Chapter 7: Ang Simula ng Pagpupuyat

1009 Words
Robotics For Life Building Ilohi, Yasavi Kinabukasan. Lahat ay nagsimula nang maging abala dahil simula na ng unang araw ng isang linggo pagpupuyat upang maisakatuparan ang launching ng Find The Right One For Me App. Buong departamentong involved sa project ni Severo Ilusyunado at gusto niyang maging perpekto ito sa paningin ng may-ari ng Robotics For Life na si Luzio Batumbakal. Mula sa desinyo, sa sketches, sa layout, sa website, hanggang sa sales and marketing at ang panghuli sa Information Technology na siyang magpo-program ng maayos ng app sa website nito, dapat lahat ay kontrolado, nasa tamang landas, at perpeto. Ito ang pinakaimportanteng bagay ng gustong-gustong makita ni Severo Ilusyunado at Luzio Batumbakal sa proyektong mula sa sariling bulsa ang paggastos. Si Emmanuel Ayala naman ang isa sa mga abala nang mga oras na iyon. Kung tutuusin, siya na ang pinaka-mas abala sa lahat ng empleyado ng Robotics For Life. Mula kasi sa kaniyang talento sa Facilities and Information Technolog Departments ay hawak niya. Ang pinakawalang kapagurang gawain niya ay ang mismong pag-a-activate ng access cards hindi lamang sa Ilohi Branch kung hindi pati na rin sa buong branches ng Robotics For Life. Kaliwa at kanan kung magtipa ang mga daliri niya habang nakatutok ang mga mata sa kumpyuter na katapat niya. Hindi rin maipagkakailang mas gusto niyang gumamit ng personal na kumpyuter na may mouse at keyboard kaysa sa malaking digital screen na daliri, o stylus pen ang gagamitin sa paggawa ng trabaho. At isa iyon sa mga napapansin ng kaniyang mga katrabaho. Bagay na magpa-hanggang ngayon ay literal pa ring palaisipan sa kanila kung bakit mas pinili ni Emmanuel na huwag tanggapin o yakapin ang makabagong teknolohiya. "Hindi ka ba napapagod sa katitipa, Emmanuel? Ilang taon na ang kumpyuter mo na iyan a?" muli na naman siyang inistorbo ng kaniyang kasamahan sa thirteenth floor ng command center. "Ganoon talaga kapag nakasanayan mo. Parang pag-ibig lang, kapag nagustuhan mo, hindi mo basta bibitiwan. Tama ba ako?" umandar na naman ang pagiging hugutero niya sa 20th century. "Iba rin ano? Ang pagkakaalam ko kasi hindi na uso ang mga linyang iyan. 1900's pa yata yang mga hugot, Emmanuel," pakli naman ng isa niyang kasamahan na abala rin sa paggamit naman ng stylus pen sa isang malaking screen. "Aminin man natin o sa hindi, nami-miss din natin ang araw na nagpapagod tayo. Hindi ba?" nakapokus pa rin ang mga mata nito sa kumpyuter na isa-isang pino-program ang mga access cards ng buong branches ng Robitics For Life. "Sabagay. May punto ka naman doon. Pero hindi ka ba sang-ayon sa Find Me The Right One App na bagong proyekto ng kumpanya? Ayaw mo bang matagpuan ang para sa iyo?" pansamantalang katahimikan ang namayani sa loob ng command center na iyon. Tumigil rin muna sa pagtipa si Emmanuel at nang lumingon sa kasama, nakita niya ang mukha ng mga ito na tila sabik na sabik sa isasagot niya. "Anong nakain ninyo at ako na naman ang pinagdiskitahan ninyo?" "Wala lang. Opinion matters, ika nga. So, ano ba ang opinyon mo tungkol sa bagong app na ilo-launch ng kumpanya? You know, we are eager to hear what your opinion about this project. If I'm not mistaken, it's a million dollar project?" hindi nga talaga siya tatantantan kung hindi marinig ang kaniyang kasagutan. Bumuga muna ng malalim na buntong-hininga si Emmanuel bago sagutin ang nakabinbing katanungan para sa kaniya. "May kaniya-kaniya tayong opinyon sa pag-ibig. Dahil nabubuhay tayo sa mundo kung saan iniaasa nating lahat ang ating mga gawain sa mga robots, normal lamang na makaramdam tayo na may kulang sa atin. Na may tipak sa ating puso," muli ay huminga siya nang malalim at ipinagpatuloy ang kaniyang naputol na sasabihin. "Bagamat hindi ako sang-ayon sa launching ng Find The Right One For Me App dahil robots din ang magiging match or compatibility sa humans, hindi love ang tawag doon. Iyon ay desire. Kagustuhan na mapunan ang tawag ng laman or ang kalungkutang nadarama ng iilan sa atin. Hindi na nga natin alam kung sino pa sa atin sa ngayon ang totoong tao sa mundong ating ginagalawan," sa wakas at natapos niya ring maibahagi ang kaniyang opinyon hinggil sa proyektong kanilang ginagawa sa kasalukuyan. Tahimik at wala namang masabi ang mga kasamahan niya sa command center. Nasagot na marahil ang mga katanungan nila sa isipan matapos niyang isiwalat ang opinyong nais nilang marinig sa kaniya. Kaya naman, bumalik sa pagtitipa si Emmanuel. Gayundin ang mga kasaman nilang tila binuhusan ng malamig na tubig sa katawan. Marahil napaisip din ang mga ito sa huling mga salitang binitiwan niya tungkol sa kung sino sa kanila ngayon ang totoong tao, at robots. Sa opisina naman ng may-ari at Chief Operation Officer na si Luzio Batumbakal, abala rin ito sa pag-iimbita at pakikipag-usap sa kaniyang mga kakilala, kaibigan, pamilya, at iba pang malalapit na kamag-anak na ka-level ng kaniyang karangyaan at kasikatan. Ang launching na mangyayari ay dadaluhan ng mga prominente at kilalang tao, kasama na ang mga taong involved sa project na ginastusan niya. "I want you to be there and see for yourself how I turn the tables on this million dollar project. I am not the only one who will gain benefits on this. I can foresee instantly that this is going to be the trend in the year 2026." Matapos makipag-usap sa huling taong nasa listahan ng mga shareholders ng kumpanya, sumandal ito sa kaniyang swivel chair at humarap sa malaking glass wall na kitang-kita ang kabuuan ng kapitolyo. Ang kaniyang kumpanya kasi ay nakatayo sa gitna ng abalang siyudad sa Ilohi, ang kapitolyo ng Yasavi. Sa gitnang bahagi nito ay naroon ang Molye Lune River at River Walk ng siyudad habang tanaw na tanaw naman niya sa kabilang side ng kaniyang opisina ang malalawak na malls, at mga ospital. Ang mga establisiyemento ring iyon ay pagmamay-ari niya. Ganoon kalawak ang kaniyang propriyedad. Kaya kinilala siyang isa sa pinakamayang tao sa buong bansa ng Perlas. At hindi niya ipinagkakaila iyon sa tanang buhay niya nang makamit ang tagumpay na noon ay pinangarap lamang niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD