"Pagpasensyaan mo na muna ang Daddy mo, anak, marami lang siguro siyang iniisip ngayon,' saad ng Mommy niya habang kumakain sila ng breakfast na silang dalawa lang.
Pagpasok kasi niya ng komedor para sana sumabay na sa almusal ng Mommy at Daddy niya siya namang tayo ng ama at paalam na aalis na ito. Ilang araw na nga niyang nararamdaman ang malamig na pakikitungo ng Daddy niya sa kanya. Alam naman niyang ang mga kinasasangkutan niyang gulo at mga pag pa-party niya ang laging kinagagalit sa kanya ng ama, pero masama ba ang mag enjoy muna siya tutal bata pa naman siya. Anong gusto nito ang magmukmok siya sa bahay nila at ikulong na lang ang sarili? Eighteen pa lang naman siya at deserve niya munang mag enjoy sa buhay basta hindi niya pinababayaan ang pag-aaral niya at ang kanyang sarili.
"Amanda about last night," saad ng ina. Napalingon siya sa ina at nagtama ang kanilang mga mata nakita niyang seryoso itong nakatingin sa kanya.
"Alam mo bang lasing na lasing kang iniuwi ni Gov. Kian dito sa bahay," saad ng Mommy niya sa kanya. Napansin niya ang tila galit sa tono nito.
Medyo aware siya na si Gov. Kian ang naghatid sa kanya dahil na nga nalasing siya at hindi na makapag drive pa.
"Don't worry po Mommy, dadaan po ako sa opisina ni Gov. Kian para makapag pasalamat,' she said.
Humugot naman ng malalim na paghinga ang Mommy niya, bago ito nagsalita.
"Kung pupuntahan mo siya ipagluluto ko siya ng masarap na ulam para naman may maidala ka sa opisina niya,' saad ng ina.
"Huwag na po Mommy, mapapagod pa po kayo, ang daming bake shop diyan bibilhan ko na lamang po siya ng cake," saad niya sa ina.
"Huwag kang bibili sa labas Amanda, halata masyado na wala kang effort," saway ng Mommy niya.
Sumimangot naman siya at tinuloy ang pagkain. Hindi naman siya mananalo kung makikipagtalo pa siya sa ina. Hayaan na lang niya itong magluto kung gusto nito, basta ang mahalaga may dahilan siya para makita muli si Gov. Kian.
Alam niyang lagi siyang bad shot kay Gov. Kian dahil sa tuwing magkikita sila nito ay nasa hindi magandang sitwasyon siya. Kung wala siya sa presinto eh lasing naman siya o di kaya kasama sa gulo. Ewan ba niya napakamalas niya para laging makita ni Gov. Kian ang mga kapalpakan niya.
Matapos mag almusal sinubukan niyang tawagan si Molly para sana mangumusta sa party nito kagabi, dahil na rin sa umuwi siya ng maaga at hindi na natapos pa ang party nito. Nagulat naman siya dahil nakailang tawag na siya hindi pa rin sinasagot ng kaibigan. Naisip niyang baka may hang over pa ito sa party nito at tulog pa kaya hindi pa ito sumasagot sa kanya. Kaya naman nag iwan na lang siya ng text message rito na kinukumusta niya ang kaibigan at nagpapatawag rito pag nabasa ang message niya.
Habang nagluluto ang Mommy niya ng kanyang dadalhin sa opisina ni Gov. Kian naghanda naman siya ng kanyang sarili, nais niyang maging maayos at magandang-maganda pag humarap kay Gov. Kian para naman wala itong maipintas sa kanya, isama pang sadyang napakagwapo ni Kian kaya dapat lang na maganda siya sa tuwing haharap rito. Kalahati yata ng mga kababaihan sa bayan nila eh ang isang katulad ni Gov. Kian ang pinapangarap, at hindi naman iyon nakakapagtaka pa.
Matapos maligo at mag ayos ng kanyang mahabang buhok, nakailang palit naman siya ng kanyang damit, masyado kasi siyang naguguluhan kung ano ba ang dapat niyang isuot sa pag harap kay Kian. She wants to show her best, who knows magandahan sa kanya ang gwapong gobernador nila. Hindi naman na masama kung magkagusto sa kanya si Gov. Kian, despite sa agwat ng kanilang edad ang mahalaga eh nagkakagustuhan sila.
"Perfect!" Bulalas niya nang makita kung gaano kaganda at ka elegante ang dating niya sa napili niyang isuot. Maong jeans at white long sleeve ang napili niya formal at elegante siyang tignan bagay na bagay sa sa isang nangangarap maging first lady ni Gov. Kian Herrera.
"Dagdagan na lang natin ng konting spice," bulong niya at binuksan ang ilang butones para naman maipakita ang kanyang cleavage. May kalakihan ang mga dibdib niya na isa sa kanyang pinagmamalaki. Sa edad niyang eighteen fully developed na ang kanyang katawan, hubong na hubong na ang kanyang katawan at marami ang nasasabi na seksi siya at papasa na siyang model with her big chest.
Nag wisik na rin siya ng maraming pabango na halos ibuhos na nga niya sa kanyang buong katawan para naman maamoy siya ng husto ni Kian pagpasok niya ng opisina nito.
From head to toe expensive ang lahat ng suot niya at nakasabit sa kanyang buong katawan. Sa estado kasi ng kanyang buhay bilang nag-iisang anak ng mga Cruz kaya niyang bilhin ang lahat ng gusto niya, dahil nga sa nag-iisa lang siya lahat ng gusto niya binibigay ng kanyang mga magulang, hindi naman niya sinasabi na spoiled siya, basta masaya siya dahil meron siya ng lahat ng kailangan niya, at nakakasabay siya sa uso sa mga ka edaran niya. Kayang-kaya niyang makuha gaano man ka expensive ang isang bagay basta gusto niya, salamat sa mga mababait niyang magulang.
"Nice, Amanda baka mapansin ka ni Kian niyan," nakangiting saad ng Mommy niya sa kanya nang puntahan ito sa komedor kung saan inire-ready na nito ang ulam na niluto nito para kay Gov. Kian.
"Much better Mommy kung mapansin niya ang beauty ko," she said with a smile sabay hawi pa sa buhok niyang kinulutan sa may dulo.
"No doubt, anak na nagagandahan sa iyo si Kian," saad pa ng ina na lalong nagpapalaki sa ulo niya.
Bitbit ang ulam na niluto ng Mommy niya agad na rin siyang nagpaalam sa ina para magtungo sa opisina ni Gov. Kian.
Gamit ang mamahaling kotse na bigay ng kanyang Daddy, tinatahak na niya ang daan patungo kay Kian. Makailang ulit na nga siyang sumusulyap sa salamin para tignan kung maganda pa rin siya at natutuwa naman siyang makita ang kanyang sarili kung gaano siya kaganda.
Habang nagmamaneho sinubukan niyang tawagan si Molly, hindi pa rin kasi tumatawag sa kanya ang kaibigan at nag te-text man lang. Nagtataka na nga siya dahila dati rati naman agad nag re-reply sa kanya ang kaibigan. Hindi naman siguro ito nagtatampo dahil sa nangyari kagabi. Kinailangan kasing umalis agad ni Kian sa party ni Molly para ihatid siya sa bahay nila, dahil na nga nalasing siya.
"Lasing pa iyon panigurado," bulong na lang niya sa sarili para na rin hindi na sita mag isip pa ng kung anu-ano.
Pagdating sa opisina ni Gov. Kian confident siyang naglakad bitbit ang padala ng Mommy niya para rito at umaagaw siya ng atensyon sa mga naroon lalo na sa mga kalalakihan na nadadaanan niya. Nakataas naman ang kanyang mukha habang suot ang mamahaling shades.
Nag tanggal lang siya ng shades nang lapitan ang secretary ni Gov. Kian para magtanong.
"May kausap pa po saglit si Gov, Ma'am, may appointment po ba kayo?" Tanong sa kanya ng secretary.
"Ah.. Actually wala. Pero pakisabi na lang sa kanya si Amanda Cruz," nakangiting tugon niya sa secretary na hindi pa naman ganoon katanda baka nasa 40's lang ito.
"Sige po Ma'am sabihin ko po, maupo po muna kayo," saad nito.
Humugot siya ng malalim na paghinga. Ayaw pa naman niya ang naghihintay, pero wala siyang choice, dahil may kausap pa si Kian. Kung magiging girlfriend siya ni Kian tiyak na hindi na siya dadaan pa sa secretary nito.
Inikot niya ang mga mata nang makaramdam ng pagka irita dahil pinaghihintay siya sa labas at hindi pa pinapapasok. Hindi marahil siya kilala ng secretary. Kaya naman muli siyang tumayo sa kinauupuan at lumapit sa desk ng secretary.
"Excuse me, naitawag mo na ba kay Gov. Kian na narito ako?" Tanong niya sa secretary.
"Hindi pa po Ma'am, may importanteng tao pa po kasi siyang kausap," tugon nito sa kanya. Napahugot siya ng malalim na paghinga at hindi naiwasang iikot ang mga mata sa inis.
"Pwede bang pakitawagan mo na siya at sabihin mong nasa labas si Amanda Cruz ang anak ni Mr. Antonio Cruz," taas kilay niyang utos sa secretary. Medyo nawawalan siya ng pasensya pag napapansin niyang binabalewala siya.
"Anak po kayo ni Mr. Antonio Cruz?" Tanong pa sa kanya ng babae.
"Yes!" Taas noong tugon niya rito.
"Si Mr. Cruz po ang nasa loob at kausap ni Gov. Kian ngayon," tugon ng secretary sa kanya.
"Si Daddy ang nasa loob?" Kunot noong tanong niya.
"Yes po, si Mr. Cruz po," tugon ng secretary sa kanya.
Napasulyap siya sa saradong pintuan ng opisina at nagtataka kung ano ang ginagawa ng Daddy niya rito. Anong kailangan nito kay Kian? Dahil ba sa nangyari kagabi? Marahil nagpapasalamat lang din ang kanyang ama kay Kian kaya nagtungo ito rito. Wala namang ibang dahilan para mag sadya pa ang Daddy niya rito, busy rin na tao ang kanyang ama. Well, close naman yata ang Daddy niya at si Kian.
"Maghihihtay na lang ako," saad niya sa secretary at muling bumalik sa kinauupuan habang nag-iisip pa rin kung ano ang ginagawa ng ama sa loob.