Chapter 11: Sa Command Center

1117 Words
Robotics For Life Building Matuling lumipas ang apat na araw at nangangalahati na rin ang kumpanya sa kanilang gawain sa nalalapit na launching ng Find The Right One For Me App. Dahil nga nangangalahati na sila ay kailangan rin nilang magpatuloy sa kanilang ginagawa. Sa Command Center, sa thirteent floor, dumiretso si Luzio Batumbakal. Nang mapansin at makita niya nang personal sa data ng ibinigay ni Severo Ilusyunado ang progress ng proyektong hawak nito, napangiti siya at hindi rin maipaliwanag ang sayang nararamdaman. Kaya naman nais niyang iaanunsyo sa buong 15th floor ng kaniyang kumpanya, ang Robotics For Life building ang isang mahirap na pagpapasiya. "Good morning po, Mr. Luzio Batumbakal," binati siya ng Chief na si Gomer at ang lahat ng naroon ay tumayo upang batiin ang may-ari ng kumpanyang pinapasukan nila. Pero hindi sa isang Emmanuel na abala na naman sa kaniyang ginagawa sa harapan ng kumpyuter niya. Napansin ni Severo na hindi man lamang ito tumayo. Gayundin ang boss niya at ang mga kasama nito. Mapaklang ngumiti ang Chief ng command center at nilapitan si Emmanuel. Tinanggal na nito ang headset niya at binulungan na nandito ang boss nila. Pero hindi pa rin ito maisto-istorbo sa kaniyang ginagawa. Tutok na tutok ang mga mata at daliri sa mga programs ng kaniyang nilalagyan ng password at access. "Hindi na kailangan, Gomer. Let him be. Gusto ko ang attitude niya. Ibigay mo sa akin ang oras ngayon. May kailangan lamang akong i-anunsiyo sa buong kumpanya. Saan ako puwedeng magsalita nang marinig ang boses ko sa buong building?" Nagpasalin-salin pa ang mga mata nito sa kung saan siya uupo. Mabilis namang kumilos si Gomer at sa kaniyang upuan ay gin-uide niya si Luzio Batumbakal at ipinasuot ang isang malaking headset. "Okay na po, Mr. Batumbakal. Puwede na po kayong magsalita," aniya ni Gomer matapos ayusin ang upuan nito at headset, pati na rin ang volumes at mismong mouthpiece nito upang makapagsalita. Tumango ang boss at nagpasalamat. Ilang saglit pa ay nagsalita na ito. "Makinig kayong lahat na narito sa building na ito. Ako ito. Si Luzio Batumbakal. Ang may-ari ng Robotics For Life na pinagtatrabahuhan ninyo. May mahalaga lamang akong mensahe para sa inyong lahat," panimula niya at ang lahat ay nakikinig na nang mga oras na iyon. Ang buong departamento sa buong building ay napatigil at nakinig sa susunod na sasabihin ng may-ari ng kumpanya. Maging sina Gomer, Shy, at ang iba pang nasa likuran lamang nina Luzio Batumbakal at Severo Ilusyunado ay tahimik na nakikinig. Bigla ring tumigil sa pagtitipa si Emmanuel nang siya rin mismo ay napansin na ang presensya ng kaniyang boss. Tumayo ito at lumapit sa tabi ng chief nila na si Gomer. "Kanina pa ba si boss Batumbakal dito, Chief?" bulong niya na katabi si Shy. "Kanina pa. Upakan kita diyan e," sagot naman ni Gomer na tila kunwaring nagbabanta sa kaniya. "Pasensya na, Chief," aniya Emmanuel. "'Yan kasi. Tutok na tutok ka. Pati amoy at boses ng boss natin hindi mo naririnig. Ang utot mo ba hindi mo naaamoy?" biglang singit naman ni Shy, na muntikan nang bumunghalit sa tawa ang katabi nitong si Gomer. "Shy, tumahimik ka. Hindi ito oras para makipagbiruan. Nandito ang boss natin," saway ni Gomer. Tumigil na rin si Emmanuel at ibinaling ang tingin sa nagsasalitang si Luzio Batumbakal. "Ngayon, nais kong sabihin sa inyo na mayroon na lamang tayong tatlong nalalabing araw para tapusin ang ating mga gawain. Kailangan ko ang oras at mga abilidad ninyo sa susunod na tatlong araw. Kung kinakailangang mag-change shift kayo para mapunan ang bawat oras na nawala umaga man o gabi ay gawin ninyo. Bukas naman ang buong 6th floor ng building na ito upang kayo ay makapagpahinga. Iyong tatandaan na ang tagumpay ng proyektong ito ay nakasalalay sa inyong lahat. Ngayon pa lamang ay binabati ko na kayo. Iyan lamang ang nais kong sabihin. Now, back to work!" Nakita ni Gomer na tinatanggal na ni Luzio Batumbakal ang headset sa kaniyang ulo at agad itong lumapit upang tulungan siya. Ilang saglit pa ay tumayo ito at yumuko namang muli ang mga nasa Command Center. Isa-isang tiningnan ni Luzio ang mga ito hanggang sa muling magsalita. "Kayo ang may maraming oras na nilalaan rito. Kaya nais kong triple ang gawin ninyong effort upang matapos ang nalalabing araw at magtagumpay ang launching ng ating proyekto. Naiintindihan ba ninyo?" tama lang ang timpla ng pananalita niya. Hindi mataas at hindi rin mababa ang tono ng boses niya. May bahid lamang ng pagbabanta sa mga titig nito, pero hindi iyon napapansin ng mga nasa loob, maliban na lamang kay Emmanuel na talagang nakatitig sa kaniya. At napansin iyon ni Luzio Batumbakal. "Anong pangalan mo?" tanong ni Luzio. Nakaturo pa ang daliri nito sa direksyon ni Emmanuel. Lahat ay biglang umangat ang mukha at tiningnan ang nakatutok na daliri ni Luzio sa walang takot na mukha ni Emmanuel. "Emmanuel Ayala po, Mr. Luzio Batumbakal." Mabilis naman ang pagsagot ni Emmanuel at tila napapataas ang kaliwang kilay ng may-ari sa kaniya. Kumukunot rin ang noo nito pero hindi naman galit. Pagtataka lamang ang makikita sa kaniyang mukha. "Mr. Ayala, ipagpatuloy mo lang ang iyong attitude towards working on this project. Gusto ko ang way of work mo rito sa Command Center," pagpupuri nito. "Kung wala na kayong katanungan at narinig naman ninyo ang mga sinabi ko kanina, ako ay aalis na. Go back to your work after this. Do you all understand?" "Yes, Mr. Batumbakal. Thank you for visiting the Command Center," si Chief Gomer na ang sumagot at muling yumuko ang mga ito hanggang sa makalabas na sa kanilang opisina sina Luzio Batumbakal at Severo Ilusyunado. "Grabe ka, Emmanuel! Pinakaba mo kaming lahat," reklamo ni Shy, sabay hampas sa kaliwang braso nito. "Para akong maiihi na matatae roon kanina. Akala ko talaga pagagalitan ka. Buti na lang may puso din naman pala ang boss natin." "Shy! Bunganga mo talaga, walang preno," saway na naman ni Chief Gomer kay Shy. "Narinig nating lahat ang sinabi ni Mr. Batumbakal, hindi ba? Ang inaantok, maari na munang magpaalam at pumunta sa 6th floor. Naroon ang pantry at ang sleeping quarters. Ako na muna ang magbabantay rito." Lahat ay biglang nagsiunat ng mga katawan, leeg, at mga braso nang marinig ang sinabi ni Chief, maliban kay Emmanuel na bumalik sa kaniyang puwesto at isinuot ang headset. "Mukhang may makakasama rin naman pala ako rito. Sige na, lumabas na muna kayo at magpahinga. Remember to return here after seven to eight hours of rest. Kailangan ninyo kaming palitan. Naintindihan ninyo?" paalala ni Chief Gomer pero tila walang nakinig at isa-isang tinungo ang pintuan ng command center at lumabas. "Hay naku. Makapag-beauty rest na nga muna. Bye, Chief."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD