SIMULA
ABALA ang lahat sa magaganap na kasal. Ang bride ay nasa loob ng kanyang kotse habang ang groom naman ay nasa loob na ng simbahan.
Panay ang pagbuntong-hininga ng bride dahil sa sitwasyong kinalalagyan niya ngayon. She’s going to marry someone that is a stranger to her. Ni hindi niya pa nga nakikilala ng personal ang magiging groom niya. Ipinagkasundo lamang siya ng kanyang ama rito, ni wala siyang boses upang tumanggi.
May kumatok sa salamin ng kanyang sinasakyang kotse. Pinagbuksan niya ito at nakita niya ang kapatid niyang malungkot na ngumiti sa kanya.
“Ate Eula,” bati ng nakababatang kapatid ng babae. Naupo ito sa tabi ni Eula bago hawakan ang kamay ng kanyang kapatid. Napatingin pa ito nang mapansin na nanlalamig ang kamay ni Eula.
“Malapit nang magsimula ang kasal, handa ka na ba?”
Pagod na ngumiti si Eula bago muling huminga nang malalim. “Hindi, Entice. Hindi ako handa pero alam ko naman na wala akong magagawa, hindi ba? Ito ang gusto ni Papa at kapag tumanggi ako…sasaktan niya ako.”
Niyakap ni Entice ang kanyang kapatid. “Kung sana ay ako na lang, ate. Okay lang sa akin magsakripisyo. You deserve to be happy, sa lahat ng napagdaanan mo sa kamay ng ating ama at hindi iyong ganito.”
“It’s fine, En. Kung susuwayin natin si Papa ay baka madamay ka lang sa hagupit ng galit niya sa akin. Magiging okay rin ako. Kailangan ko lang namang maging mabuting asawa sa mapapangasawa ko.”
Humiwalay si Entice sa kanyang kapatid na si Eula. May pag-aalala sa kanyang mukha.
“Pero ate, we heard a lot of rumors about your soon-to-be-husband. He’s merciless and heartless. Wala kang maririnig na magandang katangian na kadikit ng pangalan niya. Ang sabi, sa lahat daw ng henerasyon ng mga Benavidez ay siya ang malupit. Natatakot ako na baka hindi ka na nga masaktan ni Papa ay ang asawa mo naman ang mananakit sa ‘yo.” Humigpit ang pagkakahawak ni Entice sa kamay ng kanyang nakakatandang kapatid.
“Hindi naman siguro…” Patagal nang patagal ay lumiliit ang boses ni Eula, tila napagtatanto niya ang sinabi ng kapatid.
Naputol ang kanilang pag-uusap nang sumilip ang stepmother ni Eula at sinabihan si Entice na lumabas na ng sasakyan dahil magsisimula na ang kasal. Pinaalalahanan din niya si Eula na ngumiti naman at magpanggap na masaya. Isang pagkakamali ay alam nilang malalagot si Eula sa kanyang malupit na ama.
Sa kasal na ito unang makikita ni Eula ang itsura ng kanyang mapapangasawa sa personal. Madalas ay sa litrato lamang niya ito nakikita. Ang alam kasi niya ay masyadong abala ang mapapangasawa niya sa trabaho. May mga oras din na nasa ibang bansa ito. Ang tanging nakakausap niya sa kasal ay ang magulang ng lalaki.
Abot-abot ang kabang nararamdaman niya habang naglalakad sa aisle ng simbahan. Kasama niya ang kanyang ama at ang stepmother niya na parehong maghahatid sa kanya sa altar upang maiabot sa kanyang mapapangasawa ang kanyang kamay.
“Be a good wife, Eula. Kapag ikaw ay hiniwalayan ng asawa mo, mananagot ka sa akin. Sundin mo ang lahat ng sasabihin niya sa ‘yo. Don’t displease him and don’t shame our name. Malaki ang magiging impact ng kasal mo sa mga negosyong mayroon tayo kaya ayusin mo ang pagiging asawa mo.”
Napatingin si Eula sa kanyang ama nang sabihin ito sa kanya. Nakangiti man ang ama niya habang nakatingin sa mga bisitang dumalo sa kanyang kasal ay takot ang naramdaman niya sa mga salitang binitiwan nito.
Nakita ni Eula ang kanyang mapapangasawa. Para bang gusto na niyang umatras nang magtama ang paningin nilang dalawa. Na kahit nakabelo siya ay tagos ang titig ng lalaki rito.
Nakaramdam siya ng takot at panlalamig sa kanyang buong katawan. The man’s presence screams viciousness and danger. Bukod pa roon, ang malalamig at tila walang emosyong mga mata nitong nakatingin sa kanya ay sapat na upang manlambot ang kanyang tuhod.
“Zeke, ikaw na ang bahala sa anak ko, ha?” nakangiting sambit ng ama ni Eula sa lalaki habang iniaabot ang kamay ng kanyang anak.
Nanlalamig ang kamay ni Eula nang hawakan iyon ni Zeke. Napatingin siya sa kamay ng babaeng mapapangasawa bago muling titigan ito ng diretso sa kanyang mga mata na akala mo’y tumatagos sa belo ng babae.
“I will, sir,” pormal na sagot ni Zeke sa ama ni Eula bago sila sabay na magtungo sa altar at simulan ang seremonyas ng kasal.
Balisa si Eula sa buong seremonyas ng kasal, na natauhan lamang siya at napagtantong totoo ang nangyayari sa kanya nang sumagot si Zeke ng mga salitang: “I do.”
Tumingin ang pari sa kanya. Napalagok siya nang siya na ang tatanungin ng pari para roon.
“Do you, Eulalia Clementine Henriquez, take Tatius Zechariah Benavidez to be your husband, to cherish in friendship and love today, tomorrow, and for as long as the two of you live, to trust and honor him, to love him faithfully, through the best and the worst, whatever may come, and if you should ever doubt, to remember your love for each other and the reason why you came together with him this day?”
Hindi kaagad nakasagot si Eula sa itinanong ng pari sa kanya. Gusto niyang umatras ngunit alam niyang wala na siyang ibang choice kung hindi ang maikasal. Ang matali sa isang lalaking tila panganib ang dala sa kanyang buhay.
Tumingin si Zeke kay Eula at tila naiinip sa magiging sagot nito. Huminga nang malalim si Eula nang maalala ang magiging kapalit kung sakaling hindi siya sumagot na naaayon sa kagustuhan ng kanyang ama.
“I-I do, Father.”
Gusto mang bumuhos ng kanyang mga luha nang isagot iyon ay hindi iyon nangyari. Ang bigat ng kanyang nararamdaman ay naiipon na lamang sa kanyang dibdib.
Nang sabihin ng pari na maaari nang halikan ng groom ang bride ay nagharap na ang dalawa.
Tinanggal ni Zeke ang belo na nakaharang sa mukha ni Eula. Mas lalong naging malinaw kay Eula ang malamig na ekspresyon ng kanyang ngayon ay asawa na.
Dahan-dahang lumapit si Zeke kay Eula habang siya ay mariing ipinipikit na lamang ang mga mata.
Mabilis na hinalikan ni Zeke si Eula sa labi nito. Nagpalakpakan ang lahat at tila masaya sa nangyaring kasal. Isang tao lamang siguro ang nagsisisi sa lahat ng nangyari—si Eula.
Nakaharap ngayon si Eula sa isang malaking salamin ng tukador ng isang engrandeng kwarto at sinusuklay ang kanyang buhok. Inihahanda niya ang sarili sa mangyayari ngayong unang gabi ng kanyang kasal.
Habang nagsusuklay ay bumukas ang pinto ng silid at natanaw niya sa salamin ang repleksyon ng kanyang asawa na naglalakad papalapit sa kanya.
Ibinaba ni Eula ang kanyang suklay at marahang humarap kay Zeke, who is standing with pride and honor behind her.
“You can refuse if you don’t want me to do this,” malamig na saad ni Zeke sa kanyang asawa.
Napayuko si Eula. Ayaw niya. Ayaw niyang mahawakan siya ng lalaking hindi niya naman mahal. Ayaw niyang may mangyari sa pagitan niya at ng lalaking hindi niya nakilala maliban sa araw ng kasal niya. Ngunit ano pa nga bang magagawa niya. Kailangan niyang punan ang pangangailangan ng kanyang asawa. Kung gugustuhin nito na may mangyari sa kanilang dalawa ay hindi siya maaaring tumanggi. Iyon ang itinatak ng kanyang ama sa kanyang isipan.
Bumuntong-hininga si Zeke kaya’t nag-angat ng tingin sa kanya si Eula. Nanlaki ang mga mata ni Eula nang makita niyang naghuhubad ng kanyang damit si Zeke.
“If you’re not going to say anything to stop me, I will take it as permission to have s*x with you.”
Mariing ipinikit ni Eula ang kanyang mga mata at huminga nang malalim. Tumayo siya sa pagkakaupo at dahan-dahan na ring hinubad ang kanyang suot na night dress.
Umawang ang labi ni Zeke, nabigla rin sa ginawa ng kanyang asawa. Ganunpaman, ang tawag ng kanyang laman ay mas higit sa iba pang nararamdaman niya.
Kaagad niyang hinila ang asawa upang siilin sa isang malalim na halik.
Nabigla si Eula kaya’t wala na siyang oras na ipikit pa ang kanyang mga mata. The next thing she knows, nakahiga na siya sa kama at nakaibabaw na si Zeke sa kanya.
Mabilis ang kilos ni Zeke. Tinanggal niya ang suot na underwear ni Eula. Tumingin si Zeke kay Eula sa huling pagkakataon bago muling magsalita.
“You can still stop me,” sabi ni Zeke sa isang napapaos na boses.
Huminga nang malalim si Eula at umiling. “This is my obligation as your wife. You don’t have to ask me again. Do it.”
Kumuha si Zeke ng condom, inilagay iyon sa kanya bago pinosisyon ni Zeke ang kanyang sarili at marahang ipinasok ang kanyang kaselanan sa loob ni Eula. Napasigaw si Eula sa naramdamang sakit at hapdi habang tinatanggap ang kabuuan ng kanyang asawa.
Napasabunot si Eula sa buhok ni Zeke habang dahan-dahan pa ring ipinapasok ni Zeke ang kabuuan niya rito.
Tumulo ang luha ni Eula nang maramdaman niya ang kabuan ni Zeke sa loob niya. Dahan-dahan ay nararamdaman niya na rin ang pagkilos ni Zeke.
Magkahalong pagnanasa at pait ang nararamdaman ni Eula ng gabing iyon. Nadadala siya sa ginagawa ng asawa niya ngunit naluluha at nakakaramdam ng pait dahil hindi siya sigurado kung ito ba ang buhay na ninanais niya.
Mainit ang gabing pinagsaluhan nilang dalawa. Ni hindi na nga maalala ni Eula ang ibang detalye dahil sa pagod nito.
Nagising na lamang siya kinaumagahan na wala na sa tabi niya ang asawa. Napag-alamanan niyang umalis ito ng bansa ng umagang iyon at iniwan siyang mag-isa.