Shaowman Talent Management Building
Ilohi, Yasavi
"RFL CEO office, Mr. Batumbakal speaking."
"Mr. Batumbakal, this is Preston Shaow. How have you been?"
Pansamantalang katahimikan ang namayani sa magkabilang linya ng dalawa. Kahit ang bawat paghinga ng mga ito ay hindi mo maririnig sa katahimikang iyon. Bawat isa ay tila may naalala lalong lalo na si Luzio Batumbakal.
"Preston, ikaw pala iyan. Kumusta?" si Luzio na ang bumasag sa katahimikan sa pagitan nilang dalawa sa kabilang linya.
"Naks! Naalala mo pa pala ako?" hindi naman nakalimot na sagutin ng pabalang ni Preston si Luzio Batumbakal.
"Hindi ka pa rin nagbabago, Pres. Matagal na panahon na," aniya.
"Oo nga. Sadyang matagal na panahon na buhat nang tayo ay muling magkita. Balita ko ay successful ang iyong proyekto. Laman na kasi sa mga online sites ang first and second phase ng iyong Find The Right One For Me App. Dalangin kong matagpuan mo ang The One para sa iyo," kunwaring tukso nito kay Luzio, na ikinainis naman ng isa sa kabilang linya.
"Kung sinagot mo sana ako noon, hindi sana ako pumayag sa proyektong ito, Pres," tila may hugot ang mga huling sinabi ni Luzio at hindi yata napaghandaan ni Preston Shaow ang susunod na isasagot.
"Wala yata akong maalalang sinabi mo sa akin iyan noon. Noon iyon at iba na ngayon, so let's get back into business, Zio," muntikan na siyang mahulog sa patibong nito. Kahit ang totoo ay sadyang nakalimutan na nga niya ang lahat ng tungkol sa kanilang dalawa.
"Zio. Kay sarap mapakinggang muli ang palayaw na iyan. Ang alam ko ay sa isang tao ko lamang naririnig ang palayaw na iya ng aking pangalan. Tila hindi mo pa nga ako nakalimutan. Pero gaya nga ng sinabi mo ay balik na tayo sa purpose mo sa pagtawag sa aking opisina. Ano ang maipaglilingkod ko sa iyo, Mr. Preston Shaow?" ibinalik na lamang nito ang usapan sa purpose ng kausap sa kabilang linya sa pagtawag sa kaniyang opisina. Marunong pa rin naman siyang magpakababa lalo pa at ang taong kausap niya ngayon ang naging dahilan ng kaniyang pag-angat.
"I want to set an appointment with you to visit your famous office in the capital. I'd like to introduce to you my new talents. Just like what I did to you back then when I first introduce you as one of my talents. Will you okay with that?" maingat si Preston sa mga salitang kaniyang binitiwan. Hindi niya puwedeng ipagsiksikan ang mga alaalang matagal nang tahimik sa kaniyang isipan upang maalala ng isang tao sa kabilang linya.
"Deal. That wouldn't be a problem. I also wanted to see if they have potential to become the model of my current project," direktang sagot na rin ni Luzio sa kausap. Katulad niya, ayaw na rin niyang maalala pa o manumbalik ang anumang nakaraang mayroon silang dalawa. Mas mabuting ibaon na lang ito sa limot kung ang isa ay ayaw na itong maalala.
"Awesome. Will be there in your office around 10 in the morning. If you don't have any question, I'll hang up now," Preston waited for a while until he heard Luzio talk on the other line.
"I have nothing to ask, Preston, except for one thing. Minahal mo ba ako noon?" Luzio couldn't resist asking him because it bothers him the day he left him.
"I'm sorry, Luzio, but that is too personal for me to answer. I don't know. Maybe I can answer that sometime in the next future. Will that be all?" Preston made it clear and he doesn't know what to answer.
"That's all right. I'm sorry if ask you about that. See you tomorrow in my office, Preston."
"See you then, Luzio. Goodbye."
Si Prestton Shaow na ang unang nag-hang up. Ayaw niyang may bumalik na naman sa kaniyang isipan. Hindi niya kayang sagutin ang tanong na iyon nang hindi personal na nakakausap ang taong nagtanong sa kaniya niyon. Kung minahal nga ba talaga niya si Luzio noon ay isa lang ang kasagutang nakakintal sa kaniyang isipan. At iyon ay Oo.
Nasa malalim pang pagmumuni-muni si Preston nang marinig niya ang pagkatok sa labas ng kaniyang opisina.
"Dad, lunch time. See you at the dining area," boses ni June na tila excited na makita siyang muli sa dining area.
"Susunod na ako, anak. Mauna na kayo," sagot niya at agad na kin-close ang lapatop at tinanggal ang airbud na nakasabit sa kaniyang tainga.
"Then, see you there, Dad," masayang pamamaalam naman ni June sa labas.
Hindi na ito sumagot. Bagkus ay inayos na lamang niya ang kaniyang table at naghanda sa pagtayo at paglabas sa kaniyang opisina. Huminga muna ito nang malalim bago nagpatuloy sa paglalakad. Hindi siya puwedeng magpakita na may iniisip siyang mahahalata ng kaniyang adopted children.
SA DINING Hall, naroon na ang tatlong magkakapatid na sina June, Charlie, at Lancelot, kung saan ang huli ay sadyang naglalaway na at gutom na gutom nang nakatingin sa nakahaing pagkain.
"Lance, control yourself," saway ni June na hindi talaga hinayaang kumuha kahit kaunti sa mga nakahaing pagkain. Lance na ang tawag nito sa kaniya upang hindi siya mahirapang banggitin ang buong pangalan nito.
"I know. Nasaan na ba kasi si Daddy?" kunwaring reklamo nito.
"I'm here." Napalingon naman agad ang tatlo nang marinig ang boses ng hinihintay nilang amain. Napangiti agad nang malapad si Lancelot matapos makita ang papaupong si Mr. Preston Shaow.
"Kain na?" biro naman agad ni Lancelot nang makitang kumpleto na sila.
"Saglit lang, anak, Lance. May iaanunsiyo lang ako. It is a good news. Would you like to hear?" ngumiti ito sa kanilang harapan at naghihintay ng kanilang pagsang-ayon. Nang makita ang pare-parehong pagtango ng dalawa ay ipinagpatuloy nito ang sasabihin.
"Bukas, 10 in the morning ay pupunta tayo sa Robotics For Life building upang ipakilala kayo sa may-ari ng kumpanyang iyon. Katatawag ko pa lamang sa kaniya kanina. Pumayag naman ito at gusto niya rin kayong makita at titingnan kung puwede niyang kunin ang isa sa inyo na maging modelo ng kaniyang kalulunsad lang na proyekto. Hindi ba at magandang balita ito?"
Biglang tumigil ang paghinga ng tatlo nang isang minuto bago muling huminga at ipinakita kay Preston Shaow ang matamis nilang mga ngiti. Hindi nila inasahan na ang pinaplano palang nilang pagsasabi sa kaniya na pumunta sa RFL building ay matutupad agad.
"Yes, Dad. Isang magandang balita nga dahil pinag-usapan lang namin iyan kanina. Napanood kasi namin ang launching ng proyekto niya. Pinlano pa nga namin sanang tanungin ka kung puwede kaming bumisita sa building na iyon. Pero naunahan mo na kami sa balita mo. Kaya excited na rin kaming pumunta bukas doon," wika ni June na hindi rin napaghandaan ni Preston ang isasagot.
"Excited na rin po ako sanang kumain. Baka puwede na po, Dad?" biglang singit at patawa ng bunso na ikinagulat at ikinatawa naman nilang lahat.
"Pagkain na lang talaga ang nasa isipan mo, Lance," kunwaring galit ni Charlie sa kaniya at ginulo pa ang buhok nito sa ulo.
"Sige. Kumain na lamang tayo at gusto kong magpahinga kayong tatlo ngayong buong araw. Para pagbisita natin bukas ay fresh na fresh kayong haharap kay Luzio Batumbakal, ang may-ari at CEO ng Robotics For Life."
Hindi na narinig ni Preston ang sagot ng mga ito. Tumango lamang sila at nagsimula nang kumain. Hindi naman niya napigilang muling ngumiti na makita ang masasayang mukha ng tatlo sa natagpuan niyang mga talents.
...
Templo ng Anino
Black Star
Somewhere in the vast galaxy
Sa Templo ng Anino, sa Black Star Kingdom ay naroon ang dalawa upang simulan ang kanilang pagsasanay. Sina Alamang bilang si Death of Spades at Mulaka as Black Queen ay nasa tuktok ng templo. Matagal na panahon na rin mula nang mag-ensayo sila sa templong iyon.
Hindi na rin nila maalala ang dating ganda ng templong dati ay naging bahagi rin ng mga Black Star noon sa pagsamba. Ruined na ito at sadyang wala nang buhay. Wala na rin ang statue ni Arkontika sa gitna. Maging ang apat na posteng nakatayo noon sa gitna ay isa na lang ang natirang nakatayo. Sinong mag-aakalang ang Black Star ay magiging isang alikabok sa hangin sa malawak na galaxy?
"Ano handa ka na bang magsanay, Mulaka?" tanong ni Alamang sa gumagala pa ang paningin na si Mulaka sa paligid ng Templo ng Anino.
"Anong klaseng pagsasanay naman ang gagawin natin sa lumang templong ito, Alamang?" tanong agad ni Mulaka nang marinig ito at nilingon siiya.
"Simple lang naman."
At hindi na nakasagot si Mulaka nang bigla na lamang siyang patamaan ni Alamang ng mga pudpod at maliliit na mga tipak na bato. Mabuti na lamang at mabilis itong nakailag.
"Walang pasabi pala ha? Gusto ko iyan."
Dahan-dahan namang itinaas ni Mulaka ang kaniyang dalawang mga kamay at sa paligid nito ay ang mga batong nakahanda nang itapon nang sabay-sabay kay Alamang. Iniangat naman ni Alamang ang kaliwa niyang kamay at unti-unting inangat ang isang malaking posteng natumba.
"Hindi ako magpapatalo sa iyo, Alam!"
"Lalo naman ako!"
At sunod-sunod na pinakawalan ng dalawa ang mga batong kanilang pinalutang. Nang magsalpukan ang mga maliliit na batong iyon sa malaking poste ay mabilis na umangat si Mulaka at malakas na sinuntok ang malaking posteng nakaharang sa harapan ni Alamang.
Agad namang napaatras si Alamang nang makita ang pagbulusok pababa ni Mulaka. Nag-aapoy ang dalawang kamao nito. Kaliwa at kanan naman agad na umilag si Alamang pero sadyang maliksi lang si Mulaka at nadaplisan siya sa kaliwang braso.
"Magaling, Mulaka. Tila nagising ko rin ang inis diyan sa iyong puso. Ipagpatuloy natin!"
Si Alamang naman ngayon ang sumugod. Umangat ito at umikot-ikot. Lumikha agad ito ng buhawing sinasalag ni Mulaka. Iwas nang iwas ang huli at nang makita ang mata ng buhawing iyon sa taas, agad na lumundag si Mulaka at nakapasok sa loob. Sa loob ng buhawing nilikha ni Alamang ay mano-mano na namang nakikipag suntukan at sipaan ang dalawa. Hindi rin maiwasang makuryente si Mulaka kapag napapasandal siya sa katawan ng buhawi.
"Hindi ako magpapatalo sa iyo, Alamang!"
Ang mga kamao ni Mulaka na nag-aapoy ng kulay itim ay nagsanib pa at hindi napaghandaan ni Alamang ang sumunod na nangyari. Biglang lumiyab ang loob at hindi nakayanan ni Alamang ang init at agad na bumalik sa normal. Hingal na hingal pa ito nang makawala sa kapangyarihan ni Mulaka.
"Ano susuko ka na?" pang-aasar nito sa kaniya.
"Sinong susuko? Matatalo rin kita!" sagot nito at sumigaw nang malakas.
Binalot ng itim na usok ang buong katawan ni Alamang. Ilang saglit pa ay nakasuot na ito ng kulay itim na kalasag sa buong katawan, na tila isang mandirigma. Hindi inasahan iyon ni Mulaka pero hindi siya natinag dahil maging siya ay nagpalit din ng anyo. Ang kaninang nagliliyab na itim naaapoy sa magkabilang kamao niya ay nilamon din siya at nang humarap kay Alam, kombinasyon na nang kulay pula at itim ang suot nito na may hawak na malaki at mahabang sibat.
"Death of Spade. Card of Illusion!"
"Black Queen. Spear of Illusion!"
Parehong illusions ang pinakawalan ng dalawa at nang magsalpukan nga ang kani-kanilang mga kapangyarihan ay walang tigil ang pagpapakawala ng dalawa ng mga ito. Walang gustong tumigil at magpatalo. Ang kanina ay pagsasanay lang ay tila naging makatotohanan at naramdaman ni Arkontika ang kapangyarihang pinakawalan ng mga ito.
Natutulog nang mga oras na iyon si Arkontika nang maramdaman niya ang maliliit na pagyanig. Kaya naman agad siyang bumangon upang tingnan sa kaniyang X-ray vision power ang nangyayari. Nang malaman nga ang pagsalpukan ng dalawang parehong kapangyarihan ng ilusyon ay agad itong nawala sa kaniyang silid at lumitaw sa gitna ng dalawang nagsasalpukang kapangyarihan. Sa isang pitik ng daliri ni Arkontika ay natigil ang laban at bumalik sa normal ang ayos ang dalawa. Humihingal pa ang mga ito nang makita ang pagsulpot ni Arkontika.
"Hindi ba at kabilin-bilinan kong kailangan muna ninyong magpalakas? Anong ginawa ninyo?" mahinahon pa nang mga oras na iyon ang tinig ni Arkontika nang tanungin ang dalawa.
"Parte lamang po ito ng aming pagsasanay, mahal na Arkontika," sagot ni Alamang na nakayuko sa harapan niya.
"Paumanhin mo po kung napasobra ang pagpapakawala ng aming mga kapangyarihan at nagising po namin kayo, mahal na Arkontika," dagdag naman ni Mulaka na parehong nakaluhod at nakayuko rin sa harapan nito.
"Alam ko. Pero hindi ito ang gusto kong gawin ninyo. Ang mabuti pa ay ikulong ko muna kayo sa Black Hole at doon ay patutulugin hanggang sa maramdaman ko nang handa na ang katawan ninyong makipaglaban kasama ako."
Hindi nakaimik ang dalawa. Alam nilang madilim at walang buhay ang black hole. Pero kung patutulugin din naman sila at palalakasin ni Arkontika ay pumapayag sila.
"Masusunod po, mahal na Arkontika. Paumanhin sa aming nagawang kamalian."
Hindi na sumagot pa si Arkontika sa kanilang pagpayag. Wala rin naman silang idadahilan. Nakagawa sila ng kamalian sa kaniyang kaharian at ang pagpapatulog at pagpapadala sa kanila sa Black Hole ay isang maliit na parusa lamang na kaniyang ipinataw. Nakayuko lang ang mga ito nang simulan ni Arkontika na pakawalan ang isang maliit na hugis perlas na itim na usok patungok sa mga noo ng dalawa.
Nang makapasok ang dalawang itim na perlas na iyon sa kanilang katawan ay unti-unting pumikit ang dalawa. Ilang saglit pa ay mahinang iwinasiwas ni Arkontika ang kaniyang kaliwang kamay upang paangatin at palutangin itong nasa pagtulog na posisyon. Nang makitang nasa tamang posisyon na ang dalawa, agad naman niyang ginamit ang kanang kamay upang buksan ang malaking portal na magdadala sa dalawa sa black hole.
"Black Hole, ikaw na muna ang bahala sa dalawang iyan. Siguruhin mong handang-handa na ang kanilang katawan sa paglaban kasama ko sa takdang panahon," kausap nito ang itim na portal na unti-unting lumalaki pa at naghihintay na higupin sina Alamang at Mulaka.
"Huwag po kayong mag-alala, panginoong Arkontika. Ako na po ang bahala sa dalawang iyan. Sisiguraduhin kong sa kanilang paggising ay mas malakas pa sila sa unang pakikipaglabang nagawa nila sa DraK," sagot naman nito at naghihintay na lamang ng hudyat na higupin ang dalawa papasok sa kaniyang lungga.
"Magaling. Sige. Iiwan ko na silang dalawa sa iyo. May mga bagay pa akong aasikasuhin at paghandaan."
"Masusunod, panginoong Arkontika."
Agad na naglaho si Arkontika sa Templo ng Anino at hinigop naman ni Black Hole ang katawang ng nakalutang na sina Death of Spade at Black Queen.
Sa loob ng kaniyang palasyo, nakabalik si Arkontika. Dahil mahaba na rin ang tulog niya, agad niyang inasikaso ang kaniyang plano. At iyon ay gisingin na rin sa madilim na kalabos ang mga ikinulong niyang malalakas na halimaw.
"Kapangyarihan ng kamatayan, gumising kayo Alabok, Bato, Vulkan, Merman!"
Nakapikit ang mga mata nito habang paulit-ulit na sinasambit at tinatawaga ang mga pangalan ng kaniyang mga alagad. Sa labas ng kaniyang kaniyang kaharian naman ay isa-isang umusbong ang mga halimaw na kaniyang tinatawag.
Mula sa kulog at kidlat ng Black Star kingdom ay lumitaw si Alabok. Sa ilalim naman ng hindi na aktibong bulkan ay lumabas si Vulkan. Sunod-sunod naman na pagyanig ang naramdaman nang tumayo si Bato at biglang lumakas ang alon sa karagatan at nagpakita si Merman. Ang apat sa kaniyang mga malalakas na alagad ay nagising na at nang imulat ni Arkontika ang kaniyang mga, nasa loob na ito ng kaniyang palasyo. Nagbigay-pugay ang mga ito sa kaniyang harapan.
"Isang karangalan ang muli kang makita, panginoong Arkontika. Ang iyong mga alagad ay handa nang tumanggap ng iyong utos."
Sabay-sabay na sabi ng mga ito habang nakayuko ang mga ulo at nakaluhod sa kaniyang harapan. Napangiti naman si Arkontika sa kaniyang nakikita. Ang walang pusong si Alabok, ang matigas ang ulo na si Bato, ang laging nag-aapoy sa galit na si Vulkan, at ang laging nasa loob ang kulong si Merman ay nagising na rin sa wakas.
"Ang kaharian ng DraK ay nagbubunyi ngayon. Natalo nila sina Alamang at Mulaka, kaya pinagpahinga ko muna sila. Ngayon, gusto kong ipadala kayo sa mundo ng mga tao dahil alam kong naroon ang anak ng emperador at emperatris. Doon, sa mundong iyon kayo magsimula munang maghasik ng lagim. Ipapadala ko na kayo ngayon din!"
Umalingawngaw sa kaharian ang boses ni Arkontika. Wala namang imik ang mga alagad nito. Bagkus ay halatang sabik na rin ang mga ito na maghasik ng lagim. Ang hindi nila alam ay mag-iiba ang oras mula sa kanilang panahon patungo sa mundo ng mga tao. At doon ay magiging pansamantalang tao silang maghahanap sa anak ng emperador at emperatris.