyon puwede na ang iba na mag-shoot dahil iyon ang inanunsyo ni Preston Shaow sa kaniyang mga talents. Wala namang problema at wala namang nagreklamo nang makita at makilala sila. Karamihan pa nga sa mga naroon ay tuwang-tuwa at tumitili pa nang masilayan ang kanilang mga mukha. Para raw silang nakakita ng mga Greek Gods mula sa Gresya na pumunta ng Perlas upang maging talents ni Mr. Shaow. SA LOOB NAMAN ng opisina ni Mr. Shaow ay ngiting-ngiti itong pinagmamasdan ang mga naunang larawan ng photoshoots ng kaniyang adopted children. Hindi rin niya inasahan ang paglobo ng mga followers nila sa kani-kanilang mga PazeBuk accounts, Gram, at website niyang shaowtmnewmodels@mrshaowtalents.com. Hindi maipaliwanag ni Preston Shaow ang kaniyang sayang nararamdaman. Simula pa lamang ito ng pag-usad ng kaniyang kumpanya at sisiguraduhin niyang siya ang aangat sa mundo ng modeling world. Kung hindi man niya matalo ang Robotics For Life dahil iba ang kalakalang mayroon ito, tatalunin naman niya ito sa ibang paraan at iyon ay ang dagsain ng mga tao at robots ang photos ng kaniyang adopted children. Habang patuloy sa pagba-browse si Mr. Shaow sa kaniyang laptop ay biglang sumagi sa kaniyang isipan na mag-set ng appointments sa Robotics For Life building upang ipakilala ang kaniyang talents na sina June, Charlie, at Lancelot. Agad niyang tiningnan ang maliit na notebook sa tabi ng laptop nito at isa-isang tsinek ang mga numbers. Napangiti siya nang makita ang numero ng RFL at agad na dinayal ang mga numero niyon upang tumawag. Saktong may sumagot sa kabilang linya at nagpakilala agad si Mr. Shaow. "Hi there, RFL office, this Senaya speaking. How can I help you?" "This is Mr. Preston Shaow and I would like to set an appointment with Mr. Luzio Batumbakal." "Hello there, Mr. Shaow. It's been a while since the last time you called. Allow me to put you on hold and transfer you to the Chief Executive Officer's office." "No problem." Matapos marinig sa kabilang linya ang sinabi ni Senaya, na siyang tumanggap ng call niya ay naghintay si Mr. Shaow ng ilang minuto bago may sumagot. "RFL CEO office, Mr. Batumbakal speaking." "Mr. Batumbakal, this is Preston Shaow. How have you been?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD