Daks
"DAKS, pare!"
Awtomatiko akong napalingon nang marinig ko ang malakas na tinig ng kaibigan kong si Kit. Papunta sana ako sa canteen upang kumain ng lunch nang mag-isa.
After ng last subject namin ay mayroon kaming two-hours vacant, bago ulit ang susunod naming subject.
Sa totoo lang ay kanina ko pa ito hinahanap sapagkat hindi ito pumasok sa una hanggang ikatlong subject namin ngayong araw.
Kaklase at matalik na kaibigan ko si Kit, hindi pa man kami tinutubuan ng balahibo sa iba't ibang parte ng aming katawan.
Mayordoma namin sa mansyon ang nanay niya.
Dalaga pa lamang ang kanyang ina ay naninilbihan na ito sa pamilya ng aking ama. At kahit pa nga nag-asawa na ito ay hindi pa rin nito binitiwan ang trabaho nito.
Ipinagbubuntis pa lamang si Kit ng nanay niya nang mamatay ang kanyang ama na nagtatrabaho naman bilang security guard ng isang bangko sa bayan.
Nang mga panahon na iyon ay buntis na rin sa akin ang aking ina. Halos sabay kaming ipinanganak. Kaya't talagang literal na magkaibigan na kami mula pa lang pagkabata. Pati nga pagpapatuli ay sabay kaming dalawa.
Mula pa lamang elementarya, hanggang ngayon na kapwa na kami nasa senior high school ay nasa iisang eskuwelahan lamang kami pumapasok. Noong una ay ayaw pang pumayag ng kanyang ina sapagkat masyado raw mahal ang tuition fee sa pinapasukan kong paaralan. Kahit pa sabihin nila Papa na sasagutin nila ang gastos. Ngunit sa bandang huli ay napahinuhod din nila ito nang sabihin ni Papa na ipapasok nila sa Scholarship Foundation na mismong ang pamilya ni Papa ang nag-i-sponsor ang pag-aaral ni Kit.
"Taina ka! Sabi ko sa'yo, 'wag mo akong tinatawag na Daks, eh!" Naiiling-natatawang sabi ko rito nang makalapit. "Ang sagwa, gag0! Lalo na, kapag sa'yo nanggaling." Sabi ko pa, saka ipinagpatuloy ang paglalakad patungong university canteen.
Tila balewala namang tinawanan lang ako nito at sinabayan sa paglalakad.
Ewan ko ba naman kasi sa nanay ko kung bakit Dakila ang ipinangalan sa akin. Ang daming magagandang pangalan sa mundo, bakit iyon pa ang napili.
Actually, Aki naman talaga ang palayaw ko. Ang palayaw na Daks ay ibinigay lamang sa akin noong isang Fine Arts student na Ilocana, na naka- one night stand ko, dahil, well... as per her words, dakkel daw 'tong alaga ko.
At magmula nga noon ay umikot na ang katawagang iyon sa campus, lalo na sa mga bakla na lantaran ang pagpapakita ng pagnanasa sa akin.
Kapag naaalala ko ang gulat ko noong unang beses na may tumawag sa akin ng palayaw na iyon ay natatawa na lamang ako.
"Bakit nga pala absent ka kanina sa first three subjects natin?" Naalala kong itanong dito. "Next week midterms na, nakukuha mo pang pumetiks, ha."
Sa totoo lang, ay matalino itong si Kit, kahit medyo tamad mag-aral. Siguro, kasi nga, alam niya na sisiw lang sa kanya ang mga exams at quizzes namin. Tila ito may photographic memory. Basta ini-lecture na ng teacher namin, o kahit binasa lamang nito ng isang beses iyong mga ibinigay na pointers to review, magugulat pa ako, at madalas ma-perfect niya ang score niya. Kung may mali man, mabibilang mo lang sa mga daliri mo sa isang kamay.
Hindi ko alam kung papaano niya ginagawa iyon, pero sobrang nakakabilib.
Mapapa-sana all ka na lang!
"Okay lang 'yon," nagkibit-balikat ito bago sumagot, sabay akbay sa akin. "Stock knowledge, dude." Nakangisi pang dagdag nito habang tinatap ng forefinger ang sentido.
Tinagtag ko ang balikat ko upang maalis ang pagkaka-akbay niya sa akin. "Ikaw na matalino, gago!"
Na tinawanan lamang nitong muli.
Hindi na ito sumagot sapagkat nakarating na kami sa canteen. Iginala ko ang paningin ko upang maghanap ng maaari naming maupuan.
"Daks!" Tawag sa akin ni Carrie. Isa sa mga naging flings ko na hindi maka-move on at hindi matanggap na tapos na kami.
Of course, nakadaupang-palad niya na ang alaga ko, kaya't pati ito ay nakiki-Daks, sa akin.
Nakataas pa ang isang kamay nito at kumakaway, upang marahil ay madali ko itong makita. Kasama nito sa mesa ang tatlo nitong kaibigan, na hindi ko maintindihan kung bakit kailangang pare-pareho ng design ang bag na gamit ng mga ito.
Ngumiti lamang ako rito at gumanti ng kaway. Patay-malisya kunwari na hindi ko alam na gusto nitong sumalo kami sa lamesa nila.
Hindi naman ako bastos para hindi ito pansinin. Hindi ko na nga lamang ito pinauunlakan.
Nakita kong naiiling na pumila na si Kit sa bilihan ng pagkain habang may hawak na tray. Sumunod na lamang din ako rito at kumuha ng tray, saka nagsimula na ring ituro sa naroong canteen attendant kung ano ang kakainin ko. Sa pinakadulo ng counter ay ang cashier kung saan babayaran namin ang mga napili naming pagkain.
Ilang sandali pa ay magkaharap na kaming nakaupo sa pandalawahang mesa, sa medyo sulok na bahagi ng canteen.
Habang kumakain ay hindi ko maiwasang mapansin na tila may bumabagabag sa kaibigan ko. Hindi naman kasi ganito ang naturalesa ni Kit. Madalas ay madaldal ito at palabiro.
Kaya kapansin-pansin ang pagbabago nito ngayong araw.
Uminom muna ako ng tubig bago nagtanong. "Zup, man. Problema?"
Ilang sandali muna itong natigilan at tumitig sa akin na tila iniisip kung sasabihin ba sa akin ang bumabagabag dito, o hindi.
Nang tila nakapag-pasya nang magsalita ay binitiwan nito ang hawak na kubyertos at pormal ang mukhang hinarap ako.
"Si Marga, dude," panimula nito na saglit muling tumigil ang bumuntong-hininga.
Ang tinutukoy nito ay ang girlfriend nito, na nasa grade twelve pa lang.
"Buntis yata."
"Fvck!" Iyon lamang ang naiusal ko.
Wala sa loob na napasandal ako sa inuupuan kong silya.
"Alam na ba ng parents n'yo?" Kapagkuwan ay tanong ko rito.
Nakayuko na ito sa plato nito habang nilalaro ng tinidor ang pagkaing naroon. Larawan ng isang taong hindi alam kung ano ang gagawin.
Ramdam ko ang bigat ng kalooban ni Kit nang umiling ito at muling humugot ng malalim na hininga.
"Hindi pa. Kanina niya lang din sinabi sa akin. Kaya wala ako kanina. Pinapunta niya ako sa kanila para sabihin sa akin ang hinala niya." Naiiling na sabi nito bago binitiwan ang hawak na tinidor at padaskol isinandal ang likod sa upuan.
Kapwa nagtatrabaho sa ibang bansa ang nga magulang ni Magra at ang kasama lamang nito sa bahay ay isang kasambahay at ang nakababata nitong kapatid na nasa elementarya pa lamang.
"Urgh!" Impit na sigaw nito. Inihilamos ang dalawang kamay sa mukha at saka mariing inihagod sa may kahabaang ash blonde nitong buhok. "Fvck! Hindi ko alam kung ano'ng gagawin ko."
Wala akong masabi na nakatitig lamang dito. Sa totoo lang, kung ako ang tatanungin, ay hindi ko rin alam kung ano ang dapat na ipayo sa kanya.
O, maaaring alam ko... kung ano ang tama. Pero kaya niya na ba?
Sa edad naming kapwa disi-nueve, at parehong nasa ikalawang taon ng kolehiyo, ay napakalaking responsibilidad ang pagkakaroon ng anak.
Kundangan kasi, ay hindi ito nag-ingat.
Kaya ako, I never do unprotected s*x. Kahit pa sabihin ng kapareha ko na safe siya at maaari akong hindi gumamit ng proteksyon.
Thanks. But, no, thanks!
I always have my rubber with me.
Prevention is better than cure, 'ika nga nila.
"Baka naman delayed lang, pare." Pagpapalubag ko pa sa kalooban nito, kahit pa ako man sa sarili ko ay duda sa sinabi ko.
Nagpakawala ito ng isang hilaw na tawa. "Ewan ko." Naiiling na usal nito. "Sana nga." Saka muli, ay mariing inihilamos ang kamay sa mukha. "Urgh! Shet, promise, kapag negative ang resulta ng PT niya, hindi na 'ko ulit magpapaputok sa loob!"
Hindi ko alam kung maaawa ako, o matatawa sa gag0ng 'to, eh. "Tangna ka! Ang lib0g mo kasi!"