Chapter 4: Mga Panauhing Pandangal sa Kaharian ng DraK

1168 Words
Sa Kaharian ng DraK Dalawang daang taon mula sa kasalukuyan, sa kaharian ng DraK kung saan naiwan ang emperador at emperatris upang proteksyunan ang kaharian, nagpatuloy ang paghahasik ng kasamaan. Nang mga oras na iyon ay hindi pa gaanong rumihestro sa utak ni Emperatris Lika at ni Emperador Majar ang pagpapadala nila sa kanilang anak na si Maharlika sa mundo ng mga tao. "Sa tingin mo, mahahanap ba natin ang anak natin sa mundo ng mga mortal, Majar?" tanong ng emperatris sa emperador. "Magagawa natin, Lika. Nangako tayong hahanapin natin si Maharlika. Pero kailangan nating proteksyunan ang DraK sa gustong sumakop nito. Hindi natin hahayaan na makuha nila ang kaharian natin," may bahid man ng lungkot ang makikita sa mukha ng emperador ay matapang pa rin nitong inaalala ang kapakanan ng kaharian. "Paninindigan ko ang ang sinabi kong samahan ka sa laban mo, Majar. Tayo na at paalisin ang lapastangang pumasok sa ating kaharian." Naunang tumayo ang emperatris at inalalayan nito ang emperador upang hawakan ang kamay niya. Ilang sandali pa ay nagpasiya na ang mga itong lumabas sa silid ng kanilang anak, na hindi na nila alam kung saang parte ng Hearth ito napadpad, sa mundo ng mga mortal. "Buksan ang pintuan at lalabas na kami!" utos nito sa mga guwardiya na nasa labas lang ng silid ng kaniyang anak. Magkahawak-kamay naman ang dalawang naglakad palabas habang ang ilan sa mga tagapaglingkod ng kaniyang anak ay nakasunod lamang. Hindi rin inasahan ng mga guwardiya na makita nang personal ang pagbabagong anyo ng emperador at emperatris maging ang mga lingkod nitong nasa likuran lamang nila. Ang kasuotan ng emperador na may korona sa ulo ay napalitan ng isang kulay pulang kapa at warrior suit na napapaligiran ng mga ginto. Nakasukbit din sa tagiliran nito ang espada niya. Kahit wala nang korona sa ulo ay malalaman pa rin sa kulay ng kasuotan nito na siya ang emperador ng palasyo. Ang emperatris naman ay nag-iba rin ang kulay ng damit. Mula sa kulay pilak na may mahabang laylayan, naging hanggang tuhod a lamang ito. Litaw na litaw ang napakakinis nitong balat at nawala rin ang korona nito sa ulo. Ang warrior suit naman niya ay kulay diyamante at may maliliit na gintong nakadikit dito. Wala itong nakasukbit na espada pero hawak naman niya ang isang uri ng latigong kulay diyamante. Ang lagpas baywang naman niyang buhok ay nakatirintas na rin at nakalugay lamang sa kaniyang likuran. Sa mga lingkod naman ng anak nilang si Maharlika na nakasunod lamang sa kanila ay kakaibang pagbabago rin ang naganap. Ang kaninang mga suot nilang ordinaryo at kulay puting bestida ay naging kombinasyon ng pilak at perlas. Hapit na hapit ang mga suot nito sa kanilang katawan. Hanggang hita naman ang haba ng laylayan nila at ang mahahabang buhok ng mga ito ay umiksi at naging kulay pilak sa liwanag. Titig na titig lang ang mga guwardiya. Tuloy-tuloy naman ang paglalakad ng emperador, emperatris, at mga kawal na babae ng kaniyang anak upang magtungo sa kinaroroonan ng kaliwa at kanang pagsabog sa iba't ibang parte ng kaharian. Nang may paparating na malaking kulay itim na bombang sasabog sa dinaraanan ng emperador ay may isang puting liwanag ang lumitaw sa harapan nila at hinati ang bombang sasabog sana sa mga ito. "Salamat, Lancelot. Nasaan sina Charlemagne, Juno, at ang Lucky 7?" tanong ng emperador matapos yumukod ito at magbigay-pugay sa kaniya at sa emperatris. "Pagbati, mahal na Emperador at Emperatris. Sina Charlemagne King, Queen Juno po ay nasa East Side po ng kaharian. Ang Lucky 7 naman na sina Clover, Spade, Heart, Diamond, Diez, Ace, at Joker ay nakikipaglaban sa bungad ng palasyo, sa lower ground ng kaharian, mahal na Emperador," sagot ni Lancelot na Jack of All Trade ng kaharian. "Magaling. Kung ganoon ay ang West Side ng Kaharian na malapit sa trono ko ang kailangan naming proteksyunan," aniya ng emperador. "Lead the way, Lancelot." "Masusunod po mahal na Emperador." At pansamantalang tumalikod naman si Lancelot sa emperador at emperatris upang bigyang-daan ang kapangyarihan ng kaniyang baraha. Sa isang iglap ay inilabas niya ang lahat ng uri ng baraha at lumiwanag ito sa kanilang harapan. Isang lagusan ang unti-unting bumukas at inilahad nito ang kanang kamay upang paunahing makaraan ang emperador at emperatris. "Hinihintay na po kayo ng West DraK, sa inyong palasyo, mahal na emperador at emperatris," muling yumukod si Lancelot at tumango naman ang emperador. Magkahawak-kamay pa rin ang mga itong naglakad patungo sa lagusang tanaw na tanaw na nila ang nangyayari sa labas ng kanilang palasyo. Nang makapasok na ang dalawa ay umayos ng tindig si Lancelot at pinagmasdan naman ang nakasunod na pitong kawal na babaeng hindi pa niya nakikita sa loob ng ilang daang taong pamamalagi niya sa Kaharian ng DraK. Hindi na muna niya pinansin pa ang kung ano mang naiisip niyang mga katanungan dahil may tungkulin siyang dapat na gampanan sa kaharian. Sumunod na rin agad itong pumasok sa lagusan at inilahad ang kanang kamay upang kunin ang mga baraha at isarado na ang lagusan. "Sa ngalan ng emperador, at emperatris, inuutusan ko kayong lisanin ang kahariang ito. Ngayon din!" Biglang tumigil ang labanan sa pagitang ng mga DraKs at ng hindi inaasahang panauhing pandangal ng kaharian, matapos marinig ang tinig ng Emperador na si Majar. Nasa labas na sila ng kanilang palasyo at bumitaw na rin sa pagkakahawak sa kamay ni Emperatris Lika upang ituon ang pansin sa kalabang hindi niya alam kung saan nanggaling. "Kanina pa kita hinihintay, Majar," dahan-dahhang lumingon sa harapan ni Emperador Majar ang nagsalita at nagulat pa ito nang makilala pareho ng emperatris kung sino ang kalaban. "Lapastangan! Tawagin mo siya sa kaniyang titulo bilang emperador ng Kaharian ng Drak!" asik naman at galit na galit ang mukha ni Lancelot nang hindi binigyang respeto ng kalaban ang emperador sa harapan ng nakararami. "Ganoon ba? Emperador Majar?" sarkastiko nitong pang-uuyam at pang-iinsulto na lalong nagpagalit kay Lancelot. "Ako na ang bahala sa kaniya, Lancelot," maagap na pinigilan ng emperador sana ay pagsugod nito sa kalaban. "Hindi ako aalis sa tabi mo, Majar. Magtutuos tayo sa traydor na iyan!" nagpipigil na rin ang emperatris sa harap ng kalabang pamilyar na pamilyar sa kanila. "Ikaw pala iyan, Lika. Oops! Emperatris Lika. Ikinagagalak kitang makitang muli, matalik na kaibigan," bigla namang sumulpot sa likuran ng isa pang kalaban ang isa pang hindi inaasahang matalik na kaibigan ng emperatris. "Mga kawal, paslangin silang lahat!" Mabilis na pumagitna sina Lancelot at pitong babaeng kawal upang proteksyunan ang emperador at emperatris sa paparating na mga Mago at itim na mga barahang mula sa kapangyarihan ng kalaban. "Lancelot, at 7 Hearts, kayo na ang bahala sa mga iyan. Magtutuos lamang kami ng aming bisitang sina Dead Spade at Black Queen." Tumango naman si Lancelot habang pitong kawal na babaeng nasa hilera niya ay wala man lamang kahit na anong sagot na narinig mula sa kanila. Napailing na lamang at napakamot sa ulo si Lancelot at muling ibinalik ang atensyon sa papalapit na mga Mago at Itim na mga Baraha.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD