bc

The Governor's Young Wife

book_age18+
5.7K
FOLLOW
54.7K
READ
billionaire
contract marriage
HE
age gap
opposites attract
powerful
drama
bxg
small town
like
intro-logo
Blurb

Sa edad na desiotso ni Amanda pinagkasundo siya ng kanyang ama sa Gobernador ng kanilang bayan na si Gobernador Kian Herrera at sa murang edad naging ganap siyang asawa ng pinaka gwapong pulitiko sa kanilang bayan

chap-preview
Free preview
Chapter 1
"Sinong susundo sa iyo?" Molly asked habang nakaupo sila sa loob ng presinto at hinihintay ang mga susundo sa kanila. Nadamay na naman kasi silang magkaibigan sa riot sa isang party na pinuntahan nila, hindi naman sila kasali sa gulo nagkataon lang na naroon sila sa party nang mangyari ang gulo kaya ayun pati sila ni Molly nasama sa nga dinampot na kabataan at dinala sa presinto. "I don't know," tugon niya at sinuklay ang mga daliri sa buhok. Matagal na silang magkaibigan ni Molly at maraming beses nang nangyari sa kanila ang ganito ang madawit sa gulo. Wala naman silang ibang hangad kundi ang mag party at mag enjoy, nagkakataon lang na nadadawit sila ng kaibigan. Pareho sila ng hilig ni Molly ang mag party ng mag party para naman ma enjoy ang kanilang kabataan. Pareho rin sila ng kurso ng kaibigan fine arts, siya dahil hilig niya ang mag pinta si Molly naman mahilig sa sculpture. "Baka i grounded na ko ni Daddy nito," takot na sabi ni Molly sa kanya. "Ako din," tugon niya at nagyuko ng ulo. Hindi kasi ito ang unang beses na napunta siya sa police station, tiyak na magagalit na ng husto ang Daddy niya ngayon. Isama pang tumakas lang din siya kanina para nga magpunta sa party. Baka this time hindi na siya makakatakas pa sa ama. Habang nakaupo sila ni Molly sa loob ng presinto pinagtitinginan nga sila ng mga pulis na naroon. Paano maiksi at sexy ang kasuotan nila na umaagaw talaga ng atensyon sa mga lalaking naroon, halos pa naman lalake ang mga nasa police station. Naunang dumating ang Daddy ni Molly at halos kaladkarin nito si Molly palabas ng presinto. Hindi na nga rin niya nagawang magpaalam sa kaibigan dahil sa galit na nakita niya sa Daddy nito. Tiyak na ganon rin ang Daddy niya mamaya, kaya ihanda na niya ang sarili niya. Napahugot siya ng malalim na paghinga habang patingin-tingin sa relo sa palapulsuan. Halos isang oras na kasi siyang nasa presinto at hindi naman ganoon kalayo ang police station mula sa subdivision nila, kaya nagtataka siya kung bakit wala pa ang Daddy niya. Natawagan naman ito agad kanina ng pulis para sabihing nasa presinto siya. Hindi naman siguro siya hahayaan ng Daddy niya na mag umaga na sa presinto. Inip na inip na siya nang makarinig ng ingay mula sa may entrance ng police station, isama pang lahat ng pulis nagsi tayuan at nagtungo sa entrance. Napasilip nga siya baka kasi may kriminal na nahuli ang mga ito kaya nagkakagulo. Nakita niyang sumasaludo ang mga police sa bagong dating, marahil mataas na opisyal. Sasandal na sana siya muli sa kinauupuan nang makita kung sino ang sinasaluduhan ng mga pulis na naroon. Nanlaki ang kanyang mga mata nang magtama ang nga mata nila ng lalaking bagong dating. Hindi nga niya alam kung bakit sa kanya nakatuon ang mga mata ng lalake at tila naglalakad ito palapit sa kinauupuan niya. Kilala niya ang lalake ito si Governor Kian Herrera ang Governor ng kanilang bayan. Matalik na kaibigan ng Daddy niya ang pamilya ni Gov. Kian, ay madalas rin nasa bahay nila ang batang Governor. Magkakilala naman sila nito, pero hindi niya masasabing close sila nito. Mas may edad kasi ito kesa sa kanya. Eighteen palang siya kaya sabik na sabik pa siya sa party. "Amanda," tawag sa kanya ni Gov. Kian. Nagulat siya at napatuwid ng upo mula sa bangkong plastic na kinauupuan. "Governor," bulong niya at napakunot ang noon. Gwapo si Gov. Kian, matangkad ito at lalaking-lalaki ang dating. Maganda din ang kulay ng balat nito. Hindi ito maputi, hindi rin naman maitim, tama lang. Malakas din ang appeal ng gwapong Governor na tiyak na pinangkakaguluhan ng mga ka edaran nito, pati na marahil ang mga bata. "Let's, go Amanda, pinasusundo ka ng Daddy mo,' saad sa kanya ni Gov. Kian. "Ah?" Nagulat siya at napanganga rito nang marinig ang sinabi nitong pinasusundo siya ng ama. Bakit naman siya ipasusundo ng Daddy niya kay Gov. Kian. Ganoon na ba ka busy ang Daddy niya at para ang Governor pa mismo sa bayan nila ang magsundo sa kanya. "Where is my Dad?" Tanong niya at tumingin sa gwapong Governor. May magagandang pares ito ng mg mata, isama pa ang matangos nitong ilong at syempre ang labi nito na mamula-mula pa. Perfect ang masasabi niya sa aura ng mukha ni Gov. Kian. Kung hindi siguro ito nasa pulitika pwede itong mag artista o di kaya modelo, tiyak na pagkakaguluhan ito. Isama pa ang maganda nitong katawan, tama ang lapad ng dibdib nito, lalo na ang tangkad nito. Matangkad na nga rin siya sa size niya, pero kailangan pa niyang tumingla kay Gov. Kian. Pagdating sa pag re-rate sa mga gwapong lalake diyan siya magaling. Well, hobby kasi niya ang magpapansin at mamingwit ng mga gwapo, malakas ang s*x appeal at may magandang katawan sa San Nicolas University kung saan siya nag-aaral. Maraming gwapo sa school nila, ay karamihan sa mga iyon eh naka date at naka fling na niya. Isa siya sa mga popular na babae sa University nila, well maganda naman kasi talaga siya at malakas din ang appeal, kaya marami rin mga kalalakihan ang naghahabol sa kanya. Hindi naman lahat ng lumalapit at nagpaparamdam eh pinapatulan niya, tumitingin din naman siya sa status, at syempre sa mukha at katawan. "Wala ang Daddy mo, kaya nakisuyo siya sa akin na sunduin ka rito," tugon sa kanya ni Gov. Kian. Napansin niyang wala itong ekspresyon sa mukha, hindi tuloy niya malaman kung ok lang ba rito na sunduin siya, lalo na't madaling araw na rin. "Asaan siya?" Tanong niya. Hindi naman ito agad kumibo sa kanya, napansin niyang sinulyapan siya nito at dahan-dahan nitong pinaglandas ang mga mata nito sa kabuuan niya. Naging awkward para sa kanya ang sitwasyon at hindi malaman kung saan titingin, masyado kasing obvious ang pagsulyap nito. Medyo revealing pa naman ang suot niya at pang party talaga with glitters eme pa. Medyo nakalabas din ang cleavage niya, sa edad kasing niyang eighteen naka ulma na ang kanyang katawan at may kalakihan ang dibdib niya, kahit hindi naman siya mataba o bibiligung babae. Sadyang pinagpala lang talaga siya na magkaroon ng malalaking dibdib. Hindi rin nakaligtas sa kanya ang paglingon-lingon ni Gov. Kian sa paligid kung saan nagkalat ang mga kapulisan. Humugot ito ng malalim na paghinga at iniling nito ang ulo saka hinubad ang suot nitong itim na jacket. "Wear this," Gov. Kian said. Nagulat pa siya nang kusa nitong ipatong ang jacket sa balikat niya at ayusin ang harapan non na para bang nais nitong takpan ang sumisilip niyang cleavage. "We need to go," saad nito nang maipasuot sa kanya ang jacket. Napanganga lang siya at tila umurong ang kanyang dila habang hindi napigilang pagmasdan ang malapad nitong dibdib sa suot nitong puting t-shirt. Ang ganda kasi ng katawan nito, bakas sa puting t-shirt nito ang matipuno nitong dibdib na para bang ang sarap haplusin non. Sadyang napakasimple lang manamit ni Gov. Kian pero nagsusumigaw ang kagwapuhan at appeal nito. Matagal na niyang kakilala si Gov. Kian dahil magkaibigan ang kanilang mga pamilya. Wala pa man ito sa pulitika eh magkakilala na sila nito. Magkatabi lang kasi ang bahay nila at bahay ng mga magulang ni Kian. Pero ngayon ang alam niya nakahiwalay na ng bahay si Gov. Kian sa mga magulang nito. Kung sa bagay may edad na kasi ito. Twenty-eight na yata ito, sampung taon ang agwat ng kanilang edad. Kaya hindi sila nito close, dahil magkaiba ang generation nila. Siya nasa college palang at pasimula palang ang kanyang buhay samantalang si Gov. Kian marami na itong napatunayan at malayo na ang narating lalo na sa karera nito sa pulitika. Pinagkakatiwalaan kasi sa bayan nila ang mga Herrera. Tahimik na lang siyang sumunod kay Gov. Kian palabas ng presinto. Bago pa sila nakalabas marami pang pulis ang sumaludo rito at nakipagkamay pa si Gov. Kian sa hepe na naroon. Hindi tuloy niya malaman ang mararamdaman habang papalabas sila ni Gov. Kian. Imagine Governor pa ng kanilang bayan ang naglabas sa kanya sa presinto. Kung narito lang si Molly tiyak na katulad niya itong matutulala. Nagulat pa siya nang sa isang mamahaling sasakyan sila lumapit ni Gov. Kian at pinagbuksan siya nito ng pintuan. Hindi sa mamahaling sasakyan siya nagulat dahil alam naman niyang afford naman ni Gov. Kian ang bumili ng mamahaling sasakyan kahit wala ito sa pulitika. Negosyante din kasi ang mga Herrera. Sa pagkakaalam niya may malaking farm ang mga ito sa kanilang bayan na nag e-export ng ibat-ibang gulay, prutas pati na karne. Kaya hindi rin basta-basta ang isang Gov. Kian Herrera. Kinagulat niya ay mag-isa lang si Gov. Kian wala kasi itong kasamang driver or bodyguard man lang, madaling araw na kasi at syempre pag pulitiko hindi safe na lumabas mag-isa, dapat may bodyguard lagi. Nang makasakay siya sa passenger seat, ito na rin mismo ang nagsara ng pintuan ng sasakyan at umikot na ito pasakay ng passenger seat. Nakita pa nga niyang bumati si Gov. Kian sa pulis na naroon sa parking lot. Kung sabagay pag nasa pulitika talaga required maging mabait sa lahat, dahil baka hindi ka na nila iboto sa susunod. Pagsakay ni Gov. Kian sa kotse pinaandar na nito ang sasakyan. Hindi naman niya napigilan na sulyapan ito imbes na sa labas ng sasakyan tumingin. Ngayon lang kasi siya nagkaroon ng pagkakataon na makita ng malapitan si Gov. Kian. Sadyang napakagwapo pala nito, makinis pa ang mukha nito na tila ba alagang derma. Napakalinis nitong tignan mula ulo hanggang paa. Isama pa ang mamahaling amoy nito na una niyang nasamyo kanina nang lapitan siya nito. Naisip tuloy niyang ang swerte siguro ng girlfriend nito. Although wala siyang masyadong alam about sa personal nitong buhay. Pero tiyak niyang may girlfriend ito at paniguradong pang beauty queen ang ganda. "Amanda," tawag nito sa kanya na nagpagulat pa sa kanya. Napapitlag pa siya, masyado kasi siyang titig na titig sa gwapong mukha ni Gov. Kian. "Tinatanong mo kanina kung nasaan ang Daddy mo,' Gov. Kian said. "Ah... Yeah," tugon niya at inilipat ang atensyon sa kalsada. Madilim na ang buong paligid at wala na halos sasakyang dumaraan. Buti na lang at may mga ilaw sa bawat poste. Salamat kay Gov. Kian syempre. "Actually, pinaki usapan lang ako ng Daddy mo na sunduin ka sa presinto kanina,' saad nito. Nagyuko siya ng ulo. Nakaramdam ng hiya sa binata. Nakakahiya naman talaga kasing magpasundo sa presinto, para siyang kriminal na ewan. "Bakit ikaw? Nasaan ba si Daddy?" Tanong niya. "Sumama kasi ang pakiramdam ng Mommy mo, at sinugod siya sa ospital," tugon sa kanya ni Gov. Kian. "Ano?!" Bulalas niya. Bigla siyang nag-alala para sa Mommy niya. Napapadalas na pagsama ng pakiramdam nito at heto nadala pa ito sa ospital ngayon. "Saang ospital siya dinala?" Tanong niya. "Doon na kita ihahatid," tugon nito sa kanya. Napakagat labi siya. Nag-aalala siya sa Mommy niya. Panigurado na dahil sa pagkahuli sa kanya ng mga pulis kaya ito nawalan ng malay. Kasalanan niya ang nangyari sa Mommy niya. Nag-iisang anak na nga lang siya ng mga magulang niya eh hindi pa siya magtino at puro sakit ng ulo ang binibigay niya sa Mommy at Daddy niya. Hindi naman din nagtagal narating nila ang Herrera Hospital isa sa pinaka malaking ospital sa bayan nila. Private Hospital iyon na pagmamay-ari din ng pamilya ni Gov. Kian. Namana pa yata ng Papa ni Gov. Kian ang ospital sa mga magulang nito, at magpahanggang ngayon nag o-operate pa rin at isa pa rin sa pinaka magandang ospital sa kanilang bayan. Dahil sa pag-aalala niya sa kanyang Mommy nauna na siyang bumaba ka Gov. Kian ng sasakyan at tutuloy na sana siya sa loob ng malaking building nang maalala niyang hindi pala niya alam ang room number ng Mommy niya kaya naman hinintay na niya si Gov. Kian at sabay na silang pumasok sa loob. Pansin niyang umaagaw ng atensyon si Gov. Kian sa mga taong naroon at ilang mga staff. Kung bakit naman kasi ang gwapo nito.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
140.2K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
22.3K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
81.1K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
183.6K
bc

My SEDUCTIVE Innocent LOVER 'James Monteverde' (JAMES & JENNIEL)

read
51.7K
bc

His Obsession

read
91.8K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook