"Magpahinga ka na Amanda, lasing ka na," mariing saad niya sa dalaga na halatang hindi na kaya ang kalasingan.
Napailing pa siya ng ulo ng makita ang maiksing kasuotan nito. Hinila niya ang kumot para kumutan ang dalagang nakatulog na sa kalasingan.
Habang nakatitig siya kay Amanda hindi niya mapigilan ang sariling makaramdam ng inis o galit rito. Dahil sa ugali nito pati siya nadadamay na. Paano naman niya pakakasalan ang isang katulad ni Amanda na mukhang wala namang maitutulong sa political career niya dahil sa sobrang pagka pasaway nito. Baka nga ito pa ang magpabagsak sa kanyang political career pag pinakasalan niya si Amand at maiharap sa publiko. Isama pang napakabata pa nito para maging asawa niya at first lady ng kanyang nasasakupan, baka ma question pa ang kanyang pagkatao at tuluyan ng masira ang kanyang karera sa pulitika.
"Ayusin mo naman ang buhay Amanda, mahiya ka sa mga magulang mo na nagbibigay sa iyo ng magandang buhay," he said habang nakatingin sa dalaga. Kung ganda oo panalo ito, pero sa ugali ewan niya.
Matapos niyang matitigan ang magandang mukha ni Amanda lumakad na siya palabas ng silid nito para makapag paalam na at ng makauwi na. Hindi na rin nga siya dapat pa nagtungo sa party ni Molly, iyun lang nahihiya siya sa mga magulang nito na malaki ang naitutulong sa bayan nila.
Pagbaba palang siya ng hagdan naka abang na sa kanya ang Daddy ni Amanda na si Mr. Cruz. Halata sa mukha ng matanda ang pag-aalala sa anak nito. Kahit naman sigurong ama mag-aalala kung katulad ni Amanda na pasaway ang anak.
"Gov. Kian, salamat sa paghatid mo kay Amanda," pasalamat sa kanya ni Mr. Cruz nang makababa na siya ng hagdan.
"Wala po iyon, Mr. Cruz," he said.
"Gusto mo bang mag kape muna?" Tanong nito.
"Ah.. Eh...," he said nais niyang tumanggi at iwasan muna itong makausap dahil ng tiyak na magtatanong na naman ito kung ano na ang kanyang desisyon sa alok nito.
"Oh di kaya hard drink, may bago akong bili na imported na alak," pagmamalaki pa ni Mr. Cruz sa kanya. Kaya naman lalo siyang hindi nakatanggi rito. Tumango na lang siya at lumakad sila ni Mr. Cruz
patungo sa may mini bar nito kung saan sandamakmak ang collection nito ng mamahaling alak.
"Ito galing pang spain," Mr. Cruz said at hinila ang bote ng alak at dalawang kopita. Agad nitong sinalinan ang dalawang kopita at iniabot sa kanya ang isa.
"Salamat," pasalamat niya at naupo silang dalawa sa upuang naroon sa may mini bar.
"Pinagalitan ko na iyang si Amanda kanina bago siya umalis. Sinabi ko na huwag na siyang umattend sa party at may dinadamdam na naman ang Mommy niya. Ewan ko ba sa batang iyan at napakatigas ng ulo at hindi nakikinig sa akin, kahit anong pangaral ko,' litanya ni Mr. Cruz sa kanya habang umiinom sila.
"Nagpapasalamat naman ako na naroon ka rin pala at nakita mo siya. Buti na lang at ikaw ang nakakita sa kanya habang lasing siya at hindi siya napahamak pa sa kung sino man ang makakita sa kanyang lasing," patuloy pa nito.
Nanatili siyang walang kibo, hindi naman kasi niya malaman ang sasabihin rito. Alam niyng problemado na ito masyado kay Amanda, at kung sasabihin pa niyang pasaway at halos pakawala na ang anak nito nang makita niya sa party na pa iba-iba ng lalaking sinasamahan eh baka lalo itong magkasakit at kasalanan pa niya kung matuluyan ito.
"Kian," tawag nito sa kanya. Lumingon naman siya rito.
"May sagot ka na ba sa alok ko sa iyo na pakasalan ang anak ko?" Tanong sa kanya ni Mr. Cruz. Bakas niya ang lungkot sa mukha nito. Sa bawat araw na nagkikita sila ni Mr. Cruz napupuna niyang tila tumatanda lalo ito. Marahil dahil na rin sa sakit nitong cancer na tinatago nito sa pamilya nito, at ang pag-aalala nito kay Amanda na wala namang pakialam.
Napahugot siya ng malalim na paghinga at nakaramdam ng inis lalo kay Amanda sa kawalan nito ng pakialam sa mga magulang nito. Hindi naman niya alam kung sino ba ang dapat sisihin sa ganitong ugali ni Amanda, mukha kasing na spoiled din ang dalaga at sanay na makuha ang gusto nito, kaya lumaking matigas ang ulo at masyadong entitled sa sarili.
"Kian, nais kong makiusap sa iyo na tanggapin mo ang anak ko, dahil wala na kong lalaking mahanap na katulad mong mabait at mapagkakatiwalaan talaga," pakiusap pa nito sa kanya. Pakiramdam nga niya kung hindi pa siya kikibo rito at manatiling walang sasabihin baka magmakaawa na ito sa kanya bagay na ayaw niyang gawin ni Mr. Cruz sa kanya.
"Mr. Cruz, hindi po kasi madali ang hinihingi niyo," he said hindi magawang tumingin sa mga mata ni Mr. Cruz.
"Alam ko Kian, pero wala na kong ibang paraan na naisip kundi ang kausapin ka para sa anak ko. Natatakot akong kung hahayaan ko pa siya ngayon baka mapariwara na lang siya lalo. Ayoko namang na mabalitaan ko na lang na kung kani-kaninong lalaki na sumama ang anak ko at pinagpasa-pasaan na ng kung sinu-sino lang. Kaya nais kong habang bata pa siya Kian, maikasal na kaya. Iyun ay kung papayag ka," litanya nito sa kanya.
Tama naman ang sinasabi nito, hindi malayo na ganoon nga ang mangyayari kay Amanda pag nagpatuloy ang ganitong pag-uugali ng dalaga at pag e-enjoy. Baka mabuntis pa ito at hindi matukoy kung sino ang ama.
"Hindi po kasi ganoong kadali ang lahat," malungkot niyang saad.
"Kian, ano ang dapat kong gawin para pumayag ka? Gusto mo bang ipangalan ko sa iyo ang lahat ng ari-arian ko, lahat ng pera ko para lang-"
"Mr. Cruz!" Mariin niyang saway rito.
"Isa po akong Herrera, baka po nakakalimutan niyo," paalala niya sa kausap. Mas mayaman ang mga Herrera kesa sa mga Cruz. Hindi niya kailangan ang pera o negosyo ng mga Cruz. Kung pakakasalan man niya si Amanda iyun ay dahil naaawa lang siya kay Mr. Cruz.
"Pasensya ka na hijo," paumanhin naman nito sa kanya.
"Bigyan niyo po ako ng dalawang araw para makapag desisyon," he said.
"Sige hijo, umaasa ako na papayag ka," saad nito sa kanya.