Chapter-9

1617 Words
Habang palakad-lakad siya at hinihintay ang paglabas ng Daddy niya sa opisina ni Kian, iniisip niya kung ano ang ginagawa ng ama rito at bakit nito sinadya si Kian. "May problema kayang nangyari kagabi?" Tanong niya sa sarili at napakagat sa ibabang labi. Sa pagkakaalam niya nalasing siya kaya iniuwi na siya ni Kian kagabi, walang ibang maghahatid sa kanya kaya ito na mismo ang nagpresinta na ihatid siya sa bahay nila. Bago nangyari iyon iniligtas siya ni Kian sa manyakis na si Red na gustong mag take advantage sa kanya. Naisip niyang baka nagsumbong si Kian sa Daddy niya sa nangyari kagabi. Hindi na kasi dapat pang palakihin ang simpleng pambabastos sa kanya ni Red, sanay na siya sa mga lalaking nais maka take advantage sa kanya. Napahugot siya ng malalim na paghinga at mariing pinikit ang mga mata sa naisip. Baka kasi gawin pang big deal ng Daddy niya ang ginawa ni Red sa kanya. Napapitlag naman siya nang marinig ang pagbukas ng pintuan at agad siyang napalingon, nakita niyang papalabas na ang kanyang ama, kaya agad na niya itong sinalubong. "Daddy," tawag niya sa ama na nagulat pa ng makita siya. "Amanda? What are you doing here?" Kunot noong tanong ng ama. "Inutusan po ako ni Mommy na dalhin ito kay Gov. Kian," tugon niya sabay taas sa bitbit niyang paper bag. Sinulyapan naman iyon ng ama. "What is that?" Tanong ng ama. "Nagluto po ng ulam si Mommy at pinabibigay kay Gov. bilang pasalamat po sa paghatid niya sa akin kagabi," paliwanag niya sa ama. "Ah.. Ganoon ba," tanging tugon nito sabay tango sa kanya. "Kayo po Daddy bakit po kayo narito?" Usisa niya sa ama. "Wala naman dinalaw ko lang si Gov," tugon ng ama sa kanya at nagpaalam na ito. "Pumasok ka na sa loob at maingat ka mamaya pag uwi mo," saad ng ama sa kanya. "Opo Dad," tugon naman niya. Nais pa sana niyang mag usisa sa ama, pero hindi na muna niya ginagawa mukha kasing nagmamadali ito, kaya naman nagpaalam na siya rito at pumasok sa loob bitbit ang paper bag. Nakita niyang nagulat si Kian nang mag angat ito ng ulo at makita siya sa may pintuan ng opisina nito. 'Amanda?" Tawag pa nito sa pangalan niya at napahinto ito sa ginagawa nito sa desk. "Hi, good morning, Gov. Kian," bati niya rito at maingat na sinara ang pintuan at humakbang na palapit sa desk nito. "What a surprise, Amanda," saad nito sabay tayo mula sa kinauupuan. Ewan ba niya kung bakit iba ang dating sa kanya pag si Kian ang tumatawag sa pangalan niya. May kakaibang hatid na kilabot sa buong katawan niya. "Nakasalubong ko ang Daddy ko galing na rin yata siya rito para magpasalamat sa paghatid mo sa akin kagabi," she said nang huminto sa tapat ng desk nito habang nakatingin ito sa kanya. Hindi nakaligtas sa kanya ang pag kunot ng noo nito sa sinabi niya, pero agad din itong nakabawi at tila naintindihan na ang sinabi niya. "Ah.. yeah, kaaalis nga lang niya," tugon nito sa kanya. "Yeah, nagkita kami sa labas," she said at tinaas ang bitbit na paper bag. "Inutusan pala ako ni Mommy para ihatid sa iyo ito,' she said at pinatong sa desk nito ang paper bag. "Nagluto siya ng ulam for you, bilang pasalamat sa paghatid mo sa akin kagabi sa bahay," she also said. "Ah.. Really? Wow," saad nito at hinila ang paper bag para silipin ang laman non. "Pakisabi sa Mommy mo salamat," nakangiting saad nito sa kanya at agad na itinabi ang paper bag na dala niya. Napalunok naman siya sa napakagandang ngiti ni Kian sa kanya, pakiramdam tuloy niya lumuwag ang suot niyang underwear at isang ngiti pa nito tuluyan ng malalaglag ang suot niya. "How are you anyway, Amanda?' Tanong nito sa kanya at lumakad patungo sa isang cabinet na naroon. Nakasunod naman siya ng tingin rito. "Ah.. I am ok. Thank you nga pala sa paghatid mo sa akin kagabi," pasalamat niya rito. Hindi naman tumugon si Kian na abala sa paglabas ng kopita at bote ng alak mula sa cabinet. Mga alak pala ang laman ng cabinet na iyon. "You want coffee? Tea? Soft drinks?" Tanong sa kanya nito habang nagsasalin ng alak sa kopita. "Ah.. No thanks," tanggi niya. Sinulyapan naman siya ni Kian habang hawak ang kopitang may laman ng alak. "Pasensya ka na Amanda hindi kita pwedeng alukin ng alak," saad nito. "Ah.. No, no, it's ok," saad niya rito. "Sinabihan kasi ako ng Daddy mo na kung makita kitang umiinom ako na mismo ang magsasaway sa iyo bago ka pa malasing at mawalan ng malay sa kalasingan," litanya sa kanya ni Kian at lumagok sa kopita nito. Nakaramdam naman siya ng hiya sa kaharap. Hindi naman siya nito obligasyon na bantayan sa bawat pakikipag inuman niya. "Huwag mo na lang pansinin ang sinabi ni Daddy, hindi mo naman ako obligasyon," she said. "Exactly, Amanda. Buti naman ang alam mo ang bagay na iyan. Hindi kita obligasyon at hindi ka obligasyon ng sino man. Kung hindi mo kaya ang sarili mo huwag kang iinom, huwag kang maglalasing at baka sa susunod ikapahamak mo na iyan!" Litanya nito sa kanya na nahimigan niya ang inis o galit sa tinig nito. Isama pa ang makahulugang tingin na pinukol nito sa kanya. Hindi tuloy niya naiwasang itanong sa sarili kung galit ba ito sa kanya? Pero bakit? Dahil ba naistorbo niya ang pakikipag party nito kagabi? Dahil ba, dahil sa kanya kinailangan na nitong umalis agad sa party. Humugot siya ng malalim na paghinga at sinalubong ang matalim na tingin sa kanya ni Kian. "Pasensya na kung naistorbo kita sa party, kagabi. Hindi mo naman kasi ako dapat inihatid pa," paumanhin niya rito. "Really?" Panunuya nito at inubos ang laman ng kopita nito habang nakatingin pa rin sa kanya. Nakaramdam siya ng chill sa katawan sa matalim na tingin nito sa kanya. Dapat ba siyang matakot kay Kian? "Kaya ko naman ang sarili ko," she said at nag iwas ng tingin rito. Masyado kasing naghahatid ng kilabot ang tingin nito sa kanya. Natatakot siya na hindi niya maipaliwanag. Napailing naman ng ulo si Kian at muling sinalinan ng alak ang kopita nito. "You passed out, Amanda, dahil sa kalasingan mo nawalan ka ng malay. At kung hindi pa kita nilapitan baka tuluyan ka ng bumagsak sa sahig at pinag fiestahan na ng kung sinu-sinong naka abang sa iyo na mga lalake!" Mahabang litanya nito sa kanya. Hindi siya nakakibo rito. This time sigurado na siya sa tono ng pananalita nito. Galit nga ito at hindi niya alam kung bakit, tanging naiisip lang niya ay dahil naistorbo niya ito. "Well, I'm sorry," paumahin niya makalipas ang mahabang sandaling katahimikan. "Mag sorry ka sa sarili mo Amanda hindi sa akin," Kian said at napailing na naman ito ng ulo. "Hindi na ko magtataka kung bakit stress na stress na sa iyo ang mga magulang mo, lalo na ang Daddy mo," saad nito na pailing-iling pa ng ulo na hindi niya nagustuhan. "What do you mean, Mr. Governor?" Taas kilay niyang tanong rito. Hindi yata kasi tama ang sinabi nito sa kanya na stress na stress na ang mga magulang niya dahil sa kanya. "Ano ba ang alam mo sa pamilya namin? Ano ba ang alam mo sa akin?" Inis niyang tanong rito. "Oh! Believe me, Amanda, I know everything about your family and especially about you, Amanda," tugon nito sa kanya na lalong nagpalalim sa kunot ng kanyang noo. "Ano ba ang pinagsasasabi mo!" Inis niyang saad rito. "Close ba kayo ng Daddy ko para mag open up pa siya sa iyo ng problema ng pamilya namin!" Dagdag pa niya habang nakataas ang kilay niya rito. "Believe me, Amanda, he told me everything about you," tugon nito sa kanya. Natigilan siya at napatitig sa gwapong gobernador. Anong alam nito? Anong sinabi ng Daddy niya rito? Na pasaway siya? Matigas ang ulo at puro party ang alam? Hindi iyon gagawin ng Daddy niya, hindi siya sisiraan ng sariling ama at sa dami ng tao kay Governor Kian Herrera pa ba siya sisiraan ng ama? "Any idea kung ano ang mangyayari sa iyo sa party kagabi kung hindi pa kita iniuwi sa inyo?" Kian asked her. "I will be fine. Walang mangyayaring masama sa akin," confident niyang tugon rito. "I doubt that, Amanda. Hindi mo ba nakita kung paano ka tignan ng mga lalake sa part na iyin, na para bang wala kang saplot!" Mariing saad nito na kinagulat niya, tinuro pa nga siya nito at napatingin kasuotan niya. "Like that, Amanda! Binibilad mo ang katawan mo sa harap ng kung sinu-sino," patuloy nito. "What?' She said sabay yuko sa sarili para tignan kung ano ang tinutukoy nito. Nakita niyang halos nakaluwa na pala ang kanyang malalaking dibdib dahil sa maraming bukas na butones ang blouse niya na sadya niyang binuksan iyon para kay Kian. "You think hindi ka babastusin ng kung sino mang lalaking makakita sa iyo," Kian said. Napakagat siya sa ibabang labi at nakaramdam ng inis sa kaharap. Masyado na yatang mababa ang tingin nito sa kanya. "Kaya hindi na ko magtataka na sa ibang bahay ka madala kagabi kung wala ako doon," saad pa nito. "And please, Amanda kung pupunta ka sa opisina ko wear something decent at hindi iyung para mo kong inaakit baka may makakita pa sa iyo at kung ano pa ang isipin," litanya pa nito sa kanya. "I am not like that! Mali ang iniisip mo sa akin, Gov. Kian," she said at sinimulang ayusin ang kanyang blouse at isara ang ilang butones para naman hindi na siya pag isipan pa ng kung ano ng Gobernador.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD