Chapter 8: Lucky 7 and 7 Hearts

1126 Words
Bungad ng Palasyo Lower Ground ng Kaharian "Clover, ilag!" sigaw ni Ace sa kasama nang makita ang biglaang paglipad ng itim na baraha sa kinaroroonan nito. Mabilis naman umilag si Clover at agad na pinakawalan mula sa mga palad nito ang nagliliyab na clover card. "Burning Clover Leaf! Fire!" "Salamat, kaibigan," aniya Clover. "Uy, ilag din!" siya naman ngayon ang yumuko at nakita ang pagtalon ng isang Mago sa kaniyang likuran. Hindi naman nagpatalo si Ace at gamit ang kapangyarihan ng tubig na hugis pamaypay ay kinuryente niya ito. "Cyclone Ace! Water Submerge!" Magkasabay pang umapir ang dalawa sa ginawang pagtalo sa kalaban. Habang masaya namang nagbibiruan pa sina Ace at Clover, seryoso naman ang iba nilang mga kasama sa pakikipaglaban sa malalaking itim na baraha at mga Mago sa bungad ng palasyo. "Diez, Joker! Earth Destruction! Now!" utos at sigaw ni Diamond sa dalawa nang makita ang hindi inasahang pagsanib ng isang Mago sa itim na baraha. Agad na itinapat ni Diez ang mga palad sa lupa habang si Joker naman ay biglang umilaw ang kulay pulang hugis-palong ng manok sa kaniyang ulo. Magkasabay ang dalawang bumigkas ng kani-kanilang mga enchantment bago nagpakawala ng pagsabog sa harapan ng kalaban "Earthquake Palm!" "Crest of Fowl Thunder!" "Earth Destruction!" Nagtipak-tipak ang lupang kinatatayuan ng kalaban at mabisli itong umuga at bumuka ang lupa. Nilamon ng kapangyarihan ni Diez ang kalaban habang si Joker naman ay malakas na nagpakawala ng kulog na may kasamang kidlat. Mabilis namang sinara ni Diez ang lupa at tumayo upang makipagkamay kay Joker sa kanilang ginawa. "Magaling, Diez, Joker. Ngayon Heart at Spade, kayo naman!" sa kaliwang bahagi ni Diamon ay nakita naman niya sina Heart at Spade na nakikipagsukatan pa ng lakas sa mga mago at itim na baraha. Nang marinig ang boses ng namumuno sa kanilang si Diamond ay tumango ang mga ito, tanda ng kanilang pagsunod sa kaniyang utos. "Heart Full of Fear! I command you to destroy these cards! Fear Thy Heart Unleash!" pumailanlang ito bago pinakawalan ang malaking puso sa kalaban. "Spade of Terror! Wind Destroyer!" pinagdikit naman ni Spade ang kaniyang dalawang kamay at bahagyang nag-squat. Ilang saglit pa ay lumitaw ang hugis spade na umiikot sa kaniyang likuran at mabilis na pinuntirya ang mga kalaban. Unti-unting nasunog at naging abo ang mga ito at lumundag naman sa tuwa ang dalawa matapos lipulin ang mga kalaban. "Hindi ninyo ako binigo, Heart at Spade. Oras na ba upang ako naman ang magpakitang gilas?" Naglakad na sa gitna si Diamond at nanatili namang nanonood sa likuran niya sina Ace, Clover, Heart, Spade, Diez, at Joker habang tinanggal ang kulay diyamanteng sinturon sa kaniyang kasuotan at naging isang mahabang espadang nakasisilaw. Iwinasiwas niya muna ito habang pinapanood din siya ng mga itim na baraha at mga magong nasa harapan niya. Ilang saglit pa ay kumilos na rin ito. "Whirlpool Diamond!" Pumailanlang ito at umikot-ikot na parang ipuipo at pinakawalan ang kapangyarihan na kaniyang hawak. " Whirlpool Diamond Sword Multiply!" At sa isang wasiwas ni Diamond ay agad itong nag-multiply. Isa-isang nilamon ng whirlpool sword nito ang mga mago at mga itim na barahan hanggang sa wala nang matira sa mga kalaban. Dahan-dahan namang bumaba si Diamond at sinalubong siya ng mga kaibigan. "Lucky 7!" pangunguna niya sa pagsigaw. At isa-isa nilang pinaglalagay ang mga kamay nila at sabay-sabay na sumigaw. "Lucky 7!" "Lucky 7!" natigil ang kanilang pagsasaya nang marinig nila ang tinig ni Emperador Majar. "Kailangan ninyong pumunta rito sa sentro ng palasyo. Kailangan ko ang tulong ninyo. Nanganganib na matalo ang Emperatris." "Masusunod po kamahalan. Papunta na po kami," sagot ni Diamond na siyang pinuno sa kanilang pito. Gamit ang teleportation na siyang kapangyarihan ni Ace ay naglaho sila sa bungad ng palasyo dahil wala na rin namang kalabang magtatangka pang pumasok sa loob. SAMANTALA... "Whip Blade s***h! Spin Blade Explode!" Ilang beses nang ginawa ni Emperatris ang enchantment na iyon pero hindi pa rin ito tumatalab sa kapangyarihang inilalabas nina Alamang at Mulaka na tinaguriang Dead Spade at Black Queen ng emperador at emperatris noong nanilbihan pa ang mga ito sa kanilang palasyo. "Dead Spade?" "Black Queen?" Tinig nina Diamond at Heart ang namayani nang mga oras na iyon. Nakaluhod na rin ang isang paa ng emperatris nang mga sandaling iyon nang dumating ang Lucky 7, dahilan upang matanggal ang barrier na nagpoprotekta kay Emperador Majar. "Wala na sa katinuan ang dalawa, Lucky 7. Oras na para ako naman ang humarap sa kaniya at tulungan ang emperatris!" Lahat ay nagsitanguan at naging kulay puting liwanag na unti-unting pumasok sa espadang hawak ng emperador. Isang nakasisilaw na liwanag ang nakita ni Mulaka habang si Alamang naman ay abala pa rin sa pagsisigurong matatalo nito si Lika. Sinubukan sirain ni Mulaka ang liwanag na bumabalot sa emperador sa pamamagitan ng pagsasaboy ng kulay itim at namumulang mga balisong pero hindi ito masira-sira. At isang bagong emperador ang kaniyang nasaksihan. "Tikman mo ang lakas ng Lucky 7 Sword, Mulaka! Lucky 7 Sword of Light!" Iwinasiwas niya ito sa harapan ni Alamang at nahiwa ang kapangyarihang tuluyan na sanang magpapabagsak sa Emperatris. Nang makawala, agad namang tumayo ang Emperatris at lumapit sa Emperador. "Tapusin na natin ang labang ito, Majar!" wika ng Emperatris. "Ganoon din ang naiisip ko, Lika!" pagsang-ayon naman ng Emperatris. Magkasabay na itinutok ng dalawa ang kani-kanilang mga sandata at parehong sumigaw ng kani-kanilang mga enchantment bago pinakawalan ang napakalakas na kapangyarihan ng espada at latigo. "Lucky 7 Sword of Light Destroy!" "7 Hearts Whip of Love s***h!" Hindi inasahan pareho nina Alamang at Mulaka, o Dead Spade at Black Queen ang malakas na kapangyarihan ng mga sandata ng emperador at emperatris na unti-unting kumitil sa buhay ng dalawa. "Hindi pa tayo tapos! Babalikan ko kayo!" Sa wakas ay natapos din ang pakikipaglaban ng emperador at emperatris. Bumalik na rin sa normal ang espada at latigo ng mga ito. Gulat naman ang mga mukhang Lucky 7 nang masilayan ang 7 Hearts na puro mga babae pala. "Mukhang nahuli na kaming makita ang kapangyarihan ng emperador at emperatris a," tinig ni Charlemayne King na nasa likuran naman nito si Queen Juno na kagagaling lang sa East Side ng palasyo mula sa pakikipaglaban. "Grabe kayo, 7 Hearts! Iniwan ninyo akong mag-isang nakipaglaban sa mga mago at itim na baraha," reklamo naman ng kararating at pagod na pagod na si Lancelot. "Paumanhin, Lancelot. Kailangan ko lamang sila sa aking sandata. Mabuti naman at nakaligtas ka. Salamat, sa inyong lahat," nakangiting wika naman ng emperatris sa kanila. "Isang karangalan ang makita kayong iisa ang hangarin para sa kaharian ng DraK. At hanggang nandito ako at ang Lucky 7, tayong lahat ay makikipaglaban sa mga susunod pang gagambala sa ating kaharian," pagsasara naman ng Emperador Majar sa sinimulang mga salita ng Emperatris Lika.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD