Chapter 6: The Empress and the 7 Hearts

1027 Words
Sa Sentrong Bahagi ng Kaharian ng DraK "Hindi ko inasahang ang isang ahas na katulad mo ang siyang magdadala ng kaguluhan dito sa DraK, Alamang. Bagay na bagay nga sa iyo ang pangalan mong may sipit sa dalawang kamay," pang-uuyam ni Emperatris sa harapan ni Alamang. "Huwag mo akong husgahan, Lika," untag naman ni Alamang emperatris. "Igalang mo ang emperatris ng DraK, Alamang!" bulyaw naman sa kaniya ng emperador. "Mukhang pinagkakaisahan ninyong dalawa si Alamang. Hindi ba at minsan na rin tayong naging magkaibigan, Majar, Lika? Hindi mo man lamang ba babatiin ang iyong matalik na kaibigan?" singit naman ng isang babaeng nakasuot ng kulay itim at pulang kasuotang natatakpan ang mga paa. "Ano naman ngayon sa iyo, Mulaka kung hindi kita babatiin? Kaibigan? Hindi ba at matagal ko nang pinutol ang ating ugnayan bilang isang matalik na magkaibigan?" buwelta naman agad ng emperatris. "Mukhang hindi na nga tayo welcome sa kahariang ito, Alamang. Tapusin na kaya natin ang pakay natin dito?" "Siyang tunay, Mulaka!" Pagkatapos ng maiksing pakikipag-usap ng mga ito sa emperador at emperatris, isang maliit na hugis bilog na bomba ang inihagis ni Mulaka sa harapan nila. Mabilis naman ang paggalaw ng mga mata ng emperatris at gumawa agad ito ng malakas na harang at ikinulong ang mga itim na bolang iyon sa loob. Sumabog ito sa loob ng harang na iyon at tumalon naman ng mataas si Emperador Majar na nakaamba na pababa ang espada nitong unti-unting humahaba mula sa limang pulgada hangggang naging walong pulgada ang haba. Nasangga lamang ni Alamang ang dulo ng espada ng emperador gamit lamang ang kaniyang hinlalaki at hintuturo. "Ganito ba kalakas ang isang emperador? Hindi man lamang dumugo ultimong mga daliri ko sa tulis at haba ng iyong espada?" Nagmamayabang si Alamang sa harapan ng emperador at nakita ng emperatris kung paano ibuhos ni Majar ang lakas niya sa espadang iyon pero hindi man lamang umabot ang tulis o talim nito sa dalawang daliri niya. At nang tatangkaing tulungan ang emperador, pumagitna si Mulaka at natikman niya ang malakas na mag-asawang sampal mula rito. "Sampal pa lang iyan, Lika. Nagawa mong pigilan ang pagsabog ng mga bombang inihagis ko pero hindi mo nailagan ang malalakas na sampal ng aking mga kamay." Napaatras naman ang emperatris habang ang huli, si Mulaka ay bumalik sa puwesto nito, katabi ni Alamang na kasalukuyang pinipigilan pa rin ang talim ng espada ni Majar. "Ganito dapat ang tinatawag na malakas at matapang na emperador, Majar. Tingnan mo!" Ang kulay itim na enerhiyang bumabalot sa katawan ni Alamang ay biglang sumabog at tumilapon sa kinaroroonan ni Lika ang emperador. Mabuti na lamang at nasalo niya ito. Biglang nakita ng emperatris ang kulay pulang likido na lumabas sa bibig ng emperador. Panay ang pagsusuka nito ng dugo. "Hindi na kaya ng katawan mo, Majar. Ibinuhos mo na ang lahat ng kapangyarihan mo sa espadang iyon pero nabigo ka pa ring magalusan o mahiwa man lamang ang balat sa mga daliri ni Alamang," bulong ni Lika habang akay-akay ito. "Kung nandito lang sana ang Lucky 7, magagawa ng espada kong iyon ang mapaslang si Alamang," aniya ng emperador. "Hindi ko alam kung hanggang kailan matatapos ang labanan sa pagitan ng ibang miyembro ng Lucky 7 mo, Majar. Kaya kailangan nating maging matatag. Ako muna ang haharap sa kanila, Majar," hindi naman nagpatinag ang emperatris dahil matapang din itong nagmungkahi na haraping mag-isa sina Alamang at Mulaka. "Hindi mo kakayanin ang kapangyarihang bumabalot sa katawan ni Alamang, Lika. Mapanganib," kitang-kita sa mga mata ng emperador ang labis na pag-aalala niya sa emperatris. Pero hindi sang-ayon si Lika sa kaniyang mga tinuran. "Nagawa mo ang iyong parte bilang emperador ng DraK, Majar. Oras naman para gawin ko ang aking responsabilidad bilang iyong emperatris at asawa. Kaya, dito ka lang. Naiintidihan mo?" walang magawa ang emperador kapag nagdesisyon na ang emperatris para sa kaniya. Tumango na lamang ito at hinalikan ang asawa sa labi. "Lancelot, 7 Hearts, lipulin na ninyo ang mga kalaban ninyo at protektahan ang emperador!" Agad na tumayo ang emperatris at inilahad ang kanang palad. Lumitaw mula roon ang isang puting enerhiya at ikinulong nito ang emperador upang proteksyunan ito. Bigla namang nagulat si Lancelot nang maglahong parang bula ang 7 Hearts at naiwang siyang mag-isang nakikipaglaban sa mga itim na baraha at mga Mago. "Anak ng puting pitong pating tupa! Iniwan ako? Saan nagpunta ang mga babaeng iyon?" Napakamot agad sa ulo si Lancelot at nang igala ang paningin, nakita niya ang 7 Hearts na nakatayo sa likuran ng emperatris. "Bakit ninyo iniwan si Lancelot?" gulat ang mukhang napatanong agad ang emperatris sa 7 Hearts na nasa likuran na nito. "Tutulong po kami sa laban mo, mahal na Emperatris. Nakarehistro na po sa aming mga utak ang mensahe ng prinsesa na sa oras na malagay ka sa panganib, kailangan naming iligtas ka at makipaglaban kasama mo," sabay-sabay pa ang mga ito sa pagsagot. "Kahanga-hanga, Emperatris Lika. Sinong mag-aakala na ang mga babaeng iyan ay pin-rogram ng iyong anak para proteksyunan ka? Tingnan nga natin kung hanggang saan ka kayang proteksyuna ng 7 Hearts ng iyong anak! Alamang, pakawalan mo ang itim na kapangyarihan at ihagis sa kanilang harapan!" Tila kinukontrol naman ni Mulaka si Alamang nang mga oras na iyon. Hindi niya inakalang mapapasunod siya sa gusto ni Mulaka. At ilang saglit pa ay nabuo na nito ang isang bola ng enerhiyang itim at pinakawalan sa harapan ng emperatris. Bago pa man bumagsak sa harapan ng emperatris ang bolang itim na iyon, naglaho ang 7 Hearts at biglang pumasok sa katawan ng emperatris. Lumitaw rin sa kanang kamay nito ang mahaba na latigong kayang hiwain ang anumang matigas na bato, o bagay o kahit ang bola ng enerhiyang bumubulusok pababa sa harapan mismo ng emperador at emperatris. Walang inaksayang oras si Lika at mabilis na inihampas nito ang latigong hawak niya sa malaking bolang ilang sentimetro na lamang ang layo sa kinatatayuan niya. "Whip Blade! s***h!" Ang malaking bolang iyon ay nahati at muling ginamit ng emperatris ang latigo niya upang gawin namang mahabang sinulid na ginagamit upang paikutin ang nahating bolang enerhiyang iyon sa harapan nina Alamang At Mulaka. "Spin Blade! Explode!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD