SA byahe papunta sa bahay ng mga magulang ni Zeke, tahimik lang ako. Pinipigilan ko ang tumingin sa direksyon ni Zeke dahil ayoko muna siyang makita. Masyado pa akong gulat sa mga pangyayari at hindi ko alam paano haharapin ang asawa.
Nanlalamig pa rin ang kamay ko pero kalmado na ako dahil alam kong hindi niya naman isusunod si Raya sa mga lalaking kinitil niya ang buhay kanina.
Napapikit ako nang maalala ko ang dugo na nakakalat mula sa mga lalaki kanina dahil sa pagbaril sa kanila ni Zeke. Inisip ko pa na dugo ko iyon. Kung saan nanggaling ang ganoong ideya, hindi ko alam.
Nakarating kami sa malaking bahay ng kanyang mga magulang. May nagbukas ulit ng pinto ko kaya lumabas ako. Hindi ako makatingin sa mata ng mga tauhan ni Zeke. Pakiramdam ko ay alam nila ang nangyari kanina at nahihiya ako dahil alam kong kasalanan ko ‘yon. With the simplest carelessness of mine, may mga napapahamak.
Katulad nang parating ginagawa ni Zeke, hinintay niya akong makalapit sa kanya at sabay kaming naglakad papasok ng bahay. Mainit kaming sinalubong sa tanggapan. Nakita ko agad ang ina ni Zeke. Her beauty is unmatched. Kahit may edad na at dalawang anak, hindi mo maiisip na tumatanda siya.
Her skin is glowing and smooth. Sa mukha naman ay wala kang makikitang wrinkles or sign of aging. Mrs. Triana Benavidez has a long wavy hair, na sumusunod sa bawat galaw niya. Like me, she also has pouty lips. Isa nga lang ang napansin ko, may pagkakataon na nahihirapan siyang lumakad at para bang mawawalan ng balanse—
Agad kaming naalarma nang muntikan na siyang ma-out of balance. Nilapitan siya agad ni Zeke at inalalayan. Dinaluhan din ng kanyang asawa si Tita Triana at inalalayan.
“Are you okay? I told you to wait for me.” Bahagyang kumunot ang noo ni Mr. Zavian Benavidez. Kinilabutan ako dahil si Zeke ang nakikita ko.
“I’m fine. I just can’t wait to see my son with his wife!”
Niyakap ni Tita Triana si Zeke habang ako ay pinapanood silang dalawa. Napansin niya agad akong nakatingin sa kanila kaya humiwalay siya kay Zeke at lumapit sa akin. Inalalayan ito ni Zeke hanggang makalapit sa kinaroroonan ko.
Pilit akong ngumiti kahit na kabado akong makita ulit sila. Madalas silang makausap ni Papa at kung makikita ko man sila noon, hindi ako nagsasalita. Ngayon, hindi ko alam ang gagawin ko.
“Hi, Eula.” Niyakap ako ni Tita Triana. “How are you, hija?”
“I-I’m fine po, Tita—”
Agad siyang kumawala sa akin at nanlalaki ang mga mata. “Tita? Call me mommy or mama! Whatever suits you.”
Tumango ako at niyakap niya akong muli. Nanginit ang puso ko sa yakap na iyon, na wala man sa plano ay niyakap ko rin siya pabalik. A hug from a mother.
Hindi ko na masyadong matandaan kung paano ba mayakap ng isang ina. Maagang nawala sa akin si Mama at halos wala na akong masyadong alaala sa kanya. Ang tanging alam ko lang ay sinabi ni Papa na sakit ang dahilan bakit ito namatay.
Kumawala sa yakap si Tita—Mommy. Napangiti ako sa kanya dahil nawala ang kaba ko sa ginawa niya.
Humarap kami sa dalawang lalaking pinagmamasdan lang kami at parehong walang emosyon. Like father, like son.
“Dad,” bati ko kay Tito—Daddy. Kailangan ko nang masanay.
“Eula,” bati niya sa akin pabalik. Sobrang tipid nito at lamig na nanginig ang tuhod ko.
“Let’s eat! We prepared a lot of foods, sana magustuhan mo, Eula.” Iginaya ako nina Mom papunta sa dining hall. Hindi nakawala sa akin ang mga muwebles na nakikita ng mga mata ko. Sobrang gara at engrande ng kanilang bahay. Ni wala kang maipintas dito.
“Si Tatiana?”
Kung hindi ako nagkakamali, Tatiana is Zeke’s twin sister. Hindi ito nakarating sa kasal namin kaya hindi ko pa nakikilala. Napaisip tuloy ako kung anong klaseng tao si Tatiana. Kaugali ba siya ng kapatid at ama niya o kaugali ng mom niya?
“Out of the country. Hindi ba siya nagpaalam sa ‘yo?” tanong ni Mom at tumingin sa anak.
Si Dad ay naupo sa kabisera habang si Zeke ay sa kabilang gilid nito katapat ng Mommy niya. Naupo naman ako sa tabi ni Zeke.
“She never mentioned leaving the country.”
Pinag-usapan pa nila ang kapatid ni Zeke bago mapunta sa buhay naming mag-asawa.
“How’s your marriage life? Okay naman ba ang relasyon ninyong dalawa, Eula?”
Tumaas ang aking kilay sa itinanong ni Mommy. Parang gusto kong huwag na lamang iyong sagutin.
“Okay naman po.” Except sa may pinatay si Zeke kanina dahil lang pinapasok ako sa meeting room.
“That’s good. Magandang nagkakasundo kayong mag-asawa.”
I don’t know about that. Sa ngayon kasi, kinakapa ko pa talaga ang ugali ni Zeke pero sobrang hirap niyang basahin! Hindi ko alam kung natutuwa ba siya sa ginagawa ko o hindi. Never niyang ipinakita na natutuwa siya. Normally, iisipin mo na para mo siyang napipikon sa itsura niya.
He’s terrifying. Mas lalo lamang akong natakot sa kanya dahil kanina.
Ayoko nang balikan ang mga nangyari kanina. Nadadagdagan lamang ang mga bagay na kinatatakutan ko. I hate seeing blood. Naalala ko lang kapag nakikita ko ang sariling dugo ko.
Madalas si Mom ang kumakausap sa akin. Nakikinig lang si Dad, and he silently observed us. Kung magsasalita man ang ama ni Zeke, si Zeke ang kausap niya at tungkol iyon sa trabaho o sa organisasyon nila.
Natapos ang pagkain. Naisipan kong gumala muna sa bahay. Abala pa rin kasi sina Zeke at ang dad niyang mag-usap.
Napansin ko ang picture frame kung saan bata pa si Zeke. Somehow, he’s smiling in this picture. Tipid man pero makikita mong nakangiti siya. Samantalang ang kapatid niyang babae, wala rin talagang emosyon. That answered my question a while ago.
Bukod kina Mom and Dad, may dalawa pang taong naririto na hindi ko kilala.
“Those were his grandparents.” Nilingon ko si Mom nang magsalita siya. Tipid itong ngumiti sa akin. “Ito ang mama ko at ito naman ang dad ni Zav. Close si Zeke sa kanila at mahal na mahal niya ang lolo at lola niya.”
Napangiti rin ako sa sinabi ni Mommy. Halata naman iyon dahil ang isang kagaya ni Zeke ay ngumiti sa litrato kung saan kasama niya ang grandparents niya.
Gusto kong magtanong kung nasaan ang mga ito dahil hindi sila um-attend ng kasal namin pero…may napansin ako sa sinabi ni Mommy kanina.
“Maniniwala ka ba kung sabihin ko sa ‘yo na mag-ex silang dalawa?”
Nanlalaki ang aking mga matang tumingin kay Mom, gulat sa narinig mula rito.
“Totoo. Mag-ex silang dalawa noong kabataan nila. Ang problema, they didn’t end up together. Kami ni Zavian ang nagkatuluyan. Small world, ‘no?”
I was amazed by the story. Muli kong tinitigan ang litrato.
“Sometimes, things weren’t working out for you because they are meant for someone else. Kung nagkatuluyan silang dalawa, walang ako at Zavian. Wala rin sanang Zeke at Tatiana. And you, you’re not going to meet him.”
Tama ang sinabi niya. Minsan may mga bagay na hindi nangyayari kagaya ng gusto natin. Madalas pa’y nagagalit tayo kapag hindi akma sa gusto natin ang nangyayari sa buhay natin. Hindi natin alam, it was for the best. Hindi natuloy para sa atin dahil nakalaan ito para sa iba at may mga bagay na mas magandang mangyayari naman para sa natin, higit pa sa gusto nating makamtan.
Ilang oras pa kami sa bahay ng mga magulang ni Zeke. Magaan ang pakikitungo ko kay Mommy dahil mabait naman talaga siya sa akin.
“Mom, we need to go home.”
Nilingon ko si Zeke at agad na nagtama ang paningin naming dalawa.
“Oh, sure. Ingat kayo pag-uwi.” Nilapitan ako ni Mommy at niyakap muli. “Visit us frequently, alright? Our door is always open for you.”
Nagalak ako sa mga salitang iyon ni Mommy. Nagpaalam din ako kay Dad.
Sumakay kami sa kotse at lahat ng sayang nararamdaman ko ay agad na naglaho. Again, it’s just the two of us—me and Zeke.
Ito na naman iyong takot na nawala ng ilang sandali dahil hindi kami magkasama ni Zeke kanina, pero ngayong kami na lang ulit dalawa, ginagapangan na naman ako.
I think, I owe him an apology pero mukhang ayaw niyang tanggapin. Sabi niya nga kanina, hindi niya iyon kailangan. Gusto ni Zeke, kung anong sinabi niya ay sundin mo at kung hindi, hindi niya tatanggapin ang kahit anong paumanhin mula sa ‘yo.
“Padadagdagan ko ang bodyguards mo. I will re-assign Raya.”
Nakuha niya agad ang aking atensyon dahil sa sinabi niya. Gulantang kong nilingon si Zeke habang siya ay komportableng nakaupo sa kabilang dulo ng backseat at nakatingin sa unahan.
“B-Bakit? Okay naman si Raya sa akin.” Natatakot ako na kapag nawala sa paningin ko si Raya ay may gagawin si Zeke na hindi maganda rito.
“I will assign someone else. Raya is irresponsible to her job—”
“Zeke, huwag mong sasaktan si Raya. Wala siyang ginagawang masama.”
Nilingon ako ni Zeke. Umurong ang tapang ko nang makita ko kung gaano nagniningas sa galit ang mga mata niya.
“Don’t cut me off when I’m speaking, Eula.” He massages the bridge of his nose and exhales a deep breath. “I will not do anything to Raya, bibigyan ko lang siya ng mas babagay na trabaho sa kanya. Guarding you is not suited for her.”
Hindi pa rin gusto ang ibinalita niya ay masaya na akong wala siyang gagawin kay Raya. As long that it will stay like that, hindi na ako magpupumilit sa gusto ko.
“I’m sorry about earlier. Hindi ko talaga alam na may iba kang kasama sa silid na iyon—”
“Do you know who were the people I was meeting with? You just stepped into a lion’s den! You stepped inside a room full of murderous people.” Ramdam ko ang diin ng bawat salita, but Zeke is still trying to talk to me with calmness and composure. Hindi ko masabi alin ang mas nakakatakot: ang sigawan niya ako at least nakikita ko na galit talaga siya o itong nagpipigil.
But what did he say? Murderous people?
Umiling muli si Zeke. Sumenyas siya sa driver at nakita ko ang pagsasara ng partition na nagse-separate sa backseat at front at driver’s seat; giving us more privacy to talk without thinking kung may nakikinig ba sa amin.
“Those people are part of those organization we don’t have alliance yet. Ang magpakita ka sa kanilang harapan ay para bang nanghihikayat kang patayin ka nila.”
Nangilabot ako sa bawat salitang naririnig ko. I am still ignorant with the mafia world. Hindi ko pa masyadong gamay ang pasikot-sikot doon. You don’t grasp everything overnight! Hindi ganito ang kinalakihan kong buhay kaya naninibago pa ako. Wala akong ideya na…ganoon.
“Kailangan kong higpitan ang seguridad sa ‘yo or else they will see that as an opportunity to attack you or target you, lalo na kapag wala ako sa tabi mo.”
Nang pinasok ko ito, akala ko ang iisipin ko lang ay kung pakikisamahan ba ako ni Zeke nang maayos o sasaktan niya rin ako. Ngayong naririnig ko ang mga ito sa kanya, dagdag pa sa isipin ko na baka mamaya ay may bumalak na lamang patayin ako.
“Eula…” Nagtaas ako ng tingin kay Zeke, kinilabutan ako sa kanya. This is not his typical expression na parati at araw-araw kong nakikita. May kung ano sa ekspresyon niyang kikilabutan ka talaga. It screams superiority—great power. “You’re no longer just Eula Henriquez. You are now a Benavidez—my wife. And I am not just an ordinary person, I am part of a mafia organization and the boss of it. Marami kaming kalaban at maraming naghahanap ng butas para mapabagsak ako. People will try to kill you and they will try to attack you, especially those who are against me and my family, for the sole reason that you are my wife. If you don’t want to meet your end, you will listen to whatever I say and don’t challenge me, get that?”
Maging ang pagtango na pinakamabilis sanang sagot sa kanya ay hindi ko napagtagupayang gawin. Nakatulala lang ako at pinoproseso lahat ng sinabi ni Zeke.
Challenge him? I wouldn’t dare. Dahil ngayon, hindi lang ako sa kanya o kay Papa natatakot. Dumagdag ang mga taong maaari akong patayin sa listahan ng mga kinatatakutan ko.
I gulped, trying to guzzle all the anxiety that I’m feeling right now, but it was no use. Being Zeke’s wife is like digging your own grave; waiting for someone to bury you alive.