EVERYONE was panicking. Mabilis akong hinila ni Zeke at ang una niyang ginawa ay masiguradong protektado ako. May babaeng na-hostage ng isang waiter. Ako ay hindi lumalayo kay Zeke dahil natatakot akong baka mamaya ay isipin na lamang ng hostage-taker na pagbabarilin kami rito. “Z-Zeke, wala ba tayong gagawin?” tanong ko. Hinawakan ko ang braso niya at tumingin sa kanya. “Save her—” “Not my job,” tipid niyang sagot. Tiningnan niya ang wristwatch niya habang ako ay hindi makapaniwala sa sinabi niya. Ilang sandali pang kinukumbinsi ang hostage-taker nang bigla na lamang itong natumba sa sahig at nabitawan ang babae. Ang bilis ng pangyayaring iyon na kung hindi ko pa nakita na lumalabas ang dugo sa ulo ng hostage-taker ay hindi pa ako maniniwalang patay na ito. Iniwan ata ako ng dugo k