Chapter 4

855 Words
Habang nasa loob kami ng library ni Clinton ay bigla kong naalala ang nakaraan. Kahit mulat ang mga mata ay binabangungot pa rin. Isa itong parusa dahil dinurog niya ako. Nakatitig ako sa kaniya ngayon habang abala siya sa pa-aaral ng kaso sa mga nangyari ng mga magulang ko. At ang araw kong paano ako niligtas ni Clinton ng araw na iyon ay hindi ko makakalimutan kahit kailan. "Bakit mo ako niligtas?" Hampas ko sa dibdib niya noon dahil hindi ko naman siya kilala. "Bakit?!" asik ko habang umiiyak kong tanong kay Clinton noon. "Kasalanan mo 'to! Kasalanan mo 'to! Sana hinayaan mo na lang akong mamatay!" inis kong patuloy habang iniiling ang aking ulo. "Ang lalim yata ng iniisip mo?" nag-aalala niyang tanong sa akin. Hindi ko man lang namalayan na nakatingin na rin ito sa akin pabalik. "Baka masanay ka na sa kakatitig sa akin?" pabiro niyang ani kaya tinawanan ko na lang siya ng alanganin. "May naalala lang ako," tipid kong sagot at nagpapasalamat ako dahil hindi niya ako kinulit. Noon pa man ay talagang hinahayaan niya lang ako. Hanggang sa ako na mismo ang magsabi sa kaniya kapag hindi ko na kayang pasanin ang problema. Hindi ako mapapayapa kung mabubuhay ako kung hindi ko rin naman pala maabot ang accomplishments na gusto ko sa buhay. Wala na akong ibang gustong makamit kundi ang makuha ang hustisya. I have nothing but regrets in my life. Sobrang pinagsisisihan ko kung bakit pinilit ko ang mga magulang ko na tanggapin noon si Lyndon. Kung kailan tinanggap na nila ito ay saka naman napahamak ang mga magulang ko. Sana ako na lang ang namatay dahil hanggat nabubuhay ako ay inuusig rin ako ng konsensiya dahilalam kong malaki ang parte ng naging kasalanan ko. My life was meaningless and worthless. Lalo na sa tuwing pumapasok sa utak ko na malaya pa ang mga taong pumatay sa mga magulang ko. I don't know if I am even helping. It's like a tunnel with no end. Naging masama ba akong tao? Bakit binigyan ako nang parusa na hindi matatakasan ang pait at sakit? I feel like trash. Ang hirap tiisin ang sakit. Kahit na matagal na ang nakalipas ay parang napakasariwa pa rin sa aking puso. Para bang gabi-gabi akong binabangungot sa nangyayaring p*****n. Naikuyom ko ang aking mga kamao sa galit habang iniisip ko ang mga nangyari ilang taon na ang nakakalipas. "Para tayong nanghuhuli ng hangin. Nararamdaman mong nandiyan pang sila pero walang bakas na kahit na ano man na sila na nga ang salarin," reklamo ni Clinton habang hinihilot niya ang kaniyang noo sa pagkadismaya. Nagpakawala ako ng malalim na hininga dahil tama naman siya. Nandito kami ngayon sa bahay nila kung saan may underground. Ang underground ang ginagawa naming opisina kapag nandito lang kami sa bahay nila. Napakabait talaga ni Clinton at ng mga magulang niya. Wala akong masabi sa pagiging supportive nila sa anak nila. Pati ako ay nahihiya na rin dahil alam ko naman na hindi nila ako obligasyon. Pero dahil kaibigan ako ng anak nila ay sinusupurtahan na rin nila ako sa aking paghihiganti. "Wala tayong matibay na ebidensiya upang malaman natin kung sino talaga ang may gawa nito sa mga magulang ko, Clinton. Natitiyak kong malapit lang ako sa mga taong nasa likod nito," seryoso kong turan. "Tama ka! Kaya mas doblehin pa natin ang pag-iingat natin, Afia dahil mismong mga kasama natin dito sa trabaho ay mayroong ding hindi mapagkakatiwalaan. Nakakalungkot lang dahil ang mismong nagpapatupad ng mga batas ay ang pumoprotekta rin sa mga sindikatong ito. Kaya mahihirapan talaga tayo," paalala sa akin ni Clinton na palaging nandiyan para sa akin. "Hindi natin alam kung sino ang kaaway at kakampi natin, Clinton," nag-aalala kong amin sa kaniya. At naiinis ako dahil hanggang ngayon ay wala pa rin akong magawa. Habang si Clinton naman ay walang bakas na pangamba at alam kong hindi siya basta-bastang nasisindak. Walang ekspresyon ang kaniyang mukha habang nakikipagtitigan sa akin. Marami na kaming ginawang pag-iimbestiga ni Clinton. Pero nauuwi sa wala palagi dahil sa kapal ng pader na pumoprotekta sa mga ito. Obviously, I know everything about their illegal business. They had business tourism, entertainment and a healthcare to cover their real color. At hindi lang iyon dahil marami pang iba gaya ng mga ilegal na armas, casino, druga at ang human trafficking. Wala silang awa sa mga babaeng benibenta nila sa mga banyaga. At kahit isa ay walang naglakas loob na kalabanin sila. Hindi pa man gumagawa nang mga hakbang nag gustong kumawala sa grupo nila ay nagagawan na nila ng paraan. Marami silang tenga at mata sa kahit saang ahensiya ng gobyerno. At walang kahit na isang ebedinsiya na nagpapatunay na sila ay nagkasala sa batas. Sa tuwing naiisip ko kung gaano sila kamakapangyarihan ay nawawalan ako ng pag-asa. Gusto ko mangaghigante pero dapat kong planuhin ang lahat. "Afia, hindi mo kailangang mag-alala dahil hindi kita pababayaan." Niyakap ako ni Clinton at hindi na rin ako nakipagtalo pa sa kaniya. Maraming beses ko ng sinabi sa kaniya na ayaw ko siyang madamay sa problema ko pero lagi niyang sinasali ang kaniyang sarili.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD