Chapter-2

1515 Words
"Dad," nahihiyang tawag niya sa ama nang pumasok siya sa loob ng hospital room ng Mommy niya. Nakita niyang nakahiga ang ina sa puting ama at natutulog ito o wala itong malay. Kasama pa rin niya si Gov. Kian sa loob, hindi siya nito iniwan mula pa kanina. "Buti at nakalaya ka na!' May galit sa tinig ng Daddy niya. "Dad,' tawag niya sa ama. Medyo nahiya kasi siya kay Gov. Kian sa tono ng pananalita ng Daddy niya. "Tignan mo nangyari sa Mommy mo dahil sa katigasan ng ulo mo!" Galit na sabi sa kanya ng ama. Hindi naman niya magawang magsalita kaya nagyuko na lang siya ng ulo. "Tumaas ang presyon ng Mama mo nang malamang nasa presinto ka na naman at nasangkot sa gulo Amanda! Hanggang kailan ba ganito ang ibibigay mo sa amin ng Mommy mo? Kailan ka ba magtitinong bata ka!" Galit na litanya ng ama sa kanya. "Tignan mo nga iyang suot mo! Para kang sumasayaw sa bar!" Patuloy pa ng ama. Tumakas lang siya kanina sa bahay nila para makasama sa party at magpakasaya. Hindi naman niya alam na mangkakagulo at mapapasama sila ng kaibigan. At lalong hindi naman niya alam na sasama ang pakiramdam ng kanyang Mommy dahil sa kinatatakutan niya. "Dad, I'm sorry," paumanhin niya sa ama nang mag angat ng mukha at sulyapan ang ama. Isang sampal naman ang naging tugon ng Daddy niya sa kanya. Hindi siya nakailag kaya dumapo ang palad ng ama sa pisngi niya. Tumabingi ang ulo niya at agad niyang hinawakan ang pisnging nasaktan. Medyo malakas ang pagkakasampal ng kanyang ama, kaya parang nahilo siya. "Uncle!" Narinig niyang tawag ni Gov. Kian sa kanyang ama na marahil nagulat din sa ginawa ng kanyang ama. "Masyado nang matigas ang ulo ng batang iyan Kian!" Asik ng ama. Hindi naman niya magawang mag angat ng mukha sa kahihiyan. Alam niyang nakatingin sa kanya si Gov. Kian. At talagang nakakahiya ang nasasaksihan nito. Na para bang sakit siya ng ulo sa mga magulang at wala ng ginawa kundi puro problema ang ibigay sa mga magulang niya. Aminado naman siyang pasaway siya minsa at nais niyang laging nasa gimikan at party, party. Pero ene-enjoy lang naman niya ang kanyang kabataan. Magsasawa din naman siya pagdating ng panahon. Eighteen palang naman siya kaya tama lang na mag enjoy siya. "Tama na po Uncle, baka magising pa po si Auntie," saway ni Gov. Kian sa Daddy niya na sobra na ang galit sa kanya. "Pag may nangyari sa Mommy mo Amanda hindi kita mapapatawad!" Pagbabanta pa ng ama sa kanya na lalo niyang kinayuko ng ulo. Takot siyang makita ang galit sa mga mata ng kanyang ama. Nais niyang mag sorry sa ama, kaya lang umurong na ang kanyang dila. Masyado na rin kasi siyang napahiya kay Gov. Kian. Si Gov. Kian na rin ang nagpakalma sa Daddy niya. Kaya naman naupo siya malapit sa Mommy niya na tulog pa rin. Guilty siya sa nangyari sa Mommy niya. Sana na lang maging ok na ito at makauwi na sila. Para na rin hindi na magalit pa sa kanya ang Daddy niya. Sa may tabing bintana naman nag-uusap ng masinsinan ang Daddy niya at si Gov. Kian. Medyo malayo sa kinauupuan niya kaya wala siyang marinig kung ano ang pinag-uusapan ng dalawa. Ganoon pa man nagpapasalamat siyang nariyan si Gov. Kian para pakalmahin ang Daddy niya. Kung wala ito baka hindi lang isang sampal ang inabot niya sa Daddy niya. Hindi naman ito ang unang beses siyang nasaktan ng ama dahil sa pagkakasangkot niya sa gulo. Ganoon pa man nagkakaayos naman silang mag ama at nagkakapatawaran. Hindi niya mapigilan sulyapan si Gov. Kian habang seryosong nakikipag-usap sa Daddy niya. Suot pa rin niya ang jacket nito na talaga namang mabango. Parang alam na nga niya kung ano ang nasa isip ng Daddy niya. Panigurado na iniisip ng Daddy niya na sana isang katulad ni Gov. Kian ang anak nito at hindi katulad niya. Nag-iisang anak na nga lang siya ng mga ito eh pasaway pa siya. Puro stress at problema lang ang naibibigay niya sa mga magulang. Aminado siya sa bagay na iyon. Nagulat pa siya nang mahuli siya ni Gov. Kian na nakatingin rito. Kaya naman mabilis siyang umiwas ng tingin rito, baka kasi kung ano pa ang isipin nito dahil nakatingin siya rito. "Amanda, you want coffee?" Narinig niyang tanong ni Gov. Kian sa kanya. Kaya naman napalingon siya sa binata. "Sige na Amanda, mag kape na muna kayo ni Kian sa ibaba. Samahan mo siya," utos na rin ng kanyang ama. "Ah.. Eh...," ewan niya parang umurong ang dila niya at hindi nag function ang isip niya kaya hindi niya alam kung ano ang isasagot. "Let's go," Gov. Kian said kaya naman napatango na lang siya at mabilis na kumilos palapit rito. "Amanda, dalhan mo na lang ako ng americano coffee," saad ng ama. "Opo Dad," tugon niya sa ama at sumunod na kay Gov. Kian palabas ng ospital room ng Mommy niya. "Are you ok?" Gov. Kian asked habang naglalakad sila sa pasilyo patungo sa elevator. "Yeah," tipid at kabado niyang tugon. At nilingon si Gov. Kian na naka deretso ang tingin at hindi man siya sinusulyapan. Gwapo nga talaga itong Gov. Kian. Napaka seryoso pa ng mukha. Malayong-malayo sa mga ka edaran niyang nakakasama niya sa mga party. Ganitong lalake sana ang mas magandang kasama, iyung alam mong safe na safe ka at kaya kang ipagtanggol sa ano mang gulo. Matangkad at may magandang katawan kasi si Gov. Kian, halatang alaga ng gym ang katawan nito. Pumasok sila ni Gov. Kian sa sikat na coffee shop na nasa labas lang ng ospital. Hindi nga niya alam na may coffee shop pala sa labas ng ospital. Kahit madaling araw na may mga tao pa rin sa paligid at pansin niyang sa kanila ni Gov. Kian nakatingin ang karamihan. Wala naman yatang hindi nakakakilala kay Gov. Kian sa bayan nila. Kaya hindi na siya magtataka pa kung sinusundan sila ng tingin ng marami. Pagpasok sa loob ng coffee shop ganoon rin umaagaw rin ng si Gov. Kian ng atensyon sa mga naroon karamihan eh sa mga babae. Hindi nga nakaligtas sa kanya ang mga babaing tumitingin sa kanya at napaptaas pa ng kilay. Inggit lang marahil ang mga ito dahil siya ang kasama ni Gov. Kian. Hinayaan na niyang si Gov. Kian ang mamili ng kape para sa kanila, nagpasabay na lang din siya ng tinapay dahil medyo nakaramdam na siya ng gutom. Habang nasa counter naman si Gov. Kian hindi niya mapigilang titigan ito. Naisipan rin niyang kuhanan ng larawan ang gwapong Governor para ipakita at ipagmalaki sa kaibigang si Molly. Patago niyang kinuhanan ng larawan si Gov. Kian nang humarap ito bitbit ang kanilang order, saka mabilis niyang tinago ang kanyang cellphone. "Tahnk you," pasalamat niya nang ilapag nito ang order nila. "Mamaya ko na orderin ang sa Papa mo," saad nito at naupo sa tapat niya. Tumango na siya at nagsimula nang kumain. Gutom na kasi siya. "Ano nga pala ang pinag-uusapan niyo ng Daddy ko?" Tanong niya habang ngumunguya ng tinapay. Sinulyapan naman siya ni Gov. Kian. Masyadong seryoso ang mukha ni Gov. Kian na para bang hindi ito nakikipag biruan kanino man. Para bang laging seryoso lang ang nais nitong pag-usapan. "About you, Amanda,' tugon sa kanya nito. "What about me?" He asked at sumipsip sa malamig na kape. "Hindi na alam ng Daddy mo kung ano ang gagawin sa iyo para magtino ka," seryosong tugon nito sa kanya. Napalunok siya at hindi magawang makasagot. Paano ba niya sasagutin ito o at ipagtanggol ang kanyang sarili, eh kitang-kita ng dalawang mata nito kung gaano siya ka burden sa mga magulang niya. "Hindi na bata ang mga magulang mo, Amanda. Lalo na ang Mommy mo, pahina na ng pahina ang katawan niya. At lahat ng nangyayari sa mga magulang mo eh dahil sa iyo, Amanda," litanya pa nito sa kanya. "Sa akin talaga no," mataray niyang saad at tinuloy ang pagkain. "Kung hindi ka tumatakas sa bahay niyo para mag party, di sana hindi nag-aalala ang mga magulang mo lalo na ang Mommy mo," saad nito sa kanya na para bang sinesermunan na siya nito. "Sandali ka Gov. Kian. Sinesermunan mo ba ko?" Inis na tanong niya. Wala siyang pakialam kung Governor ito o ano pa man. "Sinasabi ko lang kung ano ang nakikita ko Amanda. Masyado kang pasaway at pabigat sa mga magulang mo!" Matalim na sabi nito sa kanya. Nanlaki ang kanyang mga mata sa mga sinabi nito. Hindi pa man siya nakakasagot tumayo na ito mula sa kinauupuan bitbit ang kape nito at iniwan siya sa mesa nila. "Hoy sandali!" Pigil niya rito na hindi sinasadyang napalakas ang boses niya. Kaya naman umagaw iyon ng atensyon sa iba. Pinagtitinginan siya at may mga nagbulungan pa nga. Hindi naman siya nililingon pa ni Gov. Kian na nagtuloy na sa paglabas ng coffee shop. Talagang iniwan na siya nito. Humugot siya ng malalim na paghinga at balewalang tinuloy ang pagkain kahit pinagbubulungan pa rin siya ng mga babaing naroon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD