Chapter 6

940 Words
Nagising ako ng pawisan at balisa. Hinahabol ko ang aking hininga dahil sa isang masamang panaginip. Tumayo ako at kinuha ang tumbler na hinahanda ko palagi sa kwarto. Kaagad akong uminom ng tubig upang pakalmahin ang aking sarili. Hindi ko man lang namalayan na nakatulog na pala ako kagabi habang nag-uusap oami ni Clinton. Natitiyak kong binuhat na naman niya ako para ihiga sa kwarto. Dahan-dahan kong nilapag sa mini table ang lalagyan ng tubig at tiningnan ang litrato na family picture namin. Mga larawang kinuha noong mga panahong hindi pa nawawala ang mga ngiti sa aming mga labi. Malungkot kong tiningnan ang picture frame at dahan-dahang hinaplos ang mukha ng aking mga magulang. Nakaramdam ako ng paninikip sa aking dibdib at naiiyak na naman dahil sa pagbabalik tanaw ng mga nangyari. Pero bago pa man tumulo ang mga luha ko ay mabilis akong napalingon sa malakas na pagbukas ng pinto. "Afia!" tawag sa akin ni Clinton at hindi maipagkakaila sa mukha niya ang galit na nararamdaman. "Nagdesisyon kang hindi sinasabi sa akin?!" matigas niyang tanong at napasabunot sa kaniyang buhok dahil sa inis. Alam kong sumasakit ang ulo niya dahil sa akin. "Dahil alam kong hindi ka papayag," pormal kong sagot sa kaniya habang nilalagay sa maliit na mesa ang frame. Hindi ko akalain na malalaman niya kaagad ang ginawa ko. "May trabaho pa ako at kailangan ko nang gumayak. Magkikita na lang tayo mamaya!" patuloy kong sabi at nagdadahilan. Akma ko na sana siyang iiwan para maiwasan ang pagtatanong niya sa akin. Hindi pa ako handang kulitin at ayaw kong magpaliwag dahil alam kong hindi niya rin matatanggap ang dahilan ko. Pero bago ko pa man magawang talikuran siya ay nahuli na niya kaagad ang braso ko. Tinitigan ko siya sa kaniyang mukha at nagkasalubong ang aming mga mata. Galit ang nakikita ko rito at ngayon ko lang siya nakitang ganito sa akin. Mahigpit ang kaniyang kapit sa akin at hindi niya yata namamalayan na tumataob na ang mga kuko niya sa balat ko. Kapag ipagpapatuloy niya pa ang paghawak sa akin nang mahigpit ay natitiyak kong mag-iiwan ito ng berdeng marka. "Kaya isusugal mo ang sarili mo at puayag sa letseng planong iyan! Hindi kita tinutulungan para ipain ang sarili mo sa mga kalaban, Afia. Tinulungan kita para makamit ang hustisya!" may diing wika sa akin ni Clinton pero hindi lang hustisya ang gusto kong makamit. Gusto kong bawiin sa kanila ang magandang buhay nila. Buhay ang kanilang kinuha kaya buhay rin ang magiging kabayaran. "Afia, hindi ito ang plano! Maghihiganti ka pero dapat dumaan ka sa proseso," paalala niya sa akin pero tila nabibingi na rin ako. "Pero hindi iyan ang gusto ko, Clinton! Gusto ko silang patayin! Pipira-pirasuhin ko silang lahat at gusto kong maramdaman nila ang hirap na nararamdaman ko. Kaya ibigay mo na sa akin ang pasyang ito!" "Ipapahamak mo lang ang sarili mo!" "Mananatili akong buhay hanggat hindi ako nakakapaghiganti!" "Afia..." "Clin, maliligo na ako!" Dahan-dahan niyang binitawan ang braso ko at nawawalan na ng pag-asa na kumbinsihin ako. Alam kong nag-aalala siya sa akin pero ito lang ang tangi kong paraan para makalapit sa kalaban. Magpapanggap na kakampi hanggang sa lumitaw ang katotohanan. Nagbitaw siya ng isang malalim na hininga at napailing dahil sa frustration. "Hindi ko ito inaasahan!" "I'm sorry," iyon lang ang tangi kong nasabi bago niya ako iniwan. Habang nasa loob ng banyo. Hinahayaan ko lang ang sarili kong mabasa ng tubig na galing sa patak ng shower. Ilang beses ko na itong sinisiyasat at wala akong pagsisisihan. Alam ko ang pinasok kong trabaho. Delikado pero magiging spy police ako. Ito na ang pagkakataon ko kaya hindi ko ito palalagpasin. Ang mga opisyal ng SPY na pulis ay karaniwang nakatalaga upang protektahan ang mga pampubliko at pribadong pasilidad o magsagawa ng ilang mga tungkulin na nangangailangan ng seguridad. Nang matapos ako sa aking pagligo ay nagsuot ako ng simpleng damit lang. Nakasuot ng pantalon, sapatos, simpleng t-shirts at tinali ang buhok na hanggang balikat lang ang haba. Paglabas ko ay sinalubong ako ng kapatid ni Clinton. "Afia, gusto kang kausapin ni Kuya. Nasa library siya." Tumango ako at nagpaalam na sa kaniya. Wala akong sinayang na oras para puntahan si Clinton sa library. Nang nasa tapat na ako ng pinto ay kumatok muna ako ng tatlong beses bago pinihit ang siradora. Ilang hakbang pa lang ang nagagawa ko ay nagsalita na siya kaagad. Halata sa mukha niya na hindi siya sang-ayon sa naging pasya ko "Mukhang hindi na magbabago ang desisyon mo!" "Hindi na!" diretsahan kong tugon sa kaniya at pinaninindigan ang desisyon. "Kung ganoon ay wala na akong magagaaa para pigilan ka. Nakapagpasya ka na at hindi ako ang taong makakapagpigil sa 'yo," malungkot niyang saad na may tunog pagtatampo sa kaniyang boses. "Pasensiya na,Clinton." "Ang isang espiya ay kumikilos nang patago o sa maling pagkukunwari. Nakakakuha o nagsisikap na makakuha ng impormasyong sa teritoryong kontrolado ng kaaway. Sa tingin mo ba madali ang trabahong iyan? Ang isang espiya na nahuli sa akto ay pinaparusahan nang walang paglilitis. Pinapatay ng walang sinasabi." "Hindi ako natatakot." "Hindi kita tinatakot. Sinasabi ko ngayon ang kahihinatnan mo at ang magiging resulta kapag nagkamali ka. Ang pinsala at bunga ng iyong kilos ay nakasalalay sa lahat ng mga plano mo." "Alam ko, Clin... alam ko ang pinasok ko." Buntonghininga siya at kahit na labag sa kalooban niya ay sinuportahan niya pa rin ako. "No matter what happen I will protect you!" seryoso niyang ani kaya nanlaki ang mga mata ko sa aking narinig. Hindi ko akalain na kaagad niya akong mapapatawad sa paglilihim ko sa kaniya dahil sa aking mga plano.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD