Paulit-uli siyang nag iling ng ulo habang nakasunod ng tingin sa mga kamay ni Amanda na nanginginig habang sinasara ang bukas nitong butones na alam naman niyang sinadya nitong buksan iyon para akitin siya. Kilala na niya ang tipo ni Amanda, kaya alam na alam niya ang bawat kilos nito. Hindi lang naman si Amanda ang babaing nagpapansin sa kanya, at hindi rin lang naman ito ang batang nais mang akit sa kanya. He is twenty-eight years old sa ganitong edad niya at posisyon sa pulitika sanay na sanay na siya sa mga babaeng nais madikit sa kanya. Ganoon pa man maingat siya lalo na pagdating sa mga teenagers dahil pwedeng masira ang kanyang career once na hayaan niyang madikit siya sa mga batang babae.
"Yes, Gov. Kian you are handsome and appealing, marami sa mga ka eskwela ko ang nagagwapuhan sa iyo at nagkakagusto, and yes gwapo ka sa paningin ko Gov. Kian, pero huwag kang mag-alala wala akong balak akitin ka! Ayokong magka boyfriend ng isang politician," mahabang litanya sa kanya ni Amand at napailing pa ito ng ulo sa huling sinabi nito na ayaw nitong magka boyfriend ng politician.
Kumunot ang noo niya sa huling sinabi ni Amanda sa kanya. Nagtaas pa ito ng kilay bago muling nagsalita.
"Hindi ko ikatutuwa ang magka jowa ng pulitiko. Alam kong wala kang time dahil always busy ka sa pav serve sa hometown mo. Isama pang parang ang boring kung magkaka jowa ako ng politician, dahil for sure wala kaming ibang pag-uusapan kundi about sa bayan at sa munisipyo!" Inis pa nitong dagdag sa kanya.
Hindi niya alam kung matatawa siya o ano sa mga narinig niya at nakitang reaksyon sa magandang mukha ni Amanda. Para kasing hindi magkatugma ang mga sinasabi ng dalaga sa kinikilos nito sa harapan niya. Parang labas lang sa ilong ang sinasabi nitong ayaw siya nitong maging jowa. Iba kasi ang pakiramdam niya sa dalaga, mula nang ipasundo ito ng Daddy nito sa kanya sa presinto, hanggang sa kagabi nang ihatid niya ito sa bahay ng lasing. Pero hindi siya sigurado doon dahil nga hindi naman siya ganoon ka expert sa pagbabasa sa isang tao, lalo na sa katulad ni Amanda.
"Well, that's good to hear, Amanda," he said. Kung sakali man kasing totoo ang sinasabi nito sa kanya, kahit pala pumayag siya sa kagustuhan ng ama ni Amanda, mukhang si Amanda naman ang tatanggi bagay na pabor sa kanya kung sakali.
Amanda rolled her eyes habang nakaharap sa kanya at pinagsalikop ang mga kamay nito sa dibdib nito. May kalakihan ang dibdib ni Amanda, iyan ang una niyang napansin sa dalaga. Paano niyang hindi mapapansin ang dibdib nito eh laging nakalabas ang cleavage nito sa pagsusuot ng seksing damit. Bagay naman kay Amanda, sadyang hindi lang niya gusto ang klase ng pananamit nito, lalo na't mukhang enjoy na enjoy pa ito sa tuwing umaagaw ng pansin.
"Anyway, thank you pa rin sa paghatid mo sa akin kagabi sa bahay namin, Gov. Kian,' taas kilay nitong pasalamat sa kanya.
"As you can see masyado naming na appreciate ang ginawa mong paghatid sa akin. Pinuntahan ka pa ng personal ng Daddy ko para magpasalamat and also pinagluto kapa ng Mommy ko, ganoon kalaki ang pasasalamat ng parents ko sa iyo na para bang you've save my life," mahabang litanya nito sa kanya.
Napailing siya ng ulo at hindi napigilan ang mapangisi habang hindi inaalis ang mga mata sa magandang mukha ni Amanda. Amanda is really beautiful wala siyang mapapipintas sa angking ganda ng dalagang nasa harapan niya, sadyang hindi lang siguro sila nito pareho ng personality. Siya kasi tahimik lang at mature na kung mag isip, magsalita at maghandle ng sitwasyon kahit noong ka edaran palang niya si Amanda. Ang nakikita kasi niya kay Amanda ay isa itong spoiled brat na sanay makuha ang lahat ng gusto. Nag-iisang anak lang ito kaya naman sunod ang layaw nito sa mga magulang, and now she turned out a spoiled brat without control, even her parents can't control her kahit ang Daddy nito hindi na ito makontrol pa, kaya sa kanya pinapasa ni Mr. Cruz ang obligasyon nitong kontrolin at disiplinahan ang anak nitong kung hindi pa makokontrol ngayon walanv duda na mapapariwara na ito at tuluyan ng masisira ang buhay nito.
Hindi na niya kinagulat kanina ang pag bisita ni Mr. Cruz sa opisina niya. Alam niyang mas mapapadalas na ang pag bisita ni Mr. Cruz sa opisina niya para pag-usapan ang kahilingan nito sa kanya na pakasalan ang pasaway nitong anak. Kanina muli siyang pinakiusapan ni Mr. Cruz na pumayag na sa hinihiling nito sa kanya, na para bang hindi palang nila napag-usapan na kagabi na bigyan siya ng dalawang araw para makapag isip at makapag desisyon. Kailangan naman talaga niyang pag-isipang mabuti ang hiling nito sa kanya, dahil hindi biro ang pagpapakasal. Naroon na siya na malapit ang kanilang pamilya sa mga Cruz, isa si Mr. Cruz sa matatalik na kaibigan ng Papa niya, na tumulong sa kanyang Papa noo nang nagsisimula palang ito sa negosyo hanggang sa pasukin na ng kanyang ama ang pulitika. Magpa hanggang ngayon naman maaasahan pa rin ang pamilya Cruz ng kanilang pamilya. Kaya naman parang mahirap sa kanya ang tanggian si Mr. Cruz. Iyun nga lang kasi hindi biro ang hinihiling nito sa kanya. Pang habang buhay ang kasal at sa estado ng kanyang karera kailangan niya ng tamang babae na ihaharap sa mga kababayan at sinasakupan niya, babaing mag aangat sa kanya at hindi magbibigay sa kanya ng kahihiyan. Sa nakikita kasi niya kay Amanda kahihiyan ang ibibigay ng dalaga sa kanya once na pumayag siya sa nais ng Daddy nito. Pero kaya ba niyang tanggian ang ama ni Amanda na may sakit? Konsensya pa niya kung mas lumala ang sakit ni Mr. Cruz pag tumanggi siya. Pero kaya rin ba niyang isakripisyo at ilagay sa alanganin ang kanyang karera at pagnanais na patuloy na magsilbi sa kanilang bayan? Sadyang napakahirap mag desisyon. Pero kung iisipin niyang maigi na magiging asawa niya ang isang tulad ni Amanda at maaangkin niya ito sa tuwing gustuhin niya dahil asawa naman niya ito, ay tila masasabi niyang swerte siya sa bagay na iyon. Ang nakikita kasi niya kay Amanda ay isang mainit na babae pagdating sa kama, walang duda na mapapaligaya siya ng husto ni Amanda pagdating sa kama. Maaaring masasabi niyang makakabawi siya sa pagtatalik nila ng asawa, pero hindi lang naman hanggang doon ang pagsasama nila. Marami siyang dapat isipin at i consider kaya namang gulung-gulo siya, at hindi malaman ang magiging desisyon.
"What are you looking at?" Mataray nitong tanong sa kanya.
Humugot siya ng malalim na paghinga at iniling ang ulo.
"Nothing," tipid niyang tugon rito at muling tinuloy ang pag inom ng alak baka sakaling makapag isip na siya ng maayos at makapag desisyon na.
"Hindi mo ko gusto no? Naiinis ka sa akin right?" Amanda asked him at humakbang pa ito palapit sa kanya kung saan umiinom siya. Bahagyang kumunot ang kanyang noo at napahinto sa pag inom.
"You don't like me, do you? Am I right, Mr. Governor?" Amanda asked nang huminto sa tapat niya at nagulat siya nang hawakan ng dalaga ang kanyang braso pababa sa kamay niya na may hawak na kopita.
Nagugulat man siya sa kinikilos ni Amanda hindi na lang siya nagpahalata pa, baka kasi kung ano pa ang isipin nito sa kanya. Baka akalain nito na may epekto ito sa kanya. Ganoon pa man hindi niya napigilan ang mapalunok nang makita ang malalantik na daliri ni Amanda na umikot sa labi ng kanyang kopita in sexy way. Maraming babae ang gumagawa sa kanya ng ganon pag nasa bar siya at nais magpa take home ng babae, lalo na sa tuwing nasa bakasyon siya sa ibang bansa. No doubt na alam na alam ni Amanda ang ganitong gawain dahil madalas ito sa mga bar at madalas ding mang akit ng mga lalake para maiuwi siya at makalaro sa kama. Walang pinagka iba si Amanda sa mga babaing nakakasalamuha niya sa mga bar, mga liberated at walang pakialam kung ano ang sasabihin ng iba ang mahalaga masaya ito at makapag laro ng apoy.
Malagkit siyang tinignan ni Amanda habang patuloy ang daliri nito sa labi ng kanyang kopita. Sa lagkit ng tingin nito sa kanya hindi niya napigilan makaramdam ng kakaibang init. Sadyang hindi siya immune sa angking s*x appeal ng dalaga, dahil mula pa kagabi ay iba na ang pakiramdam niya sa tuwing nalalapit siya kay Amanda, bagay na hindi rin niya maintindihan. Yes mahilig din siyang makipag laro sa mga babae, pero parang never pa siya na attract sa isang eighteen years old lamang, parang napakabata kasi ni Amanda para makaramdam siya ng kakaibang arousal, hindi siya manyak o ano sadyang hindi lang niya alam kung bakit se*ually attractive siya kay Amanda.
"You know what Gov. Why don't you try me first in your bed before you judge me and hate me," Amanda said in a sexy way. No doubt inaakit siya ng dalaga at kung magpapadala siya sa pang-aakit nito tiyak na siya ang matatalo.
Umigting ang kanyang panga sa inis na nararamdaman sa sarili dahil ramdam na ramdam niya ang attraksyon niya kay Amanda sexually bagay na hindi pwede sa kanilang dalawa ni Amanda. Hindi naman din kasi pwedeng pumayag siyang pakasalan si Amanda dahil lamang sa nakakaramdam siya ng kakaibang init sa kanyang katawan. Hindi lang naman s*x ang ibig sabihin ng isang pagsasama, pero parang mapapadali ang pagdedesisyon niya sa ginagawang pang-aakit sa kanya ni Amanda.
"Why don't you kiss me, Governor," Amanda said while looking at him.