Launching Day
Robotics For Life Building
Ilohi, Yasavi
Dumating na ang pinakahinihintay na araw nina Severo Ilusyunado at Luzio Batumbakal. Ito rin ang araw na hinihintay ng mga online seekers at mga single na tao sa buong Perlas. Dumating na rin sa wakas ang inaabangan ng mga babae at lalaking online na maghahanap ng kanilang magiging partner, o lover habambuhay.
Walang sinayang na sandali, minuto, o ano mang oras ang Robotics For Life sa loob ng halos isang linggong pagpupuyat, maisakatuparan lamang ang gustong maging matagumpay ang launching. At lahat ay nakatutok na sa malaking monitor screen. Nakahanda na rin ang mga robots na magiging kapareha ng mga sasalang sa dating sites.
Online, ay hindi na rin tumitigil ang mga tao sa pagpo-post sa kanilang mga social media accounts mag-trending lamang ang topic ngayong araw. It was the now talk of the town. Lahat ay nag-aabang na sa unang sasabak sa pakikipag-date online sa Find The Right One For Me App, sa website na rflfindtheright14meapp.com. Doon ay kaliwa at kanan na nagreregister ang mga nagnanais na makapagpili at makapaghanap ng kanilang makakapareha mula sa mga robots na kawangis ng isang taong nakahilera na online upang maging habambuhay na partner. Iyon ang inaasahang tagumpay nina Luzio Batumbakal at Severo Ilusyunado.
"Launching starts in 10 minutes!" sigaw ng may hawak ng camera sa centerstage ng Robotics For Life building, sa pinakagitnang bahagi sa loob ng establisiyimento.
Na-set up na rin at handa na ring sumalang sa interview sina Luzio Batumbakal at Severo Ilusyunado. Live itong mapapanood ng lahat ng nasa kani-kanilang mga apartments at condo, sa tatlong pulo ng Perlas.
"Everyone, in 10 minutes, I want all of you congratulate yourselt in advance for this job well done. I am claiming the success of this project on this launching day."
Anunsyo ni Luzio Batumbakal sa lahat ng kaniyang mga empleyado na naging bahagi ng pitong araw na pagpupuyat at paghahanda. Ang lahat ng nakarinig ng kaniyang pagsasalita ay kinakabahan din dahil nakasalalay din mismo sa tagumpay ng kumpanya ang kani-kanilang mga talento. Kabilang nga roon sa nananalangin na maging successful ito ay si Severo Ilusyunado, na siyang Project Head sa likod ng malaking proyekto.
"In 5, 4, 3, 2, and 1. Start!"
Dumating na nga oras ng pagsisimula ng proyekto at nang tumapat na ang camera kay Luzio Batumbakal ay sinimulan na nitong magbigay ng maikling talumpati.
"Welcome to the launching of our multi-billion project called Find The Right One For Me App. My name is Luzio Batumbakal and I am one of the person behind this project. To all people who watches thus live, I am asking for your support to make it happen today. And of course, to the simgle people out there, looking for the love of their life, and partners for life, it's about time for us to show you what you have all been waiting for. As the Chief Executive Officer, and owner of RFL, let ke take you to the world of love you all have been waiting for."
Matapos ang talumpating iyon ay lumipat ang camera sa malaking projector screen at ipinakita sa madla ang binuong proyekto ng kumpanya. Ilang saglit pa ay dumako na ito sa isang babaeng nasa isang parke lang at nakaupo. Siya kasi ang unang napili at nahagip ng kanilang monitor na abala sa pag-scroll.
Lahat ay nakatingin sa kaniyang ginagawa. Wala itong kamalay-malay na buong Perlas ay nakasubaybay sa kaniyang ginagawa. Matapos manood ng maikling talumpati ay agad siyang pumunta sa browser ng website na rflfindtheright14meapp.com. Doon ay isa-isa niyang binasa ang instruction.
Mula sa paggawa ng account, pag-input ng mga impormasyon niya, hanggang sa makakonekta siya sa website, at nagsimulang i-click ang button sa randomizer ng walang imaheng larawan ng mga lalaki. Habang naghihintay itong tumigil ay nakaantabay naman sa loob ng Robotics For Life building sina Luzio Batumbakal at Severo Ilusyunado. Hindi rin inalis ng tingin ng mga nasa Information Technology department ang kanilang mga mata sa monitor at malaking screen. Nang tumigil na ang randomizer, isang mensahe ang lumabas.
"Thank you for choosing me. My name is Brendon and I am your soon-to-be lifetime partner in life."
Nang unti-unting ipinapakita ang mukha ng tumapat na imahe sa babaeng kanina lang ay nag-aabang, isang nakasisilaw na liwanag naman ang tumambad sa harapan nito mula sa kaniyang tablet na hawak. Nang mawala ang nakasisilaw na liwanag na iyon ay nakita ng babae ang nakangiting matangkad na lalaking nakatayo. Isang repleksyon ng lalaki ang nakikita niya. Halos matunaw naman sa hiya ang babae sa nakikita niyang kagandahang lalaki sa kaniyang harapan.
"Hindi mo pa ako mahahawakan, binibini. Pero huwag kang mag-alala dahil isang araw mula ngayon ay kakatok ako sa labas ng pintuan ng iyong tinutuluyan at mahahagkan mo na ako nang personal. And our getting to know each other will start soon after we met."
Lalo pang tigalgal at hindi makapagsalita ang babae nang marinig ang boses nito. Hindi na siya makapaghintay pero alam niyang hindi pa nga iyon ang tamang oras na makita niya ito nang personal. Maghihintay siya kinabukasan. Mag-aabang sa katok nito sa labas ng kaniyang tinutuluyan. Matapos ang pag-uusap na iyon ay nawala na sa paningin ng babae ang lalaking kausap. Nang balikan ang account niya sa tablet na hawak ay may isang mensahe siyang natanggap.
"Congratulations on successfully logging in and chose your long time partner. Your partner will arrive tomorrow at your doorstep. This is just the beginning of your happiness. Again, congratulations."
Napangiti ang babae. Bumalik ang nakatutok na camera sa loob, sa centerstage ng RFL Building at dahan-dahang naglakad paakyat si Severo Ilusyunado upang magsalita.
"Ang inyong nasaksihan at napanood ay ang Phase 1 ng aming proyekto. From creating an account to providing information, down to randomize selection based on the age and gender of the one who registered, the second phase, or Phase 2 will proceed the day after, tomorrow. We will also closely monitor the meet up tomorrow. At umaasa akong after this, all single out there will register on the website and click our randomizer to make your dream come true. Stay tuned tomorrow, as we continue to watch what will happen next. My name is Severo Ilusyunado and I am the person behind this project. Your Project Head, spearheaded by our Chief Executive Officer, Mr. Luzio Batumbakal. Thank you for watching. If you haven't register yet on the website, it's about time to do so."
Matapos ang maiksing pagbibigay impormasyon sa mga nanonood ay tinigil na ang pag-re-record. Maiingay na palakpakan at pagbati ang narinig mula sa buong kumpanya habang kino-congratulate isa-isa sina Luzio Batumbakal at Severo Ilusyunado, na hindi naman matapos-tapos ang pagngiti.