C4: Puting Rosas

2109 Words
Naalimpungatan ako sa sunud-sunod na katok sa pinto. Hindi naman ito kalakasan pero dahil matalas ang pandinig ko ay agad akong nagising. Bigla akong napatingin sa wall clock na mismong katapat ng higaan kong napakalapad. Alas sais na pala ng gabi. Agad akong bumangon upang lumapit sa pinto. “Gising na ho, Mr. Cruz.” Agad kong sabi nang bahagya kong mabuksan ang pinto. “Mabuti naman, Naya. Tuwing ika-pito ng gabi ang hapunan. Maghanda ka na dahil bago ko ilahad sa ‘yo lahat ng mga dapat mong gawin simula bukas ay dapat busog tayong pareho.” Seryoso nitong sabi pero bakas sa mukha ang bahagyang ngiti ng matanda. Hindi ko alam kung bakit pero tila masaya siya. “Salamat ho. Sige ho, maghahanda na ako.” Pagkasabi ay sinara ko na ulit ang pinto. Totoo pala talaga na dito na ako maninirahan. Binuksan ko ang ilaw saka ko naman in-off ang lampshade. Ngayon ko lang na kumpleto sa gamit pambabae ang buong kwarto. Kaninang hapon, bago ako naligo, napuna ko din angga skin care na tiyak kong mamahalin. Hindi ako gumagamit ng skin care kaya hindi ko ito pinakialaman. Ang isa sa ikinatuwa ko ay ang mga underwear na tila sinukat sa akin ang lapat ng mga ito. Puro kulay puti. Sa mga bra naman ay sakto lang din. Maraming choices kung may under wire o wala. Maging ang mga sports bra at mga kamiseta ay alam kong kakasya sa akin. Napataas ang isa kong kilay sa labis na pagtataka. Hindi naman kaya ako in-stalk ni Sir John? Paano nila nalaman ang sizes ng damit ko? Nakakapagtaka. Bago pa ako mawalan ng trabaho, kailangan ko ng kumilos. Malalaman ko rin ang lahat. Sa ngayon ay kailangan ko ring gampanan ang magiging trabaho ko nang sa ganun ay magkaroon ako ng sapat na ipon at sariling pera. Gusto kong mahanap ang mga kamag-anak ko. Kung hindi si John ang lalaking naikasal sa akin, at least may mahanap sana akong malapit na kamag-anak. Hindi ako sanay sa ganitong buhay. Kung tutuusin e parang hindi ako alalay. Hindi ko alam kung bakit ganito ang trato sa akin e kung gold digger naman ang tingin sa akin. Hmp! Hmm. Napaisip ako bigla. Kung hindi siya ang asawa ko sa papel e bakit hindi ko na lang siya landiin tutal naman mae-expire na ang contract ko sa poncio pilatong hindi ko rin naman talaga kilala. Tama. Gold Digger pala ha. E di totohanin natin. Namili ako sa mga damit na nakahanger sa isang pinto ng cabinet na ubod ng laki. Nakakalula sa dami ng damit na tila mamahalin. Nalilito ako kung alin ng ba ang bagay sa akin. Nakita ko ang isang simpleng bestida na medyo hapit sa bewang. Hindi naman sa pagyayabang pero makurba ang katawan ko at impis ang puson. Normal lang siguro dahil dalaga pa ako. Nang maisuot ko ito ay sinipat ko ang aking sarili sa salamin. Napangiti ako. Maging ako ay nasorpresa sa ganda ng lapat nito sa akin, sakto lang ang haba hanggang binti. Ngayon naman ay lumipat ako sa clear cabinet ng mga sapatos. Hindi ko alam ang isusuot ko. Nakita ko ang isang sandals na kulay puti. Palagay ko ay angkop ito sa damit ko at pwede sa loob ng bahay. Bakit kasi ganitp ang mayayaman? Sa bahay namin ni Lolo Ambo, sa labas ang tsinelas at sa loob ng bahay at ang tsinelas na gawa sa abaka. Totoo nga ang sabi ng karamihan. Ang mga mayayaman ay komplikado ang buhay. Ang daming seremonyas, ang daming dapat na sundin. Masasanay din siguro ako. Sa dami kong iniisip hindi ko napansin, malapit na pala mag-alas siete. Agad akong napatayo sa vanity chair. Agad kong sinuklay ang mahaba kong medyo kulot na buhok at hinayaan lang itong nakalugay. Inaboy ko ang isang kulay puting botelya ng pabango saka ako nag-spray mg kunti. Nagustuhan ko ang amoy nito. Dali-dali akong lumabas ng kwarto pero bigla din akong napahinto. Hindi ko alam kung nasaan ang kusina. Napatingin ako sa dingding. Wala bang blue print o mapa ng mga this way, you are here pin? Nakakaloka. Ano ba ang bahay na ito? Mall? Bago pa ako maligaw nang tuluyan ay nasalubong ko si Mr. Cruz. “Mabuti naman at handa ka na, Naya. You look great. Bagay na bagay sa welcome dinner tonight.” Puri niya na ikinaawang naman ng bibig ko. “Ho? Welcome dinner? Bakit ho?” Tanong ko sa labis na kuryusidad. “Malalaman mo rin.” saad ng matanda habang inaalalayan akong makababa sa hagdan. Hindi na ako nangulit. Katunayan, gutom na rin talaga ako. Pagpasok namin sa dining room na napalawak ay bumungad sa harap ko ang mahabang mesa. May ipang helper na unti unti ng nagpapatong ng mga pagkain sa mesa. Pero ang mas kapuna-puna ay ang lalaking nakaupo na sa dulo ng hapag-kainan. “Ah, pasensya na, Sir. Na-late ako.” paliwanag ko kay John na walang kurap na nakatingin sa akin. Agad akong kumabig ng upuan pero biglang umubo si Mr. Cruz. “Naya, doon ka uupo sa malapit kay John.” Napangiwi ako kaya napilitan akong lumapit sa kanya. Hinayaan akong makaupo ni Mr. Cruz saka lang nagsalita si John. “Welcome to my home, congratulations, and let’s eat.” sabi lang nito saka nagsimulang maglagay ng malaking panyo sa kanyang hita. Wala akong idea kung paano kumain ang mga mayayaman. Pinapanood ko lang sa mga pelikula sa TV ang mga table manners ng mga nasa mataas na antas ng buhay. Nakigaya na rin ako at narinig kong napa hagikhik ang ilang helper maging si Mr. Cruz na nasa malapit lang namin. Akma na akong magsasandok ng isang putahe na hindi ko matukoy kung ano ay saka naman may biglang pinayong sa harap ko. Mainit na cream soup. Naamoy ko ang matapang na aroma ng mushroom. Nakita kong dumampot ng tinapay si John at sinawsaw ito sa soup. Agad akong gumaya at namilog ang mga mata ko sa sarap. “Hmmm! Wow! Ang sarap naman nito. Anong soup ba ito at kailangan isawsaw ang tinapay. Grabe!” mabilis kong sambit kahit may laman pa ang bibig ko. Nakita kong napailing si John. Aaminin ko, totoong ignorante ako sa ganitong bagay. Sa hirap ng buhay namin ni Lolo Ambo, sapat na ang kanin at isda o karne na may gulay o kaya ay sinabawan. Kung ano lang ang makayanan ng budget ni Lolo Ambo. Sa tuwing may okasyon lang kami nakatikim ng spaghetti o pancit. Kung minsan ay naghahanda rin kami ng chiffon cake na walang icing. “Do you like the food?” biglang tanong ni John. “Yes, Sir. Ang sarap!” “Good, eat more. You look skinny. Focus and stop talking.” “Eh?” Hindi ko alam kung naiinis ako pero sa pagkakaalam ko, tama lang ang timbang ko sa height ko. Ang sungit naman. Napatitig ako kay John kaya napatanong ito. “What else do you need?” “Gusto ko ng kanin, 2 cups pwede?” “As expected. Serve her rice.” Utos nito sa mga nakatoka sa pagserve ng pagkain. Dahil sa sarap ng mga pagkain, naparami talaga ako lalo na sa sea foods na lobster. Ngayon lang ako nakatikim nito. Nang matapos kumain si John ay tumayo na ito pagkapunas ng bibig. “Bring her to the garden, half past nine.” Sabi nito kay Mr. Cruz. Kasalukuyan ko pa kasing sinisimot ang kanin na nirequest ko. Ang sarap, ang dami kong nakain. Parang hindi ako makatayo. Hindi ko alam ang mga kinain John dahil busy akong namnamin ang libre at masarap na pagkain. “Wow, Mam Naya. Ang dami mong nakain.” biglang sabi ng babae sa likod ko. “Oo nga eh, ang sarap kase. Pakisabi kay Chef maraming salamat at sa inyo na rin.” Ipinakilala ako ni Mr. Cruz sa mga kasambahay at agad ko naman natandaan ang mga pangalan nila. Ngayon ay kabisado ko na rin ang pabalii sa kwarto ko. Hindi na ako nagpahatid kay Mr Cruz. Wala pa namang alas nuebe kaya naisipan kong tingnan ang cellphone ko. Hindi na ako kinukulit ni Sorsya dahil minsan ay tinapat ko siya. Hindi dahilayaw ko sa offer kundi nahiya na rin talaga ako. Bukod pa rito, medyo hindi ako komportable na binibigyan ng ganitong atensyon kahit na hindi naman ako nagbigay ng oras at panahon. Baka naman naaawa lang sa akin si Mr. Kuru. Sa totoo lang, pamilyar talaga sa akin ang boses niya pero hindi ko alam kung saan ko narinig ang boses na iyon. Nag-toothbrush na ako dahil nakakahiya naman kay John, baka malansahan sa amoy ng bibig ko kapag nag-usap na kami. Mukhang seryoso at napaka-istrikto niya kaya dapat ay seryoso din ako. Maya-maya ay kumatok na ulit si Mr. Cruz upang sunduin ako. Agad naman akong naghanda. Nang marating namin ang garden ay namangha ako sa ganda nito. Halatang ginastusan hindi lang ang landscape kundi ang mga halaman na nakatanim dito. Gabi na pero kitang-kita ang ganda ng mga halaman. Bago pa ako tuluyang maaliw sa mga bulaklak ay namataan ko agad ang bulto ng katawan ni John. Nang malapit na kami ay unti-unti itong humarap. Sa sandaling ito ay para akong nabato-balani. Nakita ko na naman ang nunal niya sa mukha at totoong napaka gwapo niya. Hindi ko naman sinasabing gusto ko na siya pero bilang babae, humanga ako sa kakiisigan niya. Iyon nga lang, mukhang seryoso at hindi pwedeng biruin. Ni hindi man lang ngumingiti. “Good evening, John. Naya is here, maiwan ko na kayo.” Paalam ni Mr. Cruz na ipinagtaka ko. Akala ko pa naman ay orientation ko para sa trabaho. “Eh? Akala ko–” naputol ang sasabihin ko nang tuluyan nang umalis ang matanda. “Hey, gold digger. Listen.” Simula ni John. Heto na naman siya sa gold digger isyu. Nakakairita! “Y-Yes, Sir.” Sagot ko na lang para wala ng problema. Wala akong pakialam kung isipin niyang gold digger ako. Una sa lahat, wala siyang ebidensya. “So, you admit it.” Nagbuga pa ito ng hangin saka tumingin sa kalawakan. “What? Hindi ah! Mr. John, sumusobra ka na ha. Kung gold digger ako sa paningin mo e bakit mo ako tinanggap. Hindi ka ba natatakot na nakawan ka? O maubos ko ang kaperahan mo?” Nagpa ting na talaga ang tenga ko sa inis. “That will never happen. I hired you to work with me. Gold digging is a different story.” Pang-uuyam.niyang sagot. Hayop talaga! Nakakainis! Siya ba ang asawa ko na gustong maging pamilya? Mukhang hindi ako magtatagal dito ah! “Bahala ka na sa iniisip mo. Kahawig moi ang lalaking naging asawa ko sa papel, iyon lang ang sinabi ko tapos gold digger na agad?” Nakasimangot na talaga ako. Nakakapikon kasi. “Forget it. Starting tonight, you need to do your job.” “Ngayong gabi? Agad-agad?” “Are you complaining? Bayad ka na sa araw na ito pero nakapag pahinga ka na agad, kumain ng masarap na pagkain. You haven't done your job yet.” Nasukol naman ako sa sinabi niya kaya napakagat labi na lang ako. May tama naman siya. “Follow me.” “Ha?” Wala akong nagawa nang magsimula na siyang humakbang papunta sa pinto kung saan mga halamang namumulaklak ang naroong tanim. Ang bango. Mga puting rosas? “Everyday, every morning, pick ten white roses and place them on the vase in my office. Your call time is ten so manage your time.” “Noted, Sir.” Simpleng sagot ko. Palagay ko ay mahilig talaga siya sa white roses. Bigla akong napaisip. Bakit nga pala wala akong ibang makitang miyembro ng pamilya niya. Nasaan ang mama at papa niya? “Ah, Sir John. Nasaan ang parents mo?” Wala sa loob na naitanong ko. Pagtingin ko sa mukha niya ay tila makulimlim na langit ang bumahid na lungkot sa mukha nito. Naintindihan ko agad. Ulila na rin siguro si John gaya ko. “Come to my office on time tomorrow. Malalaman mo ang lahat ng job description mo. For now, follow me to the room.” mahabang sabi nito saka humakbang palabas ng pinto. Nagtataka man ay sumunod na lamang ako. Siguro naman wala siyang ipapagawa g bagay naasama sa akin. Hindi naman ako kinakabahan. Nang makarating kami sa tapat ng kwarto niya ay saka lang ako nakaramdam ng kabog ng dibdib. “Get in.” utos niya na lalong nagpabilis ng t***k ng puso ko. Ano kaya ang gagawin namin sa kwarto niya? Parte ba talaga ito ng trabaho ko bilang private personal assistant? Weird.

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD