Chapter 4 -HONEY

1728 Words
DAHIL halos wala naman akong naitulog nang nagdaang gabi, ay tinanghali na rin ako ng gising. Mabuti na lang at Sabado ngayon. Walang pasok. Magdamag kong pinag-isipan iyong sinabi ni Aria na nais niya na sa Maynila kami mag-enrol ng senior high school, noong isang araw. Pagkatapos, ay inulit niya na naman na banggitin kahapon. Tinatanong niya kung napag-isipan ko na raw ba. Actually, ang magdamag kong pinag-isipan ay kung papaano ko ito sasabihin kina papa at mama, at masisigurong papayag sila. Hindi katulad ni Kael, wala naman kaming bahay sa Maynila. Si Aria naman, ayon sa kanya, ay may tiyahin sa Maynila na pwedeng paki-panirahan. Eh, ako? Saan naman ako titira doon? Willing naman si Kael na patirahin ako sa bahay nila. Hindi lang naman daw siya ang nakatira doon. Kasama raw nito ang dalawa pa nitong kapatid, at mga magulang. Pero siyempre, nakakahiya naman 'yon. Hindi ko naman sila kilala. Well, i've already met Kael's parents. Pero hindi naman ganoon ka-close. Ang sabi naman ni Aria, ay pwede naman daw akong mag-dorm, kung talagang ayaw kong makitira kila Kael. Hindi niya rin naman daw ako maalok na makitira sa bahay ng tiyahin niya, at hindi rin nito alam kung papayag iyon. Na, naintindihan ko naman, kasi hindi rin naman talaga sa kanya 'yong bahay. Kung sakali nga, at mag-dorm ako, hindi kaya masyado pa akong bata, para bumukod ng tirahan sa mga magulang ko? Kaya ko kaya? Urgh! Inis na mariing isinubsob ko ang mukha ko sa malambot kong unan at sinabunutan ang sarili ko habang gulung-gulo kong nililimi ang mga bagay-bagay na tumatakbo sa isipan ko. Hindi naman kaya, hindi talaga para sa akin ang pag-aaral sa Maynila? Hays! Iinot-inot na bumangon na lamang ako at mabagal ang mga hakbang na tinungo ang pinto ng aking silid at nagpasyang bumaba na muna sa komedor, upang kumain ng almusal. Mamaya na siguro ako maliligo, pagkakain ko. Bago lumabas ng silid ay nilingon ko pa ang digital clock sa bed side table ng aking kama. Alas nueve. Malamang wala na si papa nito sa baba. Sabado ngayon, at may pasok pa ito sa office. Dulot ng malalim pa ring pinag-iisipan, at ng sa palagay ko ay suliranin ko na, pabuntong-hiningang marahan kong kinabig ang pintuan pasara, at lulugo-lugong bumaba na patungong komedor. Katulad ng inaasahan ko, ay wala na nga si papa roon. Ang tanging naroon ay si mama na maingat nang pinupunasan ang mga kasangkapang ginamit nila ni papa kanina, nang kumain sila ng almusal. Bagaman mayroon pa ring isang plato na nakataob sa naroong nakalatag na placemat sa lamesa, na sigurado ako, na para sa akin. Nang marahil ay maramdaman ni mama ang presensya ko, ay nag-angat ito ng tingin mula sa ginagawa nito, patungo sa akin. Kaagad na nagliwanag ang mukha nito nang makita ako. "Good morning, how was your sleep? Tinanghali ka ng gising, hindi mo na tuloy naabutan ang papa mo." Hindi ko naman sinadya, siguro dahil na rin puyat ako, at may malalim na iniisip, ay matamlay ang ngiting gumuhit sa mga labi ko. "Morning, mama." Ganting-bati ko ay mama. Lumapit muna ako rito at marahang humalik sa pisngi niya, bago tinungo ang pwesto, kung saan naroon at nakalatag ang plato at mga kubyertos na gagamitin ko. Nangunot naman ang noo ni mama na hindi inaalis ang nagtatakang tingin sa akin, dahil sa iniasta ko. Hindi kasi sanay si mama na lowbat kaagad ako sa umaga. "M--ay problema ka ba, anak?" Kaagad na usisa nito sa akin. Nag-angat ako ng tingin sa kanya at marahang umiling. Pinilit ko pang pinakaswal ang ngiti ko, para hindi na siya gaanong mag-alala. "Nothing, Ma. Napuyat lang po ako kababasa online, kagabi." Ani ko, at saka hinarap ang pagkain. Matagal ako nitong tinitigan na tila ba binabasa ang ang nasa isip ko. Halatang hindi kumbinsido nang sabihin ko na okay lang ako. At nang bigo na nakakuha ng sagot, ay naiiling na lamang itong nagkibit ng mga balikat at muling ipinagpatuloy ang ginagawa. "Siya nga pala," maya-maya, ay wika nito nang tila may maalala. "Nakapag-decide ka na ba kung ano ang gusto mong course sa college? Dapat, as early as now, pinag-iisipan mo na 'yon. Para kapag nag-enrol ka ng senior high school, alam mo na. Ilang months na lang magsasara na ang klase." Pigil na pigil ko ang pagkawala ng isang buntong-hininga. Hays, mama naman, eh. Pilit ko na nga munang kinakalimutan, at baka hindi ako matunawan. "Ahm, ma?" Sa halip, ay sabi ko rito. Baka pagkakataon ko na ito para mag-open tungkol doon. "Hmm...?" Sagot nito, na sandali lang sumulyap sa akin, at muling ibinalik sa mga platong pinupunasan ang tingin. "Hmmm... sa tingin mo, papayag si papa kung sa Maynila ako mag-aaral kapag senior high school na 'ko?" Maingat kong tanong dito. Pailalim akong nakatingin kay mama pagkatapos kong bitiwan ang tanong na iyon. Gusto kong makita kung ano ang magiging reaksyon niya. Ilang sandali itong natigilan sa ginagawa at nagtatanong ang mga matang lumipad ang tingin sa akin. Hindi ko naman maiwasang kagatin ang pang-ibaba kong labi, sa kaba. "Why? Ayaw mo na ba sa St. Ignatius? Okay naman ang school mo, ah?" Eksaheradang bumuga ako ng hangin at mahinang binitiwan ang hawak kong mga kubyertos, saka tila hapong isinandal ang aking likod sa sandalan ng silyang kinauupuan ko. "Kasi Ma, sila Aria at Kael, sa Maynila na sila mag-aaral ng senior high school, usapan namin hanggang college pare-pareho pa rin kami ng school. Saka 'di ba, Ma, mas magaganda naman talaga ang mga school sa Maynila?" Pilit ko pang pina-sigla ang tinig ko sa huli kong sinabi. Nilangkapan ko rin iyon nang nangungumbinsing ngiti. Naiiling na huminga ng malalim si mama. Patay. Doon pa lang, feeling ko wala na talaga akong pag-asa. "Anak," sabi niya, kapagkuwan. "Hindi ko alam kung papayag ang papa mo sa sinasabi mo. Napakalayo ng Maynila, para doon ka mag-aral. Hindi naman pwede na samahan kita roon at iwan ang papa mo rito. Lalong hindi pwede, na iwan ng papa mo ang trabaho niya rito at doon na tayo manirahan. Ano naman ang ikabubuhay natin doon?" Mahabang paliwanag ni mama sa akin. Alam ko may point naman siya. Pero kasi... Gusto ko talaga sa Maynila mag-aral! "At isa pa, anak," dagdag pa nito. "Hindi barkada ang pag-aaral. Iyong gusto mo lang 'yon kasi doon din mag-aaral ang mga barkada mo?" I frustratedly, heaved a sigh, and looked at her. "Ma, hindi naman gan'on. Gusto ko rin naman talaga na sa Maynila mag-college, kung sakali. Mas mapapa-aga nga lang ngayon, kasi senior high school pa lang ako. Pero sabi kasi nila, mas maganda raw, na kung saan ko balak mag-college, doon na rin ako mag-senior high school." "Sige na, Ma, please....?" pakiusap ko kay mama. "Tulungan mo na ako magpaalam kay papa." Nakita kong bumuntong-hininga ulit si mama, at saka umiling-iling. "Hindi ko alam kung papayagan ka ng papa mo na sa malayo pa mag-aral, gayong meron din namang magandang eskuwelahan dito sa malapit." "Please, Ma..." "Hay naku, Brianna, huwag ako ang kulitin mo tungkol d'yan. Doon ka sa ama mo magsabi. Kapag pinayagan ka, wala ka nang poroblemahin sa akin." Sagot sa akin ni mama. Gustuhin ko man na kahit papaano ay makahinga ng maluwag dahil, at least isa na lang ang kailangan kong kumbinsihin, ay hindi ko pa rin magawa. Mas mahirap yata makumbinsi si papa. Hays. Natapos ang usapan namin ni mama nang wala akong nakuhang siguradong kasagutan mula rito. Kay papa pa rin talaga manggagaling ang huling desisyon. Nang mga sumunod na araw ay wala na yata akong ginawa kundi ang pakiramdaman ang mood ni papa. Kung iyon na ba ang tamang tiyempo, para kausapin ko siya tungkol sa bagay na iyon. Ngunit sa tuwina, kapag naroon na, at sasabihin ko na, ay bigla naman ako mapapa-urong sa kaba. Napapansin ko na nga si mama na natatawang-napapailing sa akin. Shemay, kinakabahan talaga 'ko. Nagsabi na si Aria na nasabi niya na raw sa parents niya ang planong mag-aral sa Maynila, at pinayagan na raw siya ng mga ito. Well, si Kael, hindi niya naman na talaga kailangang magpaalam pa. Baka nga matuwa pa ang mga magulang nito kung sa Maynila nito maiisipan mag-aral, eh. Ako na lang talaga. Ngayong umaga, ipinasya ko na sasabihin ko na talaga kay papa ang balak ko. Bahala na, kung payagan ako, e, 'di salamat. Kung hindi, e, 'di, nganga. Malamang, alam ko na rin ang sagot nito sa akin, hanggang college. "Ahm, Pa...?" lakas-loob na simula ko. Maaga talaga akong gumising ngayong araw na 'to, para abutan si Papa sa almusal. Nine pa sana ang klase ko, pero six-thirty pa lang gumising na 'ko, para lang maabutan ko si papa. "Hmm...?" Sagot ni papa na hindi nag-angat sa akin ng tingin. Nasa peryodikong binabasa ang mga mata nito, habang manaka-naka ay humihigop ng mainit na kape. Sumulyap muna ako kay mama at bumuntong-hininga. Inangatan naman ako nito ng kilay. Alam kong alam niya na kung ano ang balak kong sabihin. "Ahm," "What is it?" Nag-angat na ito sa akin ng tingin, nang wari ay mainip na sa sasabihin ko. "K-kasi pa..." mariin muna akong lumunok bago nagpatuloy. "G-gusto ko po s-sana--" "Good morning!" Ngunit bago ko pa maituloy ang sasabihin ko ay inagaw na ng masiglang tinig ng bagong dating ang atensyon ni papa. Awtomatiko nitong ibinaba ang binabasang peryodiko at kaagad na nagliwanag ang mukha nang makita ang bagong dating. "Daks, pare!" Masiglang bati nito sa ninong ko na malapad din ang ngiti na tuluyan nang pumasok sa komedor. Hindi na rin ito naghintay na paupuin sa hapag. Kusa na itong humila ng bangko sa tabi ko at naupo roon. Kaagad namang tumayo si mama at ikinuha ito ng plato at kubyeryos at inilapag sa harap nito. Ako naman ay binalingan ito at inabot ang kamay upang magmano. Matamis ang ngiting tinapik pa ako nito sa ulo pagkatapos. "Ano'ng masamang hangin na naman ang nagpadpad sa'yo rito sa San Ignacio?" Tanong ni papa rito. Tuluyan nang nakalimutan ang sinasabi ko. "Birthday ni Honey." Sagot ni Ninong. Mabilis namang gumana ang isip ko. Iyong may-ari ng coffee shop. "Alam mo na... mahirap pahindian 'yon. Tiyak na susugurin ako n'on sa opisina, kapag nagkataon." Sinundan nito iyon ng mahinang pagtawa. "Oh, kaya pala." Ngiting-ngiti namang sagot ni papa. So, ano nga ni ninong ulit iyong tinatawag nitong honey?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD