C3: Trabaho

2707 Words
Isang linggo na ang nakalipas simula nang mailibing si Lolo Ambo. Kailangan ko nang tanggapin ang katotohanan na solo na lang talaga ako sa buhay. Alam ko naman na laging nandito si Dr. Julian pero iba kasi iyong taong konektado sa buhay mo by blood o kaya naman totoong pamilya gaya ng asawa o anak. Asawa? Anak? Abo nga kaya ang feeling ng may pamilya, ng may anak o ng may asawa? Napaawang ang labi ko sa isiping iyon. Hindi ko alam kung bakit pero may kung anong excitement akong nararamdaman. Hindi. Hindi ito ang plano ko. Balik ako sa original plan ko. May natitira pa naman akong pera kahit paano para sa paghahanap ng trabaho. Hindi lang naman Mega Corporation ang may magandang offer. Sa totoo lang, kahit na sinabi ni Sorsya na pwede akong mag-apply anytime ay nakahiyaan ko na rin. Hindi naman ako VIP para itrato ng ganun. Parang ang kapal ng mukha ko para abusuhin ang kabaitan ng kompanya. Sa ngayon, kahit anong trabaho papasukin ko. Ang kailangan ko ay magkaroon ng experience. Ito ang isa sa nakakatawang sitwasyon bansa natin. Kaya ka nga naghahanap ng mapapasukang trabaho para magkaroon ng experience tapos hahanapan ka ng experience sa resume. Tumapat ang aking mga paa sa pinto ng isang malaking mall. Ang JFKay Mall. Maraming naglalakihang brand ang nagungupahan sa mall na ito kaya tiyak na maganda rin ang pasweldo sa mga empleyado. Kahit anong available na trabaho tatanggapin ko. Kahit cashier o taga timpla ng kape ayos lang. Pinakita ko sa guard ang printed email ng invitation ko kaya naman agad akong pinapasok. Nang marating ko ang office kung saan isasagawa ang interview ay napuna ko na ako pa lamang ang aplikante pero bukas na ito at naroon na ang isang staff. Tinuro sa akin ang tila reception area kung saan doon dapat maghintay ang mga aplikante. Napakaraming job offer na nakapaskil sa isang pin board pero hindi na ako nag-aksaya ng oras para basahin pa ang mga ito. Mag-a-alas nueve na ng umaga. Unti-unti ng nagsisipasukan sa malaking office ang mga empleyado. Ang iba ay may bitbit na kape at tinapay upang mag-almusal. Mabuti na lamang at nakapag-almusal na rin ako sa bahay kaya kahit naaamoy ko ang bango at aroma ng kape ay hindi ako naiinggit. Makalipas pa ang thirty minutes ay tinawag ako ng isang babae. “Ms. Ajero. Lapit ka na dito.” tinuro ang isang swivel chair sa tapat ng mesa. Nang makaupo siya ay saka lamang ako umupo. “Good morning, Mam. Salamat. ” Bati ko naman. “I am Mrs. Cruz. Let’s get it to the point. Marami kaming job offer sa mall pero base sa resume mo, mas qualified ka sa isang posisyon na matagal ng bakante. Medyo mapili si Boss kaya nahihirapan kaming makahanap. Palagay ko ay bagay sa iyo ang trabahong ito.” Mahabang paliwanag niya. “Mam, kahit anong trabaho ho. Willing na willing ako. Tanggapin n’yo na ho ako.” Para naman akong bata na nakikiusap. “Well then, kung ganun naman pala ay tanggap ka na. Hindi ko na i-e-explain. Doon mo na lang malalaman.” Sabi lamang niya saka nilahad ang kanang kamay. “Congratulations! Tanggap ka na.” Namilog ang mga mata ko sa tuwa. Ganun lang? Wala ng tanong-tanong? “Naku, salamat ho. Pagbubutihan ko ang trabaho kung anoan iyon.” “Wait here, tatawagan ko ang company driver na ihatid ka sa magiging trabaho mo.” “Magsisimula na ho ako? Agad-agad?” Nabigla ako, hindi naman dahil hindi ako handa kundi napakabilis naman yata ng pangyayari. At saan ako magtatrabaho? Hindi ba sa mall na ito? Pero ayos na rin. Napapagod na rin ako sa kaka-job hunting. Hmp! Naalala ko na naman ang pangre-reject sa akin ng Mega Corporation. Maya-maya lamang ay inabisuhan na ako ni Mrs. Cruz na handa na ang sasakyan. Mas lalo akong nagtaka nang siya mismo ay ihatid ako sa parking lot. Naumid ang dila ko dahil sa bilis ng pangyayari. Hindi ko alam kung tama ba itong pinasok ko. Bigla na naman nanumbalik sa ala-ala ko ang araw ng birthday ko kung kailan ako kinuha ng mga kalalakihan upang papirmahin lamang ng isang marriage certificate application. Tulad ng naramdaman ko noon, ang bilis ng kabog ng dibdib ko. Tatlong buwan na lang makakalaya na ako sa kontrata na iyon pero tila hindi ako masaya. Gusto kong makilala sa personal ang hindi ko kilala na asawa. Hindi ko maintindihan ang sarili ko pero parang gusto kong magkapamilya ng hindi ko alam ang dahilan. Marahil ay nag-iisa na lang ako. Nangungulila sa buo ang pamilya, may magulang at anak o asawa. Pero kapag si Julian ang naiisip kong lalaki ay tila asiwa ako. Hindi siya ang lalaking tipo kong maging asawa. Kaya nga kaibigan lang ang turing ko sa kanya. Namangha ako dahil hindi lang ito isang simpleng kotse kundi isang makintab at magarang limousine. Gusto ko sana munang itanong kay Mrs. Cruz ang gumugulo sa isip ko pero agad itong tumalikod pagkasara ng pinto ng kotse at nagbigay ng instruction sa driver. Bahala na. Nandito na ako. Napadasal ako ng taimtim na nawa ay walang masamang mangyari sa akin. Nang matapos akong manalangin ay dahan-dahan kong binuksan ang mga mata ko upang suriin ang loob ng sasakyan. Napaka-elegante. Halatang mayaman ang may-ari. Ano nga ba ang trabahong naghihintay sa akin? Hindi naman siguro ako dadalhin sa mga club para magsayaw ng nakahubad. Dami kong iniisip kaya pinikit ko na lamang ang aking mga mata hanggang sa maka-idlip ako. Hindi ko namalayan ang oras at hindi ko alam kung saan talaga ang destinasyon ko. Nagising ako na nakahiga na pala sa malapad na upuan ng limousine na kanina ay tila ingat na ingat akong madumihan o mabahiran ng aking pawis. Agad akong napabalikwas nang dahan-dahan ng huminto ang sasakyan. “M-Manong driver, nasan na ho tayo?” tanong ko sabay tingin sa relos ko. Alas dose na pala ng tanghali? Ha?! Ang haba pala ng naitulog ko sa loob ng sasakyan? Nasaan na kami? “Nasa Cavite lang tayo, Mam.” Sagot naman nito na sumilip lang sa salamin. “Nandito na tayo sa Hacienda ng mga Kuro. “Kuro?!” “Yes, Mam. Bakit ho? Hindi ninyo alam ang pangalan ni Bossing?John Felip Kuro. Pero mas kilala bilang JFKay si Boss.” Paliwanag ng driver na mas lalong nagsalubong ang kilay ko. “Pwede ka na bumaba, Mam.” aniya. What? Mansion? Nasa tapat ako ng isang malapad na gate ng isang mansion. Napaurong ako ng bahagya sa kinauupuan ko. Hindi ko napansin, naipagbukas na pala ako ng pinto ng driver. Dahan-dahan akong bumaba ng sasakyan. “Mam, hindi na ho magtatagal. Hanggang dito lang utos sa akin ni Mrs. Cruz.” Pagkasabi ay sumenyas ito sa guwardiya. Tumango naman ang lalaki at binuksan ang maliit na gate. “Salamat ho. Mag-iingat ho kayo.” Sabi ko naman saka ako bumaling sa guard at lumapit dito. “Magandang-araw ho. Ako ho si Naya Ajero.” pakilala ko habang pasilip-silip pa rin sa loob ng gate. Hindi ako mapakali. Manghang-mangha ako sa laki at ganda ng bahay. “Pasok ka na Miss. Inaasahan ka na ni Mr. Cruz sa loob.” Nakangiting tugon na medyo may edad na ring lalaki. Hindi ko nabasa ang nameplate niya. Saka ko na lang aalamin ang kanyang pangalan. Kahit na tirik ang araw ay hindi gaanong masakit sa balat dahil sa naglalakihang conifers na napakaaliwalas sa mata. Daig ko pa ang prinsesa na naglalakad sa isang isle. Sandali akong napahinto nang matanaw ko ang tila bilog na salamin. May naaninag ako g bulto ng tao pero nawala din. Medyo namula ako sa pagkapahiya. Marahil nakita niya ang pagkandirit ko ng bahagya. Katunayan, masayahin akong tao, kalog sabi ng mga classmates ko. Sa aming magkakaibigan, ako lang ang hindi nagtake ng master’s degree. Lahat sila ay nag-aaral pa rin. Ayos lang,ay trabaho na ako ngayon kaya kapag may oras at panahon, pwede kaming magkita-kita. Biglang bumukas ang malaking pinto at niluwa nito ang lalaking tantiya ko ay nasa mahigit singkwenta ang edad. “Good afternoon, Naya. Welcome to JPK Mansion. I am Mr. Cruz, ang butler sa mansyong ito.” “Magandang-araw ho. Base ho sa pagpapakilala ninyo ay may kaugnayan kayo kay Mrs. Cruz, tama ho ba?” Bibo kong tanong. “Tana ka, iha. Siya, tuloy na sa loob dahil naghihintay na si John sa loob. Sa kanya ka magtatrabaho.” Paliwanag ni Mr. Cruz. Wala naman akong gaanong ideya sa eksaktong description ng trabaho ko pero tingin ko naman ay kaya ko ito. “Salamat ho.” Sinundan ko lang si Mr. Cruz hanggang sa makarating kami sa isang pinto lung saan kumatok muna siya bago pinihiy ang door knob. “John, she’s here.” abiso nito. “Come in.” sagot naman ng tinawag nitong John. “Get inside iha. Feel comfortable. Tiyak makakasundo mo agad siya.” Pagkasabi ay tumalikod na ito. Maliliit ang hakbang na pumasok ako sa office pero bumungad sa akin ang malawak na office. Agaw pansin ang malinis at makintab na working taboe na tiyak ko ay gawa sa mamahaling kahoy. Amoy ko rin ang bango ng office. Familiar sa aking ang ganitong amoy ng kahoy. Tiyak ako, may halong agarwood ang mga upuan at mesa sa loob ng office. Napaigtad ako nang biglang humarap ang nakatalikod na swivel chair. “Ay, kepyas!” Sambit ko pero natutop ko rin ang bibig ko dahil sa maling salita na nasambit ko. “Is that how you introduce yourself to anyone you meet for the first time?” Magkasalikop ang kamay na sabi nito sa akin. Namilog ang mga mata ko hindi dahil sa lalim ng boses nito kundi sa napakagwapo nitong mukha. At higit sa lahat, umagaw sa atensyon ko ang nunal nito sa pisngi malapit sa tenga. “Eh? Namumukhaan kita!” Bigla kong sagot. Malalaki ng hakbang ko habang papalapit sa mesa saka ko tinuon ang dalawa kong palad dito. “Tama! Ikaw ang lalaking napangasawa sa papel! Hindi ako nagkakamali!” Excited at gigil kong sabi. Gumuhit ang gatla sa noo ng lalaki, titig na titig ito sa mukha ko na tila maghahalo na ang malalagong kilay nito. “Kepyas, I just want to make things clear.” Humugit ito ng malalim na paghinga saka tumayo mula sa swivel chair. “Excuse me? Naya ang pangalan ko. Naya Ajero. Hindi kepyas. Nagulat lang ako. Saka huwag ka ng magkaila. Ikaw nga ang lalaking kasabay kong nakidnap noong araw ng birthday ko. Tingnan mo oh, binigyan mo pa nga ako nitong mamahaling bag. May presyo pa. Hindi mo man lang ako binisita o naalala saga anniversary natin, minsan lang.” Naghihimutok kong sabi, napanup ako sa napakalambot na upuan sa harap ng lamesa. “Naya. Right? Listen. You were hired to work with me as my personal assistant. Not a wife. So stop flirting with me because I am allergic to gold diggers, understand?” Walang gatol nitong saad na nagpainit sa magkabila kong tainga. “Grabe ka ha!?” Napatayo na rin ako at tapatang hinarap ang lalaking magiging boss ko. “Ang kapal naman ng mukha mo. Hindi kita pini-flirt. Nagsasabi ako ng totoo, kinasal tayo sa papel malapit na–” Hindi ko naituloy ang sasabihin ko dahil biglang may kumatok. “Son, dumating na raw ang–” biglang nahinto sa pagsasalita ang magandang babae na nasa mahigit singkwenta lamang ang edad. “Hi, po. Naya Ajero. Ang bagong Personal Assistant ni Mr. John.” Hindi ko alam pero ang relax ko sa bahay na ito. “Oh, hi. Great. Naya, my dear. Please take a seat, let’s talk.” Masayang bati naman agad ng matanda na ipinagtaka ko. “Please, kalmahan mo lang, dear. Alam kong napaka bugnutin ng anak kong ito kaya ang kailangan mo ay mahabang pasensya at pang-unawa sa trabaho. Hindi ko na mabilang kung pang-ilan kang PA na natanggap pero walang nagtatagal. I hope you are the last, dear.” Inaboy pa ng matanda ang mga kamay ko saka ito hinaplos. “Kayang-kaya ho, kahit 24/7 pa.” Wala talagang preno ang bibig ko. Hindi ko na dapat sinabi ang bagay na iyon. “That’s what I want to tell you, dear. Hindi madali ang magiging trabaho mo but I assure you, complete benefit and well-deserve salary kapag natugunan mo ang mga dapat mong gawin sa trabaho.” “Mom, can I deal with her?” Seryosong sabi naman ni Sir John. Muntik ko ng makalimutan ang presensya niya. “Sure, son. I better go, dear.” Paalam ng matanda. “By the way, call me Tita Mailyn.” “Thank you, Tita Mailyn.” Kumaway pa ako habang sinasara ng matanda ang pinto. Nakita kong nakaupo na sa swivel chair si John, hinahaplos ang sentido at namumula ang magkabilang tainga. Nang iangat nito ang ulo ay may pinindot ito. Ilang segundo lamang ay pumasok si Mr. Cruz. “Send her to her room. She is out of her mind. Maybe she needs rest to recover.” utos nito sa matanda. What? Out of my mind? Bakit? Ano ba ang ginawa ko? Siya nga itong magy atraso sa akin. Hindi ako nagkakamali, siya ang lalaking kasama kong nakidnap at pumirma sa papel namin sa kasal. Kailangan ko malaman ang totoong profile ng bugnutin na iyon. John…John siguro ang ang isa sa mga initial ng JFK. Nalula ako sa laki ng bahay at halos hindi ko matandaan ang dinaanan namin. Wala akong nakasalubong na kasambahay. Tahimik at tanging mga hakbang lang namin ang naririnig ko sa sahog na may makapal ngunit malambot na alpombra. Nang maihatid ako ni Mr. Cruz sa sarili kong kwarto ay saka ko ang biglang naalala. Ha?! Dito ako titira? Hindi ako uuwi? Wala akong mga damit. Paano ang–teka… Napatakbo ako sa napakalaking closet. Puno ito ng damit pambabae. Karamihan ay pormal. Halos kulay puti at itim ang kombinasyon ng damit. Bigla akong naexcite pero parang hindi ako natuwa dahil ang dull ng kulay para sa akin. Napaupo ako sa gilid ng malapad ngunit malambot na kama. Hinaplos ko ito at dahan dahan kong hiniga ang katawan ko habang nakapikit. Bumungad sa aking isip ang mukha ni John. Siya talaga iyon, siya ang hinahanap ko. Kung bakit naman kasi napakalabo ng kopyang binigay sa akin noon. Halos hindi ko nabasa ang medyo buradong pangalan sa certificate. Original naman pero parang ilang bagyo na ang napagdaanan. Napadilat ako at napaawang ang bibig ko nang bigla kong naalala ang tagpo sa office kanina. Kepyas. Alam kaya niya ang ibig sabihin ng salitang iyon? s**t! Nakakahiya talaga. Di pa man ako nakakapagsimula, palpak na agad. Paano kung tawagin niya ako sa harap ng marami gamit ang salitang iyon? Sabi nila first impression last. Naya, ano ka ba naman! Sa inis ko ay nagbanyo na lamang ako. Maging ang banyo ay napakalaki. Kumpleto sa gamit. Kailangan kong maligo, nakakahiya sa kama. Amoy pawis at alikabok na ang katawan ko kaya naisipan kong maligo. Habang naliligo ay naisip ko kung ano-ano ang mga trabaho ko. May idea ako sa trabaho ng mga personal assistant pero hindi sa mga stay-in sa bahay ng employer. Bahala na, ang importante may trabaho na ako at higit sa lahat natagpuan ko na ang lalaking pwede kong ituring na pamilya. Pero paano kung matanggal din ako sa trabaho? Sabi ni Tita Mailyn, walang nagtatagal sa trabahong ito. Pwes! Ako na ang una at huling PA mo, Mr. John sungit! Gwapo nga sana kaso mukha namang natipos. Bakit kaya hindi niya ako namumuhaan? Hindi ba niya talaga ako nakilala o hindi ba niya nabasa pangalan ko? Pwede rin, baka nga ibang lalaki siya at nagkataon lang na tulad ng pwesto ng nunal sa pisngi ang nakita ko noon. Habang nandito ako, pag-aaralan ko pa rin ang lahat. Tuloy pa rin ang plano kong hanapin ang lalaking pwede kong maituturing na pamilya kahit paano. Gold Digger daw oh. Ni hindi ko nga nagastos ang perang binigay sa akin nang pumirma ako ng contract marriage. Kapag napatunayan kong siya nga iyon, isasampal ko sa mukha niya ang pera niya. Kapal ng mukha manghusga. Gold digger, agad-agad?!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD