“RAYA,” pagtawag ko sa kasama ko. Naandito kami ngayon sa may poolside. Walang pasok si Entice at gusto niyang mag-relax. Habang siya ay nagsi-swimming, ako naman ay nakaupo sa sun lounger. Sa gilid ko ay nakatayo si Raya. Nasa loob ng bahay sina Miles. Hindi masydong marami ang nakakabit sa aking mga tauhaan dahil nasa loob lang naman ako ng bahay. Lahat ng bantay ko, nakakalat sa buong bahay. “Matagal ka na bang nagtatrabaho kina Zeke?” Kinuha ko ang pineapple juice ko at uminom doon. Tiningnan ko si Raya habang naghihintay ng sagot mula sa kanya. “Matagal na po ako sa mga Benavidez, Ma’am. Sa kanila na po ako lumaki.” Ngumiti si Raya sa akin bago magpatuloy. “Dati rin pong nagtatrabaho kina Sir Zavian ang aking mga magulang at nang mamatay sila, hindi naman po ako pinabayaan ng mga B