HINDI ko na ulit kinausap si Zeke matapos ang naging pag-uusap namin kanina tungkol sa anak. Ayaw niyang magkaanak.
Maaga pa naman talaga para isipin iyon, pero binabalak niya ba sa future? Hindi ko masabi. Parang ayaw niya talaga.
Nakatalikod ako sa kanya nang matulog ako. Ayoko siyang tingnan dahil ipapaalala lamang nito sa akin kung gaano katalim para sa ‘kin ang mga sinabi niyang salita. Kung para sa iba o kay Zeke, baliwala iyon, sa akin ay malaking bagay ang mga sinabi niya.
Pinilit ko na lamang ang sarili na matulog while Zeke is beside me. Patay na ang mga ilaw at lamp na lang niya ang bukas. May tinatrabaho pa rin kasi ito sa kanyang laptop kahit gabi na.
Hinila rin naman ako ng antok at nakatulog sa gabing iyon. Napaginipan ko pang sa kalagitnaan ng pagkakatulog ko ay may yumakap sa akin. Ang gaan ng pakiramdam ko at ang sarap ng tulog nang mga oras na iyon.
Kinabukasan ay plano naming dumalaw sa mga magulang ni Zeke, pero bago kami pumunta roon ay nagtungo muna kami sa headquarters ng organisasyon nila.
Manghang-mangha ako nang makita ko ang exterior at interior doon. Sobrang higpit din ng seguridad. Sa una, iisipin mong sa isang malaking korporasyon lamang ang buong building pero hindi, para ito sa kanilang mafia organisasyon at kung hindi miyembro o hindi ka pinaunlakang pumunta rito, hinding-hindi ka makakapasok.
Dinala ako ni Zeke sa isang silid. Akala mo ay isa itong five-star hotel room.
“I just have a meeting to attend to,” panimula niya. “Don’t leave this place.”
Sumunod ako sa gusto niya. Bawal naman akong umangal. Ayokong malaman kung anong parusa ang ibibigay sa akin ni Zeke kung sakaling hindi ko siya sundin.
Kasama ko si Raya. Sumama kasi si Miles kay Zeke at mukhang may ipapagawa rito si Zeke.
Ang kabuuan ng floor kung nasaan ako ay maihahambing mo sa isang five-star hotel. May mga rooms at mga leisure facilities kung gusto mong mag-relax. Hinayaan akong magliwaliw ni Raya, thinking it was safe for me since lahat ng naririto ay tauhan ng mga Benavidez.
Nakita ko na may poolside ritn dito, may casino, gym, at iba’t iba pang maaari mong pagkaabalahan na bukas lamang para sa Benavidez family. Napansin ko ang isang elevator. Iniisip na sa ibang floors ay kagaya rin ng floor na ito, sumakay ako. Hinayaan ko kung saang floor ako madala nito.
Apat ang nakita kong elevator kanina. Ang isa ay naiiba sa tatlong tila ordinaryong elevator lang. Tingin ko ang isa ay kailangan mo ng access.
Sa buttons ng elevator na sinakyan ko, napansin ko na wala ang ibang floors doon. Iilan lamang ang floor na maaring puntahan ng ordinaryong elevator. Siguro, restricted sa mga panauhin ang floors na wala rito.
Bumukas ang elevator at humakbang ako palabas. May ilan akong nakikitang tao pero hindi ganoon karami. This floor looks like an office more than a hotel, hindi kagaya ng pinanggalingan ko kanina.
Napatingin sa akin ang ibang empleyado at hindi nakawala sa akin ang gulat sa kanilang mga mukha. Ang ilan pa ay nagbubulungan.
Hindi ko sila pinansin. Mas maganda kung hindi ko masyadong iisipin kung anong pinag-iisip nila tungkol sa akin.
Tumigil ako sa paglalakad nang makita ko si Zeke na pumasok sa isang silid. Kasunod niya ay ang isang babaeng tila kinakausap siya. Sa likod nila ay mga lalaking tauhan nila.
Kumunot ang noo ko nang mahagip ng aking paningin kung paano hawakan ng babae si Zeke bago sumara ang pinto. Hindi iyon nagustuhan ng aking puso kaya nag-iba ang aking timpla.
Wala ako sa sariling naglakad patungo sa pinto kung saan ko nakita si Zeke at ang babaeng naglalakad papasok.
Hinarangan ako ng mga lalaking nasa labas. Tumingin ako sa kanila at nakita ko ang pagkagulat sa mga mata nila.
May ibulong ang isa sa kasamahan niya at narinig ko iyon.
“That’s Mrs. Benavidez. Asawa ni Boss.”
Tumingin ulit sa akin ang dalawang lalaki. Mukhang pareho silang nagdadalawang-isip kung hahayaan ba akong pumasok o paaalisin ako dahil bawal ako sa loob.
Bakit ako bawal? Makikita ko ang ginagawa ni Zeke kasama ang babae roon?
“Nasa loob ang asawa ko, hindi ba? I want see what’s going on inside.”
Alam ko na hindi nila ako sasaktan kaya malakas ang loob kong magpakatapang. Unlike kapag sina Zeke ang kaharap ko.
“Ma’am, pasensya na po pero—”
Kumunot ang noo ko at hindi ko man intensyon na samaan sila ng tingin ay iyon ang nangyari. Malalim na humugot ng paghinga ang dalawa bago tumango at buksan ang pinto para sa akin.
“Thank you,” saad ko bago magdesisyon na pumasok sa loob ng silid.
Hindi pa ako tuluyang nakakapasok ay napatigil na ako nang makita ko si Zeke na nakatingin sa akin. Dahan-dahang kumunot ang noo niya nang makita ako habang ako ay gulat sa nasaksihan ko.
Inaasahan ko na siya lamang at ang babae ang makikita ko rito pero hindi ganoon ang aking nadatnan.
Nakatingin sa akin ang mga kausap ni Zeke. Nasa isang meeting ata sila at naistorbo ko sila sa kanilang pag-uusap dahil sa pagpasok ko.
Nakita ko ang babae na isa sa mga tinitingnan akong mabuti.
Maraming naririto. Bukod kay Zeke at sa babaeng hindi ko kilala, may mga iba pang panauhin at mostly lalaki. Kasama ng bawat lalaking nakaupo ay mga lalaki namang nakauniporme na nakatayo sa kanilang likod, sa tingin ko ay mga tauhan nila.
Umawang ang aking labi, handa na sanang humingi nang paumanhin nang marinig ko ang boses ni Zeke.
“Get out!” sigaw niya.
Lalo akong nataranta dahil nagtaas ng boses si Zeke sa akin. He was always so calm and composed whenever he was around me, kaya ang sigawan niya ako ay ikinabigla ko.
Nanlilisik ang mga mata ni Zeke habang ang iba naman ay tila ba pinag-aaralan ako. Nakita ko pa ang isang ngumisi sa akin.
“Is that your wife, Benavidez—”
“I said, get out!”
Agad na may pumasok na mga lalaki at hinawakan ako. Ang aking mga paa ay tila nag-ugat sa sahig at gustuhin ko mang umalis ay hindi ko magawa. Nanigas ako roon at natakot sa pagsigaw ni Zeke sa akin.
I want to cry and say sorry pero ayoko ring gawin ito sa harap nang maraming tao.
“Ma’am, mas mabuti pa pong umalis na kayo rito.”
Nagpatianod ako sa kanila, tulala pa rin at paulit-ulit sa akin ang nakakakilabot na boses ni Zeke. Ni hindi ko na nga napansin na nasa labas na ako.
Bumukas ulit ang pinto at lumabas si Zeke. He’s restrictive but you can feel how unpleased he is, that showing up in the room unannounced enraged him.
“I’m sorry…” Kahit hindi ko alam ang dahilan bakit siya nagagalit ay humingi ako ng paumanhin. Dahil ba nakaabala ako sa kanya kaya siya ganito?
“What did I tell you? Stay in that f*****g room!” His voice was restrained pero naramdaman ko ang galit mula roon na siyang nagpanginig ng buong sistema ko.
Zeke’s mad as hell.
“S-Sorry—”
“I don’t need your apologies.” Mariin niyang ipinikit ang kanyang mga mata at hinilot ang sentido niya. “Raya!”
Like a dog summoned by his master, dali-daling nagpakita si Raya kahit hindi ko napansin na naririto siya kanina.
“S-Sir—”
“I gave you clear instructions about my wife.” He’s back to his usual expression—malamig ngunit maawtoridad. Manginginig ka pa rin sa takot lalo na’t tinatago ni Zeke ang tunay na nararamdaman.
Tininingnan ko si Raya. Sa unang pagkakataon, nakitaan ko siya ng takot at halos mamutla na ang kanyang mukha habang tinitingnan si Zeke. Naalarma ako roon kaya sumingit ako kahit na ayoko na sanang makipag-usap kay Zeke.
“Don’t blame her. Ako ang umalis kahit mahigpit ding sinabi sa akin ni Raya na hindi ako maaaring umalis doon. I was in the wronged, Zeke.”
Tiningnan lang ako ni Zeke at hindi nagsalita. Umiling siya sa kanyang sarili, halata ang pagkadisgusto sa nangyari.
“Go back to your room and wait for me.” At tinalikuran niya na kami.
Marahan akong hinila ni Raya. Ramdam ko ang panlalamig sa kanyang kamay kaya nag-angat ako ng tingin sa kanya. Nakatalikod siya sa akin kaya’t hindi ko makita ang kanyang itsura.
Naghihintay na lamang kaming dalawa ng elevator nang may marinig akong dalawang pagputok ng baril.
Agaran ko iyong nilingon at nakita ko na wala nang buhay ang dalawang lalaking nagbabantay ng pinto at nagpapasok sa akin kanina.
Natulala ako roon habang si Zeke ay parang walang nangyari at muling pumasok sa loob ng silid. Did he just kill them?
“Ma’am, tara na po.”
Ramdam ko ang panginginig sa boses ni Raya kaya hinayaan kong mahila niya ako pero ang aking atensyon ay nakatuon pa rin sa dalawang lalaking pinabaril ni Zeke. Nililinis na ngayon ang kanilang walang buhay na mga katawan at may dalawang lalaking pumalit sa pwesto nila.
Did they die because of me? Kasi pinapasok nila ako sa silid?
I gasped with the realization. Tumingin ako kay Raya na nakatingin sa kawalan. Mangyayari rin ba iyon sa kanya dahil iniisip ni Zeke na sinuway siya nito at hinayaan ako?
People will die because of me. Kahit ako ang may kasalanan, ang mga taong nasa paligid ko ang magbabayad sa pagkakamaling nagawa ko. It hits me so much, namutla rin ang aking mukha at tila iniwan ng dugo.
Hanggang makabalik ako sa silid na pinag-iwanan sa akin ni Zeke kanina, wala ako sa sarili ko.
“Ma’am, dito lang po kayo. Kung may kailangan po kayo, n-nasa labas lang po ako.” Magalang na iniyuko ni Raya ang kanyang ulo bago maglakad papunta sa pinto ng silid.
Tumayo ako at hinabol siya. Natatakot ako sa mga naiisip. Gagawin din kaya ni Zeke ang ginawa niya sa dalawang lalaki kanina kay Raya? Will he kill her, dahil iniisip nito na pinabayaan ako ni Raya? Who are those people inside the room?
“Pasensya na sa nangyari kanina. Napagalitan ka pa ni Zeke. Kakausapin ko siya—”
“You don’t have to apologize, Ma’am. Kasalanan ko po dahil pinabayaan ko kayo kanina ganoong mahigpit kayong ibinilin ni Sir Zeke sa akin.” Muli siyang magalang na nagpaalam sa akin bago lumabas ng silid ko.
Bumagsak ang aking balikat dahil sa nangyari. Hindi ko akalain na ganito ang kalalabasan ng lahat ng aksyon ko.
Nanghihina akong naupo sa kama. Doon ako sinampal nang malakas na katotohanan. Zeke is part of a mafia organization—he’s the boss. Sa ganitong paraan niya pinarusahan ang mga nagkamali sa kanya. He doesn’t show mercy—he’s ruthless even. Ang pumatay ay wala lang sa kanya, that’s the easiest and fastest way for him to clear his path and erase those he thinks are hindrance to him.
Paano kung dumating ang panahong mapagtanto niyang pabigat din ako? Will he erase my existence, too? Hindi ako sanay sa ganitong buhay. I don’t witness killing in my daily life not until I became his wife! Hindi ko alam paano ko maaatim na may patayin na lang sa aking harapan na hindi ako dinadalaw ng konsensya ko kahit hindi naman ako ang pumatay sa kanila.
Will I ever get used to this? I don’t know.
Hindi ko alam kung anong mas kaya ko, ang makita ang ibang tao ang nagbabayad sa mga pagkakamali ko o ako ang apihin at bugbugin dahil dito. Which one is better? My life with my father or my life with Zeke? None. Both are living hell.
Bumukas ang pinto at pumasok si Zeke. Tapos na siguro siya sa meeting niya.
Nanatili lang akong nakatingin sa kanya at walang imik. Natatakot ako na kung ano mang sabihin ko ay magpagalit lang muli sa kanya.
Naalala ko bigla si Raya. Napatayo ako at tinangkang maglakad palabas upang masigurado na naandoon siya at buhay pa.
Hinarangan ni Zeke ang daraanan ko. Tumingin ako sa kanya at agad ko iyong pinagsisihan, because his fiery eyes are piercing right through me.
“S-Si Raya?” Did he kill her? Huwag naman sana. Baka hindi ko na kayanin kung tatlong tao ang namatay ngayon dahil sa ginawa ko kanina.
Hindi sumagot si Zeke kaya nanginig ang aking katawan. Adrenaline rushes through me. My brain is sending me signals.
Hinawakan ko ang damit ni Zeke at tiningnan siya ng diretso.
“Si Raya, Zeke? Did you do something to her—”
“She’s outside.”
Naiwan sa ere ang mga susunod kong sasabihin sa kanya nang sinagot niya ako. Nakahinga ako nang maluwag at binitawan siya.
My breath was hitching. Nasa gitna ng kaba at paggaan ng loob ang aking nararamdaman. Good thing, she’s alive.
“I didn’t intend to shout at you earlier. It was an impulsive action.” Malalim na paghinga ang pinakawalan ni Zeke. “Now you know the consequences of your actions, Eula. That is why I told you to behave and follow my words. People around you will be the ones to suffer if you try to defy me again.”
“B-Bakit sila? Bakit hindi ako ang magbayad kung may nagawa akong pagkakamali?”
“I’ll give you your punishment, but I wouldn’t turn a blind eye to those who threaten your safety or put you in a dangerous situation, Eula. Your safety will always be my priority. Raya and those two men guarding the meeting room just put you in a life-threatening situation, and for that, they need to be held accountable.”
Zeke is more than capable of anything. Wala siyang konsensya—a heartless. Para lang siyang pumapatay ng insekto sa tuwing kumikitil siya ng buhay. Hindi ko pa alam ang mga ginawa niya noon pero base sa nasaksihan ko kanina, this man has no heart.
But wait, did he just say life-threatening? Anong life-threatening sa nangyari kanina? Ipinilig ko ang ulo ko, mas inunang tanungin ang tungkol kay Raya.
“Will you do something to Raya? She’s good to me. Huwag mo siyang saktan. Wala siyang kasalanan. Ako na lang.” Mas sanay ako sa pananakit ng ibang tao.
Hindi ko na matingnan ng diretso si Zeke. Natatakot akong makita niya ang ekspresyon ng mukha ko ngayon.
“No, not yet.” Sandali siyang tumigil bago muling magsalita. “If you’re done preparing, we’ll go now. Mom and Dad are waiting for us.”
Mabilis akong sumunod kay Zeke, natatakot na may hindi na naman magandang mangyari kung sakaling suwayin ko siya.