"Saan ka na naman pupunta Amanda?!" Galit na tanong ng Daddy niya sa kanya nang makababa siya ng hagdan at madatnan ang ama sa may sala.
Pansin niyang mula nang masugod sa ospital ang Mommy niya nang gabing madamay siya sa riot eh lagi na lang mainit ang ulo ng Daddy niya sa kanya. Ok naman na ang Mommy niya. Tumaas lang ang BP nito dahil sa nangyari sa kanya. Nakausap na rin naman niya ang Mommy niya at nakahingi na siya ng tawad rito sa nangyari. Isang linggo na rin kasi ang nakalipas mula nang mangyari iyon at maayos na ang lagay ng Mommy niya. Wala naman daw dapat ikabahala sa nangyari sa Mommy niya, sinabi pa iyon ng Doctor na tumingin sa Mommy niya.
"Dad, birthday po ni Molly ngayon, may party po sa bahay nila," tugon niya sa ama.
"Party na naman tapos ano maglalasing kayo ng kaibigan mo at gagawa ng gulo!" Galit na saad ng ama.
"Dad, never naman po kami ang nagsimula ng gulo o naging dahilan ng gulo. Nadadamay lang po kame," paliwanag niya sa ama.
Matapos ang nangyari noong isang linggo hindi naman siya lumabas para mag party. Bahay, eskwela nga lang siya dahil ayaw niyang masagad ang galit ng Daddy niya.
"Ewan ko ba sa iyo Amanda kung bakit ganyan ka lumaki. Wala naman kaming pagkukulang ng Mommy mo, pero lumaki kang pasaway at matigas ang ulo!" Galit na litanya ng ama.
"Antonio," narinig niyang tawag ng Mommy niya na sumulpot kung saan. Narinig marahil ang malakas na tinig ng Daddy niya.
"Hayaan mo na si Amanda, si Molly naman ang may birthday ngayon. Nagpaalam na rin sa akin ang anak mo kanina," malumanay na sabi ng Mommy niya sa Daddy niya.
"Kaya lalong nagiging pasaway iyan pinagbibigyan mo kase!" Inis na saad ng ama at iniling nito ang ulo saka lumakad patungo sa may hagdan.
"Dad," tawag niya sa ama, pero nagtuloy na sa pag akyat ng hagdan ang Daddy niya.
Napabuntong hininga na lang siya at nagkibit balikat. Sinundan ng tingin ang galit na naman niyang ama. Kailan kaya mawawala ang inis ng Daddy niya sa kanya. Sa ngayon kase napapansin niyang wala na siyang ginawang tama para sa Daddy niya. Parang lahat ng kinikilos niya mali.
"Huwag mo na lang pansinin ang Daddy mo, Amanda, sige na at puntahan mo na si Molly. Mag enjoy kayo ng kaibigan mo, at sana this time walang gulong mangyayari," litanya ng ina sa kanya.
Humarap siya sa ina at alanganing ngumiti. Alam naman niya ang ginagawa niya. Masyado lang kung mag isip sa kanya ang Daddy niya. Alam niya kung hanggang saan lang siya, alam niya ang limit niya pagdating sa pag e-enjoy. Sadyang ene-enjoy lang niya ang pagiging teenager.
"Lagi na lang po kasing galit si Daddy ngayon," simangot niyang sabi sa ina.
"Nag-aalala lang sa iyo ang Daddy mo," tugon ng ina habang inaayos ang kanyang buhok.
"Huwag ka ng masyadong magpagabi para hindi na magalit pa ang Daddy mo," sabi pa ng ina.
"Malapit lang naman po sa atin ang bahay nila Molly, makakauwi po ako agad," saad niya sa ina.
Nasa iisang subdivision lang sila ng kaibigan at sa may kabilang kanto lang naman ang bahay nina Molly.
"Sige na anak. Enjoy," nakangiting sabi ng ina.
"Thank you po, Mommy," pasalamat niya sa ina.
"I promise po na walang gulo ngayon," saad pa niya sa ina.
"Aasahan ko iyan Amanda," tugon ng ina may ngiti sa labi.
"Napakaganda mo ngayon anak," puri sa kanya ng ina. Kaswal lang ang suot niya short, short, tube na pinatungan niya ng maong na jacket at nag boots na rin siya.
Napayakap pa siya sa ina sa sobrang saya, nagpasalamat na rin at saka nagpaalam na siya rito. Muli niyang sinabi sa ina na uuwi siya ng maaga.
Eighteen na siya kaya pwede na siya mag drive. Binilhan na rin kasi siya ng Daddy niya ng kotse para may magamit siya pagpasok sa school. Kaya hindi na niya kailangan pa ng driver. Mukhang nagsisisi na nga ang Daddy niya at binigyan siya nito ng kotse, kung saan-saan na kasi siya nakakarating mula ng magka kotse siya.
Ilang minuto lang narating na niya ang bahay nina Molly. Maraming sasakyang sa labas ng bakuran ng nina Molly, mukhang marami ang umattend sa party nito. Si Molly lang naman ang malapit niyang kaibigan kaya hindi pwedeng hindi siya umattend sa birthday ng kaibigan.
Pagpasok niya sa loob crowded at medyo malakas ang tugtugin. Buti na nga lang at pinayagan si Molly ng mga magulang nito na mag celebrate sa bahay ng mga ito. Kasi siya mukhang malabo siyang makapag celebrate sa bahay nila. Allergic yata ang Daddy niya sa ingay at sa mga teenager na kagaya niya.
Marami nga ang bumati sa kanyang ka eskwela nila na mga lalake nang madaanan niya ang mga ito. Ngumingiti naman siya at nag a-hi sa mga ito. Para nga siyang politician na panay ang kaway sa mga bumabati sa kanya. Hindi naman niya kasalanan kung famous siya sa University nila. Marami kasing nagagandahan sa kanya kaya panay pa cute ng karamihan sa mga ka eskwela nila. Kung ang mga lalake panay ang kaway at bati sa kanya, iba naman pagdating sa mga babae. Nagtataas kasi ng kilay ang mga babaing nadadaanan niya at iba pa kumakapit ng mahigpit sa mga kasamang lalaki ng mga ito na para bang aagawin niya ang kasam ng mga ito. Insecure lang kasi sa kanya ang mga babae, paano talo niya sa kagandahan at lakas ng appeal. Hindi siya nagbubuhat ng sarili niya bangko, sadyang nagsasabi lang siya ng totoo.
"Amanda!" Tili ni Molly nang makita siya ng kaibigan.
"Molly! Happy birthday!" Tili din niya at sinalubong ang kaibigan na excited nang makita siya.
"Akala ko hindi ka na darating,' simangot pa ng kaibigan sa kanya.
"Pwede ba namang hindi ako dumating," she said at niyakap ang kaibigan ng mahigpit.
"Thank you for coming,' pasalamat pa nito sa kanya nang kumalas sila ng yakap sa isat-isa.
"Anyway, sabi ng Daddy ko darating daw si Gov. Kian,' bulong ni Molly sa kanya.
"Really?" Bulalas niya.
Mataga-tagal na rin silang hindi nagkikita ni Gov. Kian, mula nang sunduin siya nito sa presinto at samahan sa ospital. Na kwento na niya kay Molly ang nangyaring pagsundo sa kanya ni Gov. Kian sa presinto. Ayaw pa ngang maniwala ng kaibigan noong una. Pero nang pinakita kita ang larawang kuha ni Gov. Kian sa coffee shop ng ospital naniwala na ang kaibigan sa kanya.
"Yes, si Daddy ang nag invite sa kanya, at nangako daw si Gov. Kian na pupunta siya," excited na sabi sa kanya ni Molly sabay tili, kaya naman nakitili na rin siya sa kaibigan.
"Tara na sa loob doon na lang natin hintayin si Gov," anyaya sa kanya ni Molly.
"Sige," tugon niya sa kaibigan at lumakad na sila nito papasok sa loob ng malaking bahay ng mga ito.
Pagpasok palang nila sa loob ng bahay tumuloy silang magkaibigan sa may bar para kumuha ng alak na maiinom.
Sanay naman na siya sa alak kaya kahit makarami siya hindi siya nalalasing. Isa pa alam naman niyang i handle ang alcohol.
Habang may hawak na red cup na may lamang alak iniwan siya saglit ni Molly para harapin ang iba pa nitong bisita. Naiwan siyang mag-isa habang ine-enjoy niya ang alak at masayang tugtugin nang may lalaking lumapit sa kanya.
"Hi," bati ng lalake sa kanya. Ngumiti naman siya sa lalake at pinagpatuloy ang pag inom.
"I'm Red," pakilala ng lalake sa kanya.
Sinulyapan niya ito pati na ang kamay nitong nais yatang makipagkamay sa kanya.
"Amanda," pakilala naman niya sa lalake na mukhang ka edad naman niya ito o di nalalayo sa edad niya. Tinanggap na rin niya ang pakikipagkamay nito sa kanya.
"Are you alone?" Tanong ng lalake sa kanya.
"I'm with Molly," tugon niya sa lalake.
"I see. Can I join you here?" Tanong ng lalake sa kanya.
"Sure," tugon naman niya.
Sanay naman siyang may nakikilalang bago sa tuwing a-attend sa party. Lagi kasi may nagpapakilala sa kanya at nais siyang maging kaibigan and more.
Habang nakikipagkwentuhan sa kanya ang lalake umagaw ang atensyon niya sa lalaking papasok sa loob ng bahay nina Molly. Hindi lang naman siya ang napatingin sa bagong dating, halos lahat naman ng babaing naroon pumukaw sa atensyon ng lalake.
"Governor Kian," she whispered.
"Kilala mo rin pala si Governor Kian," saad ni Red na nasa tabi pa rin niya.