"Halikan mo ko Gov para makilala mo ko ng husto," hamon niya kay Kian. Hindi niya alam kung saan siya kumuha ng lakas ng loob para sabihin iyon kay Gov. Kian. Never pa siyang nang hamon sa kahit na kanino na halikan siya tanging kay Gov. Kian lamang. Masyado kasing obvious itong si Gov. Kian sa pagka irita nito sa kanya, halatang-halata niya na hindi siya gusto ng gwapong gobernador, marahil iniisip nito sa kanya na isa siyang pasaway na teenager na walang ibang alam kundi ang mag party, uminom at sumama kung kani-kaninong lalake. Medyo nagkasunud-sunod kasi ang pagkikita nila ni Gov. Kian sa hindi magandang pagkakataon, kaya marahil ganon na lang ang inis nito sa kanya. Hindi naman niya ito masisisi sa kung ano ang tingin nito sa kanya ang mahalaga naman ay kilala niya ang sarili. She