“THANK YOU for letting me to stay here. Naandiyan na naman si Mama. Uuwi na ako.” Lumapit si Entice sa akin. Nagpapaalam na siya ngayon dahil pabalik na siya ng bahay. “Mami-miss kita, Ate! Dalasan mo ang dalaw sa bahay, ha? Kapag may oras, ako naman ang dadalaw sa ‘yo.” Niyakap ako ni Entice at niyakap ko rin siya. Somehow, ayoko siyang umalis. Ilang araw rin siyang naririto sa bahay namin at para bang nakakapanibago ngayong aalis na siya. Nasanay na naman ako na kasama ko ang kapatid ko kahit madalas ay ang ginagawa niya, sundan lang naman si Miles. “Mag-iingat ka. Send my regards to Tita, okay?” Ngumiti ako sa kanya matapos kong humiwalay sa yakap niya. Tumingin si Entice kay Miles. Pansin ko ang pagkagusto niyang makipag-usap dito pero sa huli ay mas pinili niyang ngumiti na lamang.