KABANATA 5

2704 Words
TUMUNOG ang aking cellphone. Kinuha ko iyon at tuwang-tuwa ako na makita ang pangalan ng kapatid kong si Entice. “En!” pagbati ko sa kanya. “Woah! That’s new. It was rare for me to hear you all so cheery, Ate.” Humalakhak si Entice sa kabilang linya na nagpangiti rin sa akin. “I love the energy.” Gloomy kasi lagi ang mood ko sa bahay. Sino ba namang hindi magiging ganoon kung pangit ang trato sa ‘yo ng sarili mong ama. Sinabayan ko ang paghalakhak ni Entice. “Napatawag ka? May problema ba?” Naglaho ang ngiti ko nang mapagtanto na baka dahil wala na ako sa bahay ay ang kapatid ko naman ang pinagdidiskitahan ng abusive kong ama. But I remember that Tita Tricia—her mom is with her. Hindi naman siguro hahayaan ni Tita na saktan ng asawa niya ang anak nila. “Wala, nangangamusta lang ako sa ‘yo. Gusto kong malaman kung maayos ka bang tinatrato ng asawa mo.” Bumuntong-hininga si Entice. “Sana oo.” “Huwag kang mag-alala, En, I’m fine. Maayos naman ako rito.” Naalala ko ang mga kilos ni Zeke para sa akin. Hindi man siya ganoong ka-vocal, makikita mo pa rin naman sa kilos niya. Though, I admit, nakakatakot pa rin siya. Nabawasan na lamang iyong kakaisip ko na baka saktan niya ako. “Good to know that. By the way, Ate, pumunta rito si Ate Madeline. Hindi niya pala alam ang bahay mo ngayon? I gave her the address and your phone number. Hindi ka raw niya kasi matawagan, sabi ko nagpalit ka na ng number. She wasn’t there in your wedding, right?” Madeline is my best friend. Since elementary ay magkaklase at magkaibigan na kami ni Mads. Hindi nga lang siya nakapunta ng kasal ko dahil nasa Palawan siya nang mga panahong iyon. May isa pa kaming kaibigan, si Harper. Nasa ibang bansa naman siya kaya’t hindi nakapunta sa kasal ko. Though, he said he’s planning to visit us here. “Oh, right. Hindi ko pa pala nakakausap si Mads,” sabi ko. “Hindi ko alam na uuwi siya rito. I haven’t checked my social medias, too. Baka kino-contact niya ako pero hindi ko napapansin. Thanks, Entice. Tatawagan ko siya mamaya.” May ilang bagay pa kaming pinag-usapan ng kapatid ko. Pinakwento ko sa kanya ang nangyayari sa kanya at sinasabi niya naman sa akin. Natapos lang ang tawag nang sabihin niyang kailangan niya nang umalis. Agad kong binuksan lahat ng social media accounts ko. Hindi nga ako nagkamali na roon ako kino-contact ng mga kaibigan ko. Tinawagan ko si Madeline lalo na nang makita ko na online naman siya. Mabilis niya iyong sinagot. “Mads!” bati ko sa kanya. Minsanan ko lang siyang makausap simula nang magbakasyon siya sa Palawan. Mahina raw kasi ang signal doon at hinahanap niya rin ang sarili niya kaya iwas muna siya sa mga social medias. “Kumusta? Nahanap mo na ba ang sarili mo?” Marahan akong tumawa matapos kong biruin ang kaibigan ko. Sa kanila lang ako nagkakaroon ng lakas magpakatotoo. Kapag mga kaibigan ko ang kasama ko, I can be myself without restraints. Kaya nang umalis sila at maiwan ako ritong mag-isa, sobra akong nalungkot. Mabuti at nakabalik na kahit si Mads lang. “Gaga! Soul-searching lang ako. Anyway, kumusta ang buhay may asawa? Okay ba ‘yang asawa mo? Akala ko kami ni Harper unang makakapagpakasal, inunahan mo pa kami! Iba talaga plot twist ng universe!” sabi ni Madeline sa akin. Napangiti ako sa kanya at sinabi sa kanya ang lahat ng kailangan niyang malaman. Sinabi niya na she’s scheduling a visit din daw dito sa bahay pero baka hindi pa ngayon. “Ang mahalaga ay nakaalis ka na sa poder ng tatay mo! Dati ko pa sinasabi sa ‘yo na umalis na sa bahay ninyong iyon, pero sabagay, oo nga pala! Nang tangkain mong umalis, grabe ang ginawa sa ‘yo ng ama mo. Ayoko nang maalala.” Ako rin, ayoko nang alalahanin iyon. “Okay naman ako rito. Walang ganyang nangyayari.” Ang problema ko lang, madalas wala si Zeke sa bahay dahil sa sobrang busy niya. “Describe mo naman sa akin asawa mo. I searched him up on the internet pero walang nalabas! May ilang articles tungkol sa success ng mga businesses nila pero sobrang dalang ng pictures nila! Nakita ko iyong ibang kamag-anak niya pero si Zeke Benavidez? Hindi ko makitaan ng kahit isang litrato! Super private.” Natahimik ako sa sinabi niya. Paano ko ba idi-describe si Zeke sa kanya without exaggerating anything? Isipin pa ng kaibigan ay hindi na tao ang tinutukoy ko sa lahat ng salitang naiisip ko para kay Zeke. “Well, the typical bachelor type of man. Basta ganoon.” “Wow, your description about him was so brilliant, na-imagine ko!” sarkastiko nitong saad sa akin. Tinawanan ko lang siya. I can’t put Zeke into words, properly. Sa isip ko, nade-describe ko naman siya pero kapag ilalagay na sa salita, ang hirap na. Para kang parating mangangapa sa mga salita para lang sa kanya. Sabi ko nga, walang sapat na mga salita para sa lalaking iyon. Zeke is hot and drop-dead gorgeous, with his cold and dark eyes, na kapag tinitigan mo siya ay mawawala ka sa sarili mo. He’s tall, well-built, and strong. He’s also mysterious din na sa iba’y sa tingin ko nakakadagdag ng appeal. And did I ever mention that he has an armband tattoo? Napansin ko iyon noong tinupo niya ang kanyang sleeves but never had the chance to examine the tattoo dahil palagi akong unfocussed whenever he’s around. “Naandiyan ba siya?” “Wala, nasa opisina. He’s a CEO. Abala iyon at walang masyadong oras para sa personal na buhay.” I sounded like a disappointed wife, pero ewan ko ba, siguro masyado akong nagiging komportable kapag naandiyan si Zeke kahit na iyong pagiging komportable ko ay may halong takot. “Oh, tell me about your honeymoon naman! Gusto ko detailed!” And she made a giggling sound on the other line. “Tumigil ka nga!” Naalala ko tuloy bigla ang unang gabi namin ni Zeke. Well, it was steamy. He was gentle at me with a hint of roughness. Siguro ay nag-iingat noon at alam niyang unang beses kong gagawin. Ang problema lang, iniwan niya ako kinaumagahan. He insisted that it was for my safety pero…basta, ginugulo pa rin ako ng pang-iiwan niyang iyon. “Ano?!” Mads was in between laughing and anger after telling her what happened. “Sandali, dapat ba akong matawa?” “Tumawa ka na lang,” sabi ko naman sa kaibigan. “Iniwan ka niya after ng unang gabi ninyo? What kind of husband is that?” Hindi ko nasagot doon si Madeline. Maging ako ay napapatanong. Kahit may alibi si Zeke, kulang ang detalyeng ibinigay niya kaya hanggang ngayon, nagugulo nito ang isipan ko. “Baka hindi ka nga niya bugbugin ay saktan ka naman, emotionally. Kasing lala ng physical abused and emotional and mental abused, girl.” She caught me there. There was an invisible slap on my face after her words hit me. “Pero baka rin mali ako. I haven’t meet him, I don’t want to conclude just yet.” Huminga siya nang malalim. “Kita tayo soon, okay? Always remember that if you need anything, naandito lang kami ni Harper. One call away lang ako, Eula. Huwag mong isiping makakaabala ka dahil never kang magiging abala sa amin. Bye na muna. See you soonest. Love yah!” Nagpaalam na rin ako at nagpasalamat sa kanyang sinabi. Ibinaba ko ang tawag at naupo sa gilid ng kama. “Ma’am Eula?” Nabasag ang katahimikan sa paligid ko nang may kumatok sa pinto ng kuwarto. Tumayo ako upang pagbuksan iyon at nakita ko si Raya. “Ma’am, I’m just here to let you know that you have an appointment with Doctor Diaz at 2 pm today.” Kumunot ang noo ko. Appointment? Bakit ako magkaka-appointment? Hindi ko maalala na kailangan kong makipagkita sa doktor. “Mr. Zeke Benavidez was the one who scheduled you with an OB-Gyn today.” “OB-GYN?” Kailangan ko pa iyong ulitin dahil baka nagkakamali lang ako. “Bakit kailangan kong magpatingin sa OB-GYN?” Si Zeke ang may gusto nito? For what? “Yes, Ma’am. I don’t know the details po, pero baka po maipaliwanag naman sa inyo ng doktor mamaya kapag nakausap na kayo. Sila pong dalawa ni Sir ang magkausap.” Tinigilan ko sa pagtatanong ko si Raya dahil mukhang hindi nga niya alam ang detalye at nautusan lamang na sabihing may appointment pala ako sa doktor. Lumipas ang mga oras at umalis nga ako ng bahay pagkakain ng tanghali para pumunta ng ospital at makasipot sa appointment ko. Iginaya ako nina Miles kung saan ang clinic at nang naroroon na kami ay kumatok sila rito. Agad naman akong pinapasok nang marinig kung sino ako. “Good afternoon, Mrs. Eula Benavidez. It’s nice to meet you.” Pinaupo ako ni Doctor Cora Diaz sa silyang nasa harapan ng desk niya. Ngumiti ako sa doktor, wala pa ring ideya kung anong dahilan bakit nagpa-schedule si Zeke ng ganito. “Sorry po, Doc, I don’t actually have any idea why I am here.” “You don’t have to worry. I just need to run some test para malaman nating maayos ang health mo, Mrs. Benavidez, at para na rin malaman ko kung anong ibibigay ko sa ‘yong contraceptive pills.” Para akong nabingi sa huling sinabi niya, na hindi ko ata narinig iyon nang maayos. “Po? Pardon me, I don’t hear your last words correctly. Ano pong sinabi ninyo about pills?” Mali lang ba ako ng narinig o talaga sinabi niya na bibigyan niya ako ng contraceptive pills? “Yes, Mrs. Benavidez. Iyan ang sinabi sa akin ng asawa mo. Hindi niya ba kayo nakausap about dito?” Hindi ako nakasagot. Paulit-ulit iyon sa aking isipan. Bakit niya ako gustong mag-pills? Wala na akong namalayan sa oras na iyon. Hinayaan ko ang doktor na mag-run ng ilang test sa akin. Wala naman daw problema sa akin at binigyan niya ako ng name ng pills na magandang gamitin para sa akin. Tinitigan ko ang reseta habang lumalabas ako ng clinic niya. Ni hindi na nga ako nakapagpasalamat sa doktor at bigla na lang umalis. Ibinigay ko kina Miles ang reseta ng doktor. Alam ko ay sa pharma na pagmamay-ari ng mga Benavidez kukunin ang pills ko. Wala pa rin ako sa sarili hanggang pag-uwi. Hindi naman sa gustong-gusto kong magkaanak pero…I am considering it. Dahil kasal na ako at may asawa, someday I want to have my own kids. Iyong tipong mamahalin ko at mamahalin din ni Zeke. Baka naman ako ang iniisip ni Zeke? Maaari ngang ganoon. Baka iniisip niya na dahil ayoko sa kasal na ito ay ayoko ring magkaanak sa kanya. Naalala ko noong unang gabing may mangyari sa amin, gumamit siya ng condom. “Anong oras uuwi si Zeke?” tanong ko kay Raya, iniisip na baka may ideya siya. “Hindi ko lang po sigurado, Ma’am. Ang sabi niya kay Miles kanina, baka raw po mas maaga siyang makauwi ngayon kumpara kahapon.” Isang pagtango na lamang ang ibinigay ko sa kanya. Sinabi ko kay Raya na gusto kong mapag-isa kaya iniwan niya ako sa loob ng silid ko. Hindi nga mali ang sinabi ni Raya. Mas maagang nakauwi si Zeke ngayon. Baka kumpara kahapon, wala siyang masyadong ginagawa sa opisina. Tumaas lang ang kanyang kilay nang makita niya ako habang ako ay may lakas ng loob sundan ng tingin si Zeke kung saan man siya pumunta. “I attended a doctor’s appointment earlier…just like what you want.” Tiningnan ako ni Zeke, ang malalamig niyang mga mata ang bumati sa akin. Inaasahan ko na magsasalita siya pero kahit isang word ay wala siyang sinabi. Pumasok si Zeke ng walk-in closet at lumabas lang nang makapagbihis na. “She gave me prescription of contraceptive pills. Sabi niya ay iyon daw ang inutos mo sa kanya. Why?” Naghahanap ako nang mas maayos na pananalita kung paano ko ilalagay ang aking nararamdaman. Hangga’t maaari, kahit na mabigat ang aking nararamdaman at gusto kong magsusumigaw ay pinigilan ko. Ayoko pa rin kasing mapikon ko si Zeke. You’ll never know what he will do to you. “That is correct,” sagot niya sa akin. Napangisi ako sa sarili ko. Iyon lang? Wala man lang paliwanag kung bakit? Akala ko nagiging maayos na ang pagsasama namin. Na hihintayin ko lang talaga na buksan niya ang puso niya sa akin. Na kahit papaano, bilang asawa niya ay concern siya. Pero sa nalaman kong ginawa niya ngayong araw, pakiramdam ko ay mali ang mga iniisip ko. Everything was one-sided. Iba ang gustong mangyari ni Zeke sa buhay naming ito. “Bakit?” Tumigil si Zeke sa kanyang ginagawa at humarap sa akin. Napasinghap ako nang biglang lumandas sa akin ang takot para sa kanya. Kapag tiningnan mo siya, para siyang galit kahit alam mo na nakatago naman at kontrolado niya ang emosyon niya. Siguro nasanay ako sa aking ama na kapag ganito na ang ekspresyon, alam kong sasaktan niya na ako. Umiling ako, kailangan kong makalimutan si Papa. Magkaiba naman silang dalawa ni Zeke, hindi ba? Hindi naman siguro ako sasaktan ni Zeke kagaya ng ginagawa sa akin ng aking ama noon. “Gusto ko lang malaman kung bakit kailangan kong gumamit ng pills—” “I don’t want to use condoms. And I assumed you don’t want to get pregnant…we’re on the same page. I don’t want unexpected or unplanned pregnancy.” Umawang ang labi ko sa sinabi niya. Mabilis ang kabog ng dibdib ko. “H-Hindi naman sa ayokong magkaanak—” “Good for you, then. In my case, I don’t like to get you pregnant. I don’t like to have kids in general.” Lalong tumalim ang kanyang mga mata habang nakatingin sa akin. Naglakad papalapit si Zeke sa akin. Simula nang ikasal kami, ngayon lang ata ako nakaramdam na masaktan sa mga salita niya. Na-offend ako nang iwan niya ako matapos ang unang gabi naming dalawa. Nalungkot ako at nag-isip kung anong mali sa akin. But he came back and told me it’s for my safety. Pero ngayon na pinag-uusapan namin ang tungkol sa pagkakaroon ng anak, doon ako nasaktan. Hindi man ako handa ngayon, I was still considering it in the future. Itinuon ni Zeke ang magkabilang kamay niya sa gilid ko. He leans towards me while I am bowing my head, hiding my expression from him. Hinawakan niya ang pisngi ko and I received a pang on my chest. His touches are like the edges of knives; sharp and ready to cut you. Nang makapunta sa baba ko ang kanyang kamay, itinaas niya ang ulo ko upang makita niya ang mukha ko. I tried to keep my emotions from him, saving myself from the danger he might bring to me. Pero talo ako. Dahil sa laro ng taguan ng emosyon, si Zeke ang mananalo. Napasinghap ako nang magtama ang mga mata namin. Napalagok ako sa magkahalong takot at kaba. “Ayokong magkaanak. In this marriage, it’s just you and me, Eula. Do you understand that?” I don’t. Maraming nabubuong tanong sa akin. Bakit ayaw niyang magkaanak? Dahil ako ang asawa niya? Kung iba ba ang napakasalan niya, gugustuhin niyang magkaanak? The last thought gave me a zap of pain that pierces my broken heart and dying hope. “I repeat, do you understand?” Kinagat ko ang labi ko para maitikom ko na lang ang aking bibig at hindi na pakawalan ang mga katanungang nabubuo sa aking isip. Tumango ako sa kanya para matapos na ang pag-uusap na ito. Binitawan ako ni Zeke at tumayo siya nang maayos. “Prepare yourself. Dinner will be served in a while. I’ll be in my study room for the meantime.” Isang beses pang nanuot sa aking sistema ang kanyang titig bago siya maglakad papalayo at lumabas ng kuwarto; leaving me with nothing but confusion and unanswered questions.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD