Chapter 12: Ang Magkakapatid Sa Yasavi

1525 Words
Taong Dalawang Libo at Dalawampu't Anim Taong dalawang labo at dalawampu at anim, lumitaw ang tatlo sa mga inatasan ng emperador at emperatris sa isang hindi matao, pero maingay at abalang siyudad ng Yasavi. Sa kapitolyo, sa Ilohi ay mulagat ang tatlo sa kanilang paligid. Mabuti na lamang at walang gaanong dumaraang mga tao sa lugar kung saan sila nakatayong tatlo. Kung mayroon man, ramdam nilang mga robot ito at hindi normal o totoong tao. "Ganito ba ang mundo ng mga tao?" asik ni Charlemagne. "Siguro. Parang wala na nga yatang tao rito," untag naman ni Juno. "Paano natin hahanapin ang prinsesa sa lugar na ito, ate, kuya?" singit naman ng bunsong si Lancelot. "Hindi ko rin alam pero malay natin, nagtatago o natutulog lamang ang prinsesa sa katawan ng isang tunay na tao. At iyon ang kailangan nating hanapin," sagot naman ni Juno na iginala pang lalo ang mga mata sa paligid. "Pero ang kailangan nating gawin ay palitan ang kasuotan nating tatlo. Baka manghinala sila sa atin sa ayos nating ito," napansin ni Charlemagne ang kasuotan nilang pandigma, na tila hindi akma sa nakikita nilang ayos ng paligid. "Nasa modernong taon naman tayo, kaya hindi rin siguro mapapansin ang suot nating ito," wala namang kaso kay Juno kung nakasuot siya ng isang makapal at hanggang tuhod na warrior outfit sa kung sino man ang makakita. "Ako na ang bahala sa ating mga kasuotan," bigla namang ngumiti si Lancelot at ang dalawang nakatatandang kapatid ay napalingon sa kaniya habang pinagmamasdan ang bunso sa gagawin. Tinalasan ni Lancelot ang kaniyang mga mata upang maghanap ng nababagay na kasuotan sa kanilang tatlo at nang matuwa sa nakitang isang robot na nasa anyong tao pero ang angas makaporma, agad niya itong kinopya. Nagulat naman ang dalawa sa nakitang bagong suot na damit ni Lancelot. Kulay itim na maong pants, itim na sneakers, white tees na may black rugged jacket, at may suot na black shades ang ginaya niya. Pumorma pa ito ng naayon sa nakita niya kanina na nakapasok ang isang kamay sa loob ng bulsa. "In fairness, hindi ko alam na puwede pala nating gawin iyan. Pare-pareho naman tayong may kakayahang gayahin ang mga nakikita natin, so huwag ka nang maghanap, Lancelot. Kami na ang bahala sa aming mga kasuotan." Tumango naman si Charlemagne nang magtama ang paningin nila ni Juno. Si Lancelot naman ay naghintay na lamang sa dalawang nakatatandang kapatid habang abala na ang mga ito sa paggamit ng kanilang kapangyarihan upang maghanap ng makokopyang outfit na babagay sa kanila. Nang matagpuan ang nagustuhang kasuotan ay agad nila itong kinopya. Luwang-luwa naman ang mata ni Lancelot nang makita ang ayos ng kaniyang nakatatandang kapatid. "Parang mas bagay nga sa inyo ang napili ninyo, ate Juno, kuya Charlemagne. Mas maangas pa kaysa sa akin e," papuri naman ng bunso nilang kapatid. Si Juno kasi ay nakasuot ng loose na kulay puting pantalon, at may pink to na kita ang tiyan at pusod nito. Naka-stiletto ito na may tatlong inches ang taas. Pumuwesto pa itong parang isang modelong may photoshoot habang kagat-kagat ang kulay itim na Rayban shade at nakapamulsa sa kaliwang kamay. "Kuya Charlemagne, ikaw ba iyan?" biglang lingon naman ni Juno sa tabi niyang kuya. Kumurap-kurap pa ito nang masilayan ang nakatatandang kapatid. Brush up ang buhok. Naka-blue shirt lamang ito at na naka-tuck in sa loob ng pantalong hulmang-hulma ang mga binti. Hindi rin maiwasang hindi mapansin ang hapit na hapit na blue shirt nitong maliwanag pa sa sikat ng araw na makita ang kakisigan ng kaniyang katawan. "Mukhang mapapasabak tayo sa pagiging modelo nito a," panunukso naman ng bunso. Sabay namang napatawa ang nakatatandang kapatid nito at hindi nila namalayan ang paglapit ng isang panauhin sa kanilang likuran. "Excuse me," aniya at lumingon ang tatlo nang marinig ang boses nito. Binigyan agad nila ito ng sopistikado at maangas na tingin. Isa-isang sinuri ng tatlo ang nasa harapan nila, gamit ang kani-kanilang kapangyarihan at nagulat na ito ay isang normal na tao. "Human!" bulong nilang tatlo pareho sa kani-kanilang isipan. "Maaari ko ba kayong imbitahan upang maging modelo sa aking Modeling Agency?" aniya habang nakangiti ito. "Imbitahan?" pag-uulit ni Juno. "Modeling?" paglilinaw naman ni Charlemagne. "Agency? Iyon ba 'yong namamahala ng mga talento ng mga nagmomodel?" sagot naman ni Lancelot na ikinalingon ng dalawa. Hinila pa muna nito ang bunsong kapatid palayo sa lalaki at tinanong. "Paano mo alam ang ganoon, Lance?" Nakapamaywang na tanong ni Juno. "Nakapunta ka na ba rito, Lance?" dagdag naman ng nakapamulsang si Charlemagne habang pasulyap-sulyap at nginingitian ang lalaking nag-alok sa kanilang maging modelo. "Teka, lang ate, kuya. Magkasabay tayong napadpad at ipinadala dito ng emperador at emperatris, hindi ba? Kaya imposibleng nakarating na ako rito. Pabalik ang taon sa mundo ng mga tao e," sagot ng bunso at napaisip naman ang dalawang kapatid at tumango. "Pero ano ang tinutukoy niyang modeling agency?" hindi pa rin malinaw kay Juno ang tungkol sa alok sa kanila, kaya nais pa niyang makakuha ng impormasyon sa bunsong kapatid. "Model. Modeling. Katulad ng ginawa ninyo kanina. Nag-pose ka kanina na kagat-kagat ang shade mo at si kuya Charlemagne naman ay ganoon rin. Katulad din ng ginawa kong pag-pose kanina. Kunwaring may mga flash ng camera. Ganoon ang pagmomodelo," kinlaro pang muli ni Lancelot ang tungkol sa salitang modeling at mukhang naintindihan naman ng kaniyang ate. "Pero paano mo nga nalaman ang tungkol rito kung hindi ka napadpad sa mundo ng mga tao?" biglang balik ng tanong kanina ni Charlemagne kay Lancelot, na sinang-ayunan naman ni Juno. "A, iyon ba? Mahilig kasi akong magbasa kapag wala akong ginagawa sa DraK, ate, kuya. Nabasa ko lang ang tungkol sa mga nagmomodelo sa isang sikat na magasin. Laro-laro lang kasi iyon noon ng aking kapangyarihan at hindi ko namalayang may isang planeta palang napakaganda na maraming mga commercial models. And the rest was history, ika nga sa wika ng mga tao." Nag-peace sign pa ito sa mga nakatatandang kapatid bago naintindihan ng dalawa ang kaniyang mga sinabi. Inakbayan pa ni Charlemagne ang bunso at may ibinulong rito bago ibinalik ang tingin sa lalaking nag-alok sa kanila. "Turuan mo ako ng mga bagay-bagay sa mundo ng mga tao mamaya ha?" "Oo ba. Walang problema, kuya." Hindi naman iyon napansin ni Juno dahil bumalik ito sa lalaki at humingi ng paumanhin. "Ano po ba ang aming gagawin, mister?" "Mr. Shaow. Tawagin mo na lamang akong Mr. Shaow. Heto ang aking calling card at pangalan ng modeling agency na ako ang namamahala. Puro robots na kasi ang halos mga models ko, kaya nang makita ko kayo rito, umaasa akong paunlakan ninyo ang aking hiling na maging modelo." Tahimik namang tumango si Juno at binasa ang nakasulat sa calling card na inabot sa kaniya. Nakaakbay na rin sa kaniyang likuran ang kuya at ang bunso. At sabay nila itong binasa. "Mr. Shaowman's Talent Management." "May gagawin ba kayo? Puwede ko kayong dalhin sa aking opisina nang makita muna ninyo bago magdesisyon—" Naputol ang sasabihin ni Mr. Shaowman nang marinig ang kalam at tunog ng mga tiyan ng magkakapatid. Gutom na ang mga ito. Malayo-layo rin ang nilakbay nila mula sa DraK at hindi napansing gutom na sila. "Mukhang humihingi na ng tulong ang inyong mga tiyan. Sumama kayo sa akin at paghahandaan ko kayo ng masasarap na pagkain." Niyaya ni Mr. Shaowman ang tatlo. Ayaw pa sana nilang sumama pero ilang beses nang tunog nang tunog ang kani-kanilang mga tiyan. Tila nanghihina na ang mga ito. Nang ipakita ng kausap ang sasakyang kanilang sasakyan ay namangha ang tatlo. "Sumakay na kayo at dadalhin ko kayo sa aking opisina." Kusang nagkaroon ng sariling isip ang kani-kanilang mga paang pumasok sa loob ng mala-cable at limousine car na kombinasyun na sasakyan. Nakangiti naman si Mr. Shaowman sa pagiging inosente ng tatlo. At nang lahat ay makasakay, mabilis pa sa isang minuto itong umalis at lumipad patungo sa kaniyang opisina. "Nandito na tayo. Puwede na kayong bumaba." Hindi naman makapaniwala ang magkakapatid sa bilis ng kanilang biyahe. Sa utos na rin ni Mr. Shaowman ay isa-isang bumaba ang mga ito at hindi na naman inasahan ng tatlo ang isang napakagandang tanawing kanilang nakikita sa harapan. "Welcome to Shaowman Talent Management. Sumunod kayo sa akin nang makakain na kayo." Ang kaninang pagkamangha ay napalitan ng muling pagtunog ng kani-kanilang mga tiyan. Kaya naman ipinagpaliban na muna nila ang pagtingin-tingin sa paligid pero hindi maiaalis sa kani-kanilang mga mata ang nakikita nilang moderno at tila mala-palasyo ding opisina ni Mr. Shaowman. Hugis-bilog ang parang selyo na nakatakip sa buong opisina nito. Nanari-sari namang mga maliit na puno at mga halaman, pati mga bulaklak ang nakatayo sa harapan ng building, na sa tantiya ni Juno ay nasa limang palapag ito. Greenhouse na Greenhouse Effect ang dating ng entrada ng building ni Mr. Shaowman at hindi maipagkakailang unti-unting nakukuha nito ang loob ng tatlong bisita. Kampante naman ang loob niya na papayag ang tatlo, lalo pa at harapan pa lamang na kagandahan ang kanilang nakikita. Baka pumayag agad ito kapag makita ang interior at ang napakasarap na pagkaing kaniyang ihahanda sa kanila, na hindi pa niya naitatanong ang mga pangalan ng mga ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD