Chapter 13: Severo's Hardship and Mr. Shaow's Offer

2031 Words
Robotics For Life Building Ilohi, Yasavi LUMIPAS pa ang dalawang araw at isang araw na lamang ay nalalabi ay sisimulan na kinabukasan ang launching ng kanilang website at app na may title na Find The Right One For Me App. Puspusan na rin ang ginagawa ng mga empleyado ni Luzio Batumbakal, sa pamumuno na rin ng taong utak sa proyektong iyon na si Severo Ilusyunado. Habang abala ang lahat ng departamento sa pag-aayos at pag-aasikaso ng lahat ay nasa opisina naman niya si Severo Ilusyunado. Nakatayo. Mula sa twelve floor ng building ay nakatingin siya sa baba, sa loob ng building. Lihim itong napapangiti sa naiisip na tagumpay ng kaniyang proyekto. Upang mas lalo pang ganahan sa excitement na nararamdaman ay nagpasiya si Severo na umupo sa kaniyang swivel chair. Bilang Project Manager at Head ng Sales and Marketing Department ng Robotics For Life, kargo niya ang lahat sales at revenue ng buong kumpanya. Hindi siya dapat mabigo sa bawat tagumpay na tinatamasa niya mula nang maging parte siya ng kumpanyang pangarap lamang niya. Sariwa pa ang alaala ng kaniyang pakikibaka noon, makapasok lamang sa kumpanyang dadaan muna sa butas ng karayom bago maging parte nito. "Anong kaya mong gawin para sa kumpanya ko?" Naalala niya ang unang interview sa kaniya ni Luzio Batumbakal noon at iyon din ang unang beses na nabigo siyang makapasok. Hindi pumasa sa panlasa ng may-ari ng kumpanya ang kaniyang sagot tatlong taon ang nakaraan. "Kaya ko pong gawin ang lahat. Kaya ko pong subukan ang anumang—" "Next. Wala sa bokabularyo ng kumpanya ko ang salita kaya ko lang. Hindi iyan ang gusto kong marinig mula sa aking mga aplikante." Parang binagsakan siya ng malaking semento sa katawan nang hindi siya pumasa. Ngunit hindi roon nagtapos ang kaniyang pakikibaka upang makapasok sa kumpanyang pinangarap niyang maging parte. Sa kaniyang pangalawa, pangatlo, pang-apat, at pang-limang interview ay hindi pa rin siya pumasa. "Ginawa ko naman ang lahat pero bakit parang kulang pa rin ang mga sagot ko?" Pumukaw sa kaniyang kamalayan noon, sa labas ng malaking gusali ng Robotics For Life ang katanungang iyon, na siyang naging daan upang pag-aralan pa niya ang tungkol sa kumpanyang papasukan. Gawa ng pananaliksik at pagbabasa online tungkol sa tagumpay ng kumpanya ay sumubok muli si Severo Ilusyunado sa ika-anim na pagkakataon. "Parang nakita na kita rito. Tama. Naalala kita. Pang-ilang beses mo nang interview ito?" Sa ika-anim na pagkakataon ay ramdam pa rin niya ang pamamawis at kaba sa harapan ng may-ari ng kumpanyang si Luzio Batumbakal. Pero tinatagan niya ang loob niya at sinagot ang bawat mga tanong nito sa kaniya. "Opo. Pang-anim na beses ko na po itong subok, Mr. Batumbakal." "Ganoon ba? Pansin ko ngang hindi ka basta-basta sumusuko. Mukhang nais mo talagang maging parte ng aking tagumpay." "Opo, Mr. Batumbakal. Kung hindi po ninyo naitatanong, isa po ako sa pumupuri sa modernong teknolohiyang mayroon kayo sa kumpanyang ito. Advance at talagang hindi tinipid. Walang kahit na anumang kapalpakan. Kung mayroon man ay minor lamang ang mga ito. At ang sales revenue po ninyo taon-taon ay nakamamangha." Naalala pa ni Severo noon kung paano tumingin nang diretso sa mga mata ni Luzio Batumbakal. Hindi niya ito inalis. Naka-pokus lamang ang kaniyang tingin sa may-ari ng kumpanya. Kahit sobrang lamig na ng mga kamay niya noon ay hindi siya bumitaw o bumigaw. Nagpatuloy siya sa pagsagot. At ang tanong na muli niyang narinig, na paulit-ulit siyang hindi nakapasa ay muling tinanong sa kaniya. "Alam kong pamilyar na sa iyo ang tanong na ito, Mr. Severo Ilusyunado. Gasgas na marahil ito para sa iyo, pero sa tanong na ito nakasalalay ang iyong huling pagkakataon para pumasa. Sa pagkakatanda ko ay hanggang anim na pagsubok lamang ang ibinibigay ko sa mga gustong makapasok sa akiing kumpanya. Ibig sabihin, ito ang pang-anim na pagkakataong naibigay ko sa iyo, hindi ba?" "Yes, Mr. Luzio Batumbakal. I understand." "So, this is a make it or break it question. If you answered it correctly and it pleases me, then I will hire you. But, if it sounded differently, you are not allowed to apply anymore, not until the next three years. Do you understand?" "Yes, I understand." "Are you ready?" "Yes, Mr. Batumbakal. I am ready." "Then, allow me to ask you this question in English. And you have the option to answer it either in the same language or in your own way. As long as I can feel that you are comfortable to express your answer, I will accept whatever language you can give." "I'm ready, Sir." "What can you contribute to my company?" Napapailing pa si Severo Ilusyunado nang mga oras na iyon. Huminga pa ito nang malalim bago sinagot ang katanungang magtatakda sa kaniyang buhay upang maging bahagi ng Robotics For Life. Nakaupo siya sa harapan ng mahabang mesa sa loob ng opisina ni Luzio Batumbakal at hinihintay ng may-ari ang kaniyang make it or break it answer sa tanong nitong kailanman ay hindi niya napapasa. At nang ibuka na nga niya ang kaniyang bibig noon upang sagutin ang tanong nito, hindi siya nakitaan ng anumang kaba o panginginig. "The success of this company not only lies on the person behind who owns it, or who manages it. It also comes from the people who work hard to achieve it. In fact, the employees hard work is the key to success of a big company like Robotics For Life. And I would love to contribute my time, effort, and skills as one of those hardworking employees." Hindi pa bumibitaw sa pagngiti noon si Severo Ilusyunado habang pinagmamasdan ang seryosong mukha ni Luzio Batumbakal. Matapos ibigay ang kaniyang kasagutan sa wikang Ingles, nakatingin lamang ito sa kaniyang Curriculum Vitae at ilang minuto rin siyang naghintay, kabadong-kabado na, namamawis, at talagang hindi na mapakali. Pero nagawa niya pa ring ngumiti sa harapan nito. Iyon na lang kasi ang huling pagkakataong ibinigay sa kaniya. "Binabati kita, Severo Ilusyunado. At dahil sa sagot mo, nais kong i-asayn kita agad sa Sales and Marketing Department ng aking kumpanya bilang trainee hanggang sa makita ko ang progress mo." Hindi pa mag-sink in nang mga sandaling iyon ang mga sinabi sa kaniya ni Luzio Batumbakal. Kinumpirma pa niya ulit kung tama ba ang narinig niyang tanggap na siya. "Tang--- Tanggap na po ba ako, Sir?" "Yes, Mr. Ilusyunado. Ang totoo niyan ay kahit anong sagot naman, mali man o hindi ay pasado sa akin. Ang mga sagot mo noong nakaraang limang interview ay pasado naman sa akin." "Ano po ang ibig ninyong sabihin? Bakit po ako hindi pumasa?" "Ipagpaumanhin mo. Hindi ka pumasa sa limang pagkakataong naibigay sa iyo dahil ramdam at nakikita ko ang kaba sa iyo. Kabadong-kabado ka to the point na nauutal ka sa pagsagot. Kaya, ganoon ang nangyari. At gusto kong i-share pa sa iyo ang nangyari." "Ano po iyon?" "Ikaw lang sa daan-daang aplikante ang binigyan ko ng anim na pagkakataong mag-aplay sa kumpanya ko dahil nakikita ko ang potensyal mong maging isa sa aking pagkakatiwalaan sa future projects ko. Kaya, binabati kita, Mr. Severo Ilusyunado. Makakapagsimula ka na bukas. Ang Human Resource Department na ang bahalang magbigay sa iyo ng pipirmahan mong kontrata at mag-aasikaso na rin ng iyong mga ipapasang dokumento para mabigyan ka ng pass o access sa aking kumpanya. Muli, congratulations." Kung hindi siya nagkakamali ay nanatili pa siyang nakaupo noon sa loob ng opisina ni Luzio Batumbakal habang papalapit ito at kin-ongratulate siya. Nang makalabas ang may-ari saka lamang siya napahiyaw, at napasuntok sa hangin sa tagumpay na kaniyang natamo. At doon sa pang-anim na interview niya nagsimula ang kaniyang tagumpay mula sa pagiging trainee hanggang sa maging Project Manager at Head ng Sales and Marketing Department ng Robotics For Life. ... Shaowman Talent Management Building Ilohi, Yasavi Hindi na yata matapos-tapos ang pagkamangha ng magkakapatid nang mga oras na iyon habang papasok ang mga ito sa loob ng building na pagmamay-ari ni Mr. Shaow. Kaliwa't kanan itong nakatunganga at nakabuka ang mga bibig. Si Lancelot naman ay sadyang nag-re-record lang sa isipan ng kaniyang nakikita nang hindi nalalaman ng kaniyang mga kapatid. "Magandang araw, po Mr. Preston Shaow," bati ng isang empleyado niya. "Gigi, please prepare the foods for these visitors. They are going to be our new talents and models," utos niya at napasulyap pa si Gigi sa likuran ni Mr. Shaow at lumuwa ang mga mata sa kagandahang lalaki at babae ng mga ito. "Ngayon din po, Mr. Shaow." Hindi na nag-aksaya ng oras si Gigi at agad itong tumakbo sa receptionist upang ma-inform ang Chef at Food Department para ihanda ang Event Hall kung saan naroon ang malaking bulwagan na may mahabang mesang nakalaan as dining place ng mga bisita. "Halina kayo at ihahatid ko kayo sa Shaow Hall. Doon tayo maghihintay habang hinihintay ang pagkaing ihahanda nila para sa inyong tatlo." Matapos marinig ang salitang pagkain ay muli na naman tumunog nang malakas ang kanilang mga tiyan. Lihim namang napangiti sa harapan nila si Mr. Shaow. Napangiti na rin ang tatlo at muling humingi ng paumanhin sa inasal ng kanilang tiyan. Sumunod na rin ang mga ito sa kaniya patungo sa malaking Event Hall. "This is Shaow Hall or Event Hall ng kumpanya. Dito madalas idinadaos ang malaking piging kapag may malaking okasyon ng mga kilalang tao ang magaganap. Kabilang sa mga kilalang taong tinutukoy ko ay ang aking mga talents and models na bigatin na rin ngayon. Pero tila nakalimutan yata nila ang kanilang pinagmulan." Isa-isang pinaupo ni Mr. Shaow ang magkakapatid habang hinihintay ang pagkain para sa kanila. Pansin naman ni Juno ang tila paglamlam ng mga mata ni Mr. Shaow. Nang umupo ito ay tinanong na niya ang kani-kanilang mga pangalan. "Maaari ko na bang malaman ang inyong mga pangalan?" panimula niya habang nakangiti sa kanila. "Magkakapatid po kami. Ako po si Juno. Siya naman ang kuya ko, si Charlemagne, at ang bunso sa amin ay si Lancelot," pagpapakila ni Juno ng kaniyang mga kapatid kay Mr. Shaow. "Ikinagagalak ko kayong makilala, Juno, Charlemagne, at Lancelot. Ako naman si Preston Shaow. Kung sakali mang papayag na kayong maging aking talents at models, papalitan ko ang inyong mga pangalan nang naaayon sa aming panahon, taong 2026," aniya Mr. Shaow. "Anong ibig sabihin niya, Lancelot?" bulong ni Juno sa bunso. "Screen name yata tawag doon. Iyong pekeng pangalan para hindi tayo makilala nang kung sinumang Poncio Pilato," sagot naman ni Lancelot sa isipan. "Poncio Pilato?" tanong naman ni Charlemagne na nakangiti sa harapan ni Mr. Shaow pero nakikipag-usap sa isipan kay Lancelot at sa kapatid na si Juno. "Expression lang iyon, kuya na nabasa ko online," pagpapaliwanag naman ni Lancelot at nag-peace sign pa ito na nagpagulo na naman sa mga isipan ng kaniyang ate at kuya. "Screen name ang tawag sa ipapalit kong tunay na pangalan ninyo. Ibig sabihin ay makikilala kayo ng mga tagahanga, o mga tao sa inyong reel name. Katulad mo Juno, puwede kang tawaging June. Ikaw naman Charlemagne ay magiging Charles or Charlie. As for you, Lancelot, unique ang iyong pangalan at hindi na papalitan dahil may mga tagahanga ang pangalan mo. Magugulat ang mga iyon kapag nakita nila ang iyong charm bilang isa sa aking magiging talents at modelo." Napalingon naman ang dalawang nakatatandang kapatid kay Lancelot na abot-tainga ang ngiti nang marinig mula kay Mr. Shaow na hindi na kailangan pang palitan ang kaniyang pangalan. Isang malapad na ngiti naman ang ibinigay ni Lancelot sa kaniyang ate at kuya habang sinasagot ang mga titig nito sa kanilang isipan. "Sorry na, ate, kuya. Huwag na kayong magalit. Sikat kasi talaga ang Lancelot dito. Knight in Shining Armor sa panaginip at pansala ng mga girls. Prince Charming, ika nga." Natigil lamang ang mga titig nila sa isa't isa at kumunikasyon nang isa-isang makita ang malalaking platter na inilalagay sa harapan nilang lahat. Maging ang mga kubyertos at mga platong isa-isang inilalapag sa kanilang table ay ingat na ingat din nilang tinitingnan ng may pagkamangha. At nang preparado na ang lahat ng nasa table ay isa-isa nang inutusan ni Mr. Shaow ang mga serbidor na buksan isa-isa ang malalaking platter, naging dahilan upang lalong matakam ang magkakapatid sa amoy ng nakahaing pagkain sa kanilang harapan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD