Chapter 5

993 Words
Buong araw kong ginugol ang sarili ko sa pag-eensayo sa training center na sinadya pang ipagawa sa akin ni Clinton. Hindi ko man ito hiniling sa kaniya pero pinagawa niya pa rin. Simula niyang makita niya akong sumisilip noon sa pagti-training nila ay ginawan niya ako ng sariling akin. Ayaw niyang ihalo ako sa mga lalaking nag-eensayo dahil hindi iyon kaaya-ayang tingnan. Tama nga naman siya, hindi ko lang talaga akalain noon na ibibigay niya ang lahat ng pabor sa akin. Nagkaroon lang siya ng interest na magpakagawa ng isa pang kwarto para sa pag-eensayo ko nang dahil sa inalok niyang tulong sa akin. Simula noon ay nagkakasabay na kami ng kapatid niya sa practice kahit na ayaw niya sana itong mangyari. Alam niya kasi na tumboy ang kapatid niyang si Marie kaya labag sa kalooban niya. Mabuti na lamang dahil nakumbinsi ko ito na wala naman itong gagawing masama sa akin. Isa pa ay inamin na nito sa akin na may nobya na siya. Hindi nga lang niya magawang sabihin sa mga magulang niya dahil wala pa itong lakas na loob. Nagpapalakas ako ng aking katawan dahil sa tuwing naalala ko ang lahat ay hindi ko mapigilan ang sariling mawala sa aking huwisyo. Kaya dinadaan ko na lang sa pag-eensayo at iniisip na ang sinusuntok at sinisipa ko ngayon ay ang aking kaaway. Naikuyom ko ang aking kamao at tinitigan ng masama ang punching bag. Mabilis kong pinagsusuntok ito na nasa harapan ko mismo at sinipa-sipa hanggang sa hingalin ako. Kahit pagod na pagod na ay hindi pa rin tumitigil. Dugot pawis na ang pinuhunan ko rito kaya hindi ako pwedeng sumuko. At kahit na si Lyndon mismo ang pipigil sa akin ay hindi niya ako makukumbinsi para tumigil sa paghihiganti. Kahit pa isa lang ang pwedeng mabuhay sa aming dalawa. Dati, ang akala ko ang salitang patawad ay napaka-importante. Nakakagaan sa loob kung may taong nanghihingi ng tawad lalo na kung alam nilang may kasalanan sila. Pero simula nang marinig ko mula sa bibig ni Lyndon ang salitang sorry pagkatapos ng mga nangyari sa magulang ko ay nanginig ako ng husto at gusto ko siyang saktan ng mga oras na iyon. Gusto ko siyang saksakin ng maraming beses habang lumuluha at kalimutan na minsan ay naging parte siya ng buhay ko. "Magpahinga ka muna!" mahinahon na wika ni Clinton sabay bigay sa akin ng tubig. "Salamat," walang alinlangan ko iyong tinanggap. "Unti-unti nang lumalabas ang lead ng mga nangyari sa mga magulang mo, Afia." "Pagbabayarin ko silang lahat!" malamig kong tugon at pinipigilan ang sariling 'wag magpakita ng mahinang emosyon. Bumuntong hininga ako at tiningnan si Clinton. Siya lang ang nag-iisang tao ngayon na may alam sa totoong lagay ng puso ko. Pero nangako ako sa sarili ko na magiging matapang ako at maghiganti kahit na anoman ang mangyari. "Gagawin ko lahat para matulungan ka, Afia. Pero isa lang ang hinihiling ko sa 'yo. Palagi mong ingatan ang sarili mo," sinsero nitong saad habang ang kaniyang paningin ay nakatutok lang sa salamin. "Lagi ko 'yang tatandaan, Clinton at pwede lang akong mamatay kapag nakuha ko na ang hustisya." "Mahirap gumapang at umakyat sa tuktok, Afia. Kaya lagi mong isipin na may tamang panahon para sa lahat." "Alam ko, Clint at utang ko ang ito sa 'yo." "Saka mo na ako pasalamatan kapag nakamit mo na ang inaasam mo." "Kaya ko na, Clin." "Hindi mo pwedeng isugal ang buhay mo sa walang kasiguraduhan, Afia! Kapag natalo ka at pumalpak kahit na isang beses lang ay mahihirapan ka nang bumangon. Hindi ka pwedeng maghukay ng butas ng wala rin pa lang mapapatunguhan. Kapag nagkamali ka, ikaw ang ibabaon nila sa hinukay mo!" makahulugan nitong paalala sa akin. Tama si Clinton. Mawawalang saysay ang lahat kapag masyado akong naging masigasig. Baka mapahamak ko lang ang mga tauhan niya at pati siya. Nagsimula kami sa walang-wala. Dahan-dahan at inuunti-unti ang pagkalap ng mga impormasyon. Lahat ng mga baho nila ay hindi pa rin nailalantad dahil walang naglalakas loob. Marami na akong napagtanungan at lahat sila ay tahimik dahil alam nilang buhay ang kapalit kapag sila ay nagsalita. They are taking lives without any hesitation. At kapag may haharang sa kanilang dinadaanan ay haharap sa isang karumaldumal na kamatayan. "So, I warning you... be patient!" Hindi ako umimik at nagtaka na lang ako kung bakit bigla na lang niya akong hinila sa gilid. "Sit down!" maawtoridad niyang utos sa akin at napansin ko na naman ang galit na umaalab sa kaniyang mga mata. Kinuha niya ang kamay ko at tinanggal ang binalot kong tela sa aking mga kamay kanina. Bumuntong hininga siya. "Sa susunod gumamit ka ng gloves!" mahinahon niyang wika at halatang pilit na pinapakalma ang sarili at pinapakita sa akin ang pag-aalala niya sa kamay ko. "Sa dami ng gloves natin dito, bakit hindi mo ginagamit?" nagtataka niyang tanong sa akin at batid ko sa tono ng kaniyang boses ang inis. "Mas mabuti pang sunugin ko na lang ang lahat ng iyon!" patuloy niyang turan. Pero sanay na ako sa ugali niya, hindi na ako nagugulat. Sininyasan niya ang kasama niya ngayong si Joseph na isa sa mga tauhang pinagkakatiwalaan niya. Wala pa mang sinasabi si Clinton pero kaagad namang naintindihan ni Joseph ang ibig nitong sabihin. Pagbalik nito ay may dala na itong alcohol, gasa at gamot sa sugat. "Bukas magpahinga ka!" "Wala akong panahong magpahinga. May duty ako bukas." Tumahimik na lang siya at ginamot ang aking kamay. Hindi ko man lang napansin kanina na nasugatan na pala ako. Parang gasgas lang pero mahapdi pa rin kapag nilalagyan ng alcohol. Tinitigan ko lang si Clinton ngayon. Napakabait niya sa akin at wala na yata akong makikilalang lalaki na kagaya niya. Mabait ang pakikitungo niya sa akin at ganoon din naman ang mga magulang niya. Lahat sila ay napabuti at hindi lang sa akin kundi sa lahat ng mga tao. Kilala man nila o hindi. Nasa dugo na talaga nila ang pagiging matulungin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD