Chapter 18: The Second Phase

2086 Words
Robotics For Life Building Ilohi, Yasavi Sa pinakagitnang bahagi ng Robotics For Life, sa mismong araw ng launching, kung saan ay nasaksiha nang buong Perlas sa telebisyon, at narinig sa mga radyo ang talumpati ni Luzio Batumbakal, at Severo Ilusyunado, naroon si Emmanuel Ayala. Isa siya sa mga nanonood sa gitna. Bumaba siya upang personal na masaksihan at marinig ang talumpati ng may-ari ng kumpanyang pinapasukan niya. Hindi sana papayag si Chief Gomer sa gusto niyang umalis sa Command Center, sa 13th floor, ngunit napapayag naman niya ito dahil tapos na rin naman ang mga gawain niya lalo na sa mga activation ng access cards sa buong branches ng RFL. Halos pitong araw din siyang walang oras o magpahinga dulot ng walang tigil na pagtatrabaho, liban na lamang kung oras na ng pagbabanyo, o kapag tinatawag na siya ng kalikasan, o hindi naman kaya ay kailangan niyang matulog sa 10th floor kung saan naroon ang sleeping quarters at pantry naman kapag nagutom siya. Ngayong nasa harapan na siya mismo ng malaking projector screen at pinapakinggan ang talumpati ni Luzio Batumbakal, napapaisip si Emmanuel. "Welcome to the launching of our multi-billion project callrd Find The Right One For Me App. My name is Luzio Batumbakal and I am one of the person behind this project. To all people who watches thus live, I am asking for your support to make it happen today. And of course, to the simgle people out there, looking for the love of their life, and partners for life, it's about time for us to show you what you have all been waiting for. Asthe Chief Executive Officer, and owner of RFL, let ke take you to the world of love you all have been waiting for." Hindi talaga kasi siya sang-ayon sa proyektong inilunsad ni Luzio Batumbakal pero wala siyang magagawa noong nakalipas na pitong araw. Iyon ang nakatakdang mangyari. Isang hamak na empleyado lamang siyang walang pangalan. Ang lahat ng tinatamasang tagumpay ay sadyang nakalaan talaga para kina Luzio at Severo. At nang mapakinggan naman niya ang maiksing talumpati ni Severo Ilusyunado, doon na nabuo unti-unti ang isang plano sa kaniyang isipan. "Ang inyong nasaksihan at napanood ay ang Phase 1 ng aming proyekto. From creating an account to providing information, down to randomize selection based on the age and gender of the one who registered, the second phase, or Phase 2 will proceed the day after, tomorrow. We will also closely monitor the meet up tomorrow. At umaasa akong after this, all single out there will register on the website and click our randomizer to make your dream come true. Stay tuned tomorrow, as we continue to watch what will happen next. My name is Severo Ilusyunado and I am the person behind this project. Your Project Head, spearheaded by our Chief Executive Officer, Mr. Luzio Batumbakal. Thank you for watching. If you haven't register yet on the website, it's about time you do so." The first phase has finished, and the second phase will resume tomorrow. Brendon, the robot chosen by a human girl will move to the next level and that is to visit the home of the person who chose him as her lifetime partner. Habang abala sa pagbuo ng plano si Emmanuel sa kaniyang isipan, nahagip naman ng camera ang kaniyang mukha. Saglit man iyon o hindi, alam niyang nakuhanan siya at makikita din siya ng mga nanonood. Kaya naman nagpasiya siyang umalis sa bulwagan at lumabas na lamang ng kumpanya upang umuwi at simulan ang plano niyang atakihin ang umuusad nang proyekto nina Luzio Batumbakal at Severo Ilusyunado. Ang planong nabubuo sa kaniyang isipan ay hindi lamang para sa kaniyang sariling ambisyon o kung anuman ang naiisip at maiisipa pa ng iba. Kung anuman ang talagang rason tanging puso at isipan lamang niya ang nakaaalam. ... MATULING LUMIPAS ang isang araw at kinabukasan, alas nuwebe nang umaga ay sinimulang i-monitor ng kumpanya ang pagtungo ni Brendon sa address na tinitirhan ng babaeng pumili sa robot. Iyon ang ikalawang phase ng proyekto at ang robot ay maagang ipinadala at inihatid, sakay ng isang limousine patungo sa destinasyon nitong makipagkita na sa babaeng nakatakdang maging partner in life niya. Walang camera chip na nakalagay sa robot kaya ipinadala ni Severo ang isa sa mga in charge na cameraman upang kunan ang eksena ng kanilang pagkikita. Habang tinitingnan nina Luzio at Severo ang bawat kilos ni Brendon, na hindi mo aakalain na isang robot ay napapamangha ito. Kuhang-kuha nito ang isang anim na talampakang lalaki na may mapupulang mga labi, V-shape jaws, hazel brown eyes, at matangos na ilong. Maging ang postura at lakad nitong suot ang isang semi-formal na black rugged jeans, at hapit na hapit na white tees at black sneakers, kahit sinong babae ay mapapanganga sa angkin nitong kaguwapuhang lalaki, na parang totoong tao. Sa isang exclusive subdivision, sa Manurriao City, somewhere five to ten minutes drive away from Robotics For Life building, pumasok ang limousine. Pinapasok naman sila ng guwardiya after ma-scan ang identification ng driver, ni Brendon, ng cameraman. Five blocks from the entrance of Pontexz Ville ay natagpuna nila ang bahay ng babaeng unang nag-register sa kanilang Find The Right One For Me app. Nang bumaba si Brendon at nasa likuran nito ang cameraman na tutok na tutok sa pagkuha sa bawat anggulo at kilos ni Brendon, naglakad na ito upang mag-door bells sa labas. Ilang minuto ang lumipas ay may lumabas na isang babaeng may makinis na balat, nakasuot lamang ng mahaba at maluwang na damit panglalaking nagbukas ng gate. At nang i-pokus ng cameraman ang camera sa mukha ng babae ay hindi makapagsalita sina Luzio at Severo, maging ang mga nakapanood. Isang diyosa ang kanilang nakikita. Nakangiti ito at nag-wave pa sa camera upang batiin sila na hindi nila inasahan. "Hi, I'm Brendon," unang nagpakilala si Brendon na agad tinanggal ang black Ray-ban shades upang makipagkamay sa babae. "Hi, too. I mean, hi Brendon. My name is Brenda and welcome to my house. You can understand Filipino language, right?" mautal-utal pa sa umpisa si Brenda matapos makita ang hazel brown eyes ni Brendon. Siniguro din niyang nakakaintindi ito ng Tagalog. "Opo. I guess, yes. I can understand naman po ng Filipino languge since I was made by a Filipino inventor from Robotics For Life," sagot naman nito na tila nagpadagdag sa pogi points factor niya sa harapan ni Brenda. "Well, I mean, kung tama ang pagkakaintindi kong Filipino ang lumikha sa iyo, nakakaintindi ka nga ng Tagalog words. You may come inside, so we can start getting to know each other," Brenda open entirely the gate of house, so that Brendon and its cameraman can enter. But, she was surprised when the cameraman bid his goodbye. "It was nice meeting you, Ms. Brenda. Pero hanggang dito na lamang po ang ibinigay na utos sa akin ng may-ari ng Robotics For Life, at ng Project Head ng project na ito. For privacy na rin po at upang maipagpatuloy po namin ang aming trabaho sa mga request pa ng ilan pa sa mga gustong magkaroon ng kagaya mong si Brendon. Maiwan ko na po kayo," pamamaalam nito. Hindi naman agad nakapagsalita si Brenda. Sinundan na lamang niya ng tingin ang papalayong cameraman na agad pumasok sa limousine at ibinalik ang tingin sa nakangiti at naghihintay na si Brendon.... "Let's go?" "Sure, Brenda." Gaya nga ng utos sa kaniya, bumalik ang limousine sa Robotics For Life building upang ipagpatuloy ang kaniyang trabaho. Sa dami kasi ng mga requests na pumasok sa website at app ng Find Me The Right One app, muntik na itong mag-crush. Mabuti na lamang at naroon si Chief Gomer at ang iba pa upang limitahan ang mga hiling nga tunay na taong makipagkita sa napili nilang mga robot. Sinigurado din ng kumpanya na marami silang mga stocks na robot na hindi man kasing tangkad at guwapo ni Brendon na siyang unang napili, sapat naman iyon sa mga gusto at taste ng mga nakararami lalo na ng mga kababaihan. ... Apartamento Luma A day before the second phase Sa twentieth floor ng Apartamento Luma naman kung saan doon nakatira si Emmanuel Ayala ay abala ito sa pagbuo ng kaniyang ipangtatapat sa proyektong inilunsad ng Robotics For Life na Find The Right One For Me App. Pagkatapos niyang umalis sa unang araw ng launching at agad na nakauwi sa kaniyang apartment, gusto niyang i-finalize ang gagawing planong pag-atake nang tahimik sa website ng kumpanyang pinasukan niya. Sa pagbubuo nga nito ay nakaidlip siya at hindi niya inasahan ang panaginip na para sa kaniya ay may kinalaman sa masayang araw ng kaniyang ama at ina. "Minamahal kong kababayan, Ako'y nalulugod na kayo'y nariyan, Upang tunghayan ang tulang damdamin ang puhunan. Sa pamamagitan ng paligsahang aming inihain, Na bibigyang buhay at bibigkasin ng mga kalahok natin, At iaalay sa ating nag-iisang babaeng mahinhin." "Ako'y hindi mo kilala, O, Mutya ng Lopez Jaena. Pero ika'y matagal ng aking nakikita. Sa lugar kung saan puso ko'y matamlay at nag-iisa. Ang iyong mala-anghel na mukha, At beloy na kahali-halina, Pumana sa'king puso't ika'y minahal na." "Kaya sana ako'y iyong pagbigyan, Kahit langit at lupa man ang magiging pagitan, Kahit panain man ako ng sibat sa iyong harapan, O kaya'y dagitin ng malaking ibon mula sa kalangitan, Tanggalan man ng karapatan at kayamanan, Basta't kapiling kita kahit saan pa man, Mamahalin kita hanggang sa aking kamatayan." Ang masasayang ngiti niya habang nakatulog sa malaking sofa sa loob ng kaniyang apartamento ay biglang napalitan nang isang hindi inaasahang pangyayari ang lumitaw sa kaniyang panaginip dahilan upang mapamulat si Emmanuel. "Hindi ka maaaring magpakasal sa hampaslupang babaeng 'yan." "Pinalaki ka naming matalino hindi bobo, Manuel. Hindi ko aakalaing sa isang babaeng hindi namin alam kung saang maduming tahanan mo pinulot ka lamang iibig." "Kung ayaw niyong tanggapin si Angelina bilang aking magiging kabiyak, mas mabuti pang lisanin ko ang pamamahay na ito. Halika na, Angelina." "Bastardo! Pagsisisihan mo ang gagawin mong pagtalikod sa pamilya natin, Manuel. Tatanggalin ko ang lahat ng karapatan at kayamanang ipapamana ko sa iyo." "Manuel! Manuell!" sigaw ng ina nito. "Ano man ang mangyari, Angelina, magiging tapat ako sa aking ipinangako. Mamahalin kita kahit mawalan pa ako ng mana. Hindi ko ipagpapalit ang tunay na pag-ibig ko sa kahit ano mang pilak sa mundong ito." "Makakaasa kang susuklian ko ang sakripisyo mo, Manuel. Mahal na mahal kita higit pa sa aking buhay. Magtutulungan tayo at malalagpasan natin ito." "Manuel, lumabas ka riyan!" "Manny, maghunos dili ka! Tahimik na ang buhay ng anak mo. Huwag na natin siyang guluhin." "Papa, anong kaguluhan ito?" "At ako talaga ang tinanong mo niyan? Nang dahil sa'yo binaba ako sa puwesto bilang mayor ng bayan natin. Nang dahil sa iyo pinaratangan akong nagwaldas sa kaban ng bayan. Nang dahil—" "Pa, gabi na po. Ang mabuti pa, ihahatid ko na po kayo. Bukas na lang po tayo mag-usap." "Papa, tama po si Manuel." "Isa ka pang hampaslupa ka! Dahil sa 'yo, iniwan ako ng anak ko. Ang dapat sa iyo ay mawala sa landas niya!" "Manny!" Kahit hindi man klaro kay Emmanuel kung bakti siya nanaginip ng ganoon ay malakas ang kutob niyang may kinalaman ang mga iyon sa buhay pag-ibig at sinapit ng kaniyang magulang. Dahil sa panaginip na iyon ay napansin niya ang barahang lagi niyang pampalipas oras at naisipang gumawa ng isang card na may numerong 65 upang ipangtapat sa kasalukuyang proyekto ng Robotics For Life na Find The RIght One For Me App, na may mga condition na isinulat niya agad. At tatawagin niya itong Card Number 65: Ring of Love. Card number: 65 Card name: Ring of Love English Name: Ring Local Name: Singsing Category: Special Senses: Pronounce Ability: Katapatan (Loyalty) Power: To find the right one, the loyal true love. Rarity Level: 3 Rarity Reserve: 20 Ang ibang restrictions nito ay isusulat na lamang niya bukas nang mapag-aralan pa niya nang mabuti. At napagpasiyahan din niyang na mag-request at mag-send ng leave of absence ng kahit isang linggo o mahigit pa sa kumpanya dahil magiging abala pa rin naman ang mga ito, at hindi nila mapapansin ang kaniyang pansamantalang pagkawala sa opisina. Sa pag-iisip niyang iyon ay naipangako ni Emmanuel sa kaniyang sarili na magtatagumpay pagkat naniniwala pa rin siya sa kapangyarihan ng tunay na pag-ibig. "Sisiguraduhin kong magtatagumpay ako rito at bibigyan ko nang pagkakataon ang mga tunay na tao na hanapin ang totoong taong magiging pang-habambuhay nilang sinta o taong magmamahal sa kanila, at hindi sa isang tulad na robot lamang."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD