Chapter 1
When was the last time na ngumiti ako? Hindi ko na maalala at kung maaalala ko man ay gusto ko ng kalimutan ang lahat.
Naging bato ang puso ko simula ng mangyari ang trahedyang iyon.
Walang pagpipilian kundi ang maging matigas dahil walang puwang ang kahinaan sa aking paghihigante.
Wala ako ngayon sa kinatatayuan ko kung hindi dahil sa pinanghahawakan kong paghihigante na gusto kong makamit.
Pinapangako ko sa aking sarili na hindi ako titigil hanggat hindi ko nakakamit ang hustisya.
Ilang taon na rin ang nakakalipas mula nang umalis ako sa aming bayan.
Nilagay ko sa bermudang damo ang dala kong basket na mayroong lamang puting rosas.
Presko at maganda ang mga bulaklak at namumukadkad pa ito.
Napakaganda ngunit walang kahit na ano man ang nagpapagaan ng puso ko sa tuwing tinititigan ko ang mga pangalang nakasulat sa lapida.
Sa ilang taong hindi ako nakadalaw ay hindi ko akalain na maaalagaan ang kanilang puntod.
Nangingitngit ako sa galit at parang gusto kong magwala.
Kahit walang magsabi sa akin ay may hinala na ako kung sino ang taong naglilinis dito.
Pero kinamumuhian ko siya ng husto dahil isa siya sa nakakaalam ng lahat ng mga nangyari at kung ano ng naging dahilan kung bakit ngayon nasa libingan ang aking mga magulang.
Mayroon ding mga bulaklak at bagong sindi ng kandila na halatang hindi pa gaanong matagal ang bumisita sa kanila.
Darating din ang panahon na magkakatagpo ang landas naming dalawa.
At hindi ko hahayaan na may pumigil sa akin. Walang sino man ang may karapatan para hadlangan ako sa aking mga balak.
"Hinding-hindi ko mapapatawad ang pumatay sa inyo, Mama... Papa," nangangalaiti kong wika habang nakakuyom ang aking mga kamay.
"Isinusumpa ko po sa inyo na hinding-hindi ako titigil hanggat hindi ko nakakamit ang hustisya sa pagkakamatay niyo," dagdag kong ani.
Sa harap ng kanilang puntod ay wala akong magawa kundi ang lumuha.
Hindi dahil namimiss ko sila pero dahil sa galit ko. Mas nangingibabaw ang galit ko.
At naiinis rin ako at nagagalit sa aking sarili ngayon. Dahil hanggang ngayon ay hindi ko pa rin mahanap ang salarin sa kanilang kamatayan.
Ilang beses na akong nangako sa kanilang labi na nabubuhay lang ako para maghiganti.
Kahit na mamatay man ako sa araw na makukuha ko na ang hustisya ng aking mga magulang ay wala akong panghihinayangan.
Marami na akong napagdaanan sa buhay kaya hindi ako magpapadala sa aking takot.
"Pa, Ma... pangako ko sa inyo. Aalagaan ko ang sarili ko at hindi ko hahayaang may mangyari sa akin hanggat hindi ko nakikita ang mga taong pumatay sa inyo," panunumpa ko.
Dahan-dahan akong tumingala sa langit at pinagmasdan ang maitim na ulap sa langit.
Mukhang nakikiayon ang panahon sa aking damdamin.
Kasing lungkot ko ang langit ngayon at sa tuwing umuulan ay pinapaalala lang sa aking ang mga nakaraan.
Nanatili ako sa aking kinatatayuan at dahan-dahan nang bumagsak ang ilang butil ng ulan.
Hinayaan ko lang iyon na bumagsak sa aking mukha habang nakapikit at nakatingala.
Nanatili lang akong ganoon at ilang saglit lang ay may mga apak akong naririnig at dahan-dahan iyong lumapit sa aking gawi.
Tumigil ang hakbang nito sa aking tabi at wala akong balak na lingonin siya.
"Afia, halika na!" aya sa akin ni Clinton. "Hindi kaaya-aya ang lugar na ito kung ganitong masama ang panahon," mahinahon niyang wika at nang imulat ko ang aking mga mata ay inalay niya ang kaniyang singsing sa aking mga magulang.
Tiningnan ko lang siya ng seryoso at hindi ko na kailangan pang magtanong upang sabihin sa akin ang ibig nitong sabihin.
"Ngayon lang ako nakadalaw kasama ang anak niyong si Afia at sayang dahil hindi ko kayo nakilala," malungkot nitong wika.
"What the hell are you doing?" walang gana kong tanong kay Clinton.
"Pangako, sasamahan ko si Afia na makuha ang hustisya para sa inyo!" patuloy nitong sabi at para bang wala itong narinig sa tinanong ko.
Si Clinton ang palaging nandiyan para sa akin. Noong umalis ako sa bayan ay siya ang tumulong sa akin upang bumangon.
Utang ko ang lahat sa kaniya dahil siya ang nagligtas sa akin noong muntik na akong magahasa.
Mayaman ang pamilya niya at siya ang dahilan kung bakit nakapagtapos ako ng aking pag-aaral.
Pinag-isipan kong mabuti kong ano ang kukunin kong kurso.
Magiging abogado ba ako para ipagpatuloy ang kaso ng aking mga magulang o magiging pulis para malaya akong buksan ang kaso at maimbestigahan?
Lahat ng ito ay pinaghandahan ko. Sigundo-sigundo akong nag-iisip kung ano ang makakabuti at mas mapapadali ako.
Kinalimutan ko na ang pangarap kong maging isang navy officer dahil sa layunin ko.
Kung sino man ang higit na nakakakilala sa akin ay si Clinton iyon.
Alam niya sa tuwing galit ako at kung kailan ako kalmado.
Noong nakaraang taon lang kami grumaduate sa unibersidad na napili namin ni Clinton.
At ngayon ay ganap na kaming pulis at para bang panaginip lang ang lahat.
Wala pang dalawang dalawang buwan mula ng madestino kaming dalawa sa bayan na aking sinilangan.
Maraming mga matang nakabantay sa akin at hindi pa ako makatyempong kunin ang file case ng aking mga magulang dahil alam kong
bantay sarado ako ng kanilang mga galamay.
Malaking isda ang kakalabanin ko at hindi ako magtatagumpay kung magpapadala ako sa aking galit.
Kailangan kong maging mapagmasid at doblehin ang pag-iingat para hindi masayang ang aking pinaghirapan.
Naging busy ako sa pagsasanay at hindi ko akalain na kaya ko iyong gawin lalo na at alam kong isa akong babae.
Marami akong pinagdaanan na hindi ko sukat akalain na magagawa ko ang lahat dahil lang sa pupursigi kong makapaghigante.
"Aalis na tayo," aya sa akin ni Clinton at nauna nang maglakad patungo sa sasakyan.
Basang-basa na siya ngayon at lagi niya itong ginagawa sa tuwing nagpapaulan ako.
Gusto niyang ipaalam sa akin na kahit umulan man o umaraw ay handa siyang samahan ako sa laban.
Bumuntong hininga ako at kinalma ang aking sarili. Ilang beses na ba siyang nagkasakit dahil lang sa akin.
Pero napakatigas ng ulo niya at hindi ko alam kung bakit masyado niya akong inaalala.
Alam kong itinuring niya akong mabuting kaibigan pero wala siyang sinabing rason kung bakit ako?
Sa dami ng dahilan ay hindi ko rin alam kung bakit pinili niyang maging mabuti sa akin.