bc

MY SECRET HUSBAND

book_age18+
18
FOLLOW
1K
READ
contract marriage
love after marriage
opposites attract
arrogant
badboy
mafia
heir/heiress
drama
sweet
bxg
serious
office/work place
multiple personality
affair
addiction
villain
like
intro-logo
Blurb

Dahil sa lungkot at takot na maging solo sa buhay, naisipan na hanapin ni Naya Ajero ang pinakasalang lalaki sa papel limang taon na ang nakalipas. Kamamatay lamang ng kanyang lolo na nagpalaki sa kanya at hindi siya sanay mag-celebrate ng mahahalagang okasyon na mag-isa kaya naisipan niyang hanapin ang secret husband at kung sino mang kamag-anak kung meron siya. Napakasimpleng pangarap pero napakahalaga nito kay Naya.

Agad naman niyang namukhaan at nakilala ang lalaking naging asawa sa papel pero itinanggi siya nito. Ayon dito ay may-asawa na rin ito. Tinawag pa nga siya nitong gold digger. Sigurado si Naya na ang kanyang boss ang kanyang asawa. Wala rin siya nakikitang wedding ring na suot ang lalaki at higit sa lahat, wala it9ng maipakitang wedding pictures o totoong asawa. Gagawin niya ang lahat makuha lang ang attention ng lalaking lihim na nagpatibok ng kanyang puso at sa pagkakataong ito ay gagampanan niya ang papel bilang totoong asawa sa kahit anong paraan matupad lang ang pangarap niyang magkaroon ng itinuturing na pamilya kahit sa araw ng pasko man lang. Pero kahit anong gawin niya ay kinamumuhian siya ng lalaki. 

Magtagumpay kaya di Naya sa kanyang plano at mayupad kaya ang pangarap niyang magkaroon ng itinuturing na pamilya sa araw ng Pasko?

chap-preview
Free preview
C1: Kidnap
NAYA'S POV ”Ay! Ano ba?! Bitiwan n‘yo nga ako!” napasigaw ako dahil bigla na lang may humawak sa mga kamay ko. Eighteenth Birthday ko at kakagaling ko lang sa school. Medyo ginabi na ako dahil nagkaroon kami ng rehearsal para sa senior high graduation namin. Nagmamadali na ako dahil alam kong naghihintay na sa bahay si Lolo Ambo. Sabi niya ay may konting handa siyang iluluto para sa hapunan. “Huwag ka ng pumalag, Miss. Trabaho lang, walang personalan. Ang kailangan lang namin ay kooperasyon mo para matapos na ito.” Narinig kong sabi ng lalaki. Hindi ko gaanong makita ang mukha nila dahil busy ako sa paghila ng kamay ko hanggang sa mapagod ako. Madilim sa kalye at kukurap-kurap pa ang malabong ilaw sa poste. Nakatapat ang bibig ng lalaki sa mukha ko kaya naamoy ko ang mabahong hininga nito na may halong amoy ng sigarilyo. Napangiwi ako. Gusto kong takpan ang ilong ko pero nasa likod na ang mga kamay ko at itinatali na ng lalaki gamit ang isang tela. Mukha namang mabait dahil mahinahon naman itong magsalita pero mali pa rin ang ginagawa nila. Hindi ba uso at toothbrush at toothpaste sa mga gangster? Napaisip kong tanong sa sarili ko. “Ano ba ang kailangan n‘yo? Mahirap lang kami. Wala kayong mapapala sa amin. Ang Lolo Ambo ko, nag-aalala na siya!” pasigaw ko pa ting sabi kahit na parang lalabas na sa dibdib ko ang puso ko sa labis na kaba. “Manahimik ka na lang, Miss.” sabi naman ng isang lalaki pero hindi ako nagpaawat kaya mas nilakasan ko pa ang boses ko. Dahil ang ingay ko nga, wala silang choice kundi lagyan ako ng busal sa bibig. Ang bilis ng mga pangyayari kaya hindi ko na rin sila namukhaan dahil nalagyan na rin agad nila ako ng piring sa mata. Kinalma ko ang sarili ko upang makapag-isip ng tama at paraan kung paano makakatakas sa mga nanguha sa akin. Ano man ang pakay nila ay hindi ko pwedeng hayaang mangyari ang bagay na gusto nilang gawin sa akin. Birhen pa ako at kailangan kung sino lang ang pakakasalan ko ang siyang pag-aalayan ko nito. Nang marating namin ang destinasyon, amoy mabango ang lugar, malinis at parang regular na nadidisinfect ang bahay. Maingat naman nila akong dinala sa isang kwarto at inupo sa isang sofa. Mukhang office ang kinaroroonan ko. “Ngayon, pirmahan mo ang mga papeles na ito kung gusto mong makauwi ng buhay at ligtas.” Napakunot ang aking noo. Papeles? Para saan? “Utos ni Boss. Importante iyan.” sagot naman ng lalaki na tila naririnig ang tanong sa isip ko. Hmp! Kung sino man iyang boss mo, pakisabi ang selfish niya! Sigaw ko sa isip ko. Pero napagtanto kong dalawa pala kaming na-kidnap nang inalis na ng lalaking mabaho ang hininga ang aking piring upang makita ko ang pipirmahan ko pero nakabusal pa rin ang bibig ko. Amoy na amoy ko talaga ang bibig niya sa tuwing lalapit ito sa akin. Napasulyap ako nang bahagya sa kapwa ko bihag. Lalaki na may mayabong at kulay itim na buhok. Nakatalikod siya kaya hindi ko nakita ang mukha pero medyo naka-side view. May nunal sa bandang pisngi malapit sa kanang tainga. At dahil na rin sa labis na kaba ay pinirmahan ko agad ang bawat ituro ng lalaking nakakurbata na nag-aasikaso ng kung ano man ang dapat kong pirmahan. Wala akong ibang iniisip sa mga oras na iyon kundi si Lolo Ambo. Ayaw kong nag-aalala sa akin si Lolo. Seryoso ba ito? Mukhang pormal na pormal at legal ang mga dokumento. Bahala na! Ang importante dapat buhay ako at makauwi kay Lolo Ambo. Tiyak nag-aalala na siya sa akin. Matapos kong pirmahan ang mga papel ay agad akong itinayo ng isang lalaki at binalik sa aming bahay na safe. Makalipas ang limang taon, graduate na ako at heto ako sa tapat ng isang prestigious building. Ang MEGA CORPORATION. Ang init ng sinag ng araw sa balat kahit alas nueve pa lamang ng umaga pero wala akong choice. Kailangan kong maghanap ng trabaho. Freshly graduate ako sa college kaya tapos na ang maliligayang araw ko. Kapag hindi ako kumilos, mauubos agad ang ipon ko. Katunayan, ang perang hawak ko ay hindi ko literal na pinaghirapan. Ito ay kabayaran sa pagpapakasal ko sa lalaking kahit kailan ay hindi ko nakita sa personal limang taon na ang nakalipas. “Oh, Miss! Dahil pumirma ka sa kontrata, eto ang bayad sa danyos perwisyo. Pasensya na, trabaho lang.” paliwanag ng lalaki habang inaabot sa akin ang isang bag na kulay itim. Natulala ako habang nakatayo sa harap ng bulok naming tarangkaran. Yakap ko ang itim na bag naay lamang pera. PERA?! Wala akong mga magulang at tanging si Lolo Ambo na lamang ang natitira kong pamilya. Pero may isa pa akong pamilya na pwedeng ituring. Ang asawa ko sa papel. Akala ko ay peke ang lahat pero nang iabot sa akin ni Lolo Ambo ang marriage certificate ay saka lang ako nakumbinse na may asawa na nga ako sa papel. Ayon kay Lolo Ambo, may sulat siyang natanggap. Hindi naman inusisa noon ni Lolo Ambo ang tungkol sa sulat kaya natutop ko ang aking bibig nang malaman ko kung ano ang laman ng sobre. Marriage Certificate?! Nagsisimula na akong basahin ang mga nakasulat sa sertipiko pero bigla akong tinawag ni Lolo Ambo kaya agad akong lumapit sa kanya habang hawak ang papel. Nabitawan ko ang papel nang makita kong hawak ni Lolo Ambo ang kanyang dibdib at nahihirapan na huminga. Agad ko siyang dinala sa ospital. Nawaglit na sa isip ko ang tungkol sa marriage certificate pero nung makauwi kami sa bahay ay hindi ko na mahanap ang papel. “Naya…ang totoo niyan ay ipinagkasundo kita sa apo ng aking kaibigan.” pag-amin ni Lolo Ambo. Nagulat ako sa sinabi niya pero hindi ako nagpahalata. Sabi ni Lolo, hindi na niya kayang tustusan ang pag-aaral ko sa kolehiyo kaya naisipan niya akong ipagkasundo sa apo ng kaibigan niya. Lihim akong nagdamdam pero nauunawaan ko naman si Lolo Ambo dahil salat na salat naman talaga kami sa pera. Lalo pa madalas na siyang magkasakit at pinakamahirap na sitwasyon ay ang maospital siya. Tinanong ko si Lolo Ambo tungkol sa mga detalye at ayon sa kanya, after five years ay mapapawalang bisa ang kasal namin ng kung sino mang poncio pilato ang nakasulat sa papel kaya hindi na ako nag-aksaya ng panahon para alamin ang pangalan ng asawa ko. Ma-expire man o hindi, ang goal ko ay makapagtrabaho at magkaroon ng panggastos naming dalawa ni Lolo Ambo. Katunayan, hindi ko ginalaw ang pera na binigay sa akin nung araw na na-kidnap ako. Ngayong malapit na ma-expire ang contract, kailangan ko na rin magsimulang maghanap ng trabaho dahil iniisip ko ang kalagayan ni Lolo Ambo. Medyo malakas pa naman siya pero may mga pagkakataon na nakikita kong nahihirapan siyang huminga. Dinala ko siya sa doktor at nalaman kong kailangan niya ng regular oxygen araw-araw. Upang makapagtrabaho, iniwan ko na lamang siya sa ospital. Mabuti na lang at may kaibigan akong doktor na pwedeng tumingin sa kanya. Bibisitahin ko na lamang siya kapag tapos na ang trabaho ko kung sakali. Sa ngayon ay kailangan ko ng source of income. Tapos ako sa kursong Office Management at kahit anong trabaho naman ay kaya kong pasukin. Matangkad naman ako at medyo may kaputian. Ayon nga sa mga classmates ko ay madali daw akong makakahanap ng trabaho dahil maganda raw ako. Tama lang ang itsura ko, saktong hubog ng katawan at hanggang likod na haba ng kulay brown na buhok. Naglagay lang ako ng kaunting petroleum jelly sa labi para hindi ito mag-dry. Nakasuot ako ng above the knee na black skirt at nakatucked-in dito ang puting long sleeve. Three inches high heels na kulay itim at shoulder bag na kulay itim. Oo nga pala. My one and only decent bag. Natanggap ko ang regalong bag sa first anniversary ng kasal namin ng lalaking hindi ko kilala. Hindi rin naman ako interesado sa kanya at higit sa lahat, kailangan kong bigyan ng oras at panahon si Lolo Ambo. Finally, nakarating din ako sa prospect kong kompanya. Maganda ang review ng Mega Corporation. Secretary ang ina-apply-an ko. Pinakita ko lang sa receptionist ang natanggap kong invitation sa email. Nang makumpirma ay nagsimula na akong umakyat sa third floor ng building. Pero bago pa man ako makalayo ay hinabol ako ng receptionist. “M-Miss Naya Ajero, sigurado ka bang secretary ang ina-apply-an mo?” Tanong sa akin ng babaeng sa palagay ko ay matanda lamang sa akin ng limang taon. “H-Ha? Oo naman. Bakit, may problema ba?” tanong ko naman sa kanya. “Ah, wala. Napansin ko kase ang ganda ng bag mo. B-Branded ang bag mo? Mukha kasing mamahalin pero hindi bagay sa outfit mo.” medyo napakamot pa nga ng batok ang babae. “Ah, sa palengke ko lang ito binili. Mukha bang original?” nakangiti kong sagot, napahaplos pa nga ako sa leather na bag ko. Hindi ko naman dapat ipaliwanag kung saan ko ito nabili o kung bakit may branded akong bag. Ayaw ko na rin ungkatin o ikwento kung gaano kamahal ang bag na ito. May resibo pa nga ito na nakatago sa kahon. Nakakalula ang presyo pero hindi ako materialistic na tao. Tinanggap ko lang ang regalong ito upang hindi na ako makarinig ng kung ano-anong reklamo kay Lolo Ambo. Ngayon ko lang din ginamit ang bag na ito dahil nanghihinayang ako at baka masira lang. Tumalikod na ako dahil narinig kong bumukas ang elevator. Nang makarating ako sa third floor ay laking gulat ko nang makita ko kung gaano kahaba ang pila ng mga nag-a-apply para sa position na secretary. “Girl, huwag ka ng umasa na mapipili ka. Ako ang mas qualified para sa trabahong ito. Besides, I am confidently beautiful with a sexy body.” bulalas na sabi ng babae sa kausap nito. Napangiwi ako. Hindi ko alam ang eksaktong requirements pagdating sa pleasing personality na sinasabi nila. Totoo naman, maganda siya at sexy pero dahil may kayabangan ang pagkakasabi niyang iyon, napangiti ako ng lihim. Overconfident masiyado. Biglang bumukas ang pinto, lumabas ang babaeng ngiting-ngiti. Mabuti pa sila nakukuhang tumawa at ngumiti samantala ako ay abot-langit ang kaba. Agad na tinawag ang babaeng bumibida sa pila. Pumipitik ang balakang nito habang pumapasok sa pinto. Napaawang kaming lahat. Tila nawalan naman ako ng pag-asa. Hindi pwede. Kung hindi man ako makakapasa bilang sekretarya, kahit ano na lang. Kahit utusan basta may trabaho lang, naisip ko. Sa lalim ng iniisip ko, hindi ko napansin na umusad na pala ang pila at napagtanto ko na ako na pala ang huling aplikante. “Ms. Naya Ajero.” narinig kong tawag sa akin ng babaeng may hawak na papel. Agad akong tumayo. Inayos ko aking palda na medyo nagusot. Humugot muna ako ng malalim na paghinga bago ako tuluyang pumasok sa office. “Good morning, Ms. Naya Ajero.” Bati sa akin ng lalaking nakasalamin na palagay ko magiging boss ko kung sakaling matanggap ako. “Good morning, Sir.” Nahihiya kong sagot. Naiilang ako sa paraan ng pagtitig niya sa akin kaya umiwas ako ng tingin. Binaling ko na lamang sa hawak niyang papel ang aking mga mata. Mukhang hindi yata ako pasado. Sigurado ako napasadahan na nila ang resume ko bago pa man ako tawagin. “You are qualified to the position, Ms. Ajero pero sad to say na may nahanap na kami para sa posisyon bilang secretary.” Simula ng lalaki. Biglang bumagsak ang mga balikat ko kaya naman napayuko ako at totoong nalungkot. Tinawag lang nila ako for formality pero hindi na pala talaga kailangan. Nang mga oras na iyon, lahat ng pangarap ko para kay Lolo Ambo. Ano ang sasabihin ko sa kanya? Masaya pa naman si Lolo Ambo kanina bago ako umalis ng ospital. Sabi niya ay sigurado daw siyang matatanggap ako ngayong araw na ito. Malapit na rin maubos ang oxygen ni Lolo Ambo at kailangan kong i-refill ang tangke. Hindi laging libre ang oxygen kaya bago pa maubos ang pera na hawak ko, kailangan kong magkaroon ng new source of income. Napalunok ako at bikig ang lalamunan na sumagot ng maayos at magalang. “It‘s fine, Sir. Thank you for letting me know.” Sabi ko habang hirap na hirap naman ang kaloobannkong tanggapin ang katotohanan. Yumuko ako saka tumalikod upang lumabas ng office. Saka lang nag-uunahan na pumatak ang luha ko sa aking pisngi. Samu’t saring isipin ang pumasok sa isip ko habang binabaybay ang hagdan sa back door. Hindi na ako gumamit ng elevator dahil ayaw kong may makakita sa akin. Hindi ko namalayan na napaupo na pala ako sa isang baitang ng hagdan at napasubsob sa sarili kong mga braso. Tuluyan na akong napaiyak sa labis na pagkabigo sa una kong karanasan sa pag-a-apply. Akala ko ay madali lang ang lahat kapag naka-graduate na. Hindi pala. Hindi ko alam kung ilang minuto akong nagtagal sa ganoong posisyon. “Pathetic.” Bigla akong napatayo na parang tuod at agad na pinunasan ang luha ko dahil sa baritonong ng isang lalaki. Hindi ako lumingon pero pamilyar sa akin ang boses nito. Nakakahiya! Hindi pa rin ako lumiingon upang tingnan ang mukha ng lalaki. Hiyang-hiy ako kaya imbes na harapin ito ay bigla akong kumariaps pababa ng hagdan na parang hinahabol ng sampung kabayo. Bahala na, hindi rin naman kami magkikita kahit kailan!

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

My SEDUCTIVE Innocent LOVER 'James Monteverde' (JAMES & JENNIEL)

read
51.7K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
140.4K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
22.3K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
81.3K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
183.9K
bc

His Obsession

read
91.9K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook