Chapter-3

1640 Words
"Uncle napadaan po kayo," salubong niya sa kaibigan ng kanyang ama na si Mr. Antonio Cruz. Matalik na magkaibigan ang dalawa at magkasosyo din sa ilang mga negosyo. Malapit siya sa pamilya Cruz. Isang linggo na rin mula nang personal niyang tulungan si Mr. Cruz sa anak nitong si Amanda na nadala sa isang presinto sa bayan ng San Nicolas dahil sa pagkakasangkot nito sa riot ng mga kabataan. Buti na nga lang at nang mangyari ang biglang pagkawalan ng malay ng asawa ni Mr. Cruz na si Mrs. Alice Cruz ay nasa bahay siya ng kanyang mga magulang kaya natulungan niya ang mga ito para madala sa ospital si Mrs. Cruz. Pinakiusapan na rin siya ni Mr. Cruz noon na siya na ang sumundo sa nag-iisang anak nitong si Amanda sa presinto. Baka kasi tumaas din daw ang BP nito. Halos isang linggo na nga mula ng mangyari ang bagay na iyon, at isang linggo na rin ang lumipas mula ng huli niyang makita si Amanda ang anak ng mag asawang Cruz. Unang kita pa nga lang niya noon kay Amanda ay alam na niyang magiging sakit ito ng ulo ng mga magulang nito. Nakita kasi niya kung paano ito kumilos at magdala ng damit. Lagi kasing maiksi ang suot nito sa tuwing nagpupunta siya sa bahay ng mga Cruz noon. Medyo bata pa nga si Amanda noon, pero halata na niyang ibang landas ang nais tahakin ng batang iyon. At hindi nga siya nagkamali dahil ngayong nasa legal age na ito ay nagsisimula na itong magwala at masangkot sa gulo ng mga kabataan. Isang typical na teenager ang kinikilos ni Amanda. Mahilig sa party, sa barkada, sa alak at kung anu-ano pa na nahihiligan ng nga bagong generasyon ngayon. Iyon nga lang napapansin niyang sumosobra ang kay Amanda, dahil ayon sa Daddy nito eh ilang beses na raw itong nahuli ng mga pulis dahil nadamay sa gulo. Kaya naman stress na stress na daw ang mag asawang Cruz sa anak ng mga ito. Halata naman niya iyon, dahil sa tila biglang pag bagsak ng katawan ni Mr. Cruz at pagdagdag ng edad nito. Isama pang nagkakasakit na rin yata sa pag-aalala ang misis nito dahil sa anak ng mga ito. Kung bakit naman kasi lumaking pasaway si Amanda, kababaing tao pa naman nito. Maganda si Amanda at bata pa, kaya marahil ine enjoy pa nito ang lahat. Noong kabataan naman niya ganoon rin naman siya. Tambay sa bar at nag-uuwi ng babae gabi-gabi. Pero ganoon pa man never siyang nasangkot sa ano mang kaguluhan at hindi niya binigyan ng sakit ng ulo ang kanyang mga magulang tulad ng ginagawa ni Amanda ngayon. Nag-iisang anak lang din siya ng mga Herrera kaya ayaw niyang ma disappoint sa kanya ang kanyang mga magulang. Hindi katulad ni Amanda, na todo-todo kung magpasaway sa mga magulang nito. Sayang tuloy ang ganda nito, dahil daig pa nito ang pakawalang babae at mabababang uri ng babae na kung kani-kanino sumasama para mag enjoy. Nanghihinayang siya kay Amanda. Maganda at mukhang matalino pa naman ito, sinasayang lang nito ang sarili nito. Tiyak na pag nag mature na ito masisisi ito at naging pakawala itong babae, dahil tiyak na hindi madali rito ang makahanap ng matino at nirerespetong lalake. Baka nga mapunta lang din ito sa katulad nitong party lang ang alam. "Gusto sana kitang makausap, Kian," tugon sa kanya ni Mr. Cruz. "Sige po," saad naman niya at niyaya niyang maupo ito sa sofa na naroon at tumawag sa secretary na magdala ng dalawang kape para sa kanila ni Mr. Cruz. "Kumusta na po pala si Auntie?" Pangungumusta naman niya sa asawa nito. "Ayos na siya. Salamat sa iyo at naisugod natin siya agad sa ospital niyo," pasalamat nito sa kanya. Ngumiti naman siya at tumango-tango rito. Habang nagkukumustahan sila dumating naman na ang mainit na kape na pinahanda niya sa secretary niya. "Kian, may gusto sana akong sabihin sa iyo kaya sinadya kita rito sa munisipyo," saad ni Mr. Cruz sa kanya. "Tungkol po saan iyan Uncle?" Tanong niya matapos humigop sa mainit na kape. "Bago ka naging Governor ng ating bayan eh naging Mayor ka muna ng San Nicolas. Saksi ako sa mga nagawa mo at ng iyung ama para sa bayan natin," seryosong saad nito. "Napaunlad mo ng husto ang San Nicolas," patuloy nito. "Salamat po," pasalamat naman niya. "Ilang taon ka na nga pala hijo?" Tanong ni Mr. Cruz sa kanya. "Twenty-eight na po," tugon niya. "Tignan mo nga naman napakabata mo pa pero ang dami mo nang nagawa para sa bayan natin. Manang-mana ka talaga sa Papa mo," nakangiting sabi pa sa kanya ni Mr. Cruz "Siguro nga po nagmana ako kay Papa," saad niya. Bago kasi siya sumabak sa pulitika ang Papa muna niya at pinagpatuloy lang niya ang nasimulan na ng kanyang Papa. Mahal na mahal ng kanyang Papan ang tao sa bayan ng San Nicolas kaya hangga't kaya nitong tulungan ang ito eh tinutulungan nito. Ganoon rin naman siya tinutulungan niya ang kaniyang nasasakupan, lalo na ang mga kabataan na hirap sa paaralin ng mga magulang. Binibigyan niya ng scholarship ang mga kabataan para naman marami sa mga taga San Nicolas ang makapagtapos ng pag-aaral at makahanap ng magandang trabaho. "Kung lalake siguro ang naging anak namin ng Auntie mo, baka maging katulad mo siya, Kian," saad ni Mr. Cruz sa kanya. Hindi nakaligtas sa kanya ang tila sakit sa tono nito. Hindi tuloy niya malaman ang sasabihin rito. "Aware ka naman siguro, Kian na problema ang dinadala sa amin ni Amanda,' sabi pa nito. "Bata pa naman po siya Uncle,' he said. "Hanggang kailan siya aastang bata at walang pakialam sa amin ng Mommy niya? Kapag wala na kame at mag-isa na lang siya!" Nahimigan na naman niya ang kakaiba sa tono nito. "Matanda na kami ng Auntie mo, baka hindi na namin maabutan pa ang pag mature niya at hindi na pasaway,' saad pa nito. "Hindi naman po siguro, Uncle," tanging sabi niya rito. "Hindi ko na alam ang gagawin ko Kian,' patuloy nito. Halata naman niyang problemado ito sa mukha palang at pagbagsak ng katawan nito. Kung susuriin ngang mabuti tila ito hindi lang stress kundi may seryosong sakit din. "Magiging ok din po ang lahat, Uncle," he said. "Kailan kaya mangyayari iyon?" Tanong nito sa kanya at tumingin pa ito sa mga mata niya. Puno ng lungkot ang mga mata ni Mr. Cruz. Hindi tuloy siya makasagot rito. Ngayon palang naiinis na siya kay Amanda sa ginagawa nito sa mga magulang nito. "Kian," seryosong tawag sa kanya ni Mr. Cruz. "Ano po iyon Uncle?" Tanong niya habang hindi naghihiwalay ang kanilang mga mata. "Sa iyo ko lang sasabihin ito," saad nito. Kumunot ang noo niya sa sinabi nito. Lalo din kasing naging seryoso ang mukha nito. "Ano po iyon Uncle?" Tanong niya. Humugot ito ng malalim na paghinga at muling tumingin sa mga mata niya. "Kian, I have cancer," Mr. Cruz answered. Nagulat siya sa sinagot nito. Nanlaki ang kanyang mga mata at hindi malaman ang sasabihin. Kaya pala bumagsak ang katawan nito at parang dumagdag ang edad. "Stage two na at hindi ko na alam kung saan ako papatungo sa pagkakaroon ko ng sakit na ito," saad pa nito. "Hindi pa ito alam ng Auntie mo at ni Amanda. Walang ibang nakakaalam Kian kung hindi ikaw palang," saad pa nito sa kanya. "Bakit niyo po sa akin sinasabi?" He asked. "Dahil ayokong ipaalam sa mag ina ko ang sakit ko. Ayokong mag-alala sila, lalo na ang Auntie mo. Marami ng inaalala ang Auntie mo kay Amanda, ayoko ng dumagdag pa," paliwanag nito sa kanya. "Pero Uncle, may karapatan po silang malaman ang lagay niyo," he said. "I know, pero saka ko na sasabihin sa kanila. Uunahin ko na muna ang mga importanteng bagay," tugon nito. "At ikaw Kian ang importante," patuloy nito. "Ako ho? Bakit po ako?" Nagtatakang tanong niya. "Kian, kailangan ko ang tulong mo. Sa kalagayan kong ito ngayon na walang kasiguraduhan kung hanggang kailan pa ako rito sa mundo. Kung hanggang kailan ko pa makakasama ang mag ina ko," litanya nito sa kanya. "Ano po ang maitutulong ko Unlce. Basta kaya ko po, gagawin ko para sa inyo," buong pusong tugon niya. Naging malapit na sa kanya si Mr. Cruz, para na nga rin niya itong ama. Kaya tutulong siya sa abot ng kanyang makakaya. "Alam kong kaya mo ito Kian, kaya nga sa iyo ako lumapit," saad nito. Tumango-tango siya rito at tumingin sa mga mata nito. Handa siyang tulungan ito ng buong puso niya. "Ano po ba iyon Uncle?" He asked. "Nag-aalala ako para sa nag-iisang anak ko Kian. Ayokong makatagpo siya ng lalaking lolokohin lang siya. Ayokong makisama siya sa lalaking hindi naman siya maaalagaan," tugon nito sa kanya. Kumunot ang kanyang noo at pilit inuunawa ang sinasabi nito sa kanya. "Pasaway man si Amanda, mahal ko batang iyon. Ayoko siyang masaktan at mapagsamantalaan lang ng kung sino. Gusto ko may poprotekta sa kanya at mag-aalaga," patuloy nito. "What do you mean po, Uncle?" He asked. "Kian, nais kong hilingin sa iyo na pakasalan mo anak kong si Amanda," tugon sa kanya ni Mr. Cruz. Nanlaki ang kanyang mga mata at nagbuka ng bibig pero walang salitang lumabas. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin. Hindi niya expected ang hihilingin sa kanya ni Mr. Cruz. "Alam kong malaking bagay ang hinihingi ko sa iyo Kian. Pero wala na kong ibang lalaking pwedeng ipagkatiwala ang anak ko. Nag-iisang anak ko lang si Amanda. At wala akong ibang hiling para sa anak ko kundi ang makatagpo siya ng lalaking magmamahal, poprotekta at mag-aalaga sa kanya," mahabang litanya ni Mr. Cruz sa kanya. Nanatili naman siyang walang kibo. Hindi malaman ang sasabihin. Ngayon palang yata siya nawalan ng sasabihin sa buong buhay niya. Ano ba ang dapat niyang isagot?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD