MASAKIT ang aking ulo nang magkamalay ako. Nakaupo ako sa isang silya habang nakatali ang aking kamay sa likod. Nararamdaman ko naman ang paa ko kaya sa tingin ko ay hindi nila ito itinali. Sa itaas ng aking ulo ay may isang ilaw. Tipong ito iyong maliit na silid kung saan dinadala iyong mga taong gusto nilang kuhanan ng impormasyon sa mga telenovela. Agad kong inilaglag ang maliit na cutter na nakalagay sa sleeves ko. Parati akong may ganito, just in case may mga ganitong pangyayari. Bukod kasi sa mabilis itong ilusot sa mga metal detector, mabilis ding itago. Bumukas ang pinto habang ginagawa kong putulin ang tali sa aking kamay. May isa akong lalaking nakita na may takip ang kalahating mukha. Kumunot agad ang noo ko sa kanya. Hindi ko ipinahalata na may ginagawa akong paraan para ma