MAY takip ang aking mga mata. Ganito rin ang ginawa nila noon para hindi ko malaman kung saan nila ako dadalhin. Hindi ko masabi kung saan kami papunta dahil kanina pa tumatakbo ang sasakyan. Katabi ko sa sasakyan si Entice. Kinapa ko ang kanyang kamay at hinawakan iyon dahil kanina pa siya umiiyak. Nanlalamig ang kamay niya at natatakot. Naalala ko ang sarili ko sa kanya noong unang beses akong nadakip dahil asawa ako ni Zeke. “Ate, sorry. Hindi ko lang talaga alam ang gagawin ko kanina. Ipinahamak pa kita. Nang tutukan kasi nila ng baril si Mama at sinabing papatayin ito kung hindi kita papupuntahin doon, natakot na ako.” Kanina pa siya humihingi ng tawad at alam ko na hindi niya ako gustong ilagay sa posisyong ito pero wala siyang choice. Buhay ng kanyang ina ang nakasalalay. “Okay