"Mommy, hindi ko po kayang iwanan si Lyndon. Ako na lang ang meron siya," paliwanag ko sa ina.
"Pagpasensiyahan mo na ang Daddy mo, Afia. Pero iniisip niya lang ang makakabuti sa 'yo. Sana magawa mo man lang siyang respitohin," malungkot na wika ni Mommy at wala nang lakas na loob para pagalitan ako.
Siguro ay nagsawa na rin ito kakapayo sa akin.
Kahit na alam kong wala siyang kinakampihan sa amin ni Daddy.
Pero mas alam kong mas nasasaktan siya para kay Daddy kaysa sa akin.
Naging masunurin akong anak sa kanila pero simula ng makilala ko si Lyndon ay nagbago ang lahat.
Doon na nagsimulang mag-unahan ang aking mga luha.
Hindi na lumabas si Daddy sa kwarto at hindi na rin naghapunan.
Nang lumabas si Mommy ay nakita ko siyang palapit din sa akin.
"Inaantok ka na ba?" malungkot na tanong ang tanong sa akin ni Mommy.
Umiling ako dahil totoong hindi ako makatulog.
Nakokonsinsiya ako sa pagsagot-sagot ko kay Daddy kanina at alam kong mali ang aking ginawa.
Pero hindi ko mapigilan ang sarili ko sa tuwing si Lyndon na ang involve.
Kahit gano'n si Lyndon ay alam kung may mabuti siyang puso.
"Afia, ayaw kong isipin mong pinapakialam ka namin sa mga desisyon mo sa buhay mo para maging miserable ka. Gaya ng ang gusto ng Daddy mo ay para ito sa kabutihan mo," malungkot na pagpapaintindi sa akin ni Mommy.
"Mommy, alam ko po ang ibig mong sabihin pero hindi ko kayang pabayaan si Lyndon," nahihiya kong wika sa ina.
"Layuan mo na siya, Afia. Kahit hindi na para sa Daddy mo kundi para sa katahimikan nating lahat," malungkot na sabi ni Mommy pero umiling ako.
"Pati ba naman kayo, Mommy? Namimili na rin kayo ng taong gugustuhin ko?" Naghihina kung tanong sa kaniya at nawawalan na ako ng pag-asa.
"Ayaw kong magkasira ang pamilya natin, Afia dahil lang sa katigasan ng ulo mo!" matigas na sabi ni Mommy sa akin at hindi na napigilan ang sariling pagtaasan ako ng boses.
Mukhang hindi na niya kaya pang pigilan ang inis na nararamdaman sa akin.
Ilang beses niya akong pinagsabihan pero hindi ako lalayo kay Lyndon.
Umiling ako dahil sa pagkakabigo at kahit namamaga na ang aking mga mata sa kaiiyak ay hindi pa rin ito tumitigil sa paglabas ang aking mga luha.
"Bakit, Mommy? Nahihiya ba kayo ni Daddy dahil si Lyndon ang gusto ko? At ikakahiya niyo rin ba ako kapag hindi ako nakinig sa inyo?" Tinitigan lang ako ni Mommy at hindi sinagot ang aking mga tanong.
Sa halip ay nagsalita ito ng napakaseryoso.
"Hindi ko ako natutuwa sa ugali mo, Afia. Parang hindi na kita kilala! Pati Daddy mo ay sinasagot mo na ng ganiyan!" may diin sa sinabi ni Mommy at walang paalam na iniwan ako sa sala.
Wala na akong lakas para tumayo at pumasok sa aking kwarto.
Hindi ko alam kung bakit kailangan nila akong pagbawalan.
Wala naman kaming ginagawang masama at lalong hindi ako gagawa ng masama.
I see so many questions in their eyes. Every time I'm with him. Every time they caught me with him.
Hinayaan ko na lang ang mapanghusga nilang tingin.
Kahit alam kung aabot sa magulang ko ang balita.
Mula pagkabata ay kaibigan ko na si Lyndon. Hindi na man nila ako pinagbabawalan noon. Ngayon lang kung kailan malalaki na kami.
Excited akong lumapit ng makita ko si Lyndon kasama ang mga kaibigan niya na tumatambay sa gilid ng skwelahan.
"Umuwi ka na!" pagtataboy niya sa akin.
"Ayaw ko," nakanguso kung tugon.
"Tsk, umiral na naman 'yang katigasan ng ulo mo!" naiirita nitong sabi.
"Sabay na kasi tayo!" Hinawakan ko ang kanyang kamay para hilahin.
Nag-inggayan naman ang kaniyang mga kasama at nanunukso dahil sa ginawa ko, pero wala man lang siyang reaksyon.
Kaya nang hihilahin ko na siya bago ko pa nagawa ay inagaw na niya ang kamay niya mula sa aking hawak.
Sumakay siya sa motor na pagmamay-ari niya. At hindi man lang nagdalawang isip na iwanan akong mag-isa sa kalyeng tinatayuan ko.
Hindi ako makakilos sa pagkakabigla. Tulala kong tanaw ang malakas na takbo ng kaniyang motor.
Mula ng malaman niyang palagi akong napapagalitan ni Papa ay palagi na rin niya akong pinagtatabuyan.
Alam kung gusto niyang magkaayos kami ni Papa pero ayaw ko ding isuko kung ano mang meron kam ni Lyndon.
Isa siya sa mga importanteng tao sa buhay ko at naging malaking bahagi siya ng karanasan ko.
Hindi ako magiging ganito kung hindi dahil sa kaniya. Mas matanda siya ng apat na taon sa akin kaya lang ay nababagsak siya palagi sa klase.
Pakiramdam ko tuloy ay sinasadya niyo iyon para lang makasama ako.
Napapansin ko rin kasi na hindi naman siya mahina sa klase.
Sadyang hindi lang siya seryuso at walang ganang mag-aral. Hanggang sa magka-level na kami ngayon.
Siguro dahil sa nangyari noon kaya nawalan na siya ng pag-asa.
Kaya ginawa ko ang lahat para ma-encourages siyang magsikap ulit.
Marami siyang naturo sa akin noon kahit nasa murang edad pa lang ako.
Nagbago lang ang lahat nang bigla siyang mapagbintangan.
Wala siyang kasalanan. Naniniwala ako sa kaniya. Ayaw man siyang paniwalaan ng lahat pero qlam kung hindi niya 'yun magagawa.
Bumuntong hininga na lang ako at ng makabawi ay nagsimula nang humakbang patungo sa bahay.
Nakita ko si Mama at Papa. Pati na rin ang aking kapatid na lalaki.
Si Mama ay busy sa pagluluto habang si Papa ay nanunod ng telebisyon.
Dinig nila ang tunog ng pinto sa aking pagpasok pero para silang bingi at bulag na walang napapansin.
Maging ang aking kasambahay ay parang ayaw na ring makialam.
Lumapit ako kay Papa para magmano sa kaniya.
Pero bigla itong tumayo at iniwang nakabukas ang TV.
Nakaramdam ako ng pagdadalamhati pero wala akong magawa.
Ayaw ko silang magalit sa akin pero ayaw ko ring iwasan si Lyndon gaya ng gusto nilang gawin ko.
Lalo na at alam kung wala siyang ibang makakapitan kundi ako lang.
Marami naman siyang kaibigan pero ako pang naman ang mapagsasabihan niya ng problema.
Every day I'm always thinking and waiting for him. Specially in sleepness night. I wont give up for him. Until the day he changed.
Dumiretso ako sa kusina at nagmano rin kay Mama. Tinanggap niya ako pero wala akong narinig na kahit konting boses mula sa kaniya.
Nagbitaw na lang ako nang buntonghininga dahil sa sakit na pinaparamdam nila sa akin.
Kung noon, ay hanggang salita lang sila ngayon ay mukhang kaya na nila akong tiisin.
Kaya na nilang hindi ako kibuin. Pati si Mama ay matigas na rin.
Alam kung may kasalanan ako. Pero naiinis ako sa tuwing sinasabi nilang iwasan ko si Lyndon.
Alam ko ring wala silang tiwala kay Lyndon pero ako buo ang tiwala ko sa kaniya.
Sa tuwing kasama ko siya, nararamdaman kung ligtas ako palagi.
I fell like I'm breaking into pieces. Dinaan ko na lang sa dasal na sana ay matanggap nila si Lyndon.
Na sana kinabukasan ay maging maayos na ang lahat.
Wala na akong iba pang mahihiling na maging okay ang pamilya ko kay Lyndon.
Na sana ay galangin din nila kung ano ang gusto ko at kung ano man ang desisyon ko.
Nagbitaw ako ng matunog na hininga at iwinaglit sa isipan ko ang paulit-ulit na bumabalik sa utak ko.
Dahil sa tuwing iniisip ko ang nakaraan ay pinagsisisihan ko ang lahat.
Sana nakinig ako sa mga magulang ko dahil ngayon ay hindi ko na alam ang gagawin ko.
Ang sakit ay laging nananatili sa puso ko.
I don't even know how to stop the pain. And I don't think If enough time would heal the pain.
Pain... the pain for all of us.