INIWAN kami ng kasambahay at isinara ang pinto upang mabigyan kami ng privacy.
Nakatitig lamang sa akin si Zeke habang ako ay parang nanliliit sa pamamaraan niya ng pagtingin sa akin. Walang buhay ang kanyang mga mata at sa ereng dala niya, mararamdaman mo ang pagkabayolente niya.
Dapat ko ba siyang batiin? Kailangan hindi niya maisipang hiwalayan ako. Kahit hindi ko gusto ang naging kasal namin at wala akong nararamdaman para sa kanya, kailangan kong mapanatili ang kasal na mayroon kami. Siya ang magsasalba ng kompanya namin.
“How have you been?” Matapos ang matagal na katahimikan ay nagsalita si Zeke. Malamig pa rin ang kanyang pananalita na animo’y tinatamad siya o napipilitan lamang magsalita.
Pinagmasdan niya ang buong silid ko. Hinahaplos ang iilang muwebles na malapit sa kinaroroonan niya.
Napalagok ako at napasinghap, nag-iisip ng isasagot sa kanya kahit na ang dali lamang naman ng katanungan niya.
“I-I’m good. How about you?” I’m stuttering. Ganito ang dulot niya sa akin, na kapag naririyan siya ay natatakot ako sa kanya.
I heard rumors about him…like a lot. Kaya noong una ay nagmakaawa ako kay Papa na huwag akong ipakasal. Iniisip ko kasi na baka mas doble ang gawing pagpapasakit ng mapapangasawa ko sa ginagawa nang pang-aabuso ng aking ama sa akin. I grew up in an abusive household. My father is abusive, hindi ko naman itatanggi iyon.
As for Zeke, ang sabi ay wala siyang inaatrasan at kinatatakutan. Pababagsakin niya ang mga taong ayaw niya. Buburahin niya ang mga taong bumabangga sa kanya. He’s heartless. Hindi siya nakakaramdam ng awa at mukhang wala ring konsensya. Halata naman sa ibinibigay niyang aura sa akin ngayon. He’s very authoritative.
Tumitig siya sa akin matapos niyang marinig ang aking sagot. Dumaan ang galit sa kanyang mga mata kaya’t bumigat ang nararamdaman ko. Hindi ko tuloy masabi kung totoo kayang nakita ko ang galit na ekspresyon niya o namamalikmata lamang ako?
“Why are you still living with your parents?” Tumaas ang isang kilay niya. Humakbang siya papalapit sa akin. “We have a house. Why did you choose to stay here?”
Kumunot ang aking noo sa sinabi niya. Bakit niya ako tinatanong nito ngayon? Iniwan niya ako nang wala siyang sinasabi tapos magtataka siya bakit mas pinili kong umuwi rito.
“Nanatili ako roon ng ilang araw pero…” I trailed off.
Gusto kong buksan ang topic tungkol sa nakitang mga litrato nina Dad na may kasamang ibang babae si Zeke pero iniisip ko rin na wala naman talaga akong pakealam doon. Hindi naman sa nasaktan ako, kung tutuusin ay wala akong naramdaman. Ang sa akin lang, iniisip ng karamihan na makikipaghiwalay na agad sa akin ang napangasawa.
Marami akong tanong tungkol kay Zeke. Isa na roon ay kung saan siya nagpunta nang mga panahong iniwan niya ako. Sino ang babaeng kasama niya? Makikipaghiwalay na ba siya sa akin?
Ang dami mang gumugulo sa isipan ko, wala akong niisang isinatinig.
“Pack your things, we’re leaving.”
Tinalikuran niya ako at akmang lalabas na ng silid nang muli akong magsalita.
“Saan tayo pupunta?” tanong ko sa kanya.
Nilingon niya ako at pinanliitan ng mata. Ang kanyang ekspresyon ay para bang napapagod siya sa walang kwenta kong tanong. Naitikom ko ang aking bibig.
“Uuwi sa bahay natin, kung saan dapat naman talaga ay roon ka nakatira.”
Napaismid ako sa sinabi niya. Masyado siyang suplado at tansya ko ay mahirap pakisamahan. Iyong tipo ng tao na dapat kung anong sabihin niya ay nauunawan mo agad dahil ayaw niyang pinapaulit-ulit niya ang mga sinasabi. Ang hirap niyang basahin. Hiling ko na lang na sana, hindi siya nang-aabuso. I’m done being a battered daughter and I don’t want to be a battered wife.
May pumasok na mga katulong sa kwarto ko at kaagad na inimpake ang aking mga gamit. Lahat talaga ay inilagay sa ilang maleta na dadalhin ko. Pakiramdam ko ayaw na nila akong pabalikin dito.
Naaninag ko si Zeke na nakahilig sa hamba ng pinto habang pinagmamasdan ako. Nag-iwas ako ng tingin dahil hindi ako komportable.
“If you’re done packing her things, you all may leave now.” Maawtoridad ang boses ni Zeke nang sabihin niya ang mga katagang iyon.
Nagmadali ang mga katulong na ayusin ang aking mga gamit. Pinanood ko sila upang iwasan ang paninitig sa akin ng lalaking nasa may pintuan. Umalis kaagad ang mga katulong.
Naglakad si Zeke papalapit sa akin. Kada hakbang na ginagawa niya ay ang paglagok ko sa sarili kong laway. Napapaatras din ako sa hindi malamang dahilan.
Zeke’s too intimidating and horrendous. Na ang presensya niya ay sapat na para matakot ako. Na pakiramdam ko, hindi pa man niya ako pinapakitaan ng kahit ano ay sapat na ang malamig niyang mga mata para manginig ako sa takot sa kanya.
Kung maganda na ang pangangatawan niya noon ay mas lalong nahubog ang katawan niya ngayon. Kahit may damit siyang suot ay masasabi mo iyon.
Sa pag-iisip ko ng kung anu-ano tungkol sa kanya ay hindi ko na napansin na nasa harapan ko na pala siya. Tinangka kong lumayo muli sa kanya ngunit nahablot na ni Zeke ang kamay ko. In one swift movement, naihiga niya ako sa kama.
“P-Pakawalan mo ako.” Mahina pa sa bulong ang pagkakasabi ko ng mga salitang iyon. Pakiramdam ko ay nanghihina ako dahil lamang naririto si Zeke.
“You told me never to ask you again, but am I allowed to kiss my wife? Am I allowed to have s*x with her right now?”
Natigilan ako sa magkasunod niyang katanungan. Iniisip na ito ang obligasyon ko bilang asawa, tumango ako sa kanya. As long na hindi ako sasaktan o bubugbugin ni Zeke, I am going to allow him to use my body.
Hinalikan ako ni Zeke matapos niyang makita ang pagtango ko sa kanya. Impit akong napadaing dahil sa paghalik niya.
Tinangka ko siyang itulak para makahinga ngunit para talaga akong nanghihina. Nanghihina nga ba ako o hindi ko lang din siya gustong tumigil sa ginagawa niya kahit na kinakapos na ako ng hangin sa katawan?
“I’m mad at you,” bulong niya sa gitna ng paghalik niya sa labi ko. Mababaw niya akong hinalikan muli. Nakakalasing at nakakaliyo. Para akong umiinom ng alak sa bawat lapat ng labi niya sa akin at nawawala ako sa aking sarili. “I know you don’t want this marriage, but can you at least act like you are please and happy to see your husband after not seeing him for a month?”
Hinawakan niya ang aking magkabilang pisngi. Umawang ang aking labi dahil sa ginawa niya kaya’t malaya niyang naipasok ang kanyang dila sa aking bibig. Naglalakbay iyon at tila may hinahanap sa loob ng aking bibig. Hindi ko mapigilang mariing maipikit ang aking mga mata. Something’s weird about my stomach. Parang may nagwawala roon at hindi ko mapailiwanag.
Hindi na ako makahinga. Ganoon pa man ay hindi ko siya magawang itulak papalayo o patigilin sa ginagawa niyang paghalik. Imbis na patigilin siya ay nakikita ko ang aking sarili na nadadala sa kanyang ginagawa. This is part of my duty as his wife; satisfying my husband’s needs, para na rin siguro hindi niya maisipang makipaghiwalay at iwanan ako.
Nang mapakawalan niya ang kamay kong hawak niya kanina ay dahan-dahan kong ipinupulupot ang aking braso sa kanyang leeg. Mas lumalim ang pagpapalitan namin ng halik. Nakikita ko na rin ang sarili ko na sinusuklian ang bawat paghalik sa akin ni Zeke.
“Hmm…” Hindi ko mapigilang magpakawala ng mumunting ungol dahil doon. Wala na ata ako sa sarili ko at tuluyan nang iniwan ng katinuan ko.
Bumaba ang kamay niya sa may leeg ko. Ramdam ko ang maiinit niya paghaplos sa aking leeg at pababa sa aking dibdib. Napatiyad ako nang haplusin niya ang umbok sa kanang dibdib ko. Hindi iyon nagtagal doon at ibinaba ang kamay niya sa aking tiyan pababa sa may puson ko. Nang halos maramdaman ko ang kanyang kamay sa pagitan ng aking hita ay nakagat ko ang labi niya.
Natigilan kaming dalawa lalo na nang malasahan ko ang metal mula sa labi nito. Dumurugo iyon!
“S-Sorry,” nahihiyang sambit ko. Pakiramdam ko ay namumula ang aking pisngi sa nangyari.
Tinitigan niya lamang ako. Wala akong makitang emosyon sa kanyang mga mata. Bumuntong-hininga siya bago umalis sa pagkakaibabaw sa akin.
Kinagat ko ang aking labi. Did I disappoint him for biting his lip? Nakakahiya ang nangyari!
“Zeke…” Hindi ko matandaan kung natawag ko na ba siya sa pangalan niya noon o ito ang unang pagkakataon. “Were you cheating on me? Kaya ka ba umalis at nawala ng isang buwan ay dahil nambabae ka?”
Mabilis pa sa kidlat na hinarap ako ni Zeke. I bow my head, I can’t look at him because he’s too much for me.
“May nagpadala kay Dad ng litrato na may babae ka. Sinabi niya na nambababae ka raw at makikipaghiwalay na sa akin.” Parang asido ang aking laway na kay hirap lunukin.
Nagtaas ako ng tingin sa kanya at buong tapang na sinalubong ang mga mata ni Zeke na nakatitig sa akin.
Humakbang siya papalapit at napapiksi ako nang akala ko ay sasaktan niya ako. Hindi niya ako pinagbuhatan ng kamay, instead he pressed his palm on the bed and leaned towards me.
“I am not cheating on you,” malamig niyang saad. “But be thankful to that woman you saw in the pictures, hindi ikaw ang nakalibing sa ilalim ng lupa.”
Tumayo siya nang tuwid matapos bitiwan ang mga salitang iyon. Madilim pa rin ang ekspresyon niya at kay hirap basahin.
“That’s why I told your father that I want our wedding to be intimate and not broadcasted in any types of media but he couldn’t keep his mouth shut at ipinagkalat ang tungkol sa kasal. Mabuti na lang, hindi kumalat ang litrato mo.” He shook his head like he was disappointed about that. “Dahil sa oras na malaman ng mga kalaban namin na magpapakasal na ako—as the head of our family, maaaring malagay sa kapahamakan ang buhay mo.” He tilted his head to one side. “Isipin mo na lang na nawala ako sa tabi mo sa loob ng isang buwan para hindi ikaw ang maging target ng mga kalaban ko.”
Natuyuan ata ako ng laway sa sinabi niya. Tumatak sa isipan ko na ang babaeng kasama niya sa picture ay nakalibing na sa ilalim ng lupa. Is she dead? How?
Sa sobrang pagkawala ko sa sarili ay hindi ko na napansin ang kamay na nakalahad sa harapan ko. Tiningnan ko ang kamay bago magtaas ng tingin kay Zeke. Nagdadalawang-isip ko iyong tinanggap at tumayo mula sa pagkakaupo sa kama. Nakatingin ako sa kanya at tinitimbang ko ang ekspresyon niya.
Inaakala ko kanina ay magagalit siya sa akin at pagbubuhatan ako ng kamay. Inisip na kagaya ni Papa, kapag may hindi siya nagustuhang gawin ko ay pagmamalupitan niya ako. Subalit mukhang hindi naman ganoon.
“Let’s go home, Eula.”
Parang may mainit na humaplos sa aking puso. Na sa unang pagkakataon, ang sarap pakinggan ng pangalan ko na tinatawag ng ibang tao.
I didn’t know someone who looked like a heartless human being could call my name in the softest and most caring voice I could imagine.